بيت / Romance / Sa Haplos ng Kaaway / Chapter 4 : A Dangerous Arrangement

مشاركة

Chapter 4 : A Dangerous Arrangement

مؤلف: BelleNocturne
last update تاريخ النشر: 2026-09-08 18:22:18

Tahimik ang buong executive floor nang lumabas si Marco mula sa opisina ni Ethan.

"Anthony," tawag ni Ethan, hindi man lang tumitingin sa amin.

"Sir?"

"Tulungan mo si Miss Buenavista sa onboarding. Then send her inside. May ipapagawa ako."

"Yes, Sir!"

Isinara niya ulit yung malaking p***o. Parang hari na bumalik sa trono.

Naiwan akong nakatingin sa p***o. "May ipapagawa daw," bulong ko kay Anthony. "Normal ba yun sa first day?"

Ngumisi si Anthony. "Kay Sir? Hindi. Usually sa first day ng secretary niya, ang pinapagawa lang niya is... manalangin."

"Ha!"

"Totoo! Pero ikaw, iba. Mukhang trip ka niya."

"Trip?"

"Basta good luck," inabot niya sa akin ang maliit na kahon na may laptop at access card. "Welcome to your kingdom. Wag mo lang gawing palasyo ng chismis, baka ipapatapon ka ni Sir sa 1st floor."

Umupo ako sa workstation ko. Katabi lang ng opisina ni Ethan glass wall lang pagitan, kita ko siya kung paano magtrabaho. Walang ingay. Isang tawag, isang pirma, isang tingin, tapos agad ang usapan.

Ilang minuto lang, bumukas ang intercom ko.

“Miss Buenavista. Inside. Now.”

Boses pa lang, parang may cold compress.

Pumasok ako, dala notebook.

Nakatayo siya sa harap ng glass wall, hawak ang kape. Hindi lumilingon.

"Close the door."

Sinara ko.

"Do you know why I hired you?" tanong niya.

"Because I passed the interview, Sir?"

Lumingon siya. At tinitigan ako na parang nahuli ako sa kodigo.

"I hire people not because they answer correctly. I hire them because I want to see how they handle wrong answers," sabi niya. Lumapit siya sa desk at may kinuha na dalawang folder. Isang blue, isang black.

Inilapag niya sa harap ko.

"Blue folder — contains tomorrow's board meeting agenda. Public. Black folder — contains confidential acquisition offer from a Singapore firm. Only three people know this exists. Me, Anthony, and now... you."

Kinabahan ako. Ito na ba yun? Yung unang test?

"If this black folder leaks, De Vega Global loses 4 billion pesos. And I will know who leaked it," diretso niyang sabi, walang taas-baba ng boses pero ramdam mo yung bigat. "Can I trust you, Miss Buenavista?"

Doon ako natigilan. Yung tanong, parang hindi lang pang-boss sa secretary. Parang pang-husgado.

Tumingin ako diretso sa kanya. Ito na yung Nadine na prangka at matalino.

"Sir, first day ko pa lang po. Wala pa akong karapatan humingi ng tiwala nyo. Pero kung bibigyan nyo ako ng tiwala, hindi ko sisirain. Hindi dahil takot akong matanggal, kundi dahil alam ko yung pakiramdam na traydurin."

Bahagyang kumunot noo niya. Parang may nahagip sa sinabi ko.

"Interesting," bulong niya. "Most people say ‘Yes, Sir, you can trust me’ para lang matuwa ako. Ikaw, sinabi mong wala ka pang karapatan."

"Dahil totoo po, Sir. Trust is earned one decision at a time, di ba? So... hayaan nyo po akong i-earn yan."

Ilang segundong katahimikan. Tapos kumuha siya ng ballpen at pinirmahan yung blue folder.

"Good. Keep the black folder. Memorize it tonight. Tomorrow, 7:30 AM, you will brief me before the board arrives. No notes. No Anthony. Just you."

"7:30, Sir? Akala ko 9—"

"My day starts at 7:30. If you want to work for me, your day starts at 7:30 too. Problem?"

" No, Sir," ngumiti ako kahit kinakabahan. "7:30 po. Noted. With coffee?"

Tumaas ang kilay niya. "You remember the coffee?"

"Siyempre, Sir. Sabi ni Anthony, sobrang arte nyo raw sa kape. Iisang café lang, isang barista lang ang may karapatang gumawa. Pag mali, uulitin."

"Anthony really talks too much," napailing siya pero hindi galit. "Fine. 7:30. My coffee. Black. No sugar. From 71% Café in One Bonifacio. And Miss Buenavista—"

"Yes, Sir?"

"If you’re late tomorrow... you’re fired. No second chances."

