Share

Thirty: Cravings

Author: GuemByoel
last update Last Updated: 2026-02-03 19:45:59

---- A new baby is like the beginning of all new things—wonder, hope, and a dream of possibilities. ----

Naalimpungatan ako sa aking pagkakatulog nang maramdaman ko ang marahang pagbangon ni Gen. Alas-onse pa lang ng hatinggabi pero heto at gising na gising pa rin siya sa hindi ko malamang dahilan.

"Hon, saan ka pupunta?" pupungas-pungas ko pang wika sa kanya habang binubuhay ang lamp shade sa aking tabi.

Muli naman akong hinarap nito nang maramdaman din ang aking pagbangon. "Nagugutom kasi ako
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Saved (Alfred Zephyr Cordiva)   Thirty-Three: Sunshine

    ---- Any man can be a father, but it takes a special person to be a dad. ----Dahil sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na nahintay pa si Ryan. Pagkalapag na pagkalapag pa lang ng aming sinasakyan ay agad na rin akong napatakbo sa loob ng ospital para puntahan si Gen. Naabutan ko pa sa labas ng delivery room si Tita Genina at Tito Aurelio, habang si Auralyn naman ay nakaupo sa waiting area hindi kalayuan sa delivery room habang kalong si Stefano."Tita, si Gen po?" habol-hiningang tanong ko pa sa ginang nang wastong makalapit na ako sa kanyang pwesto."Nasa loob na, Alphy. Kanina pa sumasakit ang tiyan niya kaya dinala na namin dito, pero sabi naman ng doktor ay hindi pa naman pumuputok ang panubigan niya pero tingin nila ay ano mang oras ay puwede nang manganak si Gen," paliwanag pa nito.Sakto naman na lumabas din ang isang doktor mula sa loob ng silid kaya naman agad rin kaming napalapit dito."Who's the father of the baby?" tanong pa nito habang nakaharap sa amin.Agad naman ako

  • Saved (Alfred Zephyr Cordiva)   Thirty-Two: Fear

    --- I'm not afraid of dying. I'm afraid of losing you. That's when my world ends. ---Five months had passed since the explosion incident, and despite the absence of any further threats, Tito Aurelio decided not to lower our guard yet. Nanatili pa ring mahigpit na nagbabantay ang aming mga tauhan at hangga't maaari ay hindi pa rin namin hinahayaan na lumabas ng mag-isa ang sino man sa pamilya. Kung kinakailangan naming lumabas, gaya na lamang ng checkup ni Gen at Stefano, sinisigurado namin na maraming bantay ang nasa aming paligid para masigurado ang kaligtasan ng lahat."Pupunta ba rito si Steeve, Gen? Diba ay Sabado ngayon at araw ito ni Steeve para kay Stefano?" usisa ni Tito Aurelio habang sabay-sabay kaming kumakain ng umagahan.Matapos ang pagsabog noong nakaraang limang buwan, agad ding napasugod si Steeve sa bahay para bigyan kami ng paalala. Matapos daw ang paglilitis kay Stella at makulong ang babae, hindi na muling nagpakita si Marcedes maging sa kanya, at ninakawan pa raw

  • Saved (Alfred Zephyr Cordiva)   Thirty-One: Threat

    ----Don't ever be afraid of telling someone you love them. There are things wrong with your world, but an excess of love is not one. ---"Anong nangyayari? Bakit ang daming tao rito?" naguguluhang tanong ni Tita Genina matapos niya kaming madatnan sa may sala."Nag-iingat lang ako, mahal ko," sagot naman ni Tito Aurelio sa babae bago ito kinintalan ng halik sa noo nang makalapit ito sa amin. "Mukhang may nagmamanman sa atin. Sa ngayon ay hindi pa natin alam kung ano ang pakay ng taong nagmamatyag sa atin pero mas mabuti na ang nag-iingat," patuloy na paliwanag pa nito habang muling pinanonood ang CCTV magmula pa noong nakaraang linggo."Hon, magpahinga ka muna, baka makasama sa'yo ang sobrang pag-iisip at pagpupuyat," paalala ko naman kay Gen na hanggang ngayon ay nakaupo lang sa aking tabi."Hindi rin naman ako makakatulog sa taas eh, saka hindi pa naman ako inaantok," turan naman nito bago bahagyang humilig sa aking balikat.Sinulyapan naman kami ni Tito Aurelio bago muling makiusap

