“IBIG mong sabihin kayong dalawa na ni Mia? Ang akala ko ba naglalaba at naglilinis lang siya sa bahay mo?” ang hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni William kinabukasan ng hapon at puntahan siya nito sa mesa niya sa opisina.
“No, not literally,” sagot niya. “Inalok ko siya ng kasal pero hindi niya tinanggap. Ilang beses na, pero ayaw parin talaga niya, hindi ko na nga alam kung ano ang pwede kong gawin para mapagbago ko ang isipan niya at makumbinsi ko siyang magpakasal sa akin,” ang mahaba at mababa ang tono ng pananalita niyang sabi saka parang wala sa sariling napatitig sa kawalan.
“Anong sinabi mo? Pakiulit nga, kasal? Bakit kayo magpapakasal?” ang magkakasunod na tanong sa kanya ni William sa tono na gulat na gulat.
“Pwede ba, hinaan mo ang boses mo,” saway niya kay William.
“Sorry,” anito saka napatuwid ng upo sa silyang nasa harapan ng kanyang mesa. “Ano ba talagang nangyayari? Naguguluhan ako sa’yo.”
Noon nagbuntong hininga si Erik saka tinitigan ang matalik ang kaibigan at kababata bago siya nagbuka ng bibig para magsalita. “Kailangan ko pa bang idetalye sa iyo ang nangyari para malaman mo ang totoong dahilan kung bakit gusto ko siyang pakasalan?” tanong-sagot niya kay William saka ito binigyan ng isang makahulugang tingin.
Sa sinabi niyang iyon ay mabilis na lumarawan sa mukha ng kaibigan niya ang kaliwanagan tungkol sa kanyang sinabi.
“Mahirap ang pinasok mong iyan, Erik,” anitong nagseryoso na ang tono.
“Alam ko,” iyon naman talaga ang totoo.
Sa simula pa lang alam na niyang hindi magiging madali ang lahat.
“Kailan ba naging madali para sa aming dalawa ni Mia ang lahat? High school pa lang naman tayo marami nang hadlang sa amin,” aniyang hindi tinitingnan si William kaya hindi niya nakita ang pagkagulat na gumuhit sa mukha.
“Sinasabi ko na nga ba,” ani William.
Noon siya parang nagulat na napalingon sa kausap. “Ano?” salubong ang mga kilay niyang tanong.
“Sinasabi ko na nga ba, ang lahat ng ginagawa mo noon para kay Mia may ibig sabihin, in denial ka lang,” ang naiiling na sabi ni William.
“In denial?”
“Iyon ang totoo, hindi ko maintindihan kung pakipot ka ba noon o wala ka talagang feelings sa kanya at totoo ang sinasabi mong magkaibigan lang kayo? Ang dami eh, ang dami mong alibi noon, pero ngayon, bakit hindi mo napigilan? Kasi naawa ka sa kanya?”
“Iyon din ang paniniwala niya, na naaawa lang ako sa kanya. Pero hindi eh, noong umpisa iyon talaga ang naramdaman ko para sa kanya. Lalo nang kumatok siya sa gate ng bahay ko at nakita ko ang ayos niya? Puro pasa ang mukha at katawan? Alam mo, kung makakaharap ko lang siguro si Bernie baka mapatay ko siyang walang hiya siya,” sa huli niyang sinabi ay matinding galit ang naramdaman ni Erik na yumakap sa dibdib niya.
“Nagkaroon ka naman na nang mga past relationship, dapat alam mo na kung saan papunta ang nararamdaman mo para sa kanya,” makahulugan ang sinabing iyon ni William.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Alam mo Erik, ngayon naniniwala na ako na ang lahat ng tao pagdating sa pag-ibig pantay-pantay, kasi lahat nagiging tanga, at ngayon ganoon ang nangyayari sa iyo,” ang prangkang saad ni William sa kanya.
“Naguguluhan nga ako eh, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang protektahan. At ang pakasalan siya ang nakikita kong tanging dahilan para maalisan ko na nang kahit anong pwedeng habulin sa kanya si Bernie,” sagot niya saka nagbuntong hininga.
“Hindi ka kaya in love sa kanya?”
