NARAMDAMAN ni Mia ang maingat na pagpasok ni Erik sa kaniya habang angkin nito ang kaniyang mga labi. Napapikit nalang siya dahil sa labis na kaligayahan niya nang mga sandaling iyon.
Hanggang magsimulang gumalaw sa ibabaw niya ang binata ay hindi parin nito pinakawalan ang mga labi niya.
Mapupusok ang mga labi nitong patuloy na umaangkin sa bibig niya sa paraan na tila ba ayaw na siyang bitiwan at pakawalan. Pero marahil nang maramdaman ito ang kagustuhan niyang huminga kahit na sandali lang ay naging magpagbigay rin si Erik.
Sinamantala ni Mia ang pagkakataong iyon na nakita niyang naging dahilan ng pag-angat ng sulok ng labi ng binata. Pagkatapos ng ilang sandali nitong paggalaw sa ibabaw niya ay nagulat na lamang siya nang bigla ay hinugot ni Erik ang sandata nito palabas sa kaniya at pagkatapos ay tumayo.
"A-Anong?" taka niyang tanong.
"Okay lang ba kung doon tayo sa kwarto mo? Para maging mas komportable ka sa lahat ng gusto kong gawin sa'yo?" tanong ng binata nang marahil mahulaan nito ang tanong na tumatakbo sa kaniyang isipan.
Sa puntong iyon ay hindi maikakaila ni Mia ang magkahalong curiosity at pananabik na agad niyang naramdaman dahil sa sinabing iyon ni Erik. Kaya naman walang pagdadalawang isip siyang tumango.
Iyon lang ang obviously hinihintay ni Erik na gawin niya dahil agad siya nitong niyuko at siniil ng halik sa kaniyang mga labi. Pagkatapos ay naramdaman nalang niyang ang pagbuhat sa kaniya ng binata at ang kasunod niyon ay ang paglapat na ng likuran niya sa malambot na higaan.
Hindi na binuksan ni Erik ang ilaw sa kanyang kwarto. Ang ilaw na nagmumula sa sala ang tanging naging tanglaw nila at iyon ang nakita niyang dahilan kung bakit nagkaroon ng mas ma-erotikong pakiramdam sa kaniya ang tagpong iyon.
"Ang ganda naman nitong kama mo," si Erik iyon nakangiting hinaplos ang poste ng four-poster bed sa kaniyang kwarto.
Noon niya natatawang hinila ang kamay ng binata kaya ito nag-landfall sa ibabaw niya.
Natawa si Mia sa salitang iyon.
Landfall, parang bagyo. At ganoon naman talaga si Erik.
Oo nga at hindi pa niya nakikita ang kung ano ba talaga ang kaya nitong gawin sa kaniya at sa katawan niya pero malakas ang pakiramdam niya na hindi ito basta-basta. Nararamdaman kasi niya ang init na inilalabas ng balat nito at maging ang bigat at lagkit ng mga pagtitig nito sa kaniya at iyon ang nagbibigay ng idea sa kaniya.
"Maganda rin naman iyong kama mo ah," aniyang nakangiting hinaplos ang gwapong mukha ng lalaki saka ito dinampian ng isang simpleng halik sa noo. "Ang gwapo mo, alam mo ba iyon?" hindi niya napigilang ihayag na sa binata ang totoo at matinding paghanga na nararamdaman niya na alam niyang mababakas rin nito sa tono ng kaniyang pananalita.
Umangat ang sulok ng labi ni Erik saka ito gumanti ng isang masuyong halik rin sa kaniyang noo at pagkatapos ay hinawi ang ilang hibla ng kaniyang buhol na tumabing doon.
"Ikaw din, para sa akin ikaw ang pinakamaganda sa lahat ng babaeng nakilala ko," anito.
Naramdaman niya sa tono ng pananalita ni Erik ang katapatan sa sinabi nito. At nakita rin naman niya at nabasa ang pagguhit niyon sa maiitim pero singkit na mata ng binata. Kaya kahit hindi ito magsalita, alam niyang nagsasabi ito ng totoo.
"Talaga? Hindi ba maraming magagandang babae sa Canada?" tanong niya.
Kahit alam niya ang totoo ay mas pinili parin niya ang maglambing sa lalaki at magkunwaring hindi naniniwala sa sinabi nito.
Tumango si Erik sa tanong niyang iyon. "Pero para sa akin at sa paningin ko walang hihigit sa kagandahan mo, kahit si Nadine pa," anito.
