Share

005

Author: Miss Briannah
last update Last Updated: 2025-08-03 23:13:24

SLNL ➭ 005 PROTECTOR

QUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲

Bumaling sa magkabilang gilid ang ulo ko sa dalawang malakas at magkasunod na sampal na binigay sa ‘kin ni mama Dylin pagpasok ko pa lang sa pinto ng bahay ng mga magulang ko. 

“Napaka walang hiya mo talagang bata ka! Bakit mo pinahiya ang ate Devy mo kay Zaqueo? Nagmamalaki ka na? Mayabang ka na ngayon?” Galit na galit na sigaw sa akin ni mama Dylin habang dinuduro pa ako sa aking mukha. 

Hinawakan ko isang pisngi ko para haplusin ito. Hindi pa ko nakakalingon kay mama, sinabunutan na niya naman ako. Pakiramdam ko mabubunot na lahat ng buhok ko sa lakas ng paghila niya. Sanay na sanay na ko sa ganitong gawain nila sa akin sa bawat araw. Latay sa katawan at masasakit na salita na ang kasama ko mula pagkabata. Hindi na ito bago sa ‘kin, may mas malala pa nga. 

Kaya pala ako pinapunta ni mama dito sa bahay para lang saktan. Exaggerated na naman siguro ang sumbong ni Devy. Ano pa bang bago? 

“Kala mo naman kung sino na. ‘Yan ang napapala mo.” Nakahalukipkip na sabi ni Devy. 

Lumapit siya sa akin at sinampal din ako ng napakalakas. “Para ‘yan sa pamamahiya mo sa akin kahapon.” May gigil niyang sabi. 

“Devy, hin–” Muli na naman niya ako sinampal pero sa pagkakataon na ito mas malakas pa. “Wag mo akong sinasagot-sagot! Ang kapal ng mukha mo para sagutin ako.” Hiningal siya matapos ako sigawan.

Ito ang madalas na kalagayan ko noong magkakasama pa kami, pinagbibintangan ako sa bagay na hindi ko naman ginawa at walang karapatan magsalita. 

“Sa susunod na ipahiya mo pa ulit ang ate Devy mo, hindi lang iyan ang aabutin mo sa ‘kin.” Pagbabanta ng madrasta ko habang dinuduro ako. Kung noon umiiyak na lang ako sa pananakit nila sa akin, ngayon ay hindi na. Manhid na ko sa mga pananakit nilang pisikal at emosyonal. 

Humarap ako sa kanila habang inaayos ang nagulo kong buhok. Kailangan ko na ulit siguro magpagupit ng maikling buhok para mahirapan sila na sabunutan ako. “Aalis na po ako kung tapos na kayo.” 

“Aba't! Pinipilosopo mo ba ako?  Lumayas ka nga dito!” Tangkang sasampalin na naman ako ni mama Dylin pero hindi tuluyan dumapo ang palad niya sa ‘kin dahil may sumalo nito. 

“Ang mismong may-ari pa talaga ng bahay na ito ang pinapalayas mo?” Parang kulog na boses ni Zaqueo mula sa likuran ko. Nilingon ko siya at kitang-kita ko ang madilim niyang anyo. 

Sumunod pa talaga siya sa akin dito. Ang bilin ko sa kanya ay hintayin na lang ako sa loob ng sasakyan. Mukhang nainip na. 

“Hijo…”

“Zaq…”

Gulat na gulat na sambit ni mama at Devy. 

Walang ingat na binababa ni Zaqueo ang kamay ni mama. Hinawakan niya ang baywang ko para kabigin padikit sa katawan niya. Seems like he is protecting me. 

“Kung hindi ako nagkakamali, kay Asha nakapangalan ang bahay na ito. Bahay na pamana ng mama niya sa kanya pero kayo ang nakikinabang at nakatira na hindi naman kaano-ano.” Napalunok ng laway si mama Dylin at nanginig naman si Devy. 

“Ngayon alam ko na kung gaano kayo kalupit na mag-ina sa asawa ko. Kitang-kita ng dalawang mata ko.” 

“Hindi to–”

“Paano kaya kung bawiin ni Asha ang bahay na ito sa inyo? Saan kaya kayo pupulutin?”

“H-hindi ‘yan magagawa sa amin ni Asha. P-pamilya niya kami. Ako ang nag-aruga at nagpalaki sa kanya.” Nauutal pero may himig ng panunumbat na sabi ni mama. 

“Di ba, anak?” Tumingin sa akin si mama na animo'y kawawang-kawawa. Hindi ako sumagot. Walang emosyon lang akong nakatingin sa kanya. 

“Hindi ko rin palalampasin ang ginawa niyong pananakit sa asawa ko. Asahan niyo na hindi ako magiging bulag at bingi sa nasaksihan ko kanina.” May diin na sabi ng asawa ko at mas dumilim na rin ang anyo niya. 

