Share

Sa Likod Ng Lagda (SPG)
Sa Likod Ng Lagda (SPG)
Author: Miss Briannah

001

Author: Miss Briannah
last update Huling Na-update: 2025-07-24 15:46:42

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are the products of the author's imagination, used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

 

This story may contain matured scenes and profanities. Read at your own risk. 

   ═════════°°═════════

SLNL ➭ 001 OFFICIALLY MARRIED TO MY BOSS

QUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲

“I now pronounce you, husband and wife.” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko matapos ko pirmahan ang marriage certificate namin. I am now officially married to my cold-hearted billionaire boss, Spade Zaqueo Andrich. And I'm just his plain secretary. 

3 taon na kontrata bilang mag-asawa ang hiningi niyang kabayaran bilang kapalit ng pagbabayad niya sa milyon-milyong utang na iniwan ng namayapa kong ama. Sa tatlong taon na ito ay gagampanan namin ang pagiging mag-asawa lalo na kapag nasa harap kami ng pamilya ni sir Zaqueo.

Kung mayroon mang tao ang pinakamasaya ngayon dito, ito ay ang stepmother ko dahil ito talaga ang gusto niyang mangyari, ang mag-asawa ako ng mayaman para mabayaran ang lahat ng utang ng aming pamilya. Humingi din siya ng buwanang sustento sa boss ko na ngayon ay asawa ko na. Makuha niya pa kayang ngumiti kapag nalaman niya na kontrata lang namamagitan sa amin at maghihiwalay din sa takdang panahon?

“Congratulations mga anak! Sana magsama kayo ng matagal.” Labis na saya ang nakikita ko sa mukha ng madrasta ko. Kung alam lang ng mga tao kung paano niya ako itrato kapag kaming dalawa lang, aakalain nilang mabuti siyang stepmother sa ‘kin. 

“Zaqueo, hijo, baka naman pwede mo pa dagdagan ang binigay mo no’ng nakaraan? Magkikita kasi kami ngayon ng mga amiga ko eh, nakakahiya baka kulangin ako. Ang alam pa naman nila manugang ko na ang isa sa pinakamayamang negosyante sa buong Asia.” Walang kagatol-gatol na sabi ng stepmother ko. 

“Mama Dylin… Ta–” Agad akong pinandilatan ng mata ng madrasta ko para sindakin ako. Napakagat-labi na lang ako at nahihiyang tumingin sa asawa ko. 

“I’ll send you the money but don’t bother my wife anymore.” Malamig na sabi ni Zaqueo. 

Mabilis at sunod-sunod na tumango ang stepmother ko habang may magandang ngiti sa labi. Walang mababakas na kahit konting hiya sa kanya. “Salamat! Swerte ko talaga sa manugang.” Walang ngiti lang na nakatingin sa kanya ang asawa ko.

“Let’s go, wife.” Nagulat ako ng hawakan ni Zaqueo ang isang kamay ko. Nagpatianod na lang ako sa kanya kung saan niya ako dalhin.

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan habang tinatahak ang daan papunta sa kung saan. Nasa magkabilang dulo kami ng backseat. Nahihiya akong dumikit sa kanya. Iniisip ko kung paano ko ba magagampanan ng maayos at tama ang pagiging asawa ko sa isang cold-hearted na tao para naman sulit ang paglabas niya ng milyon para mabayaran ang mga utang ng pamilya ko. Ang alam ko lang ay asikasuhin siya. Hindi pa namin napag-usapan ang tungkol sa pangangailangan niya bilang isang lalaki kung pati ba ‘yon ay gagampanan ko. 

Bahala na! Masakit na ang ulo ko kakaisip. Wala din naman akong karanasan kaya hindi ko rin alam kung paano ko gagawin. 

“Are you thinking about our honeymoon?” Kukurap-kurap ang mata ko sa tanong ni Zaqueo. 

“H-hindi naman.” Tumingin ako sa labas ng bintana para hindi niya makita ang reaksyon sa mukha ko pero nagkamali ako. 

“You blushed. I'm right, iniisip mo nga.” Parang gusto ko lumubog sa kinauupuan ko dahil sa labis na hiya. Saglit ko sinulyapan ang driver pero parang hindi naman ito nakikinig sa pinag-uusapan namin o baka sadyang sanay na siya sa ganitong usapan. 

“Don't worry, mangyayari ang kanina mo pa iniisip. Just wait until we get home.” Napalunok ako ng laway sa sinabi niya. Sa unang pagkakataon nasilayan ko ang pag-angat ng sulok ng labi ng boss ko. Hindi ko maiwasan ang biglang matulala. 

Kinabig niya ako sa baywang at dinikit ng husto sa katawan niya. Magkalapit ang mga mukha namin na halos maduling na ako. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. “Wala tayong ‘you may kiss the bride’ kanina, I will claim it now.” Mabilis niyang inangkin ang labi ko. Natuod ako at hindi malaman kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano tumugon. 