Natigilan si Mia sa binanggit na pangalan ni Erik. "Sino si Nadine?" tanong niya.
Nagkibit ito ng balikat saka siya nakangiting dinampian ng simpleng halik sa leeg. "Ex-girlfriend ko," anitong hinawakan ang kamay niya saka masuyong dinampian ng halik. "Bukas ko na siya ikukwento sa iyo, sa ngayon, ito na muna ang unahin natin," at pagkasabi noon ay muli na nga nitong inangkin ang kaniyang mga labi sa mas maalab ang mariin na paraan.
Alam ni Mia na hindi na niya magagawang awatin si Erik sa puntong iyon kaya nagpaubaya na lamang siya, iyon ay sa kabila ng katotohanan na wala naman talaga siyang plano na patigilin ito.
At dahil nga kapwa wala na silang mga saplot ay naging madali na lamang para sa binata ang galugarin ang bawat parte ng hubad niyang katawan.
At ganoon ang ginawa ni Erik. Hinaplos nito ang bawat kurba at maging ang pinakatago at sensitibong bahagi ng kabuuan niya at gusto niyang lahat iyon.
Alam niyang may nangyari na sa kanila ng binata kanina. Pero masasabi niya iba ang init na pinag-aalab ng binata sa kaniyang pagkatao at sa buong katawan niya sa mga sandaling ito.
Kanina kasi dahil yata sa katotohanan na iyon ang una nila ay nararamdaman pa niya ang tila pag-aalangan ng binata na gawin ang gusto nito sa katawan niya. Pero iba na ngayon. Dahil ang bawat paghaplos ng labi nito sa kaniya, maging ang paglapat ng kamay nito sa balat niya at tila ba nangangako ng walang hanggang ligaya, at iyon ang tunay na pinananabikan ni Mia.
"Gawin mo ang gusto mo, okay lang," ani Mia.
Ginawa niya iyon upang mapawi kung mayroon mang natitirang maliit na pag-aalinlangan sa puso ng binata na gawin nito ang kahit anong gustuhin nito sa kaniya.
"Are you sure?" ang naniniguradong tanong ni Erik sa kaniya saka siya tinitigan ng tuwid sa kaniyang mga mata.
Tumango si Mia. "Very," sagot niya.
*****
SA puntong iyon ay tuluyan na ngang napawi maging ang pinakamaliit na pag-aalinlangan na nararamdaman ni Erik sa puso niya upanga tuluyang gawin ganap ang pag-angkin niya kay Mia.
Hindi rin niya maintindihan ang sarili niya kung bakit siya nagkakaganito dahil simula kanina nang may mangyari sa kanila ay nararamdaman niyang may kulang at gusto parin siyang punuan.
"Hahalikan kita mula ulo hanggang paa, okay lang ba iyon sa iyo? Hindi mo ako pipigilan at hindi mo ako aawatin kung sakali?" tanong niyang amuse pang napangiti habang nakatitig sa napakagandang mukha ng dalaga.
Magkakasunod na umiling si Mia bagaman kapansin-pansin ang matinding pamumula ng mukha ng dalaga.
"Hindi," sagot nito.
"Kahit halimbawang hindi ko na kayang maging gentle? Kung halimbawang maging agresibo ako, okay din ba sa iyo ang ganoon? Hindi mo ba iisipin na sinasamantala ko ang kabaitan mo?" tanong niyang muli sa dalaga.
"Wala akong iisipin na ganoon kasi gusto ko ito," nasa tono ng pananalita ni Mia ang katiyakan sa sinabi nito.
Noon lumapad ang pagkakangiti niya.
"Pumayag ka nang magpakasal sa akin Mia, para magkaroon ako ng totoong karapatan at dahilan para protektahan ka," sa huli ay iyon parin ang iginiit niya.
Totoo naman iyon, gusto niyang protektahan ng buo si Mia. Pero hindi niya magagawang ganap ang pagprotekta rito kung hindi niya gagawin ang pakasalan ito. Kapag ganoon kasi na naging asawa na niya ang dalaga ay mawawalan na ng karapatan ang kahit sino na kunin at ilayo ito sa kaniya dahil sa mata ng Diyos at sa mata ng tao, legal silang mag-asawa.
Matagal siyang tinitigan ni Mia pagkatapos ng sinabi niyang iyon at makalipas ang ilang sandali ay nagbuka ito ng bibig para sagutin siya.
