Sa Aking Pagbabalik

Sa Aking Pagbabalik

last updateLast Updated : 2023-12-05
By:  Piscean TigerOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
17Chapters
3.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Kahit mahirap, pipilitin ni Cherry na palakihin mag-isa ang anak kesa ikasal sa lalaking pinakamamahal. Alam nyang ang kapatid na si Joanna ang iniibig nito at natukso lamang sila kaya't nangyari ang pagbubuntis nya....

View More

Chapter 1

Prologue

Masayang pinagmamasdan ni Carlo Santamaria ang larawan ng anim-na-taong batang babae. Si Margaret.... ang kanyang nag-iisang anak. Tanging sa larawan niya lang nakikita ang maamong mukha nito at sa mga kwento ng kanyang magulang niya nakikilala ang anak. Madaldal, bungisngis at pala-kaibigan... ganito ilarawan ng kanyang ina ang bata. Mahigit pitong taon na ang nakaraan ng lisanin ni Carlo ang kanilang lugar at makipagsapalaran dito sa Canada. Noon ay pinagbubuntis pa lamang si Margaret ng kanyang ina. Kaybilis lumipas ng panahon, parang kailan lang...

Pinagmasdang muli ni Carlo ang larawan ng anak. Mala-porselanang kutis, maamong mukha at matangos na ilong, halatang kuha nito kay Cherry, ang ina nito. Samantala, ang maalong buhok, manipis at mapulang labi at ang hugis ng mukha ay halatang kuha sa kanya. Maraming beses na syang sumulat sa kanyang mag-ina pero wala syang natanggap na sagot. Ngayon para syang hinihila pauwi ng Pilipinas. Gustong-gusto niyang makita at mayakap ang anak. Pero nangako siya sa kanyang sarili noon na uuwi lamang siya kung maghilom na ang sugat na dulot ng nakaraan. Kung lubusan na nyang nakalimutan si Joanna, ang kanyang tanging pag-ibig. Nakalimutan na nga ba niya? Tanong niya sa kanyang sarili. Batid niyang muling babalik ang mga ala-ala ng nakaraan sakaling bumalik siya sa sariling bansa.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Stella Marie
nice story..may chance pa ba kaya sina Cherry at Carlo.. waiting sa mga next update Author
2023-02-13 23:40:00
0
17 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status