Mag-log in"Pakasal? Pa, hindi ako papayag!" Agad kong pag-apila "Wala pa sa mga plano ko ang magpakasal. Isa pa, may gusto akong iba!"‘Si Chelsea! Kung ipapakasal niyo rin naman pala ako sa anak ni Don Ymael, bakit hindi na lang kay Chelsea?’Iyan ang salitang gustong-gusto kong isigaw sa mismong mukha ni Papa. Pero bago ko pa man maisatinig iyon, hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon na makapagsalita ulit dahil tumayo siya mula sa kaniyang swivel chair at agad na may inilapag na makapal na envelope sa harap ko."Buksan mo," malamig niyang utos.Nanginginig ang mga daliri ko sa inis nang kunin at buksan ko ‘yun. It was a legal document. Isang kasulatan kung saan ang kalahati ng lahat ng ari-arian nila ni Mama ay direktang mapupunta sa pangalan ko balang araw, at ang natitirang kalahati ay mapupunta naman sa magiging anak ko. But there was a massive catch. Mabibigyang-bisa lamang ang dokumentong ito kapag pumayag akong pakasalan si Ika.It was an incredibly tempting offer. The kind of wealth
"Ano namang klaseng kapalit ang gusto mo? Huwag mong sabihing hihilingin mo ang shares ko sa kumpanya," seryoso at may pagdududang tanong ni Ymilio sa kabilang linya nang marinig ang sagot ko.Natawa ako nang bahagya bago ko sulyapan si Chelsea na hanggang ngayon ay abala pa rin sa pagsusulat sa kaniyang papel. "Secret muna para masaya, man. Malalaman mo rin kapag tapos na ang deal natin. Basta inaasahan kong tutupad ka sa usapan natin."Bumuntong-hininga si Ymilio. Kilala niya ako—kapag sinabi kong may gusto akong makuha, gagawa at gagawa ako ng paraan para mapasakin ‘yun. "Fine. But let me make one thing clear, Jace. I know you're a bit of a playboy, but my wife's completely off-limits. I'm telling you this to warn you, she's not one of your flings."Marahan na naman akong natawa. “Chill, man. May gusto akong iba," makahulugan kong tugon. "Tutor lang, promise. huwag kang mag-alala…" Hindi ko sinabi kay Chelsea ang tungkol sa napagkasunduan namin ng kuya niya. Hindi rin naman iyon
Napag-alaman ko sa mismong araw na iyon na may malala siyang kondisyon kaya nandoon siya sa pribadong ospital na 'yun. Chelsea was suffering from severe clinical psychosis and hallucinations. May mga pagkakataon daw na hindi niya makontrol ang sarili niya, na nananakit siya ng sarili pati ng ibang tao kapag umaatake ang sakit niya, kaya kinailangan siyang i-rehabilitate nang palihim ng kaniyang mga magulang. At simula sa araw na iyon, lagi-lagi na akong pumupunta doon para i-check ang lagay niya nang walang nakakaalam sa pamilya namin.Noong una, sigurado akong dahil lang sa awa kaya ko siya pinupuntahan. Walang araw na hindi siya umiiyak tuwing bibisitahin ko siya. Gustong-gusto na niyang umuwi sa kanila pero hindi pa raw pwede sabi ng mga doktor. At naiintindihan ko naman kung bakit. Her condition wasn't just a simple emotional breakdown; it was a dark, psychological prison that constantly forced her to fight monsters inside her own head. Seeing her locked away in that cold room,
"Ano ba 'yan! Ganyan ba talaga siya? Ayaw makisalamuha?""Hayaan mo na. Baka introvert…" Napasulyap ako sa dalawa kong pinsang babae na abala sa pag-uusap habang nakatingin sa dulo ng engrandeng bulwagan. They were talking about Chelsea, our first cousin. Kapatid siya ni Ymilio. Kung si Ymilio ay kilala sa pagiging malapit sa aming lahat, madaling pakisamahan, kabaligtaran naman ito ng kapatid niyang ito. Sobrang tahimik at halatang walang balak na makisalamuha sa amin. Sa pagkakatanda ko, ngayon lang yata siya pinadalo sa family gathering naming ito. Sa ibang school siya nag-aaral at madalas ay hindi talaga namin siya nakikita rito sa mansyon ng Remington tuwing may okasyon. Kapag itinatanong naman siya ng mga pinsan naming babae kina Don at Donya, ang sagot ay busy ipagamot.Ano kaya sakit nito at parang hindi na gumagaling? "Huy, kayong dalawa, tigilan niyo nga 'yan. Masamang pag-usapan ang ibang tao, pinsan niyo pa rin 'yan," saway ko sa dalawa sabay inom sa hawak kong inumin.
