Share

Chapter 25.1

Napakuyom ang mga kamay ni Andrei ng mabasa ang mga headline ng balita dahil sa pinakalat na fake news ng impostor na Vin. sa lahat ng social media platforms ay laganap ang issue tungkol kay Vena at samut- saring mga masasamang komento ang lahat ng kaniyang nababasa.

Sa totoo lang ay hindi niya alam na ganito ang magiging resulta ng lahat at mukhang hindi pa maganda ang kinalabasan. Hinid niya lubos akalain na maiisip ng mga ito ang ganuong sitwasyon para siraan si Vena at kung tutuusin ay halos lahat ng tao ay maniniwala sa mga binitawang salita ng impostor na iyon dahil nga hindi talaga nagpakita si Vena hanggang sa huling araw ng burol ng Daddy nito.

Dahil mainit din ang issue ay pati siya ay nadadamay dahil alam na ng press na siya ay asawa ni Vena at halos hindi na rin siya makakilos ng malaya dahil simula paglabas pa lamang niya ng bahay ay may nakabuntot na kaagad na mga reporter sa kaniya hanggang sa pagpasok niya ng kaniyang opisina.

Dalawang araw nga lang pagkatapos maiburol
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status