Two weeks na magmula nang makapasok ako sa Wintersea at ang maging pagiging scholar ko sa V.C.U. One week ko na ring iniiwasan si Professor Torres. Maging sa Wintersea ay mailap ako, sinisiguro kong wala ito bago ipagpatuloy ang trabaho ko. Nasaktan ako sa sinabi niya noong huli naming pagkikita. Pinagmukha ba naman sa'kin na parang bayaran akong babae.
"Capriana" Isa pa 'to si Ava, hindi na talaga ako tinantanan. Ayoko talaga sa pangalawang pangalan kong Capriana. Ang pangit. "Bakit?" Sagot ko ng hindi siya tinitingnan. Nasa bakanteng classroom ako, may quiz kasi mamayang hapon kaya nag re-review ako. Hindi ko nga alam kung paano nalaman ni Ava na nandito ako. "May partner ka na ba para sa project ni Professor Benedict? " Umupo ito sa bakanteng upuan kaharap ko. Umiling ako, plano ko kasi gawin nalang iyon mag-isa. Wala pa akong pera para ipangbili ng mga materials kasi ang kinuha kong pera sa Wintersea ay ipinangbayad ko sa bh, tapos ang natira naman ay tinipid ko para sa pagkain at pamasahe araw-araw. Nakakatipid naman ako minsan kapag sinusundo ako ni Fara o hindi kaya ni Winter. Yung wristwatch na gusto kong bilhin ay saka nalang kapag sumahod na ako. "Gagawin ko yung mag-isa, Ava" Sagot ko. Sumimangot naman ito. "I could be your partner, you know. How's this, ikaw ang gagawa tapos ako ang bibili ng materials." Nag-isip ako saglit sa suggestion niya, makakatulong rin iyon sa pagtitipid ko ng pera. Pumayag na ako, pwede ko namang gawin iyon sa bakanteng oras. Hindi ko pa dapat siya kakausapin, kaso nang pahiramin niya ako ng pera noong araw na wala akong pamasahe ay pinatawad ko na siya. Kaya lang mas lalong naging kalbaryo ang buhay ko, minsan lang ako makapag open ng f******k account dahil madalas ay nanghihiram ako ng libro para pangpalipas oras ko. Nagulat pa nga ako ng makitang umabot ng 2k ang mga taong sunod-sunod na nag add sa'kin. Nakita ko rin sa suggested friend si Professor Torres. Sinaktan ko lang ang sarili ko ng inistalk ko ito, halos lahat ay nakatagged pictures silang dalawa ng boyfriend niyang si Drent. Dumagdag lang sa iisipin ko. Kumuha ako ng stick-o ng inusog ni Ava palapit sa'kin ang Jar. Medyo nasasanay na rin ako sa kadaldalan niya. "May lahi ka ba, Capriana?" Kumunot lang ang kilay ko, pero nagpatuloy sa pag scan ng notes. "Isa pang Capriana mo, Ava. Ipapakain ko talaga ng buo sa'yo ang buong garapon ng stick-o." Naiinis na turan ko habang hindi pa rin tumitingin sa kanya. Tumawa lang siya. "So, ano na?" Pilit na wika nito habang hinihintay ang sagot ko sa itinanong niya. "Wala, bakit mo natanong?" Nagkibit ito ng balikat. "Hindi ka kasi mukhang pure filipina, kahit sino ang tanungin mo, mukha kang foreigner." Aware naman ako sa sinabi niya, matagal ko na rin namang naririnig ito sa kahit na sino. Minsan napapaisip na nga ako na baka tama sila, wala kasi akong kahawig sa mga kapatid ko. Hindi ko rin kahawig si Mama at Papa, pero imposible iyon. May pictures ako ng isinilang hanggang sa nagkaroon ako ng sariling pag-iisip. Sabi ni Mama, ipinaglihi niya lang raw ako sa isang Italyanong iniidolo niya sa pelikulang kinababaliwan niya. Baka raw doon ako nagmana. Namomroblema na nga ako sa pera, pati ba naman existence ko, p-problemahin ko pa. "Magtigil ka nga, Ava. 