Share

KABANATA 16 "OLD PROM DRESS 4"

KATULAD ng inasahan ni Mia, tuwang-tuwa ang kaniyang ina nang ibalita niya rito ang tungkol sa cotillion at ang pagiging magkapareha nilang dalawa ni Erik. Agad siya nitong niyayang pumunta sa ilang mga parentahan ng prom dress para makapaghanap na agad ng kaniyang maisusuot. 

"Nay hindi po ba masyado pang maaga para maghanap na tayo ng prom dress? Next month pa naman po gagamitin iyon eh," si Mia nang palabas na sila ng gate ng kaniyang ina. 

Noon niya narinig na nangalatak ang kaniyang Nanay Rosita. "Mas maganda na iyong ngayon, mas makakapili ka ng maganda. Baka mamaya maubusan tayo ng maganda at affordable na damit, mahirap na," sagot pa nito kaya minabuti ni Mia ang manahimik na lang. 

Malapit na sila sa tindahan ni Mrs. Ramos nang matanawan ni Mia ang ina ni Erik na si Aling Aurora.  

Maganda ang nanay ni Erik, maputi rin pero mas kamukha ng binata ang ama nito na halatang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status