Inicio / Romance / SIGNED, SEALED, MARRIED / 3 | THE MOST ANNOYING PROPOSAL

Compartir

3 | THE MOST ANNOYING PROPOSAL

Autor: KiKoWrites
last update Fecha de publicación: 2026-10-29 16:09:27

Sophia’s POV

May mga araw talagang mapapaisip ka kung bakit ka pa nagsisikap sa trabaho kung ang ibang tao naman ang umaani ng credit.

“Good job sa report, team,” sabi ni Ma’am Jessa. “Especially sa recommendations. Very helpful.”

Ngumiti ang katrabaho kong si Adrian. “Thank you, Ma’am. I tried to make the analysis more practical.”

Napatingin ako sa kaniya. Ako ang nag-overtime para sa analysis na iyon at nag-ayos ng recommendations matapos niyang magpasa ng figures na hindi nagtutugma. Pero siya ang tumanggap ng papuri.

Pinili kong manahimik. Pagod na akong ipaliwanag ang mga bagay na dapat namang halata.

Pagbalik ko sa desk, may text mula sa hindi naka-save na number.

Lunch. We need to talk.

No, we don’t.

I have a proposal.

If this is another announcement, send it to your family. I’m not attending.

It’s not an announcement.

Then email it.

Some proposals are better discussed in person.

Iisa lang ang kilala kong mayabang na kayang gawing business meeting ang simpleng paghingi ng tawad.

Si Horris Villareal.

One hour. At kapag kalokohan ito, aalis ako.

Fair enough.

Pumayag ako dahil gusto kong malaman kung ano na naman ang nasa isip niya.

⸻

Naroon na si Horris nang dumating ako. Maayos ang suot at kalmado ang mukha.

“On time,” bati niya.

“May trabaho pa ako pagkatapos nito. Hindi umiikot ang araw ko sa schedule mo.”

“You look like you came prepared to reject me.”

“Good observation.”

Nang makaupo ako, dumiretso siya sa punto.

“I want you to marry me.”

“Excuse me?”

“Contract marriage. Hindi ko hinihinging ma-in love ka sa akin. Marriage arrangement lang.”

Napahawak ako sa sentido ko. “May sakit ka ba?”

“Wala naman akong nararamdaman.”

“Hindi iyon ang ibig kong sabihin.”

“Alam ko.”

Nakakainis. May sagot siya sa lahat.

Ipinaliwanag niya ang deadline ng pamilya niya. May tatlumpung araw siyang magpakilala ng babaeng pakakasalan niya. Kung tatanggi siya, itutuloy nila ang arranged match at maaari nilang kuwestiyunin kung handa siyang akuin ang responsibilidad sa negosyo ng pamilya.

“And you thought of me?” tanong ko. “Sa dami ng babaeng puwede mong ligawan?”

“I need someone who can stand her ground. My family doesn’t need another woman they can control.”

“Convenient. Ako ang matigas ang ulo, kaya ako ang kukunin mo.”

“I was going to say independent.”

“Mas magandang pakinggan, pero pareho lang ang ibig mong sabihin.”

“I can pay you for your time. And if you have career goals, I can help make opportunities available.”

Doon ako napasandal.

“Iyan ang problema mo, Horris. Kapag may hindi ka kayang ayusin, pera ang una mong naiisip.”

“I’m offering compensation for an arrangement that will affect your life.”

“Hindi ako produkto na puwede mong i-book for a fixed period.”

“I didn’t say you were.”

“Pero ganoon ang dating. Makukuha mo ang gusto mo, tapos ako? Ano ang makukuha ko bukod sa pera at komplikasyon?”

“Your own terms.”

Napaisip ako sandali.

“Fine. Ako ang magtatakda ng mga kondisyon.”

Inilabas ko ang notebook ko. Hindi ako papasok sa kasunduan nang walang malinaw na boundaries.

“Una, hindi ka makikialam sa career ko. Hindi mo ako ilalagay sa trabaho dahil asawa mo ako, at hindi mo gagamitin ang pangalan mo para sabihing may utang na loob ako sa iyo.”

“Agreed.”

“Pangalawa, hindi mo ako gagawing dekorasyon sa mga business event. Sasama ako sa family gatherings ayon sa napagkasunduan, pero hindi mo gagamitin ang pangalan ko para makakuha ng deal o pabor.”

“Reasonable.”

“Pangatlo, walang kontrol sa personal kong buhay. Hindi mo ako pagbabawalang makipagkita sa mga kaibigan ko. At huwag mong asahang magpapanggap akong may tunay akong nararamdaman sa iyo.”

“Hindi ko hinihinging mahalin mo ako.”

“Good. Kasi hindi kasama sa package ang feelings.”

Napatawa siya. “You really know how to make a man feel wanted.”

“Nililinaw ko ang terms, hindi kita pinapakilig.”