Sa narinig na sinabing iyon ng kanyang kaibigan ay agad na napatitig si Erik kay William. “Ganoon kabilis?”
Narinig niyang nangalatak ang binata. “Erik matagal ka nang in love kay Mia, iyon ang totoo.”
Kung gaano katagal na pinagmasdan ng binata ang mukha ng kababata niya para lang tiyakin na dito nagmula ang mga salitang narinig niya, hindi alam ni Erik.
“Ayaw mo parin bang maniwala? Alam mo mga high school pa lang tayo napapansin ko na sa iyo iyan. Gusto mo siyang protektahan. Palagi mong sinasabi na mabait kasi siya at ayaw mong mahulog ang loob niya sa kahit sinong lalaki na alam mong pwede siyang saktan at lokohin, hindi ba pati nga ako pinagbawalan mong lapitan siya? Pero ang totoo, hindi mo nakikita ang totoo, ang totoong dahilan kung bakit gusto mong gawin iyon, kaya lang wala kang karapatan. Kasi in love ka sa kanya, siguro nga hindi madaling intindihin, pero alam mo sa sarili mo na totoo ang sinasabi ko, hindi ba?”
Matagal na nag-isip si Erik sa sinabing iyon ng kaibigan niya.
Oo nga, posible iyon, posibleng in love na siya kay Mia noon pa man. Hindi lang niya iyon nabigyan ng pansin kasi mas tiningnan niya ang mga bagay na pwedeng maging problema at maaaring humadlang sa kanilang dalawa.
“At ngayon nagkita na ulit kayo, anong plano mo? Hahayaan mo nalang ba na ganoon iyon? May nangyayari sa inyo, inalok mo siya ng kasal pero ayaw niya, kailangang alamin mo kung bakit? Pero bago mo gawin iyon, alamin mo muna at tiyakin mo kung ano ba ang talagang nararamdaman mo para sa kanya. Dahil kung ako ang tatanungin mo, sigurado ako, matagal na ang pagmamahal na iyan sa puso mo, hindi mo lang nakita, hindi mo hinanap kasi nga hindi mo binigyan ng pansin,” ang muling pagpapatuloy ni William nang manatili siyang tahimik.
*****
MATAPOS sulyapan ang antique na orasan na nakasabit sa dingding ng sala ay noon na nga tumayo si Mia. Kailangan na niyang pumunta sa bahay ni Erik dahil tiyak niyang pauwi na ito ngayon. Gusto niya pagdating ng binata ay ready na ang hapunan nito.
Palabas na siya ng kanyang kwarto at dala ang kanyang purse nang makarinig siya ng magkakasunod na katok sa malaking pinto. Nagsalubong ang mga kilay niya saka nagmamadali iyong tinungo para pagbuksan ang kumakatok pero mabilis siyang nilamon ng takot nang mapag-alaman kung sino iyon.
“Sinasabi ko na nga ba at dito lang kita makikita!” iyon ang galit na bungad sa kanya ni Bernie na agad ay hinawakan ng mahigpit ang kanyang braso. “Magbihis ka, ngayon din isasama na kita pauwi!” ang awtorisado nitong utos sa kanya saka siya kinaladkad papasok ng kwarto pero nasa sala pa lang silang dalawa ay pilit na niyang binawi ang kanyang braso mula sa mahigpit na pagkakahawak nito.
“Ayoko!” ang galit na galit niyang sigaw.
“Mia!” si Bernie na halatang nagulat sa nakitang naging reaksyon niya.
“Hindi ako sasama sa iyo kahit na anong gawin mo! Naiintindihan mo? Tapos na tayo at ikaw mismo ang sumira ng lahat ng mayroon tayong dalawa kaya makakaalis ka na!” aniyang galit na galit parin at sumisigaw na itinuro ang pinto.
“Asawa mo ako! Ano ka ba!?” giit ng lalaki sa mariin pero ngayon ay mas mababa ng tono ng pananalita.
