Share

Unwell

Ashley

Mabigat ang pakiramdam ko kinabukasan. Hindi ko yata kayang pumasok sa trabaho. Sa kaunting pagkilos ay nahihilo ako.

Tahimik sa buong bahay. Mag-isa na naman ako. Sa tuwing gigising ako, palaging mag-isa lang ako. Dapat sanay na ako. Simula nang magtrabaho ako, nag-independent living na ako. Ang matulog mag-isa at gumising mag-isa ay dapat na natural na lang.

Pero ipinaranas kasi sa akin ni Gem kung gaano kasarap ang matulog na katabi at kayakap siya. At kung gaano kasaya sa pakiramdam na magising na siya ang una kong makikita. Kung gaano kasaya na siya ang babati sa akin sa pagmulat ng mga mata ko. Kaya lang, sandali lang iyon. Sandali lang niyang ipinalasap ang maliligayang araw na iyon.

I felt a stinging pain in my heart. Agad kong isinalya sa labas ng bintana ang hindi magandang damdamin. Why was I being too emotional lately? Madalas kong balikan at iyakan ang masasayang alaala namin ni Gem.

Pagkatapos ma-compose ang sarili, bigla ang desisyon na hindi na ako muling magpa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status