Idinagdag ko ang iba pang kondisyon: malinaw na bayad, tagal ng arrangement, at proseso ng pagtatapos nito. Kung lalabag siya sa kasunduan, may karapatan akong umatras.

Hindi ko pa alam kung tatanggapin ko ang proposal. Ayokong siya lang ang may kontrol.

“May isa pa,” sabi ko.

Tumaas ang kilay niya. “Of course there is.”

“Isang linggo.”

“Isang linggo ng ano?”

“Bubuhay ka nang walang apelyidong Villareal, perang puwede mong basta ilabas, o koneksiyong puwede mong tawagan para iligtas ka.”

Nawala ang ngiti niya.

“Seriously?”

“Very. Gusto kong makita kung kaya mong tuparin ang mga pangako mo nang hindi umaasa sa pangalan mo.”

“Are you asking me to live like an ordinary person?”

“Hinahamon kitang kumilos nang hindi umaasa sa pribilehiyo mo.”

Tiningnan niya ako bago nagtanong, “Paano kung tanggapin ko?”

“Then you have one week to prove you can do it.”

“And if I succeed?”

“Pag-uusapan natin ang susunod na hakbang. Hindi ibig sabihin noon na oo na ako sa kasal.”

Tumango siya at iniabot ang kamay.

“Deal.”

Tinanggap ko ang handshake. Walang pangako ng kasal at walang pirma.

“Good luck, Horris.”

“I think I’ll need it.”

“Finally, something we agree on.”

Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Bago ako umalis, narinig ko siyang nagsalita.

“See you soon, Mrs. Villareal.”

Lumingon ako.

“Subukan mo ulit akong tawagin niyan, at sisiguraduhin kong sa bangketa ka matutulog sa susunod na linggo.”

Tumawa siya habang itinataas ang mga kamay bilang pagsuko.

Lumabas ako ng restaurant na hindi pa rin sigurado kung tama bang pinatulan ko ang proposal niya.

Pero may isang bagay akong gustong makita.

Kung mawawala ang pera, apelyido, at mga taong laging handang sumalo sa kaniya—ano ang matitira kay Horris Villareal?

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • SIGNED, SEALED, MARRIED   6 | SOME THINGS STAY HIDDEN

    Sophia’s POVKinabukasan ng pagkikita namin ni Horris sa café, gumising akong dala pa rin ang tanong na hindi ko masagot: bakit naroon ang pangalan ni Mama sa lumang dokumento ng mga Villareal?May mga tanong na hindi mo kailangang sagutin agad.Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang naghahanda papasok sa trabaho. Pero mahirap sundin ang sarili mong payo kapag pangalan ng namayapa mong ina ang nakita mo sa dokumentong may kaugnayan sa isang pamilyang halos wala kang alam.Elena Mendoza.Tatlong salita lang sa papel, pero sapat para guluhin ang umaga ko.Pinili kong huwag munang tawagan si Horris. Siya ang may hawak ng dokumento, pero hindi ibig sabihin no’n ay kailangan kong umasa sa kaniya sa bawat hakbang. Kung may gusto akong malaman tungkol kay Mama, kaya kong magsimula sa sarili ko.Pagdating sa opisina, agad kong binuksan ang laptop at tinapos ang report na kailangan kong ipasa bago magtanghali. Hindi ko kayang pabayaan ang trabaho dahil lang may misteryong hindi

  • SIGNED, SEALED, MARRIED   5 | A DEAL WITH A CATCH

    Sophia’s POVMay mga desisyong madaling gawin kapag wala ka pang alam sa posibleng kapalit.Ang problema, paano kung bago ka pa makapagdesisyon, may biglang lumitaw na dahilan para magduda ka sa lahat?Iyon ang naisip ko habang binabasa ang mensahe ni Horris.HORRIS: We need to discuss the terms properly.ME: Akala ko ba malinaw na ang proposal mo?HORRIS: The proposal, yes. The details, not yet.ME: At kailangan talagang magkita tayo?HORRIS: Unless you want to negotiate a marriage contract through text.Napabuntong-hininga ako.May punto siya. Nakakainis man aminin.⸻Nasa isang café kami nang magkita ulit. Nauna siyang dumating, at sa pagkakataong ito, wala siyang dalang mamahaling regalo o kung anong bagay na puwedeng gamitin para mapabilib ako.Isang folder lang ang nasa mesa.“Good,” sabi ko habang umuupo. “Mukhang natutuhan mo nang hindi lahat ng problema nadadaan sa pagpapadala ng kung anu-ano.”“Hindi ko naman balak magpadala ng bouquet ng kontrata.”“Please don’t. Baka ibali

