INICIAR SESIÓNMabilis ang naging takbo ng sumunod na dalawang araw. Halos hindi ako natulog.
Paulit-ulit kong binasa ang brown envelope ni Daddy hanggang sa kabisado ko na pati middle initial ng lola ni Nadine Buenavista. Pirma ni Nadine, birthday, address sa San Fernando, school, pati paano siya tumawa, inaral ko lahat. Isang maling sagot lang, tapos ang misyon. "Relax," bulong ko sa sarili habang inaayos ang puting long-sleeved blouse at itim na pencil skirt sa harap ng salamin. No luxury bag. No branded watch. Isang maliit na pearl earrings lang. Si Nadine dapat mukhang matalino, hindi mukhang mayaman. "Baby girl." Lumingon ako. Nasa p***o si Daddy, naka-business suit na. "Ready?" tanong niya. Ngumiti ako kahit kumakabog ang dibdib ko. "As ready as I'll ever be, Dad." Lumapit siya, inayos ang kwelyo ko. "Relax. Interview lang yan." "Interview sa kumpanya ng mortal mong kaaway," nakanguso kong sabi. Natawa siya. Tapos biglang hinawakan ang balikat ko, seryoso. "Anak, pag naramdaman mong delikado na... umalis ka." "Dad—" "Walang negosyo ang mas mahalaga kaysa sa'yo. Tandaan mo yan." Biglang sumikip ang dibdib ko. Kahit kailan, ako talaga ang inuuna niya. "I'll be fine. Promise," niyakap ko siya nang mahigpit. "I know," hinalikan niya ang noo ko. --- Forty minutes later, nakatayo ako sa harap ng halimaw na gusali sa BGC. *DE VEGA GLOBAL HOLDINGS.* Silver logo na kumikinang sa araw. Glass building na parang hindi para sa tao, para sa mga diyos ng pera. "Okay, Nadine. Kaya mo to. Para kay Daddy," bulong ko, sabay pasok. Malamig ang lobby, amoy mamahaling kape at bagong pera. Lahat seryoso, lahat mabilis maglakad. "Good morning, I'm Nadine Buenavista. I have an interview for Executive Secretary position," bati ko sa reception. Ngumiti ang receptionist at nag-type. "Yes, Ma'am Nadine. You're expected on the 35th floor. Mr. Anthony Aragon will assist you." Expected? Okay, VIP pala ang position. Sa elevator pa lang, gusto ko nang umatras. 35th floor. Lord, kung mahuhulog man to, wag ngayon. Pagbukas ng p***o, sinalubong ako ng isang lalaking maingay ang ngiti. "Miss Nadine? Ako si Anthony Aragon! Executive Assistant ni Sir Ethan. Right hand, left hand, minsan taga-salo ng init ng ulo." Napangiti ako agad. Ito yung golden retriever energy na sinasabi nila. "Nadine. Nice to meet you!" "Congratulations!" Napakurap ako. "Ha? Hindi pa nga ako na-i-interview ah?" "Ay! Advance mag-isip!" Kamot-batok siya. "Kinakabahan ka ba?" "Medyo." "Huwag. Si Sir kasi—" Bigla siyang natigilan at napalunok. "Ay mali. Basta pag may sinabi si Sir, wag mong dibdibin." "Bakit? Mahigpit ba siya?" "Mahigpit?" Napailing siya na parang na-trauma. "Tatlong secretary ang nag-resign this year, Miss Nadine. Yung isa umiyak, yung pangalawa nag-immediate resignation, yung pangatlo..." "Ano?" "Nag-asawa na lang para hindi na bumalik." Natawa ako nang malakas. "Grabe! Totoo ba yan?" "Joke lang... pero hindi masyado." Huminto kami sa malaking kahoy na p***o na may silver nameplate. *PRESIDENT & CEO* Huminga ako nang malalim. "Ready?" bulong ni Anthony. Tumango ako. Binuksan niya ang p***o. "Sir, nandito na po yung final applicant. Si Miss Nadine Buenavista." Humakbang ako papasok. Inayos ang folder. At dahan-dahang umangat ang tingin ng lalaking nasa likod ng executive desk. Nagtagpo ang mata namin. At nalaglag yung buong kaluluwa ko. "You've got to be kidding me... IKAW?!" Hindi ko na napigilan. Lumabas talaga sa bibig ko. Siya. Yung pader sa NAIA. Yung supladong guwapo na muntik nang pumatay sa akin sa airport. Yung lalaking sabi ko may seminar