Napasinghap ako at nanlalaki ang mga mata ng pisilin niya ang kaliwang dibdib ko. Ginamit niya ang pagkakataon na ‘yon para galugarin ng dila niya ang loob ng bibig ko. Ngayon pa lang ako nakaranas mahawakan ng lalaki sa maselan na parte ng katawan ko! Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. 

Unti-unti na akong nadadala sa ginagawa niya hanggang sa nakuha ko na ang tumugon at lasapin ang halik niya. Panaka-naka din ang pagpisil niya sa isang dibdib ko na nakakadagdag pa ng intense sa halikan namin. 

Inalalayan niya ako na makasandal sa upuan ng hindi napapatid ang halikan namin. Ang kalahati ng katawan niya ay halos nakadagan na sa ‘kin. Maga na ang labi ko ng bitawan niya. 

“Let's continue this to our room.” Tila natauhan ako bigla ng mapansin kong nakahinto na ang sasakyan at kaming dalawa na lang ang narito sa loob. Wala na ang driver. Nakahinto na rin kami sa garahe ng isang napakalaki at napakaganda na mansion. Naghuhumiyaw sa karangyaan ang kulay nitong white and gold. It's a 3-storey mansion.

Nahihiya na yumuko ako para itago ang pamumula ng mukha ko. Masyado ako nadala sa ginawa namin kanina, nakalimot ako na may ibang tao sa paligid at nasa sasakyan nga pala kami. 

Hawak-kamay kaming lumabas ng sasakyan. Namangha ako sa ganda ng modernong design ng mansion niya. Umakyat kami hanggang sa ikatlong palapag. 

“This is our room. Narito na rin lahat ng bagong gamit mo.” Triple ang laki nito sa kwarto ng dating bahay namin nang hindi pa ito nabenta. Bago ako alukin ni Zaqueo ng kasal, nakatira na lang kami ng stepmother ko sa isang hindi kalakihan na condominium unit. 

“Ang ganda.” Hindi ko mapigilan sambitin. 

“Yeah. Para kahit mag habulan o mag pagulong-gulong tayo dito, walang problema.” May naglalarong ngiti sa labi niyang sabi. 

Hindi naman ako nakapagsalita dahil sa hiya. Nag-iinit ang pisngi ko. 

“Don't be shy, wife. Legal tayong mag-asawa at normal lang ang ganitong bagay na mapag-usapan natin. Kahit kontrata lang ang namamagitan sa atin, still, we are legally married. Lahat ng sa ‘kin ay sa iyo din.” Walang imik akong tumango. Hindi naman ako naghahangad ng kayamanan niya, malaki na ang pasasalamat ko sa pagsalba niya sa amin ni mama Dylin mula sa pagkalubog sa mga utang kaya sa loob ng tatlong taon, gagawin ko ang best ko para pagsilbihan siya sa kahit anong paraan. Iisipin ko na lang na trabaho ko ‘yon at bayad na ako do'n. 

Kung wala siguro siya, baka ako na ang hininging pambayad ng sanggano na inutangan ni papa noon. 

Nangilabot ako ng maalala kung paano hagurin ng tingin ng lalaki na ‘yon ang katawan ko sa tuwing pupunta sa bahay para maningil. Puno ng makamundong pagnanasa ang pinapahiwatig ng mga mata niya. 

Nagulat na lang ako ng bigla akong sinandal ni Zaqueo sa pader at pininid ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ng ulo ko. Nilapit niya ang labi niya sa labi ko na parang hahalikan ako at pinakatitigan ako ng seryoso. Nakaramdam ako ng takot sa uri ng tingin niya sa ‘kin. 

“Wala ka ng karapatan mag-isip ng ibang lalaki bukod sa akin na asawa mo, kaya kung may nobyo o manliligaw ka man, layuan mo siya at sa sabihin mo sa kanya na akin ka na ngayon.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Sa Likod Ng Lagda (SPG)    005

    SLNL ➭ 005 PROTECTORꕤꕤꕤQUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲Bumaling sa magkabilang gilid ang ulo ko sa dalawang malakas at magkasunod na sampal na binigay sa ‘kin ni mama Dylin pagpasok ko pa lang sa pinto ng bahay ng mga magulang ko. “Napaka walang hiya mo talagang bata ka! Bakit mo pinahiya ang ate Devy mo kay Zaqueo? Nagmamalaki ka na? Mayabang ka na ngayon?” Galit na galit na sigaw sa akin ni mama Dylin habang dinuduro pa ako sa aking mukha. Hinawakan ko isang pisngi ko para haplusin ito. Hindi pa ko nakakalingon kay mama, sinabunutan na niya naman ako. Pakiramdam ko mabubunot na lahat ng buhok ko sa lakas ng paghila niya. Sanay na sanay na ko sa ganitong gawain nila sa akin sa bawat araw. Latay sa katawan at masasakit na salita na ang kasama ko mula pagkabata. Hindi na ito bago sa ‘kin, may mas malala pa nga. Kaya pala ako pinapunta ni mama dito sa bahay para lang saktan. Exaggerated na naman siguro ang sumbong ni Devy. Ano pa bang bago? “Kala mo naman kung sino na. ‘Yan ang napapal

