FAZER LOGINHindi ko pa rin lubos maisip kung paano nangyari.
Kaninang umaga, hawak ko lang yung résumé na may pangalang Nadine Buenavista habang nanginginig sa kaba. Ngayon? May temporary ID na nakasabit sa leeg ko. *NADINE BUENAVISTA - EXECUTIVE SECRETARY - OFFICE OF THE PRESIDENT & CEO* Officially hired. Napabuntong-hininga ako. Kung alam lang ng mga empleyadong dumadaan na peke ang pangalan sa ID na to, baka hindi ako umabot ng lunch. "Miss Nadine!" Si Anthony, parang baterya na hindi nalolowbat. May bitbit na folders at tablet. "Congrats ulit! Alam mo ba, ikaw yung first secretary ni Sir na hindi umiyak after interview?" "Grabe naman, ganun ba siya kasama?" Natawa ako. "Hindi naman masama," kamot-ulo siya. "Nakakatakot lang talaga. May sariling weather system kasi yung mood ni Sir." Sabay kaming naglakad sa hallway. Doon ko lang napansin walang nagkukwentuhan, walang nagce-cellphone. Lahat nakayuko sa trabaho. "Ibang-iba dito," bulong ko. "Expected. Sir Ethan hates wasting time. And time wasters." "So workaholic talaga siya?" "Work is his first girlfriend," bulong ni Anthony. "Second, third, fourth... work pa rin." "So wala talagang love life?" Hindi ko napigilang tanungin. Biglang nag-iba mukha ni Anthony. "Meron dati. Pero matagal na." Hindi na niya tinuloy. Hindi na rin ako nagtanong. Hindi ko naman kailangan malaman lovelife ng boss ko. Misyon ang punta ko dito. Huminto kami sa isang workstation na katabi mismo ng malaking kahoy na p***o. Malinis. May bagong computer, organizer, telepono. At maliit na vase na may fresh na puting lilies. "This is your kingdom," sabi ni Anthony. "Ang ganda..." "Natural. Office yan ng pinakamaarte naming CEO." "Narinig ko yan." Sabay kaming napatalon. Nakatayo na pala si Ethan sa pintuan ng opisina niya. Hindi namin namalayang lumabas siya. Agad tumayo nang tuwid si Anthony. "G-Good morning, Sir!" Tumingin lang si Ethan sa kanya saglit, tapos lumipat ang tingin sa akin. Walang ngiti. Pero yung mata, parang nanghuhuli. "Miss Buenavista. Come Inside." Tatlong salita lang. Tapos pumasok na ulit siya. Napatingin ako kay Anthony, "Galit ba siya?" "Hindi. Normal mood pa lang yan," bulong niya. "Good luck, Miss Nadine! Wag ka iiyak!" Huminga ako nang malalim at kumatok. "Come in." Pagpasok ko, mas maliwanag ang opisina. Glass wall sa likod, kita buong BGC. Nakaupo siya sa executive chair, nagbabasa ng financial report, hindi man lang tumitingin. "Close the door. Sit." Sinunod ko. Ibinaba niya ang report. Tumingin diretso sa akin. "From today onwards, your mistakes become my problems." Napakurap ako. "Sir?" "That's why I don't tolerate incompetence. Clear?" Grabe, diretso. Walang ligoy. "Clear, Sir." "Can you work under pressure?" "Yes, Sir." "Can you keep confidential information?" "Yes, Sir." "Can you lie?" Doon ako natigilan. Parang may malamig na dumaloy sa batok ko. Kung alam lang niya, yun na nga ang ginagawa ko ngayon. Ngumiti ako, pero hindi halatang kinakabahan. Prangka pa rin. "Depende po, Sir." Tumaas ang kilay niya. Hindi sanay sa sagot na hindi yes or no. "Explain." "Kung ang pagsisinungaling ay para manakit ng inosente, hindi po. Pero kung para protektahan ang taong mahal ko..." Tumingin ako diretso sa