ng mga suplado. At kitang-kita ko, pati siya natigilan. Kumunot ang noo niya, pero hindi dahil hindi niya ako maalala. Kundi dahil naalala niya agad. "Ikaw yung—" Sabay pa kaming napahinto. Nagkatinginan kami ni Anthony. Si Anthony, parang nanonood ng teleserye. "Sir? Magkakilala po kayo?" singit ni Anthony. Hindi sumagot si Ethan. Sandal lang siya sa upuan, pinagkrus ang kamay, at tinitigan ako na parang sinusukat kung anong klaseng gulo ang pumasok sa opisina niya. "Take a seat, Miss Buenavista," kalmado niyang sabi. Pero yung boses, mas malamig na ngayon. Umupo ako. Si Anthony tahimik na lumabas. Tahimik niyang binuklat ang résumé ko. Page one. Page two. "So... Nadine Buenavista from San Fernando, Pampanga. Cum laude. Business Ad," basa niya nang hindi tumitingin sa akin. "Impressive. On paper." On paper? May pahiwatig ba yun? "San tayo unang nagkita?" Bigla niyang tanong, diretso ang tingin. Patay. Alam kong alam niya. Ngumiti akoyung ngiting Nadine, hindi Alyannah. Prangka, pero magiliw. "Sa airport po, Sir. Bumangga ka sa akin tapos iniwan mo akong parang basahan sa sahig." Tumaas ang kilay niya. Hindi sanay na sinasagot. "And you grabbed my sleeve," dugtong niya. "Well, someone had to stop you. Mukha kasing may hinahabol ka. O may tinataguan?" Ganti ko. Nagulat siya saglit, tapos bahagyang ngumisi. Yung ngising playboy na delikado. "You're... frank." "Prangka po talaga ako, Sir. Mas okay na yun kaysa plastic, di ba? Mas madaling katrabaho yung totoo." Ilang segundong katahimikan. Sinusukat niya ako. "I like frank," sabi niya, mababa ang boses, may double meaning na hindi ko alam kung sinasadya ba niya o ako lang ang praning. "Pero I don't like liars, Miss Buenavista. I hate them." Kinabahan ako. Pero hindi ako nagpahalata. "Same here, Sir. I hate liars too," ngiti ko pa rin. "Kaya kung magsisinungaling man ako, sisiguraduhin kong hindi mo mahahalata." Tahimik. Tapos... Tumawa siya. Isang maikling tawa lang, pero buong opisina parang gumaan. "Interesting. Most applicants tremble here. Ikaw, nang-aasar pa." "Hindi po ako most applicants, Sir," sagot ko agad. "At saka sabi ni Mr. Anthony, tatlo na ang napa-resign mo this year. Pag ako napa-iyak mo, dagdag ako sa statistics. Ayokong maging number four." Muli siyang natawa, mas totoo na ngayon. "Anthony told you that, huh? I'll fire him later." "Sir, wag. Siya lang yung mabait sa akin dito." Pinindot niya ang intercom. "Anthony, two coffees. Black." "Sir, black?" Narinig ang boses ni Anthony. "Yeah. And make sure it's strong. Mukhang matatagalan kami ng new secretary ko. She talks a lot." New secretary ko dawww? Napatingin ako sa kanya. "Sir?" Isinara niya ang folder. "Bakit Executive Secretary? With your credentials, you can be a manager anywhere. Why start as my secretary?" Eto na yung tanong na inaral ko. "Dahil gusto kong matuto sa pinakamagaling, Sir," sagot ko, diretso ang tingin. "Sabi nila, if you want to be a great leader, you have to know how it feels to be at the bottom. At sino pa ba ang best leader sa BGC kundi kayo?" Business answer. Safe. Flattering pero hindi s****p. Tinitigan niya ako nang matagal. Yung tingin na parang binabasa ang utak ko. "Were you coached to say that?" "No, Sir. Inaral ko lang kung sino ang boss ko. And I did my research. De Vega Global Holdings didn't become number one because you hire people who say generic answers." Bahagyang ngumiti siya. Na-impress. "One last question, Miss Buenavista." "Go ahead, Sir." "If someone offered you a large amount of money to betray this company... would you?" Boom. Doon ako