NANG makapasok sila sa loob ng elevator ay doon pa lang sila nakahinga nang maayos. Hinubad ni Cynthia ang suot niyang mask at shade at saka tumingin ng masama sa lalaking kasama niya sa loob ng elevator.
"Ito ba ang walang kwenta mong naiisip na ibigay sa ‘kin bilang bagong identity?" Naiinis nitong hinablot ang kwelyo ng suot niyang polo.
"S-Sandli lang naman… hindi pa tapos ang ganap! Masyado ka namang warfreak! Bitiwan mo na ang kwelyo ko!" sambit niya na medyo nanginig pa ang boses habang hawak ang mga kamay nito.
"Ayusin mo lang, ha!" Sabay bitiw nito sa kanyang kwelyo.
Maya-maya nga ay bumukas ang pintuan ng elevator kaya naman umayos sila ng pagkakatayo na animo'y walang naganap na kaguluhan sa pagitan nila. Nang bumaba ng elevator si Matthew ay sumunod na rin ito sa kanya.
Buong araw lang nakaupo sa loob ng opisina niya ang dalaga, at alam ni Matthew na naiinip na ito. Pansin niya ‘yon ngunit nagpapanggap lang siyang abala. Marami kasi siyang papeles na hindi pa nababasa at napipirmahan. Alam niyang kaunti na lang ay mauubos na ang pasensiya ng dalaga.
"Hanggang kailan ba ako ganito na narito lang sa opisina mo? Ano? Ganito na lang? Na magbabantay ako sa ‘yo araw-araw, at bubuntot ako sa'yo na parang aso? Ayoko nga!" singhal nito na napahalukipkip pa at napairap sa kanya ng todo.
Siya naman ay lihim na nangingiti. Para siyang kinikiliti sa tuwing nakikita niya ang pag-irap ng mga mata nito. Sa tuwing tatapangan din siya nito ng mukha ay mas lalo niya pang nakikita ang kagandahan ng dalaga.
"Eh ano ba sa tingin mo ang trabaho ng bodyguard? Siyempre kung nasaan ako, nandoon ka rin," sambit niyang kunwari ay napakaseryoso ng mukha niya.
"Ayoko na! I quit!"
"Oops… may pinirmahan tayong kontrata.” Pagpapa-alala niya kung saan ay itinaas pa niya ang papel na ‘yon na kanilang pinirmahan.
"Eh di magdemanda ka! Hindi mo pa ako kilala at hindi mo alam kung ako ba talaga ang pangalang inilagay mo diyan kaya naman wala kang habol!" bulyaw nito sa kanya at tumalikod na.
Naiinis itong lumabas ng opisina niya at aalis na sana, ngunit nang may mapansing mga kalalakihan na naka-itim na ibang-iba sa mga lalaking nakita nito kanina, sigurado ang dalaga na hindi ito mga tauhan ni Matthew.
"Sa’n ang opisina ni Mr. Matthew Austria?" tanong ng isa sa mga lalaki.
Nagtanong din ang lalaking empleyado roon sa lalaking nagtatanong, "Bakit niyo siya hinahanap? May apointment po ba kayo sa boss namin?"
"Wala ka na ro'n! Sabihin mo na lang kung ayaw mong pasabugin ko ang bao ng ulo mo?" Sabay ipinakita nito ang hawak na baril na nakakubli sa loob ng suot nitong itim na jacket.
Nang makita ito ni Cynthia, mabilis itong napatalikod at binalak na lang na balewalain, ngunit narinig niya na bigla na lang lumabas si Matthew para lang tawagin siya.
"Cynthia!" sigaw ng binata.
Dahil doon, naagaw nito ang pansin ng mga armadong lalaki at lahat ay napatingin. Ngumisi ang isang lalaki na kanina lang ay hinahanap si Matthew.
"Oh, boy! Kanina ka pa namin hinahanap. Ikaw lang talaga ang kailangan namin... buti nagpakita ka na—hindi mo na kami pinahirapan," nakangising sambit ng lalaki sabay buka nito sa isang parte ng jacket na suot upang ipakita ang baril na nakasuksok sa baywang nito.