'Wag mo akong pinag-iisip ng mga ganyang bagay dahil hindi nakakatulong." Hindi na ito sumagot pa at nagpatuloy nalang sa pagkain ng stick-o. Nang mabagot ito ay nagpaalam na itong aalis, kikitain niya raw muna ang boyfriend niya sa kabilang building. Nang mabagot ako sa pag re-review, kinuha ko sa bag ang baong tinapay na may hotdog na palaman at tubig. Ito ang pananghalian ko, nahihiya kasi akong magtungo ng cafeteria kung wala ang mga kaibigan ko. Nabubuhay lang ako sa libre ng apat na iyon. Nag-iipon rin kasi ako para mabilhan ng maraming pasalubong ang mga kapatid ko. Hindi kasi sila nakakakain ng mga masasarap, bukod sa puro isda at gulay lang. Kapag nakapag sahod ako, bibili ako ng libro dahil kailangan iyon sa pag-aaral ko bilang Nursing. Tapos ililibre ko sila ng jollibee. Napangiti ako sa naisip. Pagbubutihin ko ang trabaho ko para magkaroon ng maraming customer. Balita ko kasi nakabalik na si Veronica kaya balik na ako sa pagiging regular waitress. Mabuti na iyon dahil hindi ko na kailangan pang iwasan si Professor Torres sa Wintersea. Nasa taas lang ang mga VIP'S samantalang ay nasa baba lang rin ang ordinary customers. Uminom na ako ng tubig matapos kumain, isinilid ko na ang mga gamit ko sa bag. May isang oras pa ako para tumambay sa Library. Inayos ko ang upuan at tumayo na ng tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito sa bulsa ng bag, nangunot ang noo ko sa number at mensaheng hindi naka register sa contact number ko. +6953******* [Come to my office right now.] Pagbasa ko ng mensahe. Masyadong pamilyar ang mga salita niya, pero hindi ko naman kilala kung sino siya kaya ipapasok ko na ulit ang cellphone sa bag ng tumunog ulit ito. +63953******* [Just attempt to avoid me again. Suarez, you're not going to like what I'm going to do.] Binalot agad ako ng kaba, nakikilala ko na kung sino siya. Pero saan niya nakuha ang number ko? Saka bakit niya ako pinapapunta? Kabado man ay tinahak ko ang daan patungong office niya, kahit sa klase ay hindi ko siya tinatapunan ng tingin. Kahit hindi ako tumingin sa kanya, ramdam ko na pinagmamasdan niya ang bawat kilos ko. Assuming na kung assuming pero ganon yung nararamdaman ko. Madalas ko na ring nakikita si Drent na nagpupunta sa office niya, walang palya ang pagbibigay nito ng bulaklak. Sounds crazy pero hindi ko gusto yung nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko silang magkasama. Naiinis akong isipin na tumatawa siya, ngumingiti sa harap ng lalaking iyon. Parang gusto ko siyang itakbo at itago. Natatakot akong pangalanan ang emosyong nararamdaman ko. Because this isn't right. I shouldn't feel this way, everything was new to me. Everything happened so fast. Kaya gusto ko siyang iwasan, kailangan ko siyang mabura sa isipan ko. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko, I need to act normal. She's my Professor, kahit anong iwas ko ay makikita't makikita ko pa rin siya. Ang kailangan ko lang gawin ay huwag masyadong magpa apekto sa kanya. Huminto ako ng nasa tapat na ako ng office niya, kumatok ako ng tatlong beses. Nanatili akong nakatayo ng ilang minuto bago ko narinig ang boses nito na pinapapasok na ako. Holy butterfingers.. She's looking at me intently, resting her back in front of her table. Looking so sexy, her long flawless legs are exposed, naramdaman ko agad ang pamumula ng pisngi ko ng hindi sinasadyang napatitig ako ng ilang segundo sa litaw na litaw niyang cleavage. Kung naging lalaki lang ako baka iisipin kong nagpapa-sexy siya dahil sa'kin. Nagbago agad ang mood ko ng maalalang maaaring si Drent ang dahilan kung bakit ang sexy niya ngayon. Baka may date sila, hindi kasi ganito ang suot niya kaninang umaga. "Loving the view, Suarez?" She playfully smirk. Ngingiti sana ako kasi nakita ko na naman yung cute niyang dimples. Pinigilan ko lang. "Ano pong kailangan niyo, Ma'am?" Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon niya. Parang may iba sa kanya ngayon, ang aliwalas kasi ng mukha niya. I mean, halatang nasa mood. "Come closer" Humakbang lang ako ng ilang hakbang, natuto na'ko sa mga come closer, come closer niyang iyan. Tama na ang karupukan Yvon. May kinuha siyang papel, tiningnan niya muna ito bago inabot sa'kin. Napaatras pa nga ako ng kunti. She chuckled which I find it very pleasing to my ears. Akala mo walang atraso e. "Relax, I won't bite. Unless you tell me." Narinig ko iyon, hindi lang ako sure. "Po?" Umiling lang siya bilang sagot. Taka kong tiningnan ang papel. Quiz namin ito kanina, puro mali ang sagot. Wala namang pangalan kaya binalik ko sa kanya. Tiningnan niya lang ang kamay ko. "Are you concerned about your academic performance? There are 50 questions on this quiz. You didn't get a single question right, which will have a significant impact on your GPA in my class." She looks concerned pero opposite sa nakikita kong expression niya. Tinignan ko ulit ang papel, hindi pa ako ulyanin kaya alam kong nalagyan ko ng pangalan yung papel ko kanina. Saka bakit ba ang bobo ng may ari ng papel na 'to? Kahit isa walang tamang nasagot. "You are aware that I do not want stupid students in my class." She strictly muttered, pero iba ang dating non sa'kin. Kahit ang hand written ay alam na alam kong hindi akin. "Hindi sa'kin ang papel na 'to, Ma'am." Umarko ang maganda nitong kilay. "Are you saying I'm at fault here? Suarez." "No, Ma'am. Pero alam kong nalagyan ko ng pangalan ang papel ko kanina" Inikutan na ako nito ng mata. Nagmamaldita na naman. Tumalikod ulit ito at may kinuha, binigay niya sa'kin ang mga papel. Umupo na ako ng kusa sa couch dahil nangangalay na ako kakatayo. Sinundan niya lang rin naman ako ng tingin. "Go on, take a look at that papers. Your paper has vanished. When I spotted this piece of paper, I knew it had to be yours. The only thing missing is your name." Frustrated kong inulit-ulit na e check ang mga papel, wala talaga ang pangalan ko. Nasaan ang papel ko? Alam kong hindi talaga akin yung walang pangalan. "Ma-Ma'am, hindi talaga akin iyan." Mangiyak-ngiyak kong usal. Baka isipin niyang ang bobo-bobo ko na. Hindi naman talaga akin iyon e. Magkamatayan na. "Tsk" Kinuha niya sa'kin ang mga papel. Hindi ko alam kung namamalikmata ako pero bago siya tumalikod, nakita ko ang pag angat ng gilid ng labi niya. Pagharap niya ay seryoso na ulit ito. She's enjoying this. "Ma—" "Okay, because I'm having a wonderful day today. I'll give you 30 minutes to retake the quiz." Labag man sa loob ko ay wala na akong nagawa kundi ang kumuha ulit ng isang pirasong papel at ballpen. Pinagamit niya sa'kin ang table niya para doon ako magsulat. Hindi na ako umangal, kailangan ko na itong tapusin nang makaalis na. Hindi ako makapag focus dahil nakatingin siya sa'kin habang nakaupo sa swivel chair niya. Nag-angat ako ng tingin, hindi ba siya nakakaramdam na nagiging uncomfortable ako? "Uhm, Ma'am? " I won't get tired admiring her beauty. Ang swerte ni Drent sa kanya. Heto na naman yung kakaibang pakiramdam. Hindi ko ito gusto. Mabigat sa pakiramdam. "What?" "Wala ka po bang gagawin?" "Stop asking. Continue answering your quiz." Nagpatuloy nalang ako hanggang sa matapos. Nag focus nalang ako sa pagsagot. Hindi naman ako nahirapan dahil nasagutan ko na ito kanina. Sadyang hindi ko lang alam kung bakit nawala ang papel ko. Nang matapos ako ay agad kong ipinakita sa kanya. Tumango lang siya at may hinugot sa ilalim ng table niya. Paper bag na may nakatatak na logo ng Wintersea. "You will be my VIP waitress starting later. Veronica has a new VIP guest. You may not serve others until I give you permission. I've formerly spoken with Dexie. Everything was