tinamaan. Iyon mismo ang misyon ko. Humigpit ang hawak ko sa skirt ko. Pero ngumiti pa rin ako. "No, Sir." "Why?" "Dahil ang tiwala, Sir... pag nasira mo na, kahit anong yaman mo, hindi mo na mabibili pabalik. And I'm not for sale." Hindi ko alam kung bakit, parang ako mismo ang tinamaan sa sinabi ko. Tahimik si Ethan. Matagal. Sinusuri ang bawat salita ko. Tapos tumayo siya. Akala ko tapos na. Akala ko "we'll call you." Pero lumapit siya sa table ko. Kumuha ng ballpen at pinirmahan ang résumé ko sa harap ko. Lumapit siya sa intercom. "Anthony." "Yes, Sir?" "Prepare her ID. And tell HR, she's hired. She starts now." Nanlaki ang mata ko. "Now agad, Sir?" Lumingon siya sa akin, nakasandal sa desk niya, isang dangkal lang ang layo. Amoy na amoy ko na naman yung pabango niya sa airport. Yung pabango ng lalaking kinaiinisan ko. "Yes, now. I don't like wasting time, Miss Buenavista. And I don't like people who waste mine," bulong niya, dominante, yung tipong boss na boss. "Let's see if that frankness of yours can survive working with me." Ngumiti ako pabalik, hindi patatalo. "We'll see, Sir. Baka ako pa ang magpa-resign sa'yo." Sa labas, narinig kong nabulunan si Anthony sa kape.Alas-siyete pa lang ng umaga pero bukas na ang ilaw sa executive floor ng De Vega Global Holdings. Tahimik pa ang buong palapag, amoy pa lang ng bagong floor wax at ng mamahaling kape na laging pinatitimpla ni Sir Ethan. Nasa mesa na ako, inaayos ang Batangas files, at sa totoo lang, kabado ako. Simula nung dinner sa Dasmariñas, parang may nagbago. Hindi ko alam kung ako ba yung nagbago o si Sir Ethan.Bumukas ang elevator. Hindi si Sir Ethan ang lumabas.Si Sir Marco. May dalang dalawang paper bag ng Jollibee at isang iced coffee na may nakasulat na "For Miss N" sa takip gamit ang pentel pen."Good morning, Nadine!" bati ni Sir Marco, parang estudyanteng may dalang assignment na gustong magpa-impress. "I brought you breakfast. I noticed you're always early and you skip breakfast. You need to eat." she said with a bit of concern.Napangiti ako kahit pinipigilan ko."Sir Marco, you didn't have to. Nakakahiya po," sabi ko ng may mahina ang boses."No, it's fine. I was on my way here an
6:30 pa lang ng gabi pero sa Dasmariñas Village, parang hatinggabi na sa katahimikan. Walang tricycle. Walang batang naglalaro sa kalsada. Walang tindahan na may videoke. Puro malalaking gate na mas mataas pa sa pangarap ko, puro punong nakatayo na parang gwardiya, at ilaw na dilaw na ayaw istorbohin ang gabi. Nakatayo ako sa tapat ng itim na gate ng mga De Vega. Suot ko ang pinakamagandang dress na meron ako na hindi mukhang nagpapanggap. Simpleng itim na dress hanggang tuhod, nabili ko sa Zara nung sale, 1999.00 pesos pero tatlong araw kong pinag-isipan kung bagay ba sa akin. Nakalugay ang buhok na pinilit kong plantsahin kahit pawis na ang kamay ko. Walang mamahaling bag. Luma lang na beige sling na nilabhan ko pa kagabi. Nanginginig ang tuhod ko. Hindi dahil sa lamig. Kundi dahil nasa harap na ako ng bahay ng pamilyang kalaban ng pamilya ko sa negosyo ng dalawampu't limang taon. Pinindot ko ang doorbell. Isang pindot lang pero parang buong puso ko ang pumindot. Bumukas a
