Home / Romance / Saved / Chapter 1

Share

Chapter 1

last update publish date: 2026-07-05 09:05:55

Ziya's POV

Nagising ako sa iyak ng anak ko na nasa tabi ko lang, pupungas-pungas akong umupo at kinarga saka tumayo at sinayaw-sayaw kumakapa-kapa na ang kamay at bibig nito sa dibdib hudyat na gutom na ito.

Agad kong nilabas ang kailangan nito at agad naman iyong sinalo ng anak ko na medyo ikinangiwi ko dahil sa sakit na bumalatay sa pagdede nito, mukhang gutom na gutom ito at masyadong marahas kung sumupsup idagdag mo na may ngipin ang nito at kung minsan ay kinakakagat-kagat pa ang nipple ko.

Hindi pa nga ako tapos sa pagpapadede sa isa nung may bigla nanamang umiyak, pikit matang naglakad nalang ako palapit sa hinihigaan nito para daluhan muli ang isa ko pang anak.

Tulad ng nauna ay nangangapa na din ang bibig at kamay nito kaya agad ko iyong dinaluhan. Ngayon parang gutom na mga lion ang sumususo sa akin na mas lalong ikinalukot ng aking mukha dahil sa doble ang bumalatay na sakit.

"Piste yung tampasalang yun kung alam ko lang na dalawa ang lalabas, di lang sana isang milyon ang kinuha ko" Gigil na usal ko habang nakatitig sa dalawang anak niyang nakatingin din sa akin inirapan ko lang sila, minsan naaasar ako sa tuwing nakatingin sa kanila dahil wala man lang itong nakuha sa akin.

Yung isa carbon copy ng ama yung isa naman may nakuha na features sa walang kwenta kong ama.

Nung matapos ay natulog agad si Anuj habang si Tanuj ay parang nakikipagsukan pa ng tingin sa akin.

"Oh? Bakit? May angal ka?" Mataray tanong ko at pinagtaasan ko pa ito ng kilay. Ngumuso lang ang bata at pumikit na. Aba ang sungit ng bata.

Dahan-dahan ko silang hinele nung maramdaman ko na mahimbing na ang tulog nila ay saka ko lang sila nilapag sa kama at nilagyan ng unan sa magkabilalang gilid di naman sila malikot, for safety iyon.

Una kong hinalikan si Anuj saka masuyong hinimas ang pisnge nito, napangiti ako nung ngumiti ito. Si Anuj ang bunso sa kanila nakuha nito ang mata at ilong ng ama pero ang kabuoan na nito ay sa ama ko.

Sunod ko namang pinatakan ng halik ay si Tanuj na kumunot ngayon ang noo, nakasimangot na hinawakan ko ang matangos nitong ilong. Napakasungit talaga ng batang 'to. Si Tanuj naman ang mas matanda ng tatlong minuto sa kanila siya yung carbon copy ng ama.

Tumayo na ako at nagayos ng sarili ko. Pagtingin ko sa orasan ay alas kwatro na pala ng madaling araw naginat-inat muna ako saka ko binuksan ang tindahan marami-rami rin kasi ang bumibili pag ganitong oras dahil malapit lang ang bahay namin sa palengke at madami-dami na ang tao pag ganitong oras.

Agad kong sinumulang maglinis dahil sa hindi ko iyon nagawa kagabi, muli ako bumalik sa tindahan nung marinig kong may bumusina. Si Mang June na yun panigurado.

"Oh Mang June, magandang umaga" Nakangiting salubong ko dito.

"Magandang umaga din, oh nga pala ito pinapabigay ng asawa ko bibisita daw siya mamaya namiss niya daw ang mga bata" Sabi nito sabay abot ng nakabalot na suman na gawa mismo ng asawa.

"Maraming salamat Mang June, sakto din po yun gagawa ako nung order ngayon" Sabi ko.

"Mauna na ako iha" Malawak ang ngiti na paalam nito, sinagutan ko din iyon ng ngiti.

"Sige ingat po kayo, maraming salamat po ulit " Pahabol ko pa.

Si Mang June ang taxi driver na nasakyan ko nung araw na pinalayas ako sa bahay, hinintay talaga ako nito at sinamahan pa akong magwithdraw ng pera na nakuha ko kay Cassius.

Ito ang napagtanungan ko kung saan saan may binebentang bahay dinala niya ako sa cavite sakto daw at may binebentang bahay malapit sa kanila at ito na nga ang tinitirhan namin ngayon ng kambal.

Binili ko agad ito at pinaayos ko nalang. Ang plano ko sana mamuhay ng tahimik magtatayo lang ako ng sari-sari store ayos na sakin iyon para sa pangaraw-araw kong gastusin lalo at ako lang magisa, may sariling bahay at lupa na naman ako kuntento na ako sa buhay ko.

Hanggang malaman ko na buntis pala ako lubos ang tuwa ko nun dahil sa wakas di na ako magiisa.

Yung perang nakuha ko kay Cassius yun ang ginamit kong panggastos sa lahat habang buntis hanggang sa makapanganak ako doon ko lang nalaman na kambal pala ang anak ko.

Nung una masaya pa ako pero ngayon nakakapagod pala simula nung inire at mailabas ko ang kambal walang araw na hindi ko minura at pinatay si Cassius sa isip ko.

Doon ko nalaman hindi pala biro ang maging ina lalo na kung magisa ka lang at dalawa ang inaalagaan mo halos mapabayaan ko na ang sarili ko dahil sa parang nananadya pa ang dalawa at salitan lagi sa pagiyak. At hindi lang doon natatapos ang problema, dahil ang mahal mahal ng gastusin napakadaming bibilhin kung minsan nga ay naiiyak nalang ako sa kawalan dahil sa labis na frustration.

Ngayong mag-iisang taon na sila mas naging matakaw na din sila binilhan ko na ng formula milk at pinapakain ng kanin pero mas gusto pa rin ng mga 'to ang breast milk lalo na si Tanuj diyos ko, parang ginawang appetizer sa almusal, lunch, snack at dinner yung breast milk hindi ito makakakain ng hindi dumedede sa akin. Ayos lang naman sa akin yun din naman yung bilin sa akin nung mga Nanay na kapitbahay namin hanggat meron pa tuloy-tuloy lang mas maraming benifit ang gatas ng ina kaysa sa mga formula milk kaya ayon ang ginagawa ko.

Saktong tapos na akong maglinis at maghanda ng mga gagamitin nila ay ang pagkagising ni Anuj, tumatawa ito habang nakatingin sa akin at pinapalo-palo ang kapatid niya, kaya doon nagising si Tanuj na busangot na ang mukha ngayon.

Agad kong sinuotan ng baby helmet at sapatos ang dalawa saka ko na sila inilapag sa sahig. Lahat ng parte ng bahay mapawall man, sahig at lamesa ay pinalagyan ko ng malalambot na latag para madapa man sila ay di sila masasaktan.

Mas ideal sa akin yung ganon para komportable akong iwanan sila.

At ayon ang mga bubwit nagsimula ng gumapang at magingay, tuwang-tuwang ito. Habang si Tanuj ay nasa harap ko at nakatingala sa akin.

"Bakit? " Nakataas ang kilay na tanong ko dito. Kunot-noo ako nitong tinignan bago ako talikuran at nagtatakbo papunta sa pwesto ng kapatid. Naiiling na natawa nalang ako. Parang nawala ang pagod ko sa tuwing tinitignan lang sila.

Oo mahirap na kung mahirap pero kakaiba pa rin ang saya na hatid nila sa akin habang nakatanaw lang sa kanila lalo na pagnginingitian lang nila ako, parang lahat ng pagod at frustration ay nawawala.

Ilang minuto lang silang natulala at naghikab tapos ayon na nagsimula ng maglilikot sa buong bahay hinayaan ko nalang sila habang busy na ako sa bumibili tindahan may baby monitor naman ako na ginastusan ko talaga para kahit busy ako sa tindahan nakikita ko pa rin ang ginagawa nila.

Ayos naman ang kita ko sa tindahan pero alam kong hindi iyon sapat lalo na at habang lumalaki ang mga bata palaki ng palaki din ang gastusin nila ubos na din yung nahita ko kay Cassius dahil nailaan ko na lahat sa panganganak ko at nung mga buwan na hindi ako makapagtrabaho dahil kailangan kong tutukan ang kambal kaya nag iisip akong bumalik agad sa pagka-VA kailangan ko lang ulit makaipon para makabili ng equipment.

Natawa ako habang nakatingin sa kanila habang sumasayaw sa kanta ng Phineas and Ferb na Gitchee Gitchee Goo lalo na si Anuj na bibong-bibo kung humataw habang si Tanuj ay pinong kumikembot lang, agad kong kinuha ang video cam para makunan sila, isa na iyon sa mga naging hobbies ko simula nung dumating sila sa buhay ko. I want to capture all those special moments with them alam ko naman na minsan lang silang magiging bata at nakakatuwa ding balikan ang mga yun. Punong-puno ang memory nun ng halos lahat ng pictures at video nila saka ko isasave sa drive.

Lumapit ako sa dalawa at pinugpog sila ng halik na ikinahagikhik nila, napangiti at napatawa na din ako. This life that I have now is not really that bad, kahit kaming tatlo lang ayos na ako. I never imagine I can be this happy. They made my life more meaningful at kahit bumalik man ako sa nakaraan pipiliin at pipilian ko pa ring pagdaanan ang lahat ng pait at sakit kung sila naman pala ang kapalit, because for once I feel like I've belong into a family that I have been longing for.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Saved   Chapter 15

    "Ziya ikaw nga? How are you?" Di makapaliwang bulalas nito habang nakatingin sa akin. "Ayos lang" Tipid na sagot ko, wala man akong galit sa kanila pero hindi ko alam kung paano ko sila pakikisamahan ulit. "Is that your kid? Nag-asawa ka na?" Tanong ulit nito habang nakatingin kay Tanuj na karga-karga ko. "Oo anak ko 'to si Tanuj pero wala akong asawa" Nakangiting pakilala ko dito. "Oh, sorry. Ito din ba yung rason that's why you dropped out college?" Sabi pa ni Addison kita kong sinaway siya ni Levi pero inosente lang siyang tinignan ng babae na para bang sinasabi ng mga mata nito na wala siyang masamang sinabi. "Sort of" Sagot ko nalang, I was not slightly offended with what she said in fact okay lang sa akin iyon totoo din naman. Panandaliaang katahimikan ang bumalot sa amin dahil sa huling naging sagot ko. "You look different" Komento ni Levi kanina pa tahimik at nakatingin lang sa akin. "I mean in a good way. How can I say this, you look more happy now. I guess" Mabilis na

  • Saved   Chapter 14

    Pagkalabas na pagkalabas ko ay nagulat ako nung nandoon si Cassius sa harap lang at nasa balikat niya si Anuj. "Mama! Uya!" Tuwang-tuwa na salubong sa amin ni Anuj, ngiting-ngiti ito at kitang kita ang dalawang ipin sa harapan. "Anong ginagawa niyo dito? Paano yung pwesto natin?" Tanong ko dito. "Ang tagal niyo kaya sumunod na kami and don't worry I already made a reservation, nakapagorder na din ako" Sabi nito saka kinuha sa akin si Tanuj. "Did something happen? Masyado bang naging pasayaw sayo 'to?" Takang tanong pa