Walang kasing saya ang dalagang si Mariya matapos niyang matanggap bilang assistant of the assistant sa isang kumpanya. Bagamat maliit na posisyon lang 'yon para sa iba ay malaking Achievements na iyon para sa kaniya.
Panganay sa limang magkakapatid si Mariya at siya lamang ang kaisa-isang nakapagtapos ng pag-aaral kaya naman siya ang inaasahan na magtataguyod sa kaniyang mga puro bata pang kapatid. Si Mariya ay 21, ang sumunod sa kaniya ay 10, ang pangatlo ay 8, ang pang apat 6, at ang bunso naman ay 4. Puro sila babae kaya naman doble kayod si Mariya para maialis niya ang pamilya sa magulong lugar na tinitirhan nila. "Nay, huwag na po kayong mag-alala, mas gagalingan ko pa po. Basta alagaan niyong mabuti ang mga kapatid ko." Wika ni Mariya sa ina niyang abala sa pagluluto ng agahan. "Hindi ka ba muna kakain? Anong oras ba ang pasok mo? intayin mo na ito at baunin mo na lang kung nagmamadali ka." nagmadali itong hanguin ang piniritong itlog at nilagay sa isang tupperwear na may kanin. "Ito lang ang kumasya sa inabot mo noong nakaraan, mamaya problema na ang hapunan. Anak, nahihirapan na akong pagkasyahin sa atin ang kakarampot mong kita. Mamasukan na kaya akong katulong?" "Hindi na, 'Nay. Hindi mo na kaya. Huwag po kayong mag-alala, gagawa po ako ng paraan." "Paano? Anong paraan? eh, kakatanggap mo pa lang sa trabaho?" "Basta, ako ang bahala. Antayin niyo ako mamaya at may kakainin tayong masarap." Matapang at matalino sa buhay si Mariya. Hindi siya basta-basta sumusuko sa problema. Nakayanan niyang makapagtapos ng pag-aaral nang hindi kumakain ng almusal at tanghalian tuwing pumapasok. Tinatabi niya ang kaniyang baon na galing sa pagiging Scholar para ipambili ng kanilang hapunan. Kaya naman si Mariya ay sexy ang pangangatawan nang dahil na rin sa pagpapalipas niya ng kain. __________________ Mariya Maria point of View. Nagmamadali akong pumara ng jeep dahil ayokong ma-late sa trabaho. Sa lahat kasi ng pinagtrabahuhan ko ay ito na ang pinaka okay sa lahat. May libreng pagkain sa pantree at may pa rice allowanace pa. Saan ka pa 'di ba? "Manong, paki abot po." wika ko sa katabi kong pasahero rin sabay abot ng benteng buo. "Salamat!" nakangiting sabi ko pagkatapos. Ako si Mariya at masiyahin akong tao. Palagi akong nakangiti sa lahat ng tao na nasa paligid ko kahit na sa loob ko ay napakaraming lungkot na nakatago. Hindi naging patas ang mundo sa akin. Sa murang edad ay natuto na kaagad akong dumiskarte para lang mabuhay. Lima kaming magkakapatid at magkakaiba ang ama namin. Ito kasing si nanay sa bar nagtratrabaho kaya nagkaganoon at iba-iba kami ng tatay. Tatay na hindi nagpakatatay. Never napanagutan ang nanay kaya lahat kami ay walang nagsusustentong ama. Medyo nakakahiya man pakinggan pero ano ang magagawa namin, 'di ba? Basta ang sinabi ko sa sarili ko ayokong maging kagaya ni Nanay. Hindi ako magpapagamit kung kani-kanino lalo na kung hindi ko naman mahal. Mahirap kami pero hindi ko kayang magtrabaho bilang parausan ng mga lalaking nagloloko sa kanilang asawa. Nakalagay sa sampong utos yon. Huwag kang makiki-apid! Mabalik tayo sa trabaho ko, Nakababa na ako ng jeep at kasalukuyang naglalakad patungo sa mismong building ng kumpanya. Pang limang araw ko pa lang na pumapasok rito pero parang matagal na ako dahil sa dami nang bumabati sa akin. Este nang ngumingiti pabalik sa akin dahil nauuna akong ngumiti sa kanila. Ganito ang dapat na tularan ng mga empleyado. Palangiti. Tulad kong palabati. "Oh, Mariya ang aga mo ngayon, ha? kumain ka na ba? wala namang promotion kapag maaga pumasok." wika ni Dina sa akin. Di na naubusan ng tanong yan sa 'kin. Isa siya sa mga unang naka-close ko rito at sa lahat siya yung parang pinaka mapagkakatiwalaan. "Oo, kumain na 'ko kaya lang nagutom ulit ako. Gusto mo ba ipagtimpla kita ng kape?" "Sure. Ikaw talaga ang inaantay ko kasi masarap ka magtimpla ng kape." "Binola mo pa ako, ha!" Kaagad ko nang ibinaba ang bag ko sa table ko at agad na nagtungo ng pantree. Oo. masipag akong magtimpla ng kape sa kanila. Talagang nagpe-presinta ako hindi dahil gusto ko silang itimpla kung hindi dahil sa isang dahilan pa. "Ito, gusto 'to ni bunso." kaagad kong sinilid ang isang biskwit sa bulsa ko. 