  • Saved (Alfred Zephyr Cordiva)   Thirty: Cravings

    ---- A new baby is like the beginning of all new things—wonder, hope, and a dream of possibilities. ----Naalimpungatan ako sa aking pagkakatulog nang maramdaman ko ang marahang pagbangon ni Gen. Alas-onse pa lang ng hatinggabi pero heto at gising na gising pa rin siya sa hindi ko malamang dahilan."Hon, saan ka pupunta?" pupungas-pungas ko pang wika sa kanya habang binubuhay ang lamp shade sa aking tabi.Muli naman akong hinarap nito nang maramdaman din ang aking pagbangon. "Nagugutom kasi ako. Magtitingin sana ako ng pagkain sa baba," nahihiyang ani pa niya marahil dahil sa pagkakagising sa akin.Agad naman akong tumayo at iniabot sa kanya ang kanyang robe at maging ako ay nagsuot na rin. May kalamigan na rin kasi at ayaw ko naman na magkasakit si Gen dahil doon.Magkasabay kaming bumaba ng hagdanan habang inaalalayan ko siya sa bawat niyang hakbang. Hindi pa naman kalakihan ang kanyang tiyan dahil nasa tatlong buwan pa lang ito, dahil sa medyo mababa ang kanyang bahay-bata base sa

  • Saved (Alfred Zephyr Cordiva)   Twenty-Nine: Guilty

    ----The dead cannot cry for justice. It is a duty of a living to do so for them.---Gen stays in the hospital for one more night until our baby's heartbeat became stable. Nang makalabas naman ito ay sa tahanan ng mga Montenegro kami tumuloy dahil gaya ng aming napag-usapan nila Tita Genina ay hindi pumayag si Gen na sumama sa akin nang hindi kasama si Stefano."Okay ka lang ba, Hon? May gusto ka bang kainin o inumin?" muling tanong ko kay Gen habang inaalalayan siyang makaupo sa sofa sa may sala ng bahay. Hindi ko na nga mabilang kung pang-ilang tanong ko na ba ito sa babae pero patuloy pa rin ako sa pag-uusisa sa kanya.Iiling-iling namang iniabot ni Tito Aurelio ang bag na aming dala sa isa sa mga kasambahay niya bago ito sumunod sa amin sa sala samantalang si Tita Genina naman ay sa kusina agad nagpunta para maghanda ng aming pananghalian."Nakailang tanong ka na, Alphy. Okay nga lang ako, saka kung may cravings man ako, sasabihin ko sa'yo agad, okay na ba?" may bahid na ng inis na

  • Saved (Alfred Zephyr Cordiva)   Twenty-Eight: Forgive

    ----Forgive those who hurt you, but never forget what they thought of you. ----Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang hawak ang kamay ni Gen at binabantayan siya. Nagising na lang ako dahil sa isang mahinang tawag niya sa akin habang marahang hinahaplos ang aking buhok."Alphy..." namamaos pang wika ni Gen sa akin.Agad naman akong napaangat ng aking ulo mula sa pagkakatungo sa gilid ng kanyang kama upang mas higit siyang mamasdan."Hon, okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo? May gusto ka bang kainin?" natataranta ko pang tanong sa kanya.Isang iling naman ang isinagot nito sa akin bago pilit na inaabot ang aking mukha, kaya naman bahagya pa akong lumapit dito upang ako ay kanyang mahawakan."I'm fine, Alphy. Bakit ka pala nandito? Saka ang laki ng ipinayat mo, hindi ka pa kumakain sa tamang oras mula nang umalis ako? Humahaba na rin ang mga facial hair mo," may lungkot at pag-aalalang puna pa nito."Namimiss ko ang luto mo eh, kaya hindi ako makakain masyado," nakangi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status