Share

KABANATA 34 “TANGGAP KITA” 

“HINDI na importante sa akin Mia kahit ano pa ang gusto mong paniwalaan, basta ang alam ko akin ka lang at kung magmamatigas ka,” anito sa tono na nagbabanta.

Mabilis na kinilabutan si Mia sa sinabing iyon ni Bernie. “Umalis ka na at huwag ka nang babalik pa dito kahit na kailan!” iyon ang sa halip ay isinagot niya.

Sa puntong iyon ay buong tapang na sinalubong ni Mia ang matatalim na titig sa kanya ni Bernie. Kung saan siya kumuha ng lakas ng loob na gawin iyon, hindi niya alam. Pero kung may natitiyak siya iyon ay ang katotohanan na may bahagi ng pagkatao niya ang nabuo mula nang makasama niya si Erik.

Sa pagkakaisip sa binata ay mabilis na nag-init ang sulok ng kanyang mga mata.

Kung pwede lang sana niyang aminin sa pagmumukha ng lalaking ito ngayon kung sino ang talagang gusto niyang makasama? Pero hindi niya magagawa iyon. Hindi niya pwedeng ipahamak ang taong alam niyang tanging nagmama-ari ng puso niya noon at hanggang ngayon.<

Jessica Adams

"Tanggap kita, Mia,”-ERIK-

| 2
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status