Share

EPILOGUE

Author: rhitscine
last update Petsa ng paglalathala: 2026-03-05 19:44:42
ALLISON P.O.V.

2 YEARS LATER.....

As I watch my family laughing together in the living room, I can’t help but shed tears. After everything we’ve been through, we’ve finally found peace in each other’s hearts.

"Drake, tawagin mo nga si Mommy. Maglalaro tayo," masayang sabi ni Dwayne sa panganay namin, na ngayon ay kaya nang magsalita ng tuwid, tumayo at maglakad ng mag-isa. Ang bilis din ng araw, buwan at taon. Parang kailan lang ay baby pa siya, ngayon ay tatlo na sila—kasama ang tatay na is
rhitscine

Ang kwentong ito ay tapos na. Maraming salamat sa lahat ng sumuporta at susuporta palang. Nawa'y napasaya ko kayo:) Pa-rate po ako ng story ko sa mismong book. Thank you po🫶

| 2
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • SWEET PUNISHMENT   EPILOGUE

    ALLISON P.O.V. 2 YEARS LATER..... As I watch my family laughing together in the living room, I can’t help but shed tears. After everything we’ve been through, we’ve finally found peace in each other’s hearts. "Drake, tawagin mo nga si Mommy. Maglalaro tayo," masayang sabi ni Dwayne sa panganay namin, na ngayon ay kaya nang magsalita ng tuwid, tumayo at maglakad ng mag-isa. Ang bilis din ng araw, buwan at taon. Parang kailan lang ay baby pa siya, ngayon ay tatlo na sila—kasama ang tatay na isip na bata. Karga-karga niya si Allayne, na mukhang nag-eenjoy sa ginagawa nila. “Mommy! Daddy wants you to come play with us,”nakangiting sabi ni Drake habang naglalaro ng kanyang mga kotse at dinosaur. Itong batang ito ay parang matanda kung mag-isip. Ayaw niya ng nakakalat na laruan sa kanyang mga gamit, at ayaw din niyang maistorbo kapag seryoso siya o nagbababasa ng libro. Sobrang talino—hindi namin alam kung saan niya nakuha. Kung tutuusin, parehas kaming bobo ni Dwayne sa ibang bagay, p

  • SWEET PUNISHMENT   "AUTHOR'S NOTE"

    The next chapter will be the Epilogue. Sana'y nag-enjoy kayo sa story ni Allison at Dwayne. Maraming-maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa story na ito mula sa simula hanggang sa katapusan. Sa lahat nang nag-iiwan ng comments, likes and gems, lalo na sa mga silent readers, kayo ang dahilan kung bakit natapos ko ang kwento na ito. Sana'y manatili pa rin kayo sa akin. Ito ang unang isnulat ko na story dito sa Goodnovel at hindi ito ang magiging huli. Marami pa akong pending at ilalabas na bagong kwento. Sana'y subaybayan niyo rin ang mga susunod ko pang obra. Hindi ako perkpektong manunulat kaya pagpasensyahan niyo na kung maraming errror. Nakakatamad kasi minsan mag-edit. Pero kahit isa sa inyo ay walang pumuna sa akin, inintindi niyo ang kwento. Sobrang Thank you sa inyong lahat🥹 Hanggang sa muli, paalam! - Goku🤣

  • SWEET PUNISHMENT   "CHAPTER 138"

    DWAYNE'S P.O.V "Welcome to the outside world, Baby Allayne!" Malakas ang naging sigawan nang mga tao ng makauwi kami sa bahay nila Allison. Nandoon ang lahat na para bang sabik na sabik na makita ang anak namin. "So, ako lang talaga ang walang alam sa pangalan ng ating anak?" nakangusong tanong ko. Tinawanan niya lang ako at tumango. "Pwede ko na bang mahawakan ang apo ko?" tanong ni Tita Rose. Tumango naman si Allison at maingat na ibinigay si Baby Allayne sa kanyang lola. Ang saya-saya ng mga matatanda. Tuwang-tuwa sila sa mga bata, pero kapag lumaki na, isa na silang kunsomisyon kagaya ko. Pero syempre, biro lang. Palalakihin namin ng maayos ang anak namin. "Kumusta, Mom? Ang mga bisita kahapon, nabusog naman ba sila kahit wala kami?" natatawang sabi ko. "Naiintindihan naman nila kung bakit wala kayo, anak," nakangiting sabi ni Mom. "Congrats, may dalawa ka nang tagapagmana," dagdag pa ni Mom. Ngumiti na lamang ako bilang pagsang-ayon. Hindi ko talaga akalain na darating

  • SWEET PUNISHMENT   "CHAPTER 137"