Nakita rin niyang lumambot ang aura ng mukha nito pero para kay Mia, hindi na uubra sa kanya ang mga ganoong drama ng lalaki. Malinaw na sa kanya ang lahat ngayon, masaya na siya sa ganito. Hindi na niya mahal si Bernie dahil kahit kailan hindi nawala si Erik sa puso niya, dahil ang totoo, si Erik lang ang nag-iisang lalaking minahal niya at hanggang ngayon ay minamahal parin niya.
“Hindi tayo kasal! Binuntis mo lang ako pero kahit kailan hindi mo ako inalok ng kasal! Tapos nung nakunan ako, anong ginawa mo? Matagal na panahon akong nagtiis sa lahat ng pananakit mo, ayoko na kaya iwanan mo na ako!” sa puntong iyon ay mas mababa na ang tono ng pananalita niya pero hindi parin nawawala ang tigas doon.
“ERIK? Tama ba?” Marahil nang makaramdam na rin si Nathaniel ay ito na ang unang lumapit sa kanyang nobyo. “Ako nga pala si Nathaniel, kapatid ni Mia,” anitong hindi na nagpaliguy-ligoy pa sabay abot ng kamay nito sa kanyang nobyo. Sa puntong iyon ay muling tiningala ni Mia ang mukha ng nobyo. Kaya naman kitang-kita niya ang mabilis na pagbabago ng aura ni Erik saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Nathaniel. “Oo, would you believe it, may kuya pala ako?” aniyang muling impit na napahagikhik. “Tapos ikaw naman magseselos ka nalang ng hindi ako tinatanong?” dugtong pa niya saka niyakap muli ng mahigpit si Erik. Noon siya mahigpit munang niyakap ni Erik saka pagkatapos ay pinakawalan at walang anumang salitang siniil ng mariing halik sa kanyang mga labi. Hindi alintana ang mga taong alam niyang nakakakita sa kanila ay nagawang iparamdam sa kanya ng binata kung gaano katindi ang pananabik na mayroon ito para sa kanya. “Halika na sa loob?” anito pa ng nakangiti habang nangingislap ang
“BAKIT hindi mo tawagan si Mia, para naman may ideya siya tungkol sa pagdating natin,” suhestiyon kay Erik ng ama niyang si Fidel.Nasa byahe na sila noon patungo ng probinsya. At dahil nga nasa walo hanggang sampung oras ang biyahe. Alas kuwatro pa lamang ng madaling araw ay nasa daan na sila.“Hindi ko alam ang number niya, Tay. Ang totoo, hindi ko sure kung nagpalit ba siya ng numero o pirming nakapatay lang ang phone niya. Ilang beses ko na siyang sinubukang tawagan pero wala pa rin.”“Kunsabagay, baka mas mainam na rin ang ganitong wala siyang ideya na darating ka. Mas masosorpresa siya,” sagot naman ng kanyang ina na sa backseat ng sasakyan nakaupo.*****“MAY problema tayo, Mia,” si Nathaniel iyon na sumilip sa pintuan ng kanyang silid.“Problema?” tanong ni Mia sa kapatid niya.Abala siya noon sa pag-aayos ng mga gamit niya. Babalik na siya ng Maynila at ihahatid na siya ni Nathaniel kasama rin sina Tiya Ising at maging si Elena.“Hindi ako pinayagang hindi pumasok ngayon eh.