kanya. "...I probably would. Lahat naman tayo may tinatago, di ba Sir?" Tahimik. Sinusukat niya ako. Yung tingin na parang X-ray. "Interesting answer," mahina niyang sabi. Tumayo siya at naglakad papuntang glass wall. "People always say they're honest. But honesty is expensive, Miss Buenavista." "And everyone has a price," dugtong niya habang nakatalikod. "I wonder what yours is." Hindi ako sumagot. Kasi sa totoo lang, hindi ko alam kung magkano ang presyo ng pagtataksil sa sarili kong ama. Bumalik siya sa desk, may kinuha na makapal na folder at inilapag sa harap ko. "Open it." Binuksan ko. Schedule. Meetings. Board meetings. Business trips. Contract signings. Puno ang buong linggo, walang hingahan. "Sir, kayo po lahat gagawa nito in one week? Kailan kayo nagpapahinga?" "When I'm dead," diretso niyang sagot. "Sir naman! Tao ka pa rin, hindi robot," hindi ko napigilang sagot. "Baka mamaya, ikaw pa ang maunang ma-burnout kaysa sa akin." Napatigil siya. Tapos, sa unang pagkakataon ngayong araw, ngumiti siya. Bahagya lang, pero totoo. "Half-joking," sabi niya. "You're... not afraid of me. Most people are." "Hindi po ako most people, Sir. Sabi nga ni Anthony, pang-apat na ako. Ayokong maging pang-apat na umiyak." "Anthony talks too much. I'll have to cut his salary." "Sir! Wag, siya lang mabait sa akin dito!" Biglang tumunog ang intercom. "Sir, nandito na po si Mr. Marco Torres." "Send him in." Bumukas ang p***o at pumasok ang isang lalaking halos kasing tangkad ni Ethan pero kabaligtaran ng aura. Naka-white shirt, sleeves nakatupi, maingay ang ngiti. "Himala! Buhay ka pa pala! Akala ko na-stroke ka na sa kaka-work!" sigaw niya. Napabuntong-hininga si Ethan. "I was hoping you'd cancel." "Grabe ka. Ako na nga tong dumadalaw, tinataboy mo pa." Tapos napatingin siya sa akin. Natigilan. Tapos ngumiti nang malawak — yung golden retriever smile. "Oh! May tao pala. Sorry, nadamay ka sa bad mood niya araw-araw." Lumapit siya at iniabot ang kamay. "Marco Torres. Best friend, business partner, at tagapagligtas ng boring na buhay ng CEO na yan." Natawa ako at nakipagkamay. "Nadine Buenavista. New Executive Secretary po. Yung hindi pa umiiyak, so far." "Secretary? Hindi umiyak?" Lumingon siya kay Ethan. "Bro, himala! Buhay pa siya?" "Not yet," sagot ni Ethan, pero nakatingin sa akin. "Good! I like her already!" Sabi ni Marco, tapos bumulong sa akin na parang hindi naririnig ni Ethan, "Pag sinungitan ka niyan, sumbong mo sa akin. Ako lang nakakaintindi sa ugali niyan." "Coffee?" biglang tanong ni Ethan, pinutol ang harutan. "Naku wag na po, Sir. Baka libre lang ulit hanap ko," sagot ko, naalala yung interview. Sabay na natawa si Marco nang malakas. Si Ethan, napailing pero kita sa mata na naaliw. "Anthony!" Tawag ni Ethan sa intercom. "Yes, Sir!" "Three coffees. At siguraduhin mong libre para kay Miss Buenavista." Narinig namin ang tawa ni Anthony sa speaker. "Copy, Sir! Libre for the new queen!" Habang nag-uusap sila ni Marco tungkol sa bagong project, tahimik lang akong nakikinig at nagno-notes. Pero may napansin ako. Si Ethan, hindi siya nagsasalita nang walang basehan. Hindi siya sumisigaw. Pero bawat salita niya, pinakikinggan. Bawat desisyon, may numero, may