'ito. milo! para ito kila Andeng." sunod kong isinuksok sa bulsa ko ang 3 sachet ng Milo. "ito mamaya ko na babalikan." iginilid ko muna ang limang sachet ng Twin pack Coffee at limang cup noodles para mamaya ko balikan. Masyado kasing halatain kung pilit kong pagkakasyahin sa bulsa ng coat ko. "Salamat sa pagtitimpla mo sa amin ng kape araw-araw. Alam mo bang ikaw lang yung ganito dito? buti na lang talaga dito ka sa amin nilagay. Napakasipag mo." puri ni Dina sa akin. "Uyy, ano ka ba? Wala yun noh!" sa isip-isip ko naman ay "hindi niyo lang alam kung bakit. Masipag kasi akong mag-uwi ng pagkain galing pantree para sa mga kapatid ko." hindi ko na isinatinig. Dali-dali ko nang nilagay sa bag ang una kong nakulimbat. Hindi naman siguro ito masama dahil para sa amin naman talaga yung mga pagkain sa pantree. Iyon nga lang, bawal iuwi. Minus 10 na lang ako sa langit. Ang importante ay may kakainin mamaya ang pamilya ko. Naging mabilis kang ang maghapon ko dito. Nalibang ako sa pagxe-xerox ng pagkarami-raming papeles at pagtingin ko orasan ay uwian na. Oras na para ilagay sa bag ko ang tinabi kong mga pagkain. Dali-dali akong nagtungo sa pantree kunwari ay iinom lang ng tubig. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa, no people, sabay suksok sa bag. "Hindi naman siguro malulugi ang kumpanya dahil lang dito." sa loob-loob ko. Tagumpay ang plano ay nakauwi ako sa bahay bitbit ang mga pagkain na kinulimbat ko. Masayang masaya ang mga kapatid ko kahit na biskwit lang at Milo ang hapunan. Panay ang pasalamat nila sa akin. "Ate, ang sarap nito! magkano ang bili mo dito? uuwian mo ba ulit kami bukas?" Tanong ng sumunod sa akin na si Budang. "Oo naman. dadamihan ko pa bukas ang bili. Hindi ko alam na gusto mo 'yan, eh! Bukas niyo na kainin yung Cup noodles, ha! masarap yun, galing Japan 'yun." pagyayabang ko pa. Napangiti na lang ang inay. Alam niya kasi kung saan talaga galing yung mga pagkain na inuuwi ko. Hindi na lang niya sinasabi sa mga kapatid ko dahil wala naman may gustong kumain ng galing sa kupit. Wala lang talaga kaming choice sa ngayon.THIRD POINT OF VIEW. I'm starting to feel guilty because I feel like even my parents are being affected by how broken I am. So, I've decided to finally let Shonee go. I love her, but she can't reciprocate my love. She feels suffocated by the way I show her my love. I thought there was a chance for us, but she rejected me, and the reason she's transferring schools is because of me. Wala naman talaga may Shonee yung problema kung hindi nasa akin. I knew from the start that she only saw me as a friend, but I was the one who assumed that her feelings for me could be more than that. I was wrong because I made her my whole world. Wala akong ibang nakikita maliban sa kagandahan niya. Its not Shonee's problem kung hindi niya ako kayang gustuhin. Ako itong masyadong naging obsessed sa kaniya. Ngayong araw, aking kaarawan, nag-desisyon ako na mag-move on na. Ayoko na kasing umiyak sa isang taong wala namang paki sa akin. Naaawa na rin ako sa mga magulang ko dahil nalulungkot sila kapag m
Dos Enriquez POINT OF VIEW Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko ngayon. Ngayon na nandito kami sa eskwelahan ng anak ko at nakahuna na ang kasagutan sa malaking katanungan sa isipan naming mag-asawa. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa na sa wakas ay masasabi kong mali kami. Mali kami ng iniisip na mag-asawa at hindi talaga bakla ang anak naming si Third. Lalaki siya na nagkakagusto sa isang babae. Dinig na dinig naming mag-asawa ang lahat at sapat na ang aming mga nakita at narinig upang sabihin na hindi bakla ang anak namin. Lalaki siya. Isang matapang na lalaki na nagmamahal sa babaeng tinitibok ng kaniyang puso. Nakakalungkot lang sa part ko bilang magulang na marinig kung paano madurog ang puso ng anak ko. Narinig ko kung paano siya bastedin ng babaeng nagugustuhan. Masakit. Sobrang sakit. Hindi ko ito inasahan na isang araw ay maririnig ko ang ganito. Isang Enriquez na tinanggihan ng babae? Ang anak kong guwapo at sobrang bait? Nahahati din ang puso ko ngay