  • Sa Likod Ng Lagda (SPG)    004

    SLNL ➭ 004 PWESTOꕤꕤꕤQUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲Hindi pumayag si Zaqueo na magtrabaho ako habang nag-aaral kaya napagkasunduan na lang namin na mag-asawa na dito ako sa Andrich Struxion-company na pag-aari niya ako mag-intern at magtatrabaho ng ilang taon. Malaking bagay na rin sa akin ito bilang experience. May dalawang buwan pa naman bago ang pasukan sa eskwela. Sa ngayon, magtrabaho muna ako bilang secretary ng asawa ko. ✪✪✪Ilang araw ang lumipas, nagsimula na rin magtrabaho dito sa company ni Zaqueo ang stepsister ko na si Devy. Pinagbigyan ng asawa ko si mama Dylin sa pakiusap nito dahil na rin sa sobrang kulit ng madrasta ko. Masakit na kasi ang ulo ng asawa ko sa halos araw-araw na lang na pagpunta sa opisina ni mama tapos nagdadrama na akala mo ay napakasama na tao ng asawa ko. “Hayahay lang naman pala ang buhay mo dito tapos sumasahod ka pa ng malaki. Hindi mo pa mapagbigyan mga hinihingi ni mama sa ‘yo.”Mula sa pagtipa ko sa keyboard ng computer, napatingin ako sa bigl

  • Sa Likod Ng Lagda (SPG)    003

    SLNL ➭ 003 AALIGID-ALIGIDꕤꕤꕤQUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲“I'd love to do that, wife but I don't think you're ready now.” Nagmulat ako ng mga mata. I feel a little bit of disappointment. Bagay na hindi ko naman dapat maramdaman.“Please don’t be upset. Marami pa naman tayong panahon na magkasama. Baka ikaw pa mismo ang sumuko kapag hindi na kita tinigilan.” Namula ang pisngi ko sinabi ng asawa ko. Nakakahiya!“H-hindi naman. N-naiintindihan ko naman. Salamat sa konsiderasyon mo.” Ngumiti ng matamis sa akin si Zaqueo. Mas bagay naman pala sa kanya ang nakangiti kaysa sa malamig niyang emosyon na nakasanayan ko sa office sa araw-araw na kasama ko siya. Sa trabaho kasi kahit minsan ay hindi siya ngumiti kahit kanino. I guess I’m lucky to see him smiling.❥ ❥ ❥MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN❥ ❥ ❥THIRD P. O. V ♥︎“Ma, please lang. Tama na kahihingi ng pera sa asawa ko. Nakakahiya po. Binibigay ko naman sa inyo halos lahat ng sinasahod ko. ‘Wag na pati kay Zaqueo.” Pakiusap ni Asha sa madrasta

  • Sa Likod Ng Lagda (SPG)    002

    SLNL ➭ 002 ENDEARMENTꕤꕤꕤQUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲“W-wala n-naman, sir.” Nauutal kong sagot. Yumuko ako dahil hindi ko kayang tagalan ang lalim ng titig niya sa akin. “Sir?” Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin na parang nauubusan na ng pasensya. “Mag-asawa na tayo, Asha. Hindi na dapat sir ang tawag mo sa akin lalo na dito sa bahay at sa harap ng ama ko.” Muli siyang nag buntong-hininga. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko. Nahihiya naman kasi akong tawagin siya ng endearment. Hindi naman kami totoong nagmamahalan. “Pasensya na po, Sir. Hindi kasi ako sanay at hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong itawag sa ‘yo.” I said honestly.“Ganito na lang. Starting today, you will call me your husband or hubby and I will call you my wife. Paano naman maniniwala ang pamilya natin na mag-asawa tayo kung Sir pa rin ang tawag mo sa ‘kin?” Binaba na niya ang mga kamay ko. Tumayo siya ng tuwid at nag pamaywang sa harap ko. Kamot-ulo naman ako. Sobrang hiya talaga ang nararamdaman ko

  • Sa Likod Ng Lagda (SPG)    001

    DISCLAIMER:This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are the products of the author's imagination, used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.This story may contain matured scenes and profanities. Read at your own risk. ═════════°°═════════SLNL ➭ 001 OFFICIALLY MARRIED TO MY BOSSꕤꕤꕤQUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲“I now pronounce you, husband and wife.” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko matapos ko pirmahan ang marriage certificate namin. I am now officially married to my cold-hearted billionaire boss, Spade Zaqueo Andrich. And I'm just his plain secretary. 3 taon na kontrata bilang mag-asawa ang hiningi niyang kabayaran bilang kapalit ng pagbabayad niya sa milyon-milyong utang na iniwan ng namayapa kong ama. Sa tatlong taon na ito ay gagampanan namin ang pagiging mag-asawa lalo na kapag nasa harap kami ng pamilya ni sir Zaqueo.Kung mayroon m

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status