logic. Ganito ba talaga ang lalaking sinasabi ni Daddy na sumisira sa negosyo namin?Tanong ko sa isip. O may parte ng kwento na hindi pa sinasabi si Daddy? Hindi ko namalayang napatitig na pala ako sa kanya. At bigla siyang napalingon. Nagtagpo ang mata namin. Hindi siya nagsalita. Pero sa tingin niya, parang may tanong. At sa unang araw ko pa lang, pakiramdam ko, hindi lang ako ang nagmamasid sa kanya. Pakiramdam ko, sinisimulan na rin niya akong kilatisin.Alas-siyete pa lang ng umaga pero bukas na ang ilaw sa executive floor ng De Vega Global Holdings. Tahimik pa ang buong palapag, amoy pa lang ng bagong floor wax at ng mamahaling kape na laging pinatitimpla ni Sir Ethan. Nasa mesa na ako, inaayos ang Batangas files, at sa totoo lang, kabado ako. Simula nung dinner sa Dasmariñas, parang may nagbago. Hindi ko alam kung ako ba yung nagbago o si Sir Ethan.Bumukas ang elevator. Hindi si Sir Ethan ang lumabas.Si Sir Marco. May dalang dalawang paper bag ng Jollibee at isang iced coffee na may nakasulat na "For Miss N" sa takip gamit ang pentel pen."Good morning, Nadine!" bati ni Sir Marco, parang estudyanteng may dalang assignment na gustong magpa-impress. "I brought you breakfast. I noticed you're always early and you skip breakfast. You need to eat." she said with a bit of concern.Napangiti ako kahit pinipigilan ko."Sir Marco, you didn't have to. Nakakahiya po," sabi ko ng may mahina ang boses."No, it's fine. I was on my way here an
6:30 pa lang ng gabi pero sa Dasmariñas Village, parang hatinggabi na sa katahimikan. Walang tricycle. Walang batang naglalaro sa kalsada. Walang tindahan na may videoke. Puro malalaking gate na mas mataas pa sa pangarap ko, puro punong nakatayo na parang gwardiya, at ilaw na dilaw na ayaw istorbohin ang gabi. Nakatayo ako sa tapat ng itim na gate ng mga De Vega. Suot ko ang pinakamagandang dress na meron ako na hindi mukhang nagpapanggap. Simpleng itim na dress hanggang tuhod, nabili ko sa Zara nung sale, 1999.00 pesos pero tatlong araw kong pinag-isipan kung bagay ba sa akin. Nakalugay ang buhok na pinilit kong plantsahin kahit pawis na ang kamay ko. Walang mamahaling bag. Luma lang na beige sling na nilabhan ko pa kagabi. Nanginginig ang tuhod ko. Hindi dahil sa lamig. Kundi dahil nasa harap na ako ng bahay ng pamilyang kalaban ng pamilya ko sa negosyo ng dalawampu't limang taon. Pinindot ko ang doorbell. Isang pindot lang pero parang buong puso ko ang pumindot. Bumukas a
Alas-onse y medya na ng gabi.Tulog na ang buong BGC. Patay na ang ilaw ng mga building na kanina ay kumikinang na parang mga bituin na bumaba sa lupa. Pero sa isang lumang condo sa labas ng BGC, sa ika-labing-apat na palapag, may isang bintanang gising pa. Isang babaeng gising pa.Ako.Si Alyannah. Si Nadine. Si Alyannah Saavedra na sa umaga ay Nadine Buenavista na gustong maging matalino at matapang, pero sa gabi ay si Alyannah lang na yakap ang tuhod sa sahig, gusot ang buhok, nakapambahay na may print na avocado na kupas na, at nakatingin sa laptop na mas maliwanag pa sa kinabukasan niya.Sa harap ko, bukas ang file.BATANGAS - 152 vs 151.Isang piso. Isang piso lang ang lamang ng De Vega Global Holdings sa Saavedra Holdings.Isang piso lang, pero sa isang pisong yun, talo na naman kami, talo na naman si Daddy.Tumunog ang phone ko. Naka-loudspeaker."Anak? Gising ka pa?" boses ni Daddy. Mahina. Malambing. Parang kagigising lang sa Amerika, pero pilit na gising para sa akin."Dad