“P-pero, hijo –”

Hinawakan ni Zaqueo ang palad ko. “Let's go home, my wife.” Hindi na ako nakasagot pa. 

“Sandali, Zaqueo! Magpapaliwanag kami! Patibong lang ito ni Asha pra magalit ka sa amin!”

“Makinig ka muna sa amin, hijo”

Hindi na pinasin ni Zaqueo ang sigaw nila mama at Devy. Nilingon ko sila habang palabas kami ng bahay pero pinigilan ako ng asawa ko. 

“Don't look at them, wife. Hindi ako naniniwala sa kanila. Nakita at narinig ko ang lahat.” Tanging tango na lang ang naging tugon ko. 

Inalalayan ako ni Zaqueo na makapasok sa frontseat ng sasakyan bago siya pumunta sa driver's seat. Siya na rin ang naglagay ng seatbelt ko. Madiin ang hawak niya sa manibela. Nabalot sandali ng katahimikan ang paligid. 

“Matagal ka na ba nilang sinasaktan?” Yumuko ako at marahang tumango. 

Nagulat na lang ako sa biglang paghampas niya sa manibela. “Fúck them!” Ilang beses siya nag buga ng hangin bago muling bumaling sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito ng maraming beses. 

“Kung alam ko lang na noon ka pa nila ginaganito, sana noon pa ko lumapit sa ‘yo. I'm sorry kung ngayon lang ako dumating.” Hinaplos niya ng may pag-iingat ang pisngi ko. Nakikita ko sa mga mata niya ang matinding galit at pagkahabag.

Umiling ako at ngumiti ng tipid sa kanya. “Wala kang kasalanan. Malaking bagay na sa akin ang inalok mo ko ng tulong. Maraming salamat.”

“No worries, my wife. I will protect you at all cost. Sabihin mo sa ‘kin lahat ng nangyayari sa ‘yo. Responsibilidad na kita simula ng pumirma ka sa marriage certificate natin.”

“Maraming salamat talaga, hubby. Utang ko sa ‘yo ang kalayaan ko ngayon.” 

Na-conscious ako sa pagtitig sa akin ni Zaqueo lalo na ng bumaba sa labi ko ang tingin niya. 

“Wife, isang bagay lang sana ang hihilingin ko sa ‘yo na kapalit.” Seryosong sabi niya ng hindi pa rin inaalis ang tingin sa labi ko. 

“A-ano ‘yun?” Kinakabahan kong tanong. 

Mula sa labi ko, umangat ang tingin niya sa mga mata ko. 

“Maging tapat ka lang sa ‘kin. Hangga't kasal tayo, sa akin mo lang ialay ang sarili mo. Sana hindi ka umibig sa iba.”

May kung anong naging kakaibang kabog ang puso ko. Tila sandali ito hindi naging normal sa pagtibøk. 

“Pangako. Makakaasa ka.” I said honestly. Tsaka ako ngumiti. 

Lumawak ang ngiti sa labi ng asawa ko. Nabigla na lang ako ng halikan niya ako sa labi. 

“Ang lambot talaga ng labi mo. Hindi nakakasawang halikan.” 

“Hmp. Bolero. Tara na nga.” Sabay kaming natawa. 

Muli niya pa ako binigyan ng banayad na halik bago niya pinaandar ang makina ng sasakyan. 

“Hindi kita binobola, wife. I'm just telling the truth.” May kakaibang ngiti sa labi niya na pinagtataka ko. 

“Ang sarap mo nga lapain eh. Angkinin na kaya kita dito sa loob ng sasakyan?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sa Likod Ng Lagda (SPG)    005

    SLNL ➭ 005 PROTECTORꕤꕤꕤQUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲Bumaling sa magkabilang gilid ang ulo ko sa dalawang malakas at magkasunod na sampal na binigay sa ‘kin ni mama Dylin pagpasok ko pa lang sa pinto ng bahay ng mga magulang ko. “Napaka walang hiya mo talagang bata ka! Bakit mo pinahiya ang ate Devy mo kay Zaqueo? Nagmamalaki ka na? Mayabang ka na ngayon?” Galit na galit na sigaw sa akin ni mama Dylin habang dinuduro pa ako sa aking mukha. Hinawakan ko isang pisngi ko para haplusin ito. Hindi pa ko nakakalingon kay mama, sinabunutan na niya naman ako. Pakiramdam ko mabubunot na lahat ng buhok ko sa lakas ng paghila niya. Sanay na sanay na ko sa ganitong gawain nila sa akin sa bawat araw. Latay sa katawan at masasakit na salita na ang kasama ko mula pagkabata. Hindi na ito bago sa ‘kin, may mas malala pa nga. Kaya pala ako pinapunta ni mama dito sa bahay para lang saktan. Exaggerated na naman siguro ang sumbong ni Devy. Ano pa bang bago? “Kala mo naman kung sino na. ‘Yan ang napapal