"Teka, sino ba kayo? Paano naman kayo nakapasok sa building na ‘to? Hanggang dito ba naman sa building ng kumpanya ko, naririto kayo?" matapang niyang tanong sa mga lalaki. Malakas ang loob niya dahil alam niyang naroon pa naman si Cynthia; alam niyang tutulungan siya nito.
"Kayong lahat, ang tapang ng amo niyo, ‘no? Dumapa na ang ayaw madamay! Huwag niyo nang subukang pindutin ang emergency alarm ng buong building! Tahimik kaming aalis, basta makipagtulungan lang kayo!"
"Ito lang amo niyo ang kailangan namin! Hindi kami mananakit ng iba… pangako!" sabat naman ng isa pa sa mga kasama ng lalaking gustong kumuha kay Matthew. Mabilis namang dumapa ang lahat ng mga empleyado na nandoon dahil na rin sa pagsenyas ni Matthew na sumunod na lang ang mga ito.
"Hindi kami papayag na kunin mo ang boss namin!" sigaw pa ni Sebastian, kasama nito ang ilan pang mga bodyguard niyang mga lalaki.
"Huwag na kayong manlaban pa! Dadanak lang ang dugo sa buong building na ‘to; hindi niyo naman maililigtas ang amo niyo. Kaya kung ako sa inyo, makinig na lang kayo!" Nakangisi pa rin ang isa pang armado na nakatutok na ang baril kay Matthew.
Agad na lumapit ang isa sa mga kasama nito upang kunin si Matthew. Hindi naman na nanlaban pa si Matthew, hanggang sa makalabas sila ng lobby papuntang elevator upang makababa silang lahat. Ang dalawang armado ay nakatutok ang baril sa nakararami, habang hawak naman ng isa pang lalaki si Matthew sa leeg at may nakatutok na baril.
"Ano’ng gagawin natin? Tumawag na kayo ng mga pulis!" sigaw ni Sebastian.
"Sir, ano na? Pababayaan na lang ba natin si boss?" tanong naman ng isa sa mga bodyguard.
"Mga inutil!" Pinagsisipa naman ni Alfred ang mga tauhan ni Sebastian. "Hinayaan niyong makuha ang presidente at may-ari ng kumpanya?! Mga walang kwenta!" sigaw pa nito habang galit na nakatingin sa mga lalaking armado. Ngunit maya-maya lang ay may tumawag dito at nangingiting kinausap ang nasa kabilang linya ng telepono.
NAGULAT na lang ang lahat ng naroon nang may makita silang isang mabilis pa sa hangin na tumatambling. Huminto lang ito sa mga kasamahan ng mga armadong lalaki na gustong kumuha kay Matthew. Paghinto ay mabilis na kinarate nito ang mga lalaki. Ilang siko, sipa, sapak sa mukha, at tadyak ang inabot ng mga lalaking iyon mula sa dalagang si Cynthia. Sa ilang saglit ay wala nang malay ang ilang tauhan nito.
"Sige… barilin mo siya, at babarilin din kita," mahinahon lang na salita ni Cynthia sa lalaking may hawak kay Matthew.
Nakatutok ang baril nito sa leeg ni Matthew ngunit nakatutok naman ang baril na hawak ni Cynthia sa lalaki.
Napabuga muna ng hangin ang lalaki bago ito nagsalita, “Mauuna naman yatang mamatay ang lalaking ‘to kaysa tumama sa akin ang bala ng baril mo!"
“Oo nga, pero tinitiyak ko sa ‘yong hindi magmimintis ang balang ‘to papunta diyan sa bumbunan mo!”
"Ano’ng deal ang gusto mo? Noong nakaraan ka pa nanggugulo sa operasyon namin!"
"Pakawalan mo siya at umalis na kayo!"
Napahalakhak muna ang lalaki bago ito nagsalita, "Boy, maswerte ka sa nakuha mo’ng babae!" Sabay tulak kay Matthew palayo sa katawan nito. Tinangka pa nitong barilin siya, ngunit mabilis na pinaputukan ni Cynthia ang kamay nito kaya’t agad na nabitiwan nito ang hawak na baril.
“Sinabi ko na sa ‘yo… hindi magmimintis ang bala ko!” Sabay lapit ni Cynthia sa kanya.