"Hindi ko gustong madamay ka pa, Erik," sagot nito sa kanya.
"Pero kahit anong sabihin mo, damay narin naman ako hindi ba? Kaya lubos-lubusin na natin," giit niya.
"P-Pag-iisipan ko muna," ang sa huli ay isinagot nito sa kaniya.
Tumawa nang mahina si Erik nang maramdaman niya ang pinalidad sa tono ng pananalita ni Mia. Ilang sandali pagkatapos ay minabuti niyang dampian ito ng halik sa noo at pagkatapos ay ibinaba niya sa mga mata nito hanggang sa marating niya ang mapupula nitong mga labi.
Wala nang kahit anong salitang namutawi sa mga labi nila pagkatapos niyon. Dahil ang totoo, nang iyakap ni Mia ang dalawa nitong braso sa batok niya ay nagsimula naring mag-alab ang mainit na damdaming nararamdaman niya para rito kay katulad ng sinabi niya, naging mas mapusok siya, at sinimulan niya iyon sa pamamagitan ng mga halik niya.
“ERIK? Tama ba?” Marahil nang makaramdam na rin si Nathaniel ay ito na ang unang lumapit sa kanyang nobyo. “Ako nga pala si Nathaniel, kapatid ni Mia,” anitong hindi na nagpaliguy-ligoy pa sabay abot ng kamay nito sa kanyang nobyo. Sa puntong iyon ay muling tiningala ni Mia ang mukha ng nobyo. Kaya naman kitang-kita niya ang mabilis na pagbabago ng aura ni Erik saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Nathaniel. “Oo, would you believe it, may kuya pala ako?” aniyang muling impit na napahagikhik. “Tapos ikaw naman magseselos ka nalang ng hindi ako tinatanong?” dugtong pa niya saka niyakap muli ng mahigpit si Erik. Noon siya mahigpit munang niyakap ni Erik saka pagkatapos ay pinakawalan at walang anumang salitang siniil ng mariing halik sa kanyang mga labi. Hindi alintana ang mga taong alam niyang nakakakita sa kanila ay nagawang iparamdam sa kanya ng binata kung gaano katindi ang pananabik na mayroon ito para sa kanya. “Halika na sa loob?” anito pa ng nakangiti habang nangingislap ang
“BAKIT hindi mo tawagan si Mia, para naman may ideya siya tungkol sa pagdating natin,” suhestiyon kay Erik ng ama niyang si Fidel.Nasa byahe na sila noon patungo ng probinsya. At dahil nga nasa walo hanggang sampung oras ang biyahe. Alas kuwatro pa lamang ng madaling araw ay nasa daan na sila.“Hindi ko alam ang number niya, Tay. Ang totoo, hindi ko sure kung nagpalit ba siya ng numero o pirming nakapatay lang ang phone niya. Ilang beses ko na siyang sinubukang tawagan pero wala pa rin.”“Kunsabagay, baka mas mainam na rin ang ganitong wala siyang ideya na darating ka. Mas masosorpresa siya,” sagot naman ng kanyang ina na sa backseat ng sasakyan nakaupo.*****“MAY problema tayo, Mia,” si Nathaniel iyon na sumilip sa pintuan ng kanyang silid.“Problema?” tanong ni Mia sa kapatid niya.Abala siya noon sa pag-aayos ng mga gamit niya. Babalik na siya ng Maynila at ihahatid na siya ni Nathaniel kasama rin sina Tiya Ising at maging si Elena.“Hindi ako pinayagang hindi pumasok ngayon eh.
“HINDI ka na pwedeng bumiyahe ngayon pa-probinsya, hijo. Masyadong malayo, nasa walong ang biyahe kung tutuusin.”Si Aurora iyon nang nasa byahe na sila pauwi.Ngayon alam na niya kung saan matatagpuan si Mia, hindi na niya gustong mag-aksaya pa ng kahit kaunti panahon. Masyado na siyang nasasabik na makita ito. Gusto na niyang iuwi ang dalaga para maalagaan lalo na sa kundisyon nito.“Nay, hindi ko na mahihintay pa ang bukas. Gusto ko ng makita si Mia,” sagot niya habang pinanatiling nakatuon sa kalsada ang kanyang paningin.“Pero anak, kahit magpahinga ka naman muna,” si Fidel naman iyon. “At isa pa, gusto rin sana naming samahan ka. Kaming dalawa ng nanay mo,” dugtong pa nito.Hindi napigilan ni Erik ang kasiyahang pumuno ng mabilis sa puso niya dahil sa sinabing iyon ng kanyang ama. Kaya naman hindi na rin niya naitago pa ang nararamdaman iyon nang humalo sa tono ng kanyang boses nang siya ay magsalita.“Talaga, Tay?” tanong pa niya saka sandaling nilingon ang kanyang ama.Narinig
“E-ELENA?”Nang marahil makilala ni Tiya Ising ang babaeng noon ay abala sa pagsasampay ng mga kubre kama sa likurang bahaging iyon ng ampunan.Hindi pa man ay nakaramdam na ng mabilis na pagtahip sa kanyang dibdib si Mia. Pagkatapos ay tiningala niya ang kapatid na si Nathaniel. Nagtatanong na ang mga mata niya itong tinitigan. At nang marahil makuha nito ang ibig sabihin ng pagtitig niya ay nagkibit lamang ito ng mga balikat.“A-Ate Ising?”Ang babaeng tinawag kanina ni Tiya Ising sa pangalang Elena ang sumagot.“S-Sino po siya, Sister Cecilia?” nang hindi makatiis si Mia ay iyon na nga ang itinanong niya sa kasamang madre.“Siya ang babaeng nag-iwan sa inyo ng kuya mo dito sa ampunang ito maraming taon na ang nakalilipas,” sagot nito sa kanya saka siya mabait na nginitian.Nagulat o nasorpresa?Hindi matukoy ni Mia kung alin sa dalawa ang naging mas dominanteng emosyon sa puso niya.Hindi rin siya agad na nakapagsalita dahil nanatili siyang nakatitig lang sa babae.Katulad ng nangy
“MA’AM Eden, may naghahanap po sa inyo.”Iyon ang narinig na Bernie na sinabi ng kasambahay na si Lita sa ina niyang noon ay abalang nagdidilig ng halaman sa garden ng kanilang bahay sa Maynila.“Sino?” iyon ang itinanong nito saka lumingon sa kanila at mabilis na natigilan nang makilala siya. “A-Anak?” anitong mabilis na binitiwan ang hawak na hose saka siya nilapitan at mahigpit na niyakap.“M-Mama,” iyon ang tanging nasambit niya saka gumanti ng mahigpit na yakap sa kanyang ina. “M-Miss na miss ko kayo,” aniya pang tuluyan na ngang napaiyak.Ilang sandali pa at niyakag na siya ni Eden sa loob ng kanilang bahay. “Lita, maghanda ka ng makakain,” anitong hinaplos ang mukha niya pagkatapos.“Ano bang nangyari anak? Bakit ka tumakas?” ang masinsin nitong tanong sa kanya nang makapag-solo sila sa sala.Agad na iginala ni Bernie ang paningin niya sa loob ng malawak nilang kabahayan. “Ang Papa? Nasaan siya?” tanong niya nang mabigong makita ang hinahanap.“Nag-grocery siya. Mulan ang mabal
“NAY, patawarin ninyo ako kung nasaktan at pinahirapan ko kayo,” ani Erik na ginagap ang kamay ni Aurora.Sa ginawa niyang iyon ay naging mabilis ang pagbalong ng mga luha ni Aurora.“P-patawarin mo rin sana ako. Kaming dalawa ng tatay mo,” anitong tinapik-tapik ang kamay niya.Nakangiting tumango lang si Erik. Pagkatapos niyon ay tumayo na siya saka mahigpit na niyakap ang kanyang ina. Pagkatapos ay sinulyapan niya si Fidel na ngumiti lang sa kanya.Simpleng ngiti man iyon pero alam ni Erik na malalim ang kahulugan niyon.Sa isang iglap, masasabi ni Erik na nabawasan ang bigat sa dibdib niya na matagal na niyang dala-dala. At hindi niya maikakailang dahil iyon sa ginawa niyang pagpapatawad sa kanyang ina.Oo, mahal niya ang mga magulang niya. At ngayong isa na rin siyang ama kahit kung tutuusin ay hindi pa naman naisisilang ang anak nila ni Mia. Nagkaroon na siya ng mas malalim na pagtingin sa tunay na kahulugan ng buhay. Dahilan kaya hindi siya nahirapang unawain ang lahat ng nagawa