Bilang magulang, naiintindihan ni Mariya ang naging reaksyon ng asawa. Talagang masakit sa isang ama kung ang kaisa-isa pa nitong anak na lalaki ay magiging pusong babae pa. Kaya naman agad na kumilos si Dos. Kasama ang asawang si Mariya ay agad silang nagtungo sa eskwelahan na pinag-aaralan ng anak. Isang eskwelahan na puro anak ng mayayaman ang nag-aaral. Isang ekslusibong paaralan na milyon ang halaga ng tuition. Ang mga nag-aaral dito ay mga anak din ng mga kaibigan ni Dos sa negosyo kaya isang malaking kahihiyan din para sa kaniya kung totoo ngang pusong babae ang anak. Ilan kasi sa kumpare niya ay biniro niyang ipagkakasundo sa kaniyang ka-isa isang anak. "Babe, just be soft to him. Don't shout at him. Kausapin mo siya sa bahay na lang. huwag dito. Huwag mong ipapahiya ang anak natin. Tandaan mo hinala pa lang natin ito. Hindi pa napapatunayan." mahigpit na paalala ni Mariya sa asawang si Dos bago sila bumaba ng sasakyan. Isang malalim na bugtong hininga ang ginawa ni Dos
Ipinanganak na ang taga pagmana ni Dos. Ang unang maswerteng bata na magpapatuloy ng apelyido na Enriquez. Tinawag na maswerte ang batang ito pagkapanganak na pagkapanganak pa lamang dahil hindi biro ang kayamanan na meron ang kaniyang ama. At dahil siya pa lang ang anak ay sa kaniya lahat mapupunta ang kayamanan at ari-arian ng mga Enriquez. At kahit magkaroon pa siya ng kapatid ay hindi pa rin matatawaran ang halaga ng kanilang paghahatian dahil na rin sa sobrang yaman ng kaniyang ama. Si Third ang unang anak ng mag-asawang Mariya at Dos. Kasalukuyan siyang ngayong grade 6 at hindi pa rin siya nasusundan kaya naman ang lahat ng atensyon at pagmamahal mula sa kaniyang magulang ay nasa kaniya lang. Gaya ng kaniyang lolo at ng kaniyang ama, si Third ay biniyayaan ng magandang mukha. Isang guwapong mukha na hindi maikakaila na namana niya sa kaniyang lolo at ama. Kaya naman abot-abot ang dasal ni Mariya na huwag sanang magaya sa kaniyang lolo si third paglaki niya na kung saan ay na
MARIYA MARIA POINT OF VIEW Hindi ko maipaliwanag yung sakit as in sobrang sakit. Parang nahahati sa apat ang balakang ko. Hindi ko akalain na sa araw pa talaga ng kasal namin ako manganganak at hindi talaga ako handa dahil kanina lang ay lumulutang ako sa kasiyahan tapos ngayon ay panay na ang tulo ng luha ko dahil sa sobrang sakit. Ganun pa man, alam kong matatapos rin ang sakit na ito at magiging sulit ang pagluha ko dahil ang kapalit nito ay masisilayan na namin ang anak ko. Punong-puno ng takot ang dibdib ko ngayong ako at mga nurse na lang at dakawang doktor ang nandito sa loob ng E.R. ewan ko kung bakit hindi na nila pinayagan na pumasok ang asawa ko gayong sa iba ay umuubra naman. Iba kasi kapag nasa tabi ko si Dos. lumalakas ang loob ko. ito pala yung mangyayari na sinasabi niya kanina. Akala ko sa honeymoon pa namin ko isisigaw ang pangalan niya pero ngayon na pala. "Aray ko dosssss!!!! Ayoko na!!!! Ahhhh..... sobrang sakit!!!! Dos!!!!" Sigaw ko. "Misis kalma lang po. Ib
Hindi na mapipigilan ang dalawang pusong nagmamahalan dahil ngayon ay isa na silang ganap na mag-asawa. "Mariya, wala na akong ibang mahihiling pa. Ang tanging masasabi ko lang ngayon ay salamat! Maraming salamat dahil pinatawad mo ako at minahal pa rin sa kabila ng mga pangit kong nagawa. Pangako ko na simula sa araw na ito ay araw-araw kitang mamahalin at magiging tapat sa 'yo sa lahat ng oras. Ibibigay ko sa 'yo ang lahat ng mayroon ako ngayon at hanggang sa huling hininga ko ay pangalan mo lang ang babanggitin ko. I love you, Mariya!" "Dos, ako itong dapat na magpasalamat dahil sa pagdating mo sa buhay ko. Wala na akong masasabi dahil sobrang pinasaya mo ako sa araw na ito. Pangako, magiging mabuti akong may bahay sa 'yo. Mamahalin ko kayo ng magiging anak natin ng higit pa sa buhay ko. I love you, Dos! I love you more than you ever know." "You may now kiss your bride!" Sa harap ng pari, ng mga tao, at ng Diyos, si Mariya at Dos ay isa ng ganap na mag-asawa. Sa pinagtibay