"Humanda kayo, magkikita pa tayo!" sambit ng lalaki nang makasakay na sa elevator upang makatakas.
"Hoy! Hindi ‘boy’ ang pangalan ko ha! Bwisit ‘to!" sambit ni Matthew na animo'y matapang, ngunit alam naman ng lahat na nagpapanggap lang.
“Sir, patatakasin ba natin ‘yong lalaking ‘yon?” humahangos na sigaw ni Sebastian nang makitang nagsara na ang pintuan ng elevator.
“Tama na, wala na nga eh… hayaan na natin ang mga pulis na humuli sa kanya,” sambit naman ni Matthew na hinila na ang sekretarya pabalik sa kanilang opisina.
SPECIAL CHAPTER MAKALIPAS ang tatlong taon, tinupad ni Amanda ang kanyang pangarap na makatulong sa ibang tao at makapagligtas ng buhay. Alam niyang ‘yon lang ang pagkakataon niya upang makabawi at mapalitan ang mga masasamang bagay na ginawa niya noong siya ay assassin pa ni Mondragona.“Mula sa araw na ito ay pinaparangalan ka namin bilang isang uliran at mabuting police officer ng ating bansa, at ng buong distrito na ating nasasakupan.” Isinabit sa kanya ang medalya nang parangal bilang isang magaling na pulis sa kanilang distrito.“Asawa ko ‘yan!” malakas ang sigaw ni Matthew habang masaya ang lahat dahil sa parangal na iginawad kay Amanda bilang police woman.Sa loob nang isang linggong parangal ay naisipan nilang mamasyal. Nauna na siyang lumabas ng mall, naglalakad siya sa labas dahil hinihintay niya si Matthew, kasama nito ang anak nilang si Kyla. Maya-maya pa ay nakita niya ang isang sasakyan na pamilyar sa kanya. Mabilis siyang tumakbo papalapit sa kalsada at pumara ng sasa
CHAPTER 29Matapos niyang makalabas ng ospital, magkasama nilang pinuntahan ni Matthew ang kulungang kinaroroonan ni Saulo."Bakit narito ang mga mababait kong bisita? Isang duwag at isang traydor!" nakangising sambit ni Saulo nang may pang-uuyam.Habang humahakbang palapit sa kanila, nakaposas ang mga kamay nito at hawak ito ng mga bantay. Marahan itong umupo sa harap ng lamesa kung saan naroon silang nakaupo na rin."Nasaan si Mondragona? Saan siya nagtatago?" tanong niya sa lalaki."Bakit? Hindi pa ba kayo masaya na nahuli na ako? Alam kong natatakot kang habulin ka pa rin ni Mondragona, kaya lang… problema niyo na ‘yon!" Malakas na naman itong humalakhak. Sa galit ni Matthew, nasapak na naman niya ang lalaking noon ay itinuring niyang pamilya. "Walanghiya ka talaga! Sisiguraduhin ko na mapapatawan ka ng parusang hindi mo makakalimutan! Kulang pa ang kamatayan na parusa na ibibigay sa ‘yo!" sambit ni Matthew sa kanya. "Tama na, Matthew!" Inawat na niya sa binata."Hindi kayo magk
CHAPTER 28Mahinang tumango si Cesil. "Oo, pero papangunahan na kita… hindi ko maipapangakong ligtas ang anak niyo," sambit ni Cesil.Napaharap sa pader si Matthew at malakas nitong pinagsusuntok ‘yon. "Bakit?! Bakit ganito?! Kasalanan ko ang lahat ng ‘to!" Malakas niyang sinuntok ang pader hanggang sa manakit at dumugo ang isang kamao niya."Matthew, tumigil ka na! Alam mo naman na hindi makakabuti para sa ‘yo at kay Cynthia ang ginagawa mo!" Tumigil nga siya at marahang napatalungko na lang. Walang upuang naroon kaya roon na lang sa sahig siya tuluyang sumalampak, nakabaluktot ang mga tuhod at ipinatong ang dalawang kamay sa ibabaw ng kanyang mga tuhod."Ate, sana lang ligtas siya. Alam ko naman na isang himala na lang ang makaligtas pa ang baby namin. Sa hirap ng mga pinagdaanan niya para lang mailigtas tayo, alam kong isang himala na lang ‘yon. Kaya sana… si Cynthia manlang ay iligtas ng Diyos! Alam kong sa kabila ng lahat, may Diyos pa rin na nakakakita ng lahat. Sana ay ligtas
