Pagbalik namin sa ospital, gaya nang mga nagdaan ay huli na naman kami, tanging naabutan namin ay ang kanyang Mommy na natutulog pa din, nakumpirma namin na huli na kami nang makita naming nakapatong ang isang bote sa isang table.
"Buhay ang kinuha, buhay din ang kabayaran!" nanindig lahat nang balahibo ko nang basahin ni Louie ang nakasulat na mensahe sa likod ng larawan ni Annie."Ibig sabihin ba nito, wala na sila, patay na silang lahat?" di ko na napigilan ang emosyon ko at humagulhol nang iyak sa sinabi niya."Hindi pa natin alam Leigh, hanggat hindi natin nakikita ang katawan nila umasa tayong buhay pa sila."pagpapakalma sa akin ni Vico"Sa mga nangyayari, hindi ko na alam kung dapat pa ba akong umasang buhay pa sila."
"Leigh, sa mga nangyayari dapat hindi ka nawawalan nang pag-asa, lalo na ngayon alam na natin at sigurado na tayo kung sinong gumagawa nito"Hindi na ako sumagot kay Vico at binuhos ko nalang laVico's POV"Ang kasagutan ay makikita kung saan nagmula ang lahat""Anong ibig niyang sabihin?" takang tanong ni Louie, ilang Segundo kaming nagisip bago ako nagsalita.Napagtanto ko kung ano ang ibig niyang sabihin"Alam ko na kung saan natin sila makikita!""Saan?" sabay na sagot ng dalawa"Kung saan nagmula ang lahat!" sabi ko"Saan nga?" muling tanong ni Louie"Sa lumang bahay nina Zhelle, doon natin sila makikita, dahil doon nagmula ang lahat""Tama! Ang kasagutan ay makikita natin kung saan nagsimula ang lahat, ang sagot sa tanong nating "Nasaan sila?" ay nadon sa lumang bahay nina Zhelle, kung saan nangyari ang sunog, kung saan namatay si Kevin, kung saan nangmula ang lahat." Dagdag na paliwanag ni Leigh"So, ano pa hinihintay natin, tara na puntahan na natin sila!" pagkasabi nun ni Louie ay hindi na kami nag-aksaya nang oras at pumunta na ka
"Wala akong sinasabing ganyan Zhelle, matagal ko na kinalimutan yun, ang gusto ko lang sabihin kung sinunod mo lang sana kami noon pa, hindi mangyayari 'to, kaya pakawala mo na kami dito!" sagot ni Annie Sinagot lang ito ni Zhelle nang isang malakas na tawa. Lumapit siya sa gitna namin at kinuha ang boteng nakatayo doon. "Ayaw niyo naman ata magparty tayo, much better siguro kung maglaro nalang tayo, what do you think guys?" ngumiti lang siya sa amin. Ibang-iba ang Zhelle na nakikita at nasa harapan namin ngayon. "Tama na Zhelle! Pwede ba pakawalan mo na kami dito!!" sigaw ni Jerry at pilit na nagpupumiglas sa pagkakatali. Hindi naman ito pinansin ni Zhelle bagkus ay lumapit kay Abby. "Abby! Look, may naisip akong gawin nating game, why not maglaro ULIT tayo ng Spin the bottle! Gusto mo ito hindi ba?" sarkastikong tanong niya kay Abby, binigyang diin pa niya ang salitang "ulit". Naalala ko nang una naming laruin yun na si A
Annie's POV "Anong ibig sabihin nito?" takang tanong ni Jerry Halos bawian na ako ng hininga ng makitang babarilin ni Zhelle si Leigh, halos hindi ako tumingin ng iputok niya ang baril, akala ko tuluyan nang namatay si Leigh pero nagulat nalang ako ng bumangon siya at tumawa gaya ni Zhelle. Hindi ko maipaliwanag kung anong nangyayari at anong palabas itong ginagawa ni Leigh sa amin, nagtataka kami kung bakit siya nakikipagsabwatan kay Zhelle, anong dahilan niya para gawin iyon. "Well bago ko sagutin ang tanong na 'yan-" pinutol niya ang sasabihin niya at pinulot ang isang mahabang kahoy. "...gusto ko muna kayo makumpleto" pumuwesto siya sa likod ni Zhelle at ikinagulat namin ang sunod na ginawa niya, pinukpok niya nang malakas sa likod si Zhelle na mabilis na ikinawala nito nang malay. Nang bumagsak ito sa sahig ay tinapik niya ito sa pisngi. "Sorry girl ha! Pero hindi na kita kailangan" binuhat niya