  • Sa Likod Ng Lagda (SPG)    004

    SLNL ➭ 004 PWESTOꕤꕤꕤQUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲Hindi pumayag si Zaqueo na magtrabaho ako habang nag-aaral kaya napagkasunduan na lang namin na mag-asawa na dito ako sa Andrich Struxion-company na pag-aari niya ako mag-intern at magtatrabaho ng ilang taon. Malaking bagay na rin sa akin ito bilang experience. May dalawang buwan pa naman bago ang pasukan sa eskwela. Sa ngayon, magtrabaho muna ako bilang secretary ng asawa ko. ✪✪✪Ilang araw ang lumipas, nagsimula na rin magtrabaho dito sa company ni Zaqueo ang stepsister ko na si Devy. Pinagbigyan ng asawa ko si mama Dylin sa pakiusap nito dahil na rin sa sobrang kulit ng madrasta ko. Masakit na kasi ang ulo ng asawa ko sa halos araw-araw na lang na pagpunta sa opisina ni mama tapos nagdadrama na akala mo ay napakasama na tao ng asawa ko. “Hayahay lang naman pala ang buhay mo dito tapos sumasahod ka pa ng malaki. Hindi mo pa mapagbigyan mga hinihingi ni mama sa ‘yo.”Mula sa pagtipa ko sa keyboard ng computer, napatingin ako sa bigl

  • Sa Likod Ng Lagda (SPG)    003

    SLNL ➭ 003 AALIGID-ALIGIDꕤꕤꕤQUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲“I'd love to do that, wife but I don't think you're ready now.” Nagmulat ako ng mga mata. I feel a little bit of disappointment. Bagay na hindi ko naman dapat maramdaman.“Please don’t be upset. Marami pa naman tayong panahon na magkasama. Baka ikaw pa mismo ang sumuko kapag hindi na kita tinigilan.” Namula ang pisngi ko sinabi ng asawa ko. Nakakahiya!“H-hindi naman. N-naiintindihan ko naman. Salamat sa konsiderasyon mo.” Ngumiti ng matamis sa akin si Zaqueo. Mas bagay naman pala sa kanya ang nakangiti kaysa sa malamig niyang emosyon na nakasanayan ko sa office sa araw-araw na kasama ko siya. Sa trabaho kasi kahit minsan ay hindi siya ngumiti kahit kanino. I guess I’m lucky to see him smiling.❥ ❥ ❥MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN❥ ❥ ❥THIRD P. O. V ♥︎“Ma, please lang. Tama na kahihingi ng pera sa asawa ko. Nakakahiya po. Binibigay ko naman sa inyo halos lahat ng sinasahod ko. ‘Wag na pati kay Zaqueo.” Pakiusap ni Asha sa madrasta

  • Sa Likod Ng Lagda (SPG)    002

    SLNL ➭ 002 ENDEARMENTꕤꕤꕤQUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲“W-wala n-naman, sir.” Nauutal kong sagot. Yumuko ako dahil hindi ko kayang tagalan ang lalim ng titig niya sa akin. “Sir?” Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin na parang nauubusan na ng pasensya. “Mag-asawa na tayo, Asha. Hindi na dapat sir ang tawag mo sa akin lalo na dito sa bahay at sa harap ng ama ko.” Muli siyang nag buntong-hininga. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko. Nahihiya naman kasi akong tawagin siya ng endearment. Hindi naman kami totoong nagmamahalan. “Pasensya na po, Sir. Hindi kasi ako sanay at hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong itawag sa ‘yo.” I said honestly.“Ganito na lang. Starting today, you will call me your husband or hubby and I will call you my wife. Paano naman maniniwala ang pamilya natin na mag-asawa tayo kung Sir pa rin ang tawag mo sa ‘kin?” Binaba na niya ang mga kamay ko. Tumayo siya ng tuwid at nag pamaywang sa harap ko. Kamot-ulo naman ako. Sobrang hiya talaga ang nararamdaman ko

  • Sa Likod Ng Lagda (SPG)    001

    DISCLAIMER:This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are the products of the author's imagination, used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.This story may contain matured scenes and profanities. Read at your own risk. ═════════°°═════════SLNL ➭ 001 OFFICIALLY MARRIED TO MY BOSSꕤꕤꕤQUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲“I now pronounce you, husband and wife.” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko matapos ko pirmahan ang marriage certificate namin. I am now officially married to my cold-hearted billionaire boss, Spade Zaqueo Andrich. And I'm just his plain secretary. 3 taon na kontrata bilang mag-asawa ang hiningi niyang kabayaran bilang kapalit ng pagbabayad niya sa milyon-milyong utang na iniwan ng namayapa kong ama. Sa tatlong taon na ito ay gagampanan namin ang pagiging mag-asawa lalo na kapag nasa harap kami ng pamilya ni sir Zaqueo.Kung mayroon m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status