Share

STAHD 54

“ Tatay sandali lang po,huminahon po muna kayo hindi ako aalis.”

Napatayo na ako,napahawak sa tiyan ko ng bigla ay may sumagid na sakit. Huminga ako ng malalim,naiiling na tumayo na din si tatay.

“ Hindi mo kilala si Alejandro Nerissa,demonyo ang lalaking ‘yan. Alam ko ang ginagawa niya sa’yo dito. Kaya sa ayaw at gusto mo,sasama ka sa’kin at aalis tayo dito. Bumalik na ako ,kaya wala ka ng utang na dapat bayaran. “

Biglang parang nawala sa sarili si tatay at napasabunot sa buhok.

“ ‘tay ayos lang po kayo.”

Napatingin siya sa’kin,napakurap at mabilis na lumapit sa’kin. Hinawakan ang braso ko,napaigik ako ng dumiin ang hawak niya.

“ Uuwi na tayo,nandito na si Hillary kaya wala ka ng pakinabang sa kanya. Kailangan natin siyang unahan bago pa siya mismo ang magpa alis sa’yo dito.”

Pilit kong inaagaw ang braso ko,pero mahigpit ang hawak niya.

“ Hindi po mangyayari ‘yon,mahal ako ni Hace at mahal ko rin siya. Hindi ako aalis, ‘tay nasasaktan po ako.”

Naluluha na ako,napailing lang siya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status