Third persons’ POV…10 years agoHalos hindi maalis ang 10 taong gulang na batang babae sa pagkakayapos sa kabaong ng kanyang mga magulang, hindi niya matanggap na sa murang edad ay mauulila na sila. Nilapitan siya nang panganay na kapatid at niyapos.“Kuya, si Mommy at Daddy! Iniwan na nila tayo” halos maubusan na ito nang boses kakaiyak hindi matanggap ang pagkawala ng magulang.“Shhh! Tahan na Leigh! Nandito pa naman si Kuya! Hindi kita iiwan” sabi sa kanya ng 12 taong gulang na batang lalaki.“Leigh! Kevin! Halina kayo, magpahinga na kayong dalawa” lumapit sa kanila ang isang matandang babaeng kapit-bahay nila.Ang isa’t isa nalang ang meron sila, walang kamag-anak na pwede umagapay sa kanila, ang mga kapitbahay nalang nila ang nagmalasakit para mabigyan ng maayos na burol ang kanilang mga magulang.“Kawawa naman ang mga batang y
2 years ago from present“Leigh stop! Hindi ka pwedeng pumasok sa loob, masyado nang malakas ang apoy” pigil ni Vico kay LeighHindi pumayag si Leigh na hindi mailigtas ang kapatid, ito na lamang ang natitirang meron siya at hindi siya makakapayag na pati ang kapatid ay mawala sa kanya.“No! hindi natin pwedeng hayaan nalang sila sa loob, kelangan natin iligtas si Zhelle at Kevin” hindi ko alam kung paano pero nakawala ako sa pagkakayakap sakin ni Vico at hindi ko sinayang ang pagkakataon na yun para makatakbo at makapasok sa bahay na nilalamon na ng apoy”Buong lakas siyang kumawala kay Vico at tumakbo papasok sa nasusunog na bahay.“Kev! Tulong! tulungan niyo kami! Keviiiiiiin! Tulooongggg!” natagpuan nito si Zhelle na pilit binubuksan ang pintuan ng kwarto at napansin nitong nahihirapan na ang babaeng huminga dahil sa nalalanghap na usok.“Zhelle! Lumabas
Abby’s Abduction “Oh! Zhelle bakit bumalik ka? May nakalimutan ka ba?” tanong ni Abby sa kaibigan. Bumalik si Zhelle sa bahay nito para isakatuparan ang plano. “Ou eh! Nakalimutan ko kasing patayin ka!” seryosong sabi nito sa kaibiganTumawa si Abby ng malakas sa sinabi ni Zhelle. “Para kang tanga Zhelle! Last joke mo na yan! Tsaka ano ba yang suot mo nakagwantes ka pa tapos, tapos nakacoat, anong trip mo yan?” natatawang nitong tanong sa kaharap. Hindi ito nagsalita bagkus ay kinuha ang boteng flower base na nakapatong sa lamesa. “Naaalala mo ba yung nilaro natin nung masunod ang dati naming bahay?” Nanlaki ang mga mata ni Abby sa narinig mula kay Zhelle. Nagtaka siya kung paano nito nalaman ang tungkol dun dahil sa pagkakaalam nito ay wala na itong naaalala sa mga nangyari. Pumalatak ng tawa si Zhelle ng makita ang reaksiyon ng babaeng kaharap nito. “Nagtataka ka siguro k
Sam’s Abduction "Ahm guys pwede bang mauna na ako sa inyo? Pinapapunta kasi ako ni Daddy sa office." paaalam ni Sam Nagkatinginan si Leigh at Zhelle. May binuo na muli silang plano. "Samahan na kita, sabay na ako sayo, parehas lang naman way natin pauwi, nagmamadali din kasi ako may kailangan lang ako gawin, Kung okay lang naman sayo" tanong ni Annie "Sige, No Problem! tara! Guys' sorry ha, baka masabon na naman ako ni Daddy pag hindi ako nakarating" "Sige, basta mag-iingat kayo ha!" paalala ni Leigh ngunit sa loob niya ay magandang pagkakataon na ito para magawa ang susunod na plano. Nang makaalis si Annie at Sam, sinundan nila ito. Mula sa pagbaba ni Annie, pag-dating ni Sam sa opisina ng daddy nito at paglabas nito doon. “Bakit ba hindi nalang si Annie ang kunin natin!” tanong ni Zhelle sa kasama“Hindi pa sa ngayon, may plano ako para sa kanya, pagkinuha natin si Sam, maaaring isipin nila na s
Zhelle's and Jerry's AbductionTuwing mapagtatagumpayan nila na makuha ang kanilang mga biktima, ay hinahayaan niya si Zhelle na ang magdala noon sa kanilang hideout. Iniingatan niya ang sarili na hindi makita o makilala nino man sa mga ito.Mas mabuti nang si Zhelle lang ang kamuhian nila, tsaka na niya ilalantad ang sarili pag natapos na ang kanyang plano.Nang muling magkita ang dalawa ay nagusap na sila ng susunod na plano."Ano nang susunod na plano natin Leigh?"Hindi pa niya nasasagot ito sa tanong nito ay nag ring na ang kanyang phone. Sinagot naman niya ito agad."Hello, Leigh nagtext ba sayo si Sam kung nasaan siya? Tinawagan kasi ako nang Mommy niya di pa daw umuuwi, Nagalitan ata ng Daddy niya kanina, umalis daw sa office at hanggang ngayon hindi pa daw umuuwi, hindi kaya, nakuha na din siya?""Diyos ko, wag naman sana! Natanung mo na ba sila baka alam nila kung nasaan si Sam, Si Annie,