“HINDI ka na pwedeng bumiyahe ngayon pa-probinsya, hijo. Masyadong malayo, nasa walong ang biyahe kung tutuusin.”Si Aurora iyon nang nasa byahe na sila pauwi.Ngayon alam na niya kung saan matatagpuan si Mia, hindi na niya gustong mag-aksaya pa ng kahit kaunti panahon. Masyado na siyang nasasabik na makita ito. Gusto na niyang iuwi ang dalaga para maalagaan lalo na sa kundisyon nito.“Nay, hindi ko na mahihintay pa ang bukas. Gusto ko ng makita si Mia,” sagot niya habang pinanatiling nakatuon sa kalsada ang kanyang paningin.“Pero anak, kahit magpahinga ka naman muna,” si Fidel naman iyon. “At isa pa, gusto rin sana naming samahan ka. Kaming dalawa ng nanay mo,” dugtong pa nito.Hindi napigilan ni Erik ang kasiyahang pumuno ng mabilis sa puso niya dahil sa sinabing iyon ng kanyang ama. Kaya naman hindi na rin niya naitago pa ang nararamdaman iyon nang humalo sa tono ng kanyang boses nang siya ay magsalita.“Talaga, Tay?” tanong pa niya saka sandaling nilingon ang kanyang ama.Narinig
“E-ELENA?”Nang marahil makilala ni Tiya Ising ang babaeng noon ay abala sa pagsasampay ng mga kubre kama sa likurang bahaging iyon ng ampunan.Hindi pa man ay nakaramdam na ng mabilis na pagtahip sa kanyang dibdib si Mia. Pagkatapos ay tiningala niya ang kapatid na si Nathaniel. Nagtatanong na ang mga mata niya itong tinitigan. At nang marahil makuha nito ang ibig sabihin ng pagtitig niya ay nagkibit lamang ito ng mga balikat.“A-Ate Ising?”Ang babaeng tinawag kanina ni Tiya Ising sa pangalang Elena ang sumagot.“S-Sino po siya, Sister Cecilia?” nang hindi makatiis si Mia ay iyon na nga ang itinanong niya sa kasamang madre.“Siya ang babaeng nag-iwan sa inyo ng kuya mo dito sa ampunang ito maraming taon na ang nakalilipas,” sagot nito sa kanya saka siya mabait na nginitian.Nagulat o nasorpresa?Hindi matukoy ni Mia kung alin sa dalawa ang naging mas dominanteng emosyon sa puso niya.Hindi rin siya agad na nakapagsalita dahil nanatili siyang nakatitig lang sa babae.Katulad ng nangy
“MA’AM Eden, may naghahanap po sa inyo.”Iyon ang narinig na Bernie na sinabi ng kasambahay na si Lita sa ina niyang noon ay abalang nagdidilig ng halaman sa garden ng kanilang bahay sa Maynila.“Sino?” iyon ang itinanong nito saka lumingon sa kanila at mabilis na natigilan nang makilala siya. “A-Anak?” anitong mabilis na binitiwan ang hawak na hose saka siya nilapitan at mahigpit na niyakap.“M-Mama,” iyon ang tanging nasambit niya saka gumanti ng mahigpit na yakap sa kanyang ina. “M-Miss na miss ko kayo,” aniya pang tuluyan na ngang napaiyak.Ilang sandali pa at niyakag na siya ni Eden sa loob ng kanilang bahay. “Lita, maghanda ka ng makakain,” anitong hinaplos ang mukha niya pagkatapos.“Ano bang nangyari anak? Bakit ka tumakas?” ang masinsin nitong tanong sa kanya nang makapag-solo sila sa sala.Agad na iginala ni Bernie ang paningin niya sa loob ng malawak nilang kabahayan. “Ang Papa? Nasaan siya?” tanong niya nang mabigong makita ang hinahanap.“Nag-grocery siya. Mulan ang mabal
“NAY, patawarin ninyo ako kung nasaktan at pinahirapan ko kayo,” ani Erik na ginagap ang kamay ni Aurora.Sa ginawa niyang iyon ay naging mabilis ang pagbalong ng mga luha ni Aurora.“P-patawarin mo rin sana ako. Kaming dalawa ng tatay mo,” anitong tinapik-tapik ang kamay niya.Nakangiting tumango lang si Erik. Pagkatapos niyon ay tumayo na siya saka mahigpit na niyakap ang kanyang ina. Pagkatapos ay sinulyapan niya si Fidel na ngumiti lang sa kanya.Simpleng ngiti man iyon pero alam ni Erik na malalim ang kahulugan niyon.Sa isang iglap, masasabi ni Erik na nabawasan ang bigat sa dibdib niya na matagal na niyang dala-dala. At hindi niya maikakailang dahil iyon sa ginawa niyang pagpapatawad sa kanyang ina.Oo, mahal niya ang mga magulang niya. At ngayong isa na rin siyang ama kahit kung tutuusin ay hindi pa naman naisisilang ang anak nila ni Mia. Nagkaroon na siya ng mas malalim na pagtingin sa tunay na kahulugan ng buhay. Dahilan kaya hindi siya nahirapang unawain ang lahat ng nagawa