Alas-sais y medya pa lang ng umaga.Madilim pa ang BGC. Tulog pa ang mga tao. Pero ako, gising na. Nasa De Vega Global Holdings na.Black coffee. No sugar. Dalawang kopya ng Singapore summary.Yan ang text ni Ethan De Vega kagabi. Walang good morning. Walang please. Diretso lang. Parang boss lang talaga na hindi marunong ngumiti.Pero bilang si Nadine Buenavista, bilang babaeng gustong patunayan na hindi siya basta-basta, kailangan kong mauna. Kailangan kong maging maagap. Kailangan kong ipakita na kaya ko.Pagbukas ng elevator sa executive floor, madilim pa. Patay lahat ng ilaw. Wala pa si Anthony na laging may dalang pandesal. Wala pa yung mga VP na laging maingay sa pantry.Tanging isang ilaw lang ang bukas. Sa opisina ni Ethan.Nakabukas ang pinto.Sumilip ako.Nandoon siya.Nakaupo. Naka-white long sleeves na nakatupi hanggang siko, kita ang ugat sa braso, walang coat, gusot na ang buhok na parang hindi umuwi. Tatlong monitor ang bukas. Hawak ang ballpen na umiikot sa daliri niya
Alas-tres y medya ng hapon nang muli akong sumakay sa company car pabalik sa Montenegro Financial Center. Parehong building. Parehong elevator. Parehong 12th floor. Pero ibang folder na ang hawak ko. Kung kanina magaan at blanko, ngayon mabigat. Ramdam ko ang kapal ng papel sa loob, ang lamig ng seal, at ang bigat ng responsibilidad. Four billion pesos daw ang laman nito. Hindi ko alam kung totoo o sinasabi lang ni Ethan para takutin ako, pero isang bagay lang ang sigurado — hindi ko pwedeng sirain ulit. Nakatingin ako sa bintana habang bumabagtas kami sa McKinley. Ang dami nang ilaw ng BGC kahit hapon pa lang. Sa isip ko, paulit-ulit kong nire-replay ang sinabi ni Ethan sa madilim na opisina. "I test all my secretaries this way." Standard pala. Hindi ako special. Hindi niya ako pinag-iinitan. Lahat pala ng sekretarya niya dumadaan sa ganung klaseng patibong. Yung iba bumubukas ng file sa taxi, kumukuha ng picture, tapos magsisinungaling. Bagsak. Ako hindi. Hindi ko binuksan. Ka
Ang phone ay nasa tenga ko pa rin.Sa kabilang linya, si Ethan De Vega. Sa kalmadong boses "...did you open the folder?" he asked.Apat na salita lang pero parang huminto ang aircon ng Montenegro Financial Center.Hawak ko pa rin ang asul na folder na puro blank templates lang ang laman. Sa harap ko, si Mr. Tan nakatingin sa akin na parang ako ang nagkamali."Sir, nandito po ako sa Montenegro," pilit kong inayos ang boses ko kahit nanginginig. "Sabi po ni Mr. Tan, templates lang daw po ang laman. Walang proposal—""I know," putol ni Ethan. Hindi malakas. Pero final.Isang segundo. Dalawang segundo. Naririnig ko lang ang mahinang tunog ng aircon ng opisina niya."Come back to the office now," sabi niya. Bago patayin ang tawag.Walang paliwanag. Isang utos lang.Paglingon ko kay Mr. Tan, halos hindi ako makatingin."I'm really sorry, Sir. There must have been a mix-up. Babalik po ako agad with the correct file," I said in professional manner."It's okay, Miss Buenavista," ngumiti si