Ngumiti ako pabalik, yung ngiting palaban.

"Then I won’t be late, Sir. Ayokong masama sa record mo na five secretaries in one year."

Natigilan siya. Tapos... natawa. Mahina lang, pero totoo.

"You heard that too, huh?"

"Buong building po yata alam, Sir."

"Good. At least you know what you're getting into."

Lumabas ako ng opisina, hawak yung black folder na parang bomba. Kabog ng dibdib ko abot hanggang leeg.

Pagbalik sa desk, sinalubong ako ni Anthony.

"O? Buhay ka pa? Anong pinagawa?"

Pinakita ko yung black folder. Nanlaki mata niya.

"Whoa. Binigay niya sayo yan? First day? Miss Nadine, seryoso siya sayo. That folder — never niya binibigay kahit sa managers!"

Biglang bumigat lalo yung folder.

Tumingin ako sa glass wall. Nandoon si Ethan, nakatalikod ulit, kausap sa telepono. Malumanay lang magsalita, pero lahat ng kausap niya sa kabilang linya, sunud-sunuran.

"Move the Singapore meeting to Friday. No. I don't accept excuses." sabi nito sa kausap.

Doon ko naintindihan, hindi siya kailangang sumigaw para katakutan. Isang tingin lang, isang salita lang, tapos na.

At bukas, 7:30 AM, kailangan kong patunayan na karapat-dapat ako sa tiwalang ibinigay niya.

Hindi ko alam na habang hawak ko yung folder, hawak ko na rin pala ang unang desisyon na unti-unting sisira sa misyon ko kay Daddy.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Sa Haplos ng Kaaway   Chapter 12 : The Chairman's Shadow

    Hindi ko namalayan kung ilang beses kong hinawakan ang business card habang nakaupo ako sa Grab pauwi.EDUARDO M. DE VEGA-Chairman.Sa likod nito "Welcome to the De Vega family, Miss Buenavista." Paulit-ulit kong binasa ang sulat-kamay na iyon. Family Kung alam kaya niya, na ang tunay kong apelyido ay Saavedra. Na ang dahilan kung bakit ako nasa kompanya niya ay para malaman kahinaan nila para madali ko silang sirain.At higit sa lahat, ma habang tumatagal mas nahihirapan akong paniwalaang sila ang masasamang tao.Hindi ako nagmalay na nakarating na pala ako sa condo. Pagpasok ko pa lang, agad kong inilabas ang lumang litrato, Magkaakbay. Magkasing-edad. Masaya. Si Sir Eduardo at Daddy Sebastian.Dalawang lalaking mukhang walang alam na balang araw, ang pagkakaibigan nila ang magiging dahilan ng pagkawasak ng dalawang pamilya.Napabuntong-hininga ako. "Bakit ang hirap mong intindihin, Daddy..."______The next morning, mas maaga pa ako sa dati.Wala kang maririnig na ingay sa executi

  • Sa Haplos ng Kaaway   Chapter 12 : The Girl Who Chose The World

    Buong linggo, napansin ng buong executive floor ang isang bagay na hindi nila masabi nang malakas pero pinagbubulungan sa pantry.Si Sir Ethan, na dati-rati ay hindi lumalabas ng opisina maliban pag may meeting, ngayon ay madalas nang nasa labas. At laging may dahilan para dumaan sa mesa ko.Minsan may dalang folder na wala namang laman. Minsan magtatanong kung tapos na ba ang Batangas file kahit kakatapos ko lang i-send sa email niya limang minuto pa lang ang nakakalipas. Minsan tatayo lang sa may glass wall at titingin sa labas, pero alam kong nakatingin siya sa reflection ko.At si Sir Marco, mas lalo pang naging pursigido.Araw-araw, may dala. Minsan donut. Minsan siopao. Minsan maliit na bottled water na may nakadikit na sticky note na "Don't forget to hydrate, Miss Nadine! - M"Nakatuwa si Sir Marco. Parang golden retriever na hindi napapagod. Pag sinabi mong "Sir, thank you" ngingiti siya na parang nanalo sa lotto.Si Sir Ethan naman, kabaliktaran. Parang asong matapang na tah

