共有

Chapter 8 Predicament

作者: Remnis Luz
last update 公開日: 2026-08-20 21:30:55

"Bhe, gising na." Tila ihip ng hangin sa lambing na saad ng isang boses sa kanya.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • Satisfaction (Book 2 of Anticipating)   Chapter 8 Predicament

    "Bhe, gising na." Tila ihip ng hangin sa lambing na saad ng isang boses sa kanya. Naaaninag niya ang puting pigura nito sa kanyang harapan, ilang saglit din siya inabot bago bahagyang luminaw ang naturang anyo. "Bobby?" puno ng galak na tawag ni Sheryll.

  • Satisfaction (Book 2 of Anticipating)   Chapter 7 It is time

    "Sir, may sulat po kayo," bungad kaagad ng matandang katulong sa kanya pakapasok sa loob ng mansyon. "Sulat?" takang sagot na lang niya habang irritableng hinahatak ang suot na kurbata gamit ang isang kamay para tanggalin. Napakunot na lamang ang noo ni Raymond sa papalapit na matanda, naroon kasi ang pamumutla at panginginig nitong habang iniabot ang naturang sobre. "Siya pa rin po ang may padala, pero nakapangalan na po sa inyo," pagbibigay alam ng matandang katulong. "What is it now," inis na sambit ni Raymond pakakuha noon. Sinenyasan niya na lang ito na umalis bago tumungo sa home office. Naroon ang hirap ni Raymond sa pagbukas at pagsara ng pinto, dulo’t na rin ng pagkakasemento ng kanan niyang kamay, pero hindi iyon pumigil sa kanya upang magkulong sa naturang silid.Napabuga siya ng hangin nang pakatitigan ang puting sobre, hindi niya napigilang mapakunot ng noo sa kaalamang nagmula ito sa taong kinasusuklaman. Pero naroon rin naman ang pagtataka niya sa kung ano ang nil

  • Satisfaction (Book 2 of Anticipating)   Chapter 6 So long my love

    Matamlay na pinagmasdan ni Sheryll ang pinakamamahal habang nag-aangat baba ang dibdib nito, pero alam niyang dulot na iyon ng ilang aparatong nakasaksak sa bibig at ilong nito. Parang parte na ng makina ang katawan ng lalake na halos buto't balat na, ni hindi na nga ito makilala dahil sa laki ng pinagbago ng pangangatawan. Maingat na lang niyang kinuha ang nanlalamig na nitong kamay para halikan. Buong lambing niya iyong hinaplos-haplos sa kanyang pisngi, kahit pa halos tila yelo na ang pakiramdam noon. "Bubu, gumising ka na," hikbing pakiusap ni Sheryll dito. Parang isang panalangin na ang mga katagang lumabas sa kanyang bibig, pero nanatili lang itong lupasay, namumutla at walang malay. Tanging ang dibdib na lang nito ang gumagalaw, wala ng iba. Dalawang buwan na rin ang nakakalipas pero hanggang ng mga sandaling iyon ay hindi pa rin nagmumulat ng mga mata si Bobby. Halos doon na nga siya sa hospital namamalagi para lamang mabantayan ito at hindi makaligtaan ang paggising ng la

  • Satisfaction (Book 2 of Anticipating)   Chapter 5 Caught

    "Sweet cheeks, hurry up! You're going to be late," sigaw niya na lamang. Patakbo na lang itong lumabas mula sa kuwarto na halos hindi pa tuluyang naisasarado ang sleeves ng uniporme. "Can you zip me up, tito." Lapit na lamang ng dalaga sa kanya sabay talikod para ipakita ang parteng gusto maisara. Mabilis niya na lang na hinatak pataas ang zipper nito, "There done!" Pasimple niya pang pinalo sa pwet ang dalaga dahil sa kakulitan nito. Napahagikgik na lamang tuloy ang dalaga. "Bye tito Ray!" Masayang halik nito sa kanya bago nagmamadaling tumakbo patungo sa pinto. Napatili pa ito sa gulat nang pagbukas ay bumungad dito ang isang matangkad na lalake. Napaatras na lamang and dalaga sabay agad na yuko nang makilala ang ngayo’y kuno’t noong bisita bago dali-dali itong lagpasan. Napabuntong hininga na lamang ang kaibigan niya habang papasok sa loob. "Dude, you should really stop with this." Hilot na lamang nito ng noo. Naroon ang dismayadong tingin ng kaibigan sa kanya habang papasok

  • Satisfaction (Book 2 of Anticipating)   Chapter 4 Farewell

    Tulala at wala pa rin sa sarili si Sheryll matapos ng ilang linggo. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari, hindi niya lubusang maintindihan kung bakit kinakailangang itago ni Bobby ang tungkol sa bagay na iyon sa kanya. "Doc, kamusta na po siya?" agad na lang na salubong ni Sheryll sa doctor na papalabas ng silid. "He's doing well, though kailangan niya pang magpalakas, so we can actually proceed with his chemo therapy, if you want to do it," ngiting sagot na lang nito. Natahimik siya ng bahagya ng ilang sandali, doon niya lang naalala ang tungkol sa bagay na iyon. Isa rin kasi ang pagpapagamot ng lalake sa sobrang bumabagabag sa kanya ng oras na iyon. May ilang bagay rin kasi siyang hindi magandang nabasa ukol sa naturang proses, tulad ng gastos na aabutin, ang epekto nito sa kalusugan at kung iyon nga ba ang pinaka magandang gawin. "O...Opo doc, gagawin po namin iyan," tanging sagot na lamang niya nang makita ang makahulugan tingin nito. "Well, it would be good if he would

  • Satisfaction (Book 2 of Anticipating)   Chapter 3 Prelude to farewell

    "Bubu, ayos ka lang ba?" Maingat na hilot na lamang ni Sheryll sa likod ni Bobby. Kasalukuyan na kasi silang papatulog kung kaya naman ganoon na lamang ang paglalambin niya sa pinakamamahal na magpamasahe."Oo naman," natatawang sagot na lang ni Bobby. Naroon ang malapad niyang ngiti habang nakahiga sa kama. Panaka-naka na rin ang hikab dahil sa antok at pagod na nadarama. "Sabi mo magpapatingin ka na sa doctor," palo na lamang ni Sheryll sa balikat ng lalake. Mas lalo lang napatawa si Bobby, bumangon na ito sa pagkakahiga upang humarap na, humalukipkip na kasi si Sheryll pakasimangot. "Tulog lang ang katapat nito," malambing ng yakap na lang niya sa baywang ng babae, batid kasi niya ang pagtatampo nanaman ng pinakamamahal. "Bubu naman eh, pinag-aalala mo ko! Alalahanin mo, inaasahan ka pa rin namin ng mga anak mo, kaya alagaan mo naman ang sarili mo," punas na lamang ni Sheryll sa luhang kumawala sa mata. Mukhang hindi pa rin nawawala ang pangamba kay Sheryll ng mga sandaling

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status