Alas-onse y medya na ng gabi.Tulog na ang buong BGC. Patay na ang ilaw ng mga building na kanina ay kumikinang na parang mga bituin na bumaba sa lupa. Pero sa isang lumang condo sa labas ng BGC, sa ika-labing-apat na palapag, may isang bintanang gising pa. Isang babaeng gising pa.Ako.Si Alyannah. Si Nadine. Si Alyannah Saavedra na sa umaga ay Nadine Buenavista na gustong maging matalino at matapang, pero sa gabi ay si Alyannah lang na yakap ang tuhod sa sahig, gusot ang buhok, nakapambahay na may print na avocado na kupas na, at nakatingin sa laptop na mas maliwanag pa sa kinabukasan niya.Sa harap ko, bukas ang file.BATANGAS - 152 vs 151.Isang piso. Isang piso lang ang lamang ng De Vega Global Holdings sa Saavedra Holdings.Isang piso lang, pero sa isang pisong yun, talo na naman kami, talo na naman si Daddy.Tumunog ang phone ko. Naka-loudspeaker."Anak? Gising ka pa?" boses ni Daddy. Mahina. Malambing. Parang kagigising lang sa Amerika, pero pilit na gising para sa akin."Dad
Alas-sais y medya pa lang ng umaga.Madilim pa ang BGC. Tulog pa ang mga tao. Pero ako, gising na. Nasa De Vega Global Holdings na.Black coffee. No sugar. Dalawang kopya ng Singapore summary.Yan ang text ni Ethan De Vega kagabi. Walang good morning. Walang please. Diretso lang. Parang boss lang talaga na hindi marunong ngumiti.Pero bilang si Nadine Buenavista, bilang babaeng gustong patunayan na hindi siya basta-basta, kailangan kong mauna. Kailangan kong maging maagap. Kailangan kong ipakita na kaya ko.Pagbukas ng elevator sa executive floor, madilim pa. Patay lahat ng ilaw. Wala pa si Anthony na laging may dalang pandesal. Wala pa yung mga VP na laging maingay sa pantry.Tanging isang ilaw lang ang bukas. Sa opisina ni Ethan.Nakabukas ang pinto.Sumilip ako.Nandoon siya.Nakaupo. Naka-white long sleeves na nakatupi hanggang siko, kita ang ugat sa braso, walang coat, gusot na ang buhok na parang hindi umuwi. Tatlong monitor ang bukas. Hawak ang ballpen na umiikot sa daliri niya
Alas-tres y medya ng hapon nang muli akong sumakay sa company car pabalik sa Montenegro Financial Center. Parehong building. Parehong elevator. Parehong 12th floor. Pero ibang folder na ang hawak ko. Kung kanina magaan at blanko, ngayon mabigat. Ramdam ko ang kapal ng papel sa loob, ang lamig ng seal, at ang bigat ng responsibilidad. Four billion pesos daw ang laman nito. Hindi ko alam kung totoo o sinasabi lang ni Ethan para takutin ako, pero isang bagay lang ang sigurado — hindi ko pwedeng sirain ulit. Nakatingin ako sa bintana habang bumabagtas kami sa McKinley. Ang dami nang ilaw ng BGC kahit hapon pa lang. Sa isip ko, paulit-ulit kong nire-replay ang sinabi ni Ethan sa madilim na opisina. "I test all my secretaries this way." Standard pala. Hindi ako special. Hindi niya ako pinag-iinitan. Lahat pala ng sekretarya niya dumadaan sa ganung klaseng patibong. Yung iba bumubukas ng file sa taxi, kumukuha ng picture, tapos magsisinungaling. Bagsak. Ako hindi. Hindi ko binuksan. Ka
Ang phone ay nasa tenga ko pa rin.Sa kabilang linya, si Ethan De Vega. Sa kalmadong boses "...did you open the folder?" he asked.Apat na salita lang pero parang huminto ang aircon ng Montenegro Financial Center.Hawak ko pa rin ang asul na folder na puro blank templates lang ang laman. Sa harap ko, si Mr. Tan nakatingin sa akin na parang ako ang nagkamali."Sir, nandito po ako sa Montenegro," pilit kong inayos ang boses ko kahit nanginginig. "Sabi po ni Mr. Tan, templates lang daw po ang laman. Walang proposal—""I know," putol ni Ethan. Hindi malakas. Pero final.Isang segundo. Dalawang segundo. Naririnig ko lang ang mahinang tunog ng aircon ng opisina niya."Come back to the office now," sabi niya. Bago patayin ang tawag.Walang paliwanag. Isang utos lang.Paglingon ko kay Mr. Tan, halos hindi ako makatingin."I'm really sorry, Sir. There must have been a mix-up. Babalik po ako agad with the correct file," I said in professional manner."It's okay, Miss Buenavista," ngumiti si







