Share

Jealous husband

Ashley

Tulog pa si Gem nang umalis ako sa bahay. Naging maayos ang pakiramdam ko sa buong magdamag at nagawa ko ding tapusin ang iniuwing trabaho nang nakaraang gabi. Sinigang lang pala ang makapagpapagaan ng pakiramdam ko, sana ay naisipan kong magluto niyon. But I doubted if I could cook. Kung hindi dahil kay Gem, baka maski hapunan ay hindi ako nakakain. Talagang wala akong lakas at maging ang pagpunta sa banyo ay effort pa.

Sa weekend nga ay magpapa-check up na talaga ako dahil sa madalas na pagsusuka at atake ng pagkahilo.

“Okay ka na ba talaga at pumasok ka na? Namumutla ka pa rin.”

Ngiti ang isinagot ko kay Sherry. Talagang dinayo niya ako sa puwesto ko para kumustahin. Na-appreciate ko iyon nang sobra. Alam ko, maski hindi siya magsalita, gusto niyang pagaanin ang loob ko.

“You know, girl, dapat mag-loosen up ka rin minsan. Kaya ka siguro madalas magkasakit kasi hindi na healthy na dala-dala mo araw-araw iyong bigat ng problema at stress. Kung sumama ka kaya sa akin mamayang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status