“Ano?” tanong nito at biglang nagsalubong ang mga kilay.Dahil sa ekspresyon ng mukha nito ay mukhang may hindi na naman magandang nangyari at hindi niya alam kung tungkol saan iyon. Nanatili siyang nakatitig rito at pagkatapos ay nakinig lamang sa mga susund na sasabihin nito.“Paano yun nangyari?” kunot na kunot ang noo nitong tanong sa kausap nito.Sa pakiwari niya ay mukhang si Mario na ang kausap nito dahil sa tono ng boses nito. Mukhang sa wakas ay nagawa na nitong silipin ang cellphone nito. Napahilot ito ng sentido at pagkatapos ay muling bumalik sa loob ng kaniyang bahay, ang plano nitong pag- alis na sana kanina ay hindi na nito nagawa pa dahil nga sa may tumawag na rito.Sinundan niya lamang ito ng tingin at sumunod rito.“Wala bang nakakita?” tanong nito sa kausap at kitang- kita niya ang pagkuyom ng isa sa mga kamay nito at halos maglabasan din ang mga ugat nito sa noo, tanda na nagpipigil na naman ito ng galit. Mukhang may hindi na naman talaga magandang nangyari, sana
“Ano hindi ka pa rin ba magsasalita?” tanong ni Finn sa impostor na Kuya ni Vena.Hinawakan niito ang buhok nito at pagkatapos ay pinatingin sa kaniya. Putok na ang labi nito at may bitak na rin sa kilay nito dahil sa mga suntok na ginawa ni Finn rito. Ni kahit na katiting na awa ng mga oras na iyon ay wala siyang maramdaman para rito.Kulang pa ang mga iyon sa mga ginawa nito sa kapatid ni Vena na totoong Vin. bigla niyang nakita ang unti- unting pagguhit ng ngiti sa mga labi nito at pagkatapos ay nauwi sa pagtawa nito.“Wala kayong makukuhang impormasyon sa akin at isa pa, gusto kong malaman ninyo na patay na ang tunay na Vin.” tumawa ito. “Itinapon namin siya sa dagat kahapon at hinayaang magpalutang- lutang sa dagat habang wala ng buhay panigurado akong pinagpyestahan na siya ng mga pating—”Hindi na nito natapos pang sinasabi dahil siya na mismo ang sumuntok rito. Galit na galit siya ng mga oras na iyon dahil sa kaniyang naririnig. Proud na proud pa ito sa ginawa nitong krimen at
Hindi maiwasan na hindi mapakuyom ang mga kamay ni Andrei pagkalabas nila ng silid kung saan naroon ang impostor na kuya ni Vena. Ayaw nitong magsalita at nananatiling nakatikom ang bibig, sa itsura nito ay mukha talagang wala itong balak na sabihin kung sino ang amo nito.Pero dahil sa hawak nila ang cellphone nito ay kailangan lang nilang ipa- track sa mga tauhan ni Finn kung sino ang lalaking tinawagan nila kanina na ang nakapangalan lang ay boss. Gamit ang numero nito ay masisiguro nila kung sino ito at kung nasaan ito.“Malalaman din natin kung sino ang may pakana nito. Huwag ka ng masyadong mag- alala.” sabi ni Zake sa kaniya ngunit napabuntung- hininga lamang siya.“Oo nga, ilang oras lang ay mat- track din nila kung sino ang boss nito.” dagdag naman ni Finn. “Ang pinakamabuti mo munang gawin sa ngayon ay magpahinga kana lang muna dahil baka naman magkasakit ka. Halos hindi ka na yata natutulog.” sabi nito sa kaniya.Napapikit naman siya at pagkatapos ay napasandal sa upuan at
“At ano naman ang tungkol sa kaniya? Alam mo ba kung nasaan siya?” tanong nito habang nakakunot ang noo.Isang tango ang isinagot niya rito. Tyaka na lamang niya sasabihin sa mga ito ang tunay na nangyari. “Sumama kayo sa akin.” sabi niya at nauna ng sumakay ng kotse niya.Ilang sandali lang ay pinaandar niya iyon at tiningnan niya kung susunod nga ba ang mga ito at sumunod nga sila sakay ng kotse na pinagsakyan ng mga ito kanina.HALOS mag- iisang oras din ang nakalipas bago sila tuluyang nakarating sa lugar kung saan nila iniwanan ang impostor na si Vin. hindi pa rin kasi nila alam o wala pa rin kasi silang nakukuhang impormasyon tungkol rito kahit na ang totoong pangalan nito.Pagkalabas niya nga ng kaniyang sasakyan ay mabilis niyang inantay ang pagdating doon ng sasakyan kung saan nakasakay ang magkapatid na si Luke at si Thirdy. Hindi nga rin nagtagal ay pumarada na rin ang kotse sa harap niya. Mabuti na lang din at hindi niya nakalimutan ang daan patungo doon.Hinintay niyang