YMILIO'S POV"Ang labo mo rin e no? Ngayon na nagkagusto ako sa kaniya, sasabihin mo sa'king lubayan ko na siya? Ano ba'ng trip mo ha?!"Napasinghap ako nang malalim sabay iwas ng tingin, hindi magawang sagutin ang direktang tanong ni Jace. Sa mga oras na ito, baka nakarating na sa New York si Ika. Gustong-gusto ko siyang sundan doon dahil nag-aalala ako sa magiging lagay niya sa banyagang lugar, pero ang Don at Donya na ang mismong nakiusap sa akin na huwag na dahil iyon daw ang makakabuti sa kaniya. Buntis siya.Wala nang mas ikakasakit sa katotohanang iyon para sa akin. Si Jace ang totoong ama—isang katotohanang mas lalong nagpadurog at nagpira-piraso sa natitira kong puso."Ano, 'di mo ‘ko sasagutin?! Nasaan si Ika?! Wala akong pakialam kung nabuntis mo siya, gusto kong mag-usap kami! Wala ka namang kwentang kausap e!" sunod-sunod na sigaw sa akin ni Jace, galit na galit akong hinahamon.Ang alam niya kasi ay ako ang nakabuntis kay Ika. Naniwala siya agad sa isang sabi ko lang. A
Pinuntahan ko si Ika sa ospital pagkatapos ng ilang araw na pagkakakulong ko rito. Hindi para itakas siya tulad ng plano ko noon, kundi para sabihing hindi na kami pwede. Na hindi na kami pwedeng magsama sa iisang bahay.Nadatnan ko siyang nakaupo sa hospital bed, maputla ang mukha pero agad na sumilay ang maamo niyang ngiti nang makita ako. Doon pa lang, parang piniga na agad ang puso ko. Nilapitan ko siya, pilit na pinatitigas ang aking mukha habang pasimpleng iniiwas ang tingin.“Everything we did… everything from the moment I brought you into my house… was all part of my plan…” sabi ko sa pilit pinatatag na boses. At least, this part wasn't a lie. At least.Sinabi ko sa kaniya na hindi na kami pwede na sising-sisi ako na nagawa ko siyang galawin ng paulit-ulit, kahit pawang kasinungalingan ang mga ito. Wala akong pinagsisihan. Kung mayroon man, iyon ay ang hindi naging maganda ang pagtatagpo namin. Na kung puwede lang ibalik, gugustuhin kong idaan lahat sa tamang proseso. Pero
Napatakip ako sa sarili kong bibig dahil sa gulat, habang ang puso ko ay nagwawala na dahil sa takot at kaba.Anong nangyayari? Bakit may pagsampal?Nanatiling nakabaling ang mukha ni Ymilio sa direksyon kung saan tumama ang palad ng kaniyang ina. Ang kaninang gulat niyang ekspresyon ay nawala at n
Mabilis akong natapos sa pagligo dahil na rin sa excitement. Paglabas ko ng banyo, nakita kong nakahanda na sa ibabaw ng kama ang isang simpleng t-shirt at maong na shorts. May kasama pa itong white rubber shoes na alam kong kay Ymilio galing dahil wala naman akong dalang ganoong sapatos."Isuot mo
Nang matapos ang huling malakas na pagputok ng fireworks, unt-unting binalot ng usok ang langit at dahan-dahang naglakad ang mga tao pabalik sa kani-kanilang mga daan. Nawala na ang kaninang ingay, at tanging ang malamig na simoy na lang ng hangin ang naiwan sa kinaroroonan naming deck.Mayamaya ay
Gulat pa rin ako habang hinihila niya ako. Noong una ay nagpatianod lang ako, pero nang mapansin kong pabalik na sa inn namin ang tinatahak naming daan ay bumwelo na ako para matigil siya sa paghila sa akin."T-teka lang po, Lord master!" pigil ko sa kaniya.Nakataas ang isang kilay niyang nilingon







