LOGIN"So this is how it starts, Ethan, nagseselos ka na pala ngayon." Bulong ni Krystal sa sarili habang nakatayo sa hallway at pinapanood si Ethan sa loob ng opisina. Nakatayo si Ethan sa loob habang nakikita sa glass wall sina Marco at Nadine na magkausap sa labas ng executive office. Hawak ni Marco ang dalawang tasa ng kape at nakangiti kay Nadine. Hindi pa nagseselos si Ethan sa nakikita niya, pero hindi niya rin maalis ang tingin sa dalawa. May kakaibang pakiramdam na hindi niya maintindihan habang nakikita si Nadine na tumatawa kasama ang ibang tao. Pagpasok ni Nadine sa loob ng opisina dala ang mga papeles at tasa ng kape, normal lang ang kilos niya. "Sir, ready na po ang contracts for your ten AM meeting with the investors, nasa table na po lahat," sabi ni Nadine na nilapag ang folder sa mesa ni Ethan. Tumingin si Ethan sa folder bago tumango. "Good work, Nadine, ilagay mo na lang sa side table ko," sabi ni Ethan na maikli lang ang sagot. Hindi alam ni Nadine kung bakit para
Natapos ang meeting pasado alas nuwebe ng gabi.Isa-isang nag-alisan yung mga department heads mula sa conference room sa 28th floor. Si Ma'am Cynthia bitbit yung laptop. Si Sir Marco may kausap pa sa phone habang naglalakad. Yung maintenance, isa-isa nang pinapatay yung ilaw sa hallway.Si Nadine yung huling lumabas ng conference room. Bitbit niya yung laptop niya, yung planner na puno ng notes, at yung makapal na folder na kailangan pa niyang ayusin bukas para sa presentation ng finance."Good night, Ma'am Nadine," sabi nung guard sa may elevator."Good night po," sagot ni Nadine.Huminto siya sa harap ng elevator. Pinindot yung down button.Ding. Bumukas yung pinto ng elevator. Pumasok si Nadine mag-isa.Pagdating sa basement parking ng De Vega Tower, tahimik na sa baba. Halos walang sasakyan na naiwan. Yung mga ilaw sa parking, kalahati na lang ang bukas.Lumakad si Nadine papunta sa parking slot niya na B-14.Pagdating niya sa B-14, huminto siya."Patay..." bulong ni Nadine.Baka
"Sir, kailangan niyo pa ba ako mamayang gabi?"Nadine nakatayo sa gilid ng mesa ni Ethan, hawak ang planner, suot pa rin ang blazer na kanina pa niya gustong hubarin dahil sa init ng aircon na hindi naman lumalamig.Ethan isinara ang laptop. Tumayo, kinuha ang coat na nakasabit sa likod ng swivel chair."Kailangan," sagot niya. Diretso. Walang paligoy.Sumunod si Nadine habang naglalakad sila palabas ng opisina papuntang elevator. Takong niya tumatama sa sahig ng executive floor."May meeting pa po ba tayo? Wala sa calendar," tanong niya."Family dinner."Nadine huminto sa gitna ng hallway. Yung bag niya halos mahulog sa balikat."Family dinner po? Sino may family dinner?"Ethan lumingon. Isang tingin na sanay nang magpasara ng bibig ng mga manager."My parents invited you. Sa bahay nila sa Ayala Alabang."Nadine parang binuhusan ng malamig na tubig."Ako po? Bakit ako?""Ikaw." Ethan pinindot ang elevator. "I invited my secretary, not my executives. Sumama ka."Hindi na nakapalag si
"Sometimes the person you trust the most... is the one whose silence hides the deepest wounds."****Mag-aalas siyete na ng gabi nung ihinto ko yung sasakyan sa harap ng Saavedra Group Headquarters.Tahimik buong paligid. Karamihan ng empleyado nakauwi na. Ilang ilaw na lang bukas sa matayog na building.Huminga ako nang malalim bago tuluyang bumaba. Buong biyahe, iisang tanong lang paulit-ulit na umiikot sa isip ko.Bakit magkaibigan noon sina Daddy at Chairman Eduardo? At kung totoong magkaibigan sila... ano nangyari?Pagpasok ko sa lobby, agad akong sinalubong ng secretary ni chairman."Good evening, Miss Nadine.""Good evening po.""Chairman Sebastian is waiting."Tumango lang ako. Habang nasa elevator, mas bumibigat dibdib ko. Pakiramdam ko pagtapos ng gabing to, may magbabago.Tatlong mahinang katok."Come in."Dahan-dahan kong binuksan pinto. Nandun si Daddy, nakatayo sa harap ng malaking bintana ng opisina. Parehong-pareho sila ng pwesto ni Ethan tuwing umaga. Pero magkaibang-
"The hardest choice isn't deciding who to believe... it's realizing both sides may be telling their own truth." **** Kinabukasan, mas maaga pa sa dati akong pumasok sa opisina. Akala ko ako na una darating pero paglabas ko ng elevator, nandun na si Ethan. Nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling window ng executive floor. Isang tasa ng itim na kape hawak niya. Tahimik, parang buong gabi rin siyang walang tulog. Napansin niya akong paparating. "You're early," sabi niya. Napangiti ako nang bahagya. "Kayo rin po." "Twelve minutes," sabi niya. Napkunot-noo ako. "Po?" "Mas maaga ka ngayon ng labindalawang minuto," sagot niya. Napatawa ako. "Binilang niyo pa talaga?" "I'm good with numbers," sabi niya. Napailing ako. "Feeling ko pati paghinga ko, may record kayo." "Not yet," sagot niya. Napatingin ako sa kanya. Yung sulok ng labi niya, bahagyang umangat. Hindi ko namalayang napapangiti na rin ako. "Coffee?" sabi niya. Napkurap ako. "H-ha?" Iniabot niya isang pap
"The truth doesn't destroy a lie all at once... it begins with a single doubt."****Halos buong umaga akong hindi mapakali. Nasa harap ko laptop, bukas schedule ni Sir Ethan. May meeting sa Singapore partners, dalawang contract signing, at board review bago mag-alas singko. Pero wala ni isa dun yung pumapasok sa isip ko.Paulit-ulit bumabalik sa akin yung litrato nina Daddy at Chairman Eduardo. Magkaakbay, magkangiti. Parang hindi kailanman naging magkaaway."Miss Nadine."Napapitlag ako. Nakatayo na pala si Ethan sa harap ng mesa ko."Sir!""Third time," sabi niya.Napkurap ako. "Po?""Tatlong beses kitang tinawag," sabi niya."Sorry po," sagot ko.Pinagmasdan niya ako. "You're distracted.""Wala po," tanggi ko."Tingin mo ba hindi ko mapapansin?" sabi niya.Napayuko ako. Hindi ko pwedeng sabihin totoo. Hindi ko rin pwedeng sabihin na nagsisimula na akong magtanong sa mga bagay na dati hindi ko kinukwestiyon."May problema ba sa bahay?" tanong niya.Mabilis akong umiling. "Wala po."







