Share

Chapter Six

MAKARAAN ANG ILANG ARAW...

Nag-aayos na si Cherry ng kanyang mga gamit sa hospital dahil patapos na ang kanyang duty nang mapansin niya si Carlo na naglalakad palapit sa kanya.

"Hey, ano'ng ginagawa mo rito? May dinadalaw ka bang pasyente?" tanong niya sa binata.

"Napadaan lang ako. May inirekomenda kasing construction project sa akin ang isang kaibigan diyan lang sa malapit, kaya naisipan kong dumaan dito." masayang pagbabalita nito. "Eto o, dinalhan kita ng special cheesecake. Nakita ko kasing dinudumog ng tao sa bakery, baka masarap nga at magustuhan mo." Nakangiting sabi nito sabay abot sa dala nitong box ng pagkain.

"Thank you... Akala ko umalis ka na. I mean, akala ko bumalik ka na sa Amerika... Hindi ka na kasi pumunta sa bahay, nagtatanong at naghahanap na si Margaret. Nasabi ko nga sa kanya na baka naka-alis ka na at bumalik ka na sa Amerika. Hindi ko rin kasi alam ang isasagot ko sa mga tanong nya, " natatawa pero pormal na sabi ng dalaga.

"May inasikaso kasi akong mga papel
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status