CHAPTER 27Ang paligid nila ay napupuno ng iba't-ibang bagay; may mga kadenang bakal, mga nabaling makakapal na kahoy, mga nagkalat na basyo ng mga bala ng baril, baril na wala ng bala, mga palaso, at iba pang mga bagay na ginagamit sa pakikipaglaban. Sa ‘di kalayuan ay may malalaking kutsilyo na animo'y itak, at espada naman ang ibang naroon… kinakailangan niyang makuha ang alin sa mga ‘yon.Sa pagtakbo niya ay natumba siya. "Matthew, dapa!" malakas niyang sigaw dahil kinalabit na ng isa pang lalaki ang gatilyo ng hawak nitong baril. Mabilis namang napadapa si Matthew sa sahig upang maiwasan din ang balang ‘yon.Agad niyang nadampot ang ilang basyo ng bala, at malakas na pinitik ‘yon patungo sa lalaki. Tinamaan ang mata nito kung kaya't nabitiwan nito ang baril."Ahh! Ang mata ko!" Napahawak ang mga kamay nito sa isang mata na tinamaan ng basyo ng bala. Ilang sandali pa ay nakita niyang duguan na ang isang mata ng lalaki."Cynthia!" Mabilis naman na nadampot ni Matthew ang baril at
CHAPTER 26Ngayon ay natitiyak niyang kilalang-kilala rin ito ni Matthew dahil tinawag nitong Tito si Saulo, ang isa sa mga founder ng samahan nila. Bahagyang ikinagulat ni Cynthia ang bagay na ‘yon, ngunit hindi na rin siya nagtaka pa. Alam niyang halang ang bituka nito kung ang isang walang kaluluwang tulad ni Saulo ay magkaroon nang malaking kinalaman kay Matthew."A-Ano’ng ginagawa mo rito? Ano't buhay ka pa pala? Paanong buhay ka pa, at naririto ka ngayon sa aking harapan?" sunod-sunod na tanong ng binata. Kita niya ang panginginig ng panga ni Matthew at halatang hindi makapaniwala."Mahal kong pamangkin, alam mo kasi… ang minana mo lang ay galing at talino ng ama mo sa pagnenegosyo. Pero ang talino ko at diskarte sa mga bagay-bagay… ‘yun ang hindi mo nakuha ng lubusan.""Ano ngang ibig sabihin nito? Bakit ka nandito? Ang alam ko, matagal ka nang patay. Hindi ba’t iniwan mo ako sa puder ng asawa 't anak mo? Tapos ngayon, heto ka at buhay na buhay? Ano’ng kalokohan ‘to, Tito?""D
CHAPTER 25Agad naman ‘yong kumawit sa isa sa mga bakal ng pader. Hinila niya ‘yon upang matiyak na hindi matatanggal, at nagsimula na siyang umakyat sa pader gamit ang lubid. Sa loob ng dalawampung minuto, nasa likod na siya ng lalaking bantay na agad niyang binalian ng leeg, at saka naglakad nang mabilis ngunit walang ingay upang marating ang iba pang mga bantay; isa-isa niyang napatumba ang mga iyon. Mabilis niyang natalo ang mga bantay sa una at ikalawang palapag. Hanggang sa makarating siya sa ikatlong palapag, si Indiana, ang nakaabang sa kanya."Indiana, ayokong mapatay ka... bibigyan pa kita ng pagkakataong tumakas—umalis ka sa harapan ko," sambit niya sa dating kasamahan at kaibigang si Indiana."Aanhin ko pa ang sumuko at mabuhay? Handa na ako kung ito na ang katapusan ko. Gusto ko ng tunay na laban, total wala na kayo nina Ruine at Abbie… ano pang saysay?" tanong ni Indiana, isa sa mga sampung Snake Lady na naging kaibigan niya."Mahal ko ang lalaking binihag niyo, kaya ib