Abot- abot ang pagkabog ng dibdib ni Vena habang naglalakad palapit na sa bahay nila. Napalunok siya at pagkatapos ay palingon- lingon sa kaniyang paligid. Takot na takot siya ng mga oras na iyon dahil baka mamaya ay makakita o may makakilala sa kaniya.Kalat pa naman ang issue tungkol sa kaniya at sa pagpapatay niya diumano sa kaniyang ama. Malalim na ang gabi ng mga oras na iyon kaya panatag na rin naman kahit papano ang pakiramdam niya. Hindi naman siguro siya basta- basta makikilala ng mga tao lalo pa at nakasuot naman siya ng shades at nakabalot din ang buo niyang mukha sa isang shawl.Mabuti na lang din at napakiusapan niya si ate Lorna na tulungan siyang makaalis ng islang iyon upang makausap niya ang knaiyang mga kapatid at makahingi ng tulong sa mga ito. Isa pa ay kailangan niyang magpaliwanag rito tungkol sa biglaang pagbabago ng last will ng kaniyang ama at kailangan niya ring dalawin ang puntod ng kaniyang ama upang magbigay ng respeto.Ilang sandali pa ng ay natanaw na ni
“Ano?” kunot na kunot na tanong ni Thirdy nang marinig nila ang sinabi ng tauhan ni Finn na may alam kung sino ang boss na tinawagan nila kanina gamit ang cellphone ng impostor na iyon.Halos pare- pareho sila ng reaksiyon nang marinig nila ang sinabi nito at hindi sila makapaniwala. Maging siya ay gulat na gulat at hindi niya inaasahan na ito pala ang may utak ng lahat ng iyon. Bigla tuloy nabuo ang tanong sa kaniyang isip kung bakit nito nagawa ang mga bagay na iyon. Ano ang nagtulak rito?“Pero bakit?” halos manghinang tanong muli ni Thirdy.Nang lingunin niya ito ay nakasabunot na ito sa buhok at tila ba mababaliw na dahil lang sa nalaman nila ng mga oras na iyon. Maging siya ay nagulat dahil sa nalaman nila, isa pa ay hindi niya inakala na ang boss ng impostor na iyon ay ang lalaking iyon. Wala siyang ideya kung bakit.“Hindi mo ba natatandaan Thirdy noong una siyang dumating sa bahay?” biglang tanong sa kaniya ni Luke na ikinalingon nila rito.Napapikit ng mariin si Thirdy at n
Hindi makapaniwala si Thirdy sa kaniyang nakikita ng mga oras na iyon. Napakusot pa siya ng kaniyang mga mata upang siguruhin lamang na hindi siya namamalikmata ng mga oras na iyon. Pagkamulat niya ng kaniyang mga mata ay naroon pa rin ito.“To- totoo ba itong nakikita ko?” halos nauutal na tanong niya dahil sa sobrang pagkamangha. Baka mamaya ay siya lang pala ang nakakakita rito.“Bakit hindi mo lapitan?” narinig niyang sabi ni Andrei kaya hindi na siya nagdalawang isip pa na takbuhin ang kama.Nang nasa harap na siya nito ay mabilis niyang niyakap ito at totoo nga.“Daddy!” punong- puno ng emosyon na sambit niya habang yakap- yakap niya ito.Parang ayaw niyang maniwala, parang pinaglalaruan lang siya ng kaniyang paningin pero totoo nga. Buhay ito. Buhay ang kaniyang ama!…“Paanong nangyari ito Andrei?” baling sa kaniya ni Luke habang pinapanuod nila si Thirdy na yakap- yakap pa rin ang Daddy ng mga ito.Napahugot siya ng malalim na buntung hininga.“Itinakas ko siya noong araw na
“Paano nangyari iyon?” mahinang tanong sa kaniya ng ama nila Vena.Nang mga oras na iyon ay halos hindi siya makatingin rito ng diretso dahil ipinangako niya rito na sisiguruhin niyang nasa maayos at safe na lugar si Vena ngunit ganito naman ang nangyari. Kung tutuusin ay wala nga siyang mukhang maihaharap rito pagkatapos nga niyang malaman na nakaalis pala si Vena sa isla sa tulong ni ate Lorna dahil sa sobrang pagmamakaawa nito na tulungan siya.Hindi niya alam kung paano niya ito nakumbinsi ngunit nasisiguro niya na ginawa nito ang lahat ng makakaya nito upang mapapayag niya ito na tulungan siya.“Hindi ko rin po alam. Ang alam ko lang ay nasa mabuti at safe siyang lugar pero ganito naman ang nangyari, pasensiya na po.” paghingi niya rito ng paumanhin. Nasa tabi nito ang dalawang anak nito na kasama niyang nagpunta doon at nakaupo sila sa paanan nito.“Wala naman may gustong mangyari ito lalong- lalo ka na.” sabi nito na ikinagaan ng kalooban niya dahil mukhang hindi naman ito gal