Share

STAHD 39

NERISSA

Mabilis akong humarap sa kanya,mali ang pagkakarinig ko di’ba?

“ Ano’ng sabi mo?”

Nakakunot ang nuong tanong ko,tumikhim siya at umiwas ng tingin.

“ Nothing,you can go back to your work now.”

Pumormal ang boses niya at tumalikod na.Napatingin na lang ako sa likod niyang papalayo,ang weird ng lalaking ‘yon. At bakit niya ba ako niyakap,amoy pawis kaya ako.

Naglakad na ako papuntang kusina.Naabutan ko si ‘nay Lara at ate Marj na nag-uusap . Nang makita ako nila ,napatayo sila pareho.

“ Halika,magmeryenda muna tayo. Nagutom ako sa kakahanap sa’yo eh.”

Napangiti lang si ‘nay Lara sa sinabi ni ate Marj at naglagay ng bananaque sa isang plato at inabot sa’kin.Lumapit muna ako sa lababo at naghugas ng kamay.

“ Salamat,sakto po at nakaramdam na din ako ng gutom.”

Sabi ko ng makaupo,kumagat sa bananaque at napatingin sa kanila. Naiiling na napangiti,ngumiti na din ako.

“ Hindi ka kasi nagtanghalian,bigla ka pang nawala.Sa sususnod magsasabi ka kung saan ka pupunta,sobra kaming nag-alala
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status