    ALLISON P.O.V. Mabilis nila akong isinugod sa pinakamalapit na ospital – ang St. Clare’s Medical Hospital. Gusto ko nang sakalin si Dwayne dahil sobrang sakit na nang nararamdaman ko. Isabay mo pa ang suot kong wedding dress, at kahit ang sandals na suot ko kanina ay hindi ko na alam kung saan tumilapon. Mabilis nila akong tinulungan na makapaglit ng damit. "Matagal pa ba, Dok? L-lalabas na ang anak ko!" Ang pawis sa aking noo ay unti-unting nagsipatakan sa mukha ko nang makahiga ako sa malambot na hospital bed. Sobrang sakit na talaga; hindi ko na kaya. "Saglit lang, Mrs. I-IE muna kita," sabi ng doktor. Gusto kong magsungit, gusto kong magalit, pero mas minabuti ko na lamang na tumahimik. Hindi ko na rin naramdaman ang daliri niya na ipinasok sa private part ko. "10 cm na, Mrs. Kapag sinabi kong umiri ka, saka ka lang iiri. Sa tiyan ang tingin kapag iiri – huwag kung saan-saan," sabi pa ng doktor, na agad ko namang tinanguan. Mayroon siyang dalawang kasamang nurse na umaalala

  • SWEET PUNISHMENT   "CHAPTER 136"

    DWAYNE'S P.O.V Ang daan patungo sa altar ay puno ng mga bulaklak at kandila na kumikislap sa liwanag ng umaga. Ang mga bisita ay tumatayo na at nakatingin sa prinsesang naglalakad sa gitna. Ang mga mukha nila ay puno ng kaligayahan at pagkamangha. Nakita ko sina Mary at Monica na nakatayo sa gilid ng altar, kasama si Greg na nakaayos din ang damit. Ang kanilang mga mata ay puno ng luha ng kagalakan habang nakatingin kay Allison. Pagkatapos ng napakagandang musika, nasa harapan ko na siya. Sobrang ganda niya sa suot niyang damit. Kahit sabihin pang kabadingan para sa iba, para sa akin ay ito ay kagalakan at punong-puno ng pagmamahal. Hindi ko maiwasang maiyak. Inabot ni Tita Rose at Tita Alyana ang kanyang kamay sa akin, at agad ko namang kinuha at hinalikan. Ramdam ko ang init ng kanyang kamay habang hawak ko ito, at naramdaman kong muli ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil natatakpan ito ng belo, ngunit alam kong umiiyak siya sa loob ni

  • SWEET PUNISHMENT   "CHAPTER 135"

    ALLISON P.O.V. Hinawakan ako ni Mom sa isang balikat at ni Mama Alyana sa isa pa habang inaalalayan nila akong tumayo. Inabot ni Ate Cassandra ang puting damit kong pangkasal—ang tela ay kumikinang sa ilalim ng liwanag ng kwarto, at ang mga detalye ng lace ay parang binuhusan ng gintong sinag. Dahan-dahan nilang ibinaba ang kurtina ng kwarto para bigyan ako ng privacy habang binubuksan nila ang zipper ng damit at inaalalayan akong isuot ito. “Dahan-dahan lang, anak,” bulong ni Mom habang maingat na inilalagay ang manggas sa aking braso. “Huwag mong masyadong igalaw ang iyong mga braso—baka masira ang lace.” Ramdam ko ang maingat na kanilang paghawak habang pilit na inaayos ang damit sa aking tiyan. Mabuti na lamang ay pinasadya itong pinatahi, dahil paniguradong hindi ito kakasya sa bilugan kong tiyan. Ang malambot na tela ay may mga nakausling bulaklak na jasmine. Ang takip ng damit ay mahaba at makintab, na umaagos sa sahig na parang alon sa dagat. Habang inaayos nila ang mga

  • SWEET PUNISHMENT   "CHAPTER 48"

    ALLISON P.O.V Kanina pa ako ni Dwayne tinatanong kung bakit namamaga ang mga mata ko pero hindi ko naman siya sinasagot. Ako nga dapat ang magtanong sa kanya, kung bakit nandito kami sa hospital at hindi sa opisina. Sumilip muna kami sa salaming bintana upang makasigurong may kasama si Cassandra. N

    last updateHuling Na-update : 2026-03-22
  • SWEET PUNISHMENT   "CHAPTER 44"

    ALLISON P.O.V Masayang naidaos ang party ni Drake. Kanina lang ay marami pang bisita, ngayon nama'y nag-sisialisan na dahil maghahatinggabi na. Nakita ko si Angelo at Annika na nakatayo sa gate, na parang may hinihintay. "Sinong hinihintay niyo diyan?" tanong ko nang makalapit ako sa kanila. "Cl

    last updateHuling Na-update : 2026-03-22
  • SWEET PUNISHMENT   "CHAPTER 45"

    DWAYNE P.O.V "Where's Tita Rose?""Tanong ko dahil lumabas lamang ako saglit kanina. Pagbalik ko, ay nawala na ang mga bantay niya. Dito na rin ako inumaga, masunod lamang ang gusto ng aking ama-amahan. "Umuwi na, may importanteng aasikasuhin." Hindi ko nagugustuhan ang paraan ng pagngiti niya na

    last updateHuling Na-update : 2026-03-22
  • SWEET PUNISHMENT   "CHAPTER 47"

    "DWAYNE P.O.V" I woke up at 6:00 am. Pinilit ko talagang gumising ng maaga para matawagan si Allison. Napahinga ako ng maluwag nang biglang magring ang cellphone niya pero hindi niya ito sinagot. Sinubukan ko ulit sa pangalawang beses, at mabuti na lamang ay sinagot na niya. "Good morning, How

    last updateHuling Na-update : 2026-03-22
Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status