  • Sa Haplos ng Kaaway   Chapter 11 : The Jelous Guy

    Alas-siyete pa lang ng umaga pero bukas na ang ilaw sa executive floor ng De Vega Global Holdings. Tahimik pa ang buong palapag, amoy pa lang ng bagong floor wax at ng mamahaling kape na laging pinatitimpla ni Sir Ethan. Nasa mesa na ako, inaayos ang Batangas files, at sa totoo lang, kabado ako. Simula nung dinner sa Dasmariñas, parang may nagbago. Hindi ko alam kung ako ba yung nagbago o si Sir Ethan.Bumukas ang elevator. Hindi si Sir Ethan ang lumabas.Si Sir Marco. May dalang dalawang paper bag ng Jollibee at isang iced coffee na may nakasulat na "For Miss N" sa takip gamit ang pentel pen."Good morning, Nadine!" bati ni Sir Marco, parang estudyanteng may dalang assignment na gustong magpa-impress. "I brought you breakfast. I noticed you're always early and you skip breakfast. You need to eat." she said with a bit of concern.Napangiti ako kahit pinipigilan ko."Sir Marco, you didn't have to. Nakakahiya po," sabi ko ng may mahina ang boses."No, it's fine. I was on my way here an

  • Sa Haplos ng Kaaway   CHAPTER 10: Dinner At The Enemy's House

    6:30 pa lang ng gabi pero sa Dasmariñas Village, parang hatinggabi na sa katahimikan. Walang tricycle. Walang batang naglalaro sa kalsada. Walang tindahan na may videoke. Puro malalaking gate na mas mataas pa sa pangarap ko, puro punong nakatayo na parang gwardiya, at ilaw na dilaw na ayaw istorbohin ang gabi. Nakatayo ako sa tapat ng itim na gate ng mga De Vega. Suot ko ang pinakamagandang dress na meron ako na hindi mukhang nagpapanggap. Simpleng itim na dress hanggang tuhod, nabili ko sa Zara nung sale, 1999.00 pesos pero tatlong araw kong pinag-isipan kung bagay ba sa akin. Nakalugay ang buhok na pinilit kong plantsahin kahit pawis na ang kamay ko. Walang mamahaling bag. Luma lang na beige sling na nilabhan ko pa kagabi. Nanginginig ang tuhod ko. Hindi dahil sa lamig. Kundi dahil nasa harap na ako ng bahay ng pamilyang kalaban ng pamilya ko sa negosyo ng dalawampu't limang taon. Pinindot ko ang doorbell. Isang pindot lang pero parang buong puso ko ang pumindot. Bumukas a

  • Sa Haplos ng Kaaway   Chapter 9 : How De Vega Steal

    Alas-onse y medya na ng gabi.Tulog na ang buong BGC. Patay na ang ilaw ng mga building na kanina ay kumikinang na parang mga bituin na bumaba sa lupa. Pero sa isang lumang condo sa labas ng BGC, sa ika-labing-apat na palapag, may isang bintanang gising pa. Isang babaeng gising pa.Ako.Si Alyannah. Si Nadine. Si Alyannah Saavedra na sa umaga ay Nadine Buenavista na gustong maging matalino at matapang, pero sa gabi ay si Alyannah lang na yakap ang tuhod sa sahig, gusot ang buhok, nakapambahay na may print na avocado na kupas na, at nakatingin sa laptop na mas maliwanag pa sa kinabukasan niya.Sa harap ko, bukas ang file.BATANGAS - 152 vs 151.Isang piso. Isang piso lang ang lamang ng De Vega Global Holdings sa Saavedra Holdings.Isang piso lang, pero sa isang pisong yun, talo na naman kami, talo na naman si Daddy.Tumunog ang phone ko. Naka-loudspeaker."Anak? Gising ka pa?" boses ni Daddy. Mahina. Malambing. Parang kagigising lang sa Amerika, pero pilit na gising para sa akin."Dad

  • Sa Haplos ng Kaaway   Chapter 8 : Night Shift

    Alas-sais y medya pa lang ng umaga.Madilim pa ang BGC. Tulog pa ang mga tao. Pero ako, gising na. Nasa De Vega Global Holdings na.Black coffee. No sugar. Dalawang kopya ng Singapore summary.Yan ang text ni Ethan De Vega kagabi. Walang good morning. Walang please. Diretso lang. Parang boss lang talaga na hindi marunong ngumiti.Pero bilang si Nadine Buenavista, bilang babaeng gustong patunayan na hindi siya basta-basta, kailangan kong mauna. Kailangan kong maging maagap. Kailangan kong ipakita na kaya ko.Pagbukas ng elevator sa executive floor, madilim pa. Patay lahat ng ilaw. Wala pa si Anthony na laging may dalang pandesal. Wala pa yung mga VP na laging maingay sa pantry.Tanging isang ilaw lang ang bukas. Sa opisina ni Ethan.Nakabukas ang pinto.Sumilip ako.Nandoon siya.Nakaupo. Naka-white long sleeves na nakatupi hanggang siko, kita ang ugat sa braso, walang coat, gusot na ang buhok na parang hindi umuwi. Tatlong monitor ang bukas. Hawak ang ballpen na umiikot sa daliri niya

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status