Share

Chapter Fourteen

ANG MGA SUMUNOD NA MGA ARAW ay naging mas madalas pa ang pagkakasama ng mag-amang Carlo at Margaret kaya mas lalong nahulog ang loob ng bata sa kanyang ama. Pinilit naman ni Cherry na iwasan ang lalaki kahit pa may mga sandaling hindi niya mapigilan ang sitwasyon na hindi makipagkita rito. Ilang linggo na lang ay magdiriwang na ang bata ng kanyang ika-pitong kaarawan. Dahil ito ang unang pagkakataon na makakadalo siya sa kaarawan ng anak ay hindi mapigilan ni Carlo ang ma-excite.

"Hello, Cherry." Isang umaga ay naalalang tawagan ng binata ang dalaga.

"Hello, Carlo. Napatawag ka?" sagot ng dalaga.

"Ahmm.. itatanong ko lang sana kung ano ang plano mo para sa kaarawan ni Margaret? Baka may maitutulong sana ako."

"Kinausap ko na pala ang kakilala kong event coordinator at siya na ang bahala sa pag-asikaso sa party ng bata. Sa ngayon kasi ay hindi ko iyon maaasikaso ng personal." paliwanag ni Cherry.

"Ganun ba.. Pwede bang makatulong ako sa pag-aayos nito." pakiusap ni Carlo.

"Ikaw ang ba
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status