Share

Chapter 29 - punishment

NASA Makati ang apartment ni Safhire. Mas malapit sana mula sa airport. Pero naisip ng dalaga na baka may ibang nakatira na sa unit niya kaya niyaya na lamang niya si Athrun na doon na sila tumuloy sa condo unit ni Ray. May kalayuan ang biyahe lalo't mahigpit ang traffic. Halos nakatulugan na ng binata ang pagkainip nang dumating sila sa pupuntahan.

Huminto ang sasakyan nila nang humarang ang guard. Binuksan ni Safhire ang bintana sa tapat niya at binati ang guwardiya. Agad siya nitong nakilala. Sumenyas ito na tumuloy sila. Umusad ang sasakyan papasok ng basement ng condominium.

Mula sa underground parking ay sumakay sila ni Athrun sa elevator paakyat ng 35th floor. Hindi na niya halos napansin na hawak na naman ng lalaki ang kamay niya. Komportable na rin siya sa init na nagmumula sa palad nito na para bang matagal na niyang nakasanayan iyon. Saglit silang nagkakatitigan habang palabas ng elevator.

Nilandas nila ang pasilyo. Siya na ang nagpatiuna at hinahatak si Athrun. Nang tingna
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status