LOGINHindi ko namalayan kung ilang beses kong hinawakan ang business card habang nakaupo ako sa Grab pauwi.EDUARDO M. DE VEGA-Chairman.Sa likod nito "Welcome to the De Vega family, Miss Buenavista." Paulit-ulit kong binasa ang sulat-kamay na iyon. Family Kung alam kaya niya, na ang tunay kong apelyido ay Saavedra. Na ang dahilan kung bakit ako nasa kompanya niya ay para malaman kahinaan nila para madali ko silang sirain.At higit sa lahat, ma habang tumatagal mas nahihirapan akong paniwalaang sila ang masasamang tao.Hindi ako nagmalay na nakarating na pala ako sa condo. Pagpasok ko pa lang, agad kong inilabas ang lumang litrato, Magkaakbay. Magkasing-edad. Masaya. Si Sir Eduardo at Daddy Sebastian.Dalawang lalaking mukhang walang alam na balang araw, ang pagkakaibigan nila ang magiging dahilan ng pagkawasak ng dalawang pamilya.Napabuntong-hininga ako. "Bakit ang hirap mong intindihin, Daddy..."______The next morning, mas maaga pa ako sa dati.Wala kang maririnig na ingay sa executi
Buong linggo, napansin ng buong executive floor ang isang bagay na hindi nila masabi nang malakas pero pinagbubulungan sa pantry.Si Sir Ethan, na dati-rati ay hindi lumalabas ng opisina maliban pag may meeting, ngayon ay madalas nang nasa labas. At laging may dahilan para dumaan sa mesa ko.Minsan may dalang folder na wala namang laman. Minsan magtatanong kung tapos na ba ang Batangas file kahit kakatapos ko lang i-send sa email niya limang minuto pa lang ang nakakalipas. Minsan tatayo lang sa may glass wall at titingin sa labas, pero alam kong nakatingin siya sa reflection ko.At si Sir Marco, mas lalo pang naging pursigido.Araw-araw, may dala. Minsan donut. Minsan siopao. Minsan maliit na bottled water na may nakadikit na sticky note na "Don't forget to hydrate, Miss Nadine! - M"Nakatuwa si Sir Marco. Parang golden retriever na hindi napapagod. Pag sinabi mong "Sir, thank you" ngingiti siya na parang nanalo sa lotto.Si Sir Ethan naman, kabaliktaran. Parang asong matapang na tah
Alas-siyete pa lang ng umaga pero bukas na ang ilaw sa executive floor ng De Vega Global Holdings. Tahimik pa ang buong palapag, amoy pa lang ng bagong floor wax at ng mamahaling kape na laging pinatitimpla ni Sir Ethan. Nasa mesa na ako, inaayos ang Batangas files, at sa totoo lang, kabado ako. Simula nung dinner sa Dasmariñas, parang may nagbago. Hindi ko alam kung ako ba yung nagbago o si Sir Ethan.Bumukas ang elevator. Hindi si Sir Ethan ang lumabas.Si Sir Marco. May dalang dalawang paper bag ng Jollibee at isang iced coffee na may nakasulat na "For Miss N" sa takip gamit ang pentel pen."Good morning, Nadine!" bati ni Sir Marco, parang estudyanteng may dalang assignment na gustong magpa-impress. "I brought you breakfast. I noticed you're always early and you skip breakfast. You need to eat." she said with a bit of concern.Napangiti ako kahit pinipigilan ko."Sir Marco, you didn't have to. Nakakahiya po," sabi ko ng may mahina ang boses."No, it's fine. I was on my way here an
6:30 pa lang ng gabi pero sa Dasmariñas Village, parang hatinggabi na sa katahimikan. Walang tricycle. Walang batang naglalaro sa kalsada. Walang tindahan na may videoke. Puro malalaking gate na mas mataas pa sa pangarap ko, puro punong nakatayo na parang gwardiya, at ilaw na dilaw na ayaw istorbohin ang gabi. Nakatayo ako sa tapat ng itim na gate ng mga De Vega. Suot ko ang pinakamagandang dress na meron ako na hindi mukhang nagpapanggap. Simpleng itim na dress hanggang tuhod, nabili ko sa Zara nung sale, 1999.00 pesos pero tatlong araw kong pinag-isipan kung bagay ba sa akin. Nakalugay ang buhok na pinilit kong plantsahin kahit pawis na ang kamay ko. Walang mamahaling bag. Luma lang na beige sling na nilabhan ko pa kagabi. Nanginginig ang tuhod ko. Hindi dahil sa lamig. Kundi dahil nasa harap na ako ng bahay ng pamilyang kalaban ng pamilya ko sa negosyo ng dalawampu't limang taon. Pinindot ko ang doorbell. Isang pindot lang pero parang buong puso ko ang pumindot. Bumukas a
Alas-onse y medya na ng gabi.Tulog na ang buong BGC. Patay na ang ilaw ng mga building na kanina ay kumikinang na parang mga bituin na bumaba sa lupa. Pero sa isang lumang condo sa labas ng BGC, sa ika-labing-apat na palapag, may isang bintanang gising pa. Isang babaeng gising pa.Ako.Si Alyannah. Si Nadine. Si Alyannah Saavedra na sa umaga ay Nadine Buenavista na gustong maging matalino at matapang, pero sa gabi ay si Alyannah lang na yakap ang tuhod sa sahig, gusot ang buhok, nakapambahay na may print na avocado na kupas na, at nakatingin sa laptop na mas maliwanag pa sa kinabukasan niya.Sa harap ko, bukas ang file.BATANGAS - 152 vs 151.Isang piso. Isang piso lang ang lamang ng De Vega Global Holdings sa Saavedra Holdings.Isang piso lang, pero sa isang pisong yun, talo na naman kami, talo na naman si Daddy.Tumunog ang phone ko. Naka-loudspeaker."Anak? Gising ka pa?" boses ni Daddy. Mahina. Malambing. Parang kagigising lang sa Amerika, pero pilit na gising para sa akin."Dad
Alas-sais y medya pa lang ng umaga.Madilim pa ang BGC. Tulog pa ang mga tao. Pero ako, gising na. Nasa De Vega Global Holdings na.Black coffee. No sugar. Dalawang kopya ng Singapore summary.Yan ang text ni Ethan De Vega kagabi. Walang good morning. Walang please. Diretso lang. Parang boss lang talaga na hindi marunong ngumiti.Pero bilang si Nadine Buenavista, bilang babaeng gustong patunayan na hindi siya basta-basta, kailangan kong mauna. Kailangan kong maging maagap. Kailangan kong ipakita na kaya ko.Pagbukas ng elevator sa executive floor, madilim pa. Patay lahat ng ilaw. Wala pa si Anthony na laging may dalang pandesal. Wala pa yung mga VP na laging maingay sa pantry.Tanging isang ilaw lang ang bukas. Sa opisina ni Ethan.Nakabukas ang pinto.Sumilip ako.Nandoon siya.Nakaupo. Naka-white long sleeves na nakatupi hanggang siko, kita ang ugat sa braso, walang coat, gusot na ang buhok na parang hindi umuwi. Tatlong monitor ang bukas. Hawak ang ballpen na umiikot sa daliri niya