  • SIGNED, SEALED, MARRIED   4 | RULES OF THE HOUSE

    Sophia’s POVMay isang bagay akong natutuhan sa pakikipag-usap kay Horris Villareal: kapag sinabi niyang kaya niya, huwag kang basta maniwala.Posibleng kaya naman talaga niya. Ang problema, mukhang sanay siyang may ibang taong nag-aayos ng mga bagay para sa kaniya.At ngayong nagsimula na ang challenge, malalaman natin kung hanggang saan ang kaya niyang gawin nang walang tulong ng apelyido niya.HORRIS: Day one. No Villarell privileges.SOPHIA: Congratulations. Gusto mo ng certificate?HORRIS: Preferably framed.SOPHIA: Sarili mong pera ang pambayad sa frame.Maya-maya, nag-message ulit siya.HORRIS: I missed the bus.Napahinto ako sa pagbabasa ng email.SOPHIA: Bakit?HORRIS: I was checking the route.SOPHIA: Habang umaalis ang bus?HORRIS: I didn’t realize the driver was that committed to leaving on time.Napailing ako habang pinipigilan ang tawa.SOPHIA: Horris, bus ’yan. Hindi personal assistant mo. Hindi maghihintay dahil may ginagawa ka.HORRIS: The next one is full.SOPHIA: Th

  • SIGNED, SEALED, MARRIED   3 | THE MOST ANNOYING PROPOSAL

    Sophia’s POVMay mga araw talagang mapapaisip ka kung bakit ka pa nagsisikap sa trabaho kung ang ibang tao naman ang umaani ng credit.“Good job sa report, team,” sabi ni Ma’am Jessa. “Especially sa recommendations. Very helpful.”Ngumiti ang katrabaho kong si Adrian. “Thank you, Ma’am. I tried to make the analysis more practical.”Napatingin ako sa kaniya. Ako ang nag-overtime para sa analysis na iyon at nag-ayos ng recommendations matapos niyang magpasa ng figures na hindi nagtutugma. Pero siya ang tumanggap ng papuri.Pinili kong manahimik. Pagod na akong ipaliwanag ang mga bagay na dapat namang halata.Pagbalik ko sa desk, may text mula sa hindi naka-save na number.Lunch. We need to talk.No, we don’t.I have a proposal.If this is another announcement, send it to your family. I’m not attending.It’s not an announcement.Then email it.Some proposals are better discussed in person.Iisa lang ang kilala kong mayabang na kayang gawing business meeting ang simpleng paghingi ng tawad

  • SIGNED, SEALED, MARRIED   2 | DENYING THE BILLIONAIRE

    Sophia’s POVIlang beses ko nang binuksan ang litrato ni Mama sa cellphone ko mula kagabi.Nandoon pa rin ang mukha niya, nakangiti sa paraang matagal ko nang hindi nakikita nang personal. Kasabay ng larawan ang mensaheng hindi ko maintindihan.Miss Mendoza, I believe you should know something before you get involved with the Villareals.Sinubukan kong mag-zoom in, umaasang may mapansing detalye. Wala. Mukha lang ni Mama ang naroon.Isinara ko ang litrato. May trabaho akong kailangang tapusin. Hindi ko puwedeng gugulin ang buong araw sa paghahanap ng sagot sa mensaheng hindi ko alam kung dapat pagkatiwalaan.“May kaaway ka ba?” tanong ni Trina mula sa kabilang desk.“Bakit?”“Kanina ka pa nakatitig sa screen na parang may utang sa ’yo.”“Meron. ’Yung taong nag-imbento ng Monday hanggang Friday na trabaho.”Napatawa siya. “Kumusta ang gala?”“Success. May mga taong kayang mag-announce ng kasal kahit wala pang napag-uusapan ang dalawang taong involved.”“Wait. Ikaw ba ’yung—”“Trina, tr

  • SIGNED, SEALED, MARRIED   1 | THE WRONG WOMAN

    Sophia’s POV“Miss, you’re blocking the entrance.”Abala ako sa receptionist habang hawak ang invitation at clutch.“I’m aware,” sagot ko. “May pila sa likod ko. Kung gusto mong mauna, congratulations. Pareho tayong marunong maghintay ng turn.”May tumawa sa likuran ko. Lumingon ako sa matangkad na lalaking nakaitim na suit at relong mas mahal pa yata kaysa sa ilang buwang sahod ko.“Do you always talk to people like that?” tanong niya.“Only when they start talking to me.”“Thank you. You can move along now.”“I’m actually trying to get in.”“Congratulations. Pareho tayo ng goal.”Sa halip na mainis, ngumiti pa siya. Bumalik ako sa receptionist.“Nasa listahan po ba ako?”“Yes, Miss Mendoza. You’re here as a representative of the marketing team.”“I’m Horris,” sabi ng lalaki.“Good for you.”“Horris Villareal.”Doon lang ako napatingin nang maayos. Pamilyar ang apelyido mula sa business news at society pages.“Ah.”“That’s it?”“Ano bang gusto mo? Standing ovation?”Natawa siya. “Mos

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status