finally fixed." She casually said. I looked at her puzzled. "Pria, you've been promoted to VIP waitress, and this is your new uniform." She impatiently said, ang bilis niya lang talagang mainis. "Pero bakit po?" Hindi naman sa ayaw ko. Parang ang unfair lang kasi sa mga empleyadong nag tatrabaho ng matagal doon. "Because I want to, Pria. Don't ask if you don't want me to give the position to someone else." "Ayos lang din po. Unfair nama—" "Stop, Suarez. Enough talking. You're talking nonsense again." Hinilot nito ang sintido. Bakit ba ang liit-liit ng pasensya niya? Ang bilis mainis at magalit. Nag pasalamat nalang ako sa kanya at kinuha ang paper bag. May ibinigay siya sa'kin na maliit na papel. "Write your address. I'll pick you up later." "Huwag—" Tumalim ang tingin nito. Mabilis kong sinulat ang address ko. Magagalit na naman kasi. Hinatid niya pa talaga ako hanggang pinto. Akala mo naman talaga parang baldado ako, kaya ko naman buksan ang pinto mag-isa. "See you later, 'kay?" Ang lambing naman ng boses niya. Tumango ako. Nagulat ako ng yumuko ito dahil sa mas mataas naman siya ng ilang inches at pinatakan ako ng halik sa pisngi. Hala siya."𝐀𝐜𝐞, 𝐡𝐮𝐫𝐫𝐲 𝐮𝐩!""Sandali lang muna, okay?!" Naiinis na turan ko kay Ate. I already graduated as a doctor, and I got my license yesterday. Today we were going to celebrate. It's nothing big, just a private celebration with my family and friends.Kahapon ko pa tinatawagan si Luna. She doesn't answer my calls. Sobrang nakakatampo na nga e, wala siya noong graduation ko. Tapos ngayon mukhang wala na naman siya. Simula ng gawin naming official ang relationship namin, saka naman siya nagkaroon ng sunod-sunod na properties na kailangan asikasuhin.Halos wala na talaga siyang oras sa'kin. Bago siya umalis papuntang Singapore para sa business meeting, nagka-sagutan pa kami. Sinabi ko kasi sa kanya na ako nalang ang mag ta-trabaho, total kaya ko naman ng maibigay lahat ng gusto niya. I can now be able to provide for the both of us. But she got mad, kasi yung pagkakaintindi niya sa sinabi ko ay pang bahay lang talaga siya. Hindi naman talaga 'yon yung point ko e. I'm 25 now and she's
⚠️ 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆; 𝐒𝐏𝐆 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓 ⚠️ 💦 𝐏𝐀𝐓𝐍𝐔𝐁𝐀𝐘 𝐀𝐓 𝐆𝐀𝐁𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐊𝐋𝐀𝐀𝐍 𝐌𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆𝐋𝐀𝐘. 𝐑𝐄𝐀𝐃 𝐀𝐓 𝐘𝐎𝐔𝐑 𝐎𝐖𝐍 𝐑𝐈𝐒𝐊. 𝐍𝐎𝐓 𝐅𝐎𝐑 𝐌𝐈𝐍𝐎𝐑𝐒🙅____________________“Bakit hindi mo sinabi sa'kin ang totoo?” she spoke first after a long silence.Kinabahan pa ako kanina dahil akala ko nawala si Zia. Yun pala, pakana niya lahat 'to—tinawagan na pala niya si Pria kahapon, habang lumabas ako sandali para kausapin ang lawyer ko.Pria is here now, which means Shane must have told her everything I said. I know Pria hates me, and seeing her here only means one thing—she already knows the truth.“Telling you the truth now… would it really fix anything that happened in the past? It won’t change anything. You still hate me,” I said honestly. I couldn’t even look at her. I was scared I might cry if I saw how cold her eyes had become. From the corner of my eye, I could see she was trying to keep herself calm. I didn’t know… maybe she wanted to shout a
"𝗧𝗵𝗮𝘁 𝘄𝗼𝘂𝗹𝗱 𝗯𝗲 𝗳𝗿𝗲𝗲 𝗳𝗿𝗼𝗺 𝘁𝗵𝗲 𝘀𝗵𝗼𝗽, 𝗠𝗮'𝗮𝗺." I paused when Clarisse said that. She's one of the staff here in the flower shop I always go to. I just wanted to make a little effort today, by picking different colors of the tulips, and I never wanted these things delivered. "What do you mean free? I’ll pay for it," tanong ko habang nakakunot ang noo. Pero ngumiti lang siya sa’kin at umiling. "Simula po nung naging regular customer namin kayo, dumami po talaga ang bumibili. As in, ang dami na pong dumadayo dito. Tumaas ang sales namin, pati na rin ‘yung mga online orders. Kaya sabi ng boss ko, libre na raw po as pasasalamat." Napataas lang ‘yung kilay ko saglit. I don't really like to take any treats. I can afford it, pero kung sasabihin ko iyon. It'll sound so ungrateful. Appreciate little things ika nga nila. Kaya instead na iyon ang sabihin, I come up with different words. "I don’t know why that has something to do with me," tanong ko, at medyo nagtat
It's been a week since I last saw Pria step into my office. And I knew right then that I needed to do something. I can't just sit there, longing for her and then just let her vanish. No, not again.“I needed to talk,”Shane just nodded. I want to win Pria back, but in order to do that, I need to clarify some certain things to Shane. That's why I texted her to meet me here on the SkyView rooftop. Akala ko nga ay hindi siya pupunta, pero nauna pa nga siya sa'kin dito. "Is this about winning my sister back?" I didn’t answer right away. I stared down at the lights. Ang ganda ng tanawin, ang presko ng hangin. Pero hindi nito matanggal yung bigat sa dibdib ko. How would I convince her na totoo ang nararamdaman ko sa kapatid niya? How would she believe me if her trust was already broken? Dahil kung tutuusin Shane has all the right to be mad at me. Hindi ko man sinadya, pero the situation like I was taking advantage of the situation dahil lang sa pinakiusapan niya ako to find more details a
𝗟𝘂𝗻𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩 I'm on my way to meet Drent and his girlfriend Kellie, my mind couldn’t stop running back to what Shane said yesterday. She said Pria was back, but didn’t explain anything. I wasn’t even sure if she meant Pria was back in the Philippines or somewhere else. But the moment I heard it, I felt something tightened in my chest. I didn’t know if it was fear or excitement. Maybe both. I held the steering wheel a little tighter, trying to calm myself down. I didn’t want to get my hopes up. For three years, I tried to move on. I kept myself busy with work, avoided certain places, and ignored everything that reminded me of her. But all it took was that one sentence from Shane, and I was back to feeling all of it again. Aligaga ako dahil hindi ko alam kung ano ang maaaring gawin sa oras na magkita kami. Ilang oras din ang inabot ko bago ako nakapili ng masusuot. I knew she had to meet me later at noon today, for a sign-up of the contract. Alam kaya niya na ako ang CEO ng Val
Yvon's POV. Pagkababa ko ng kotse sa harap ng mansion namin, parang biglang bumalik lahat ng memories. Ang daming emotions na hindi ko ma-explain. Tahimik ang paligid pero may kung anong bigat sa dibdib ko habang nakatingin ako sa buong mansion. After three years, finally… nakabalik din ako. A lot has changed in the past three years. I achieved so many things I never thought I could. I took business and medicine at the same time, and it wasn’t easy. There were sleepless nights, endless exams, and moments where I thought I couldn’t do it anymore. But I pushed through. I worked hard, every single day. I made myself busy, focused, and far from anything that could break me again. Hindi ko na binabanggit ang pangalan niya kahit kanino. Para sa’kin, tapos na ‘yon. Sarado na dapat ‘yung kabanatang ‘yon. Ngayon, mas confident na ako. Mas malakas. Sabi nila, mas gumanda raw ako. Pero more than that, mas naging buo na ako. I’ve grown. Hindi lang sa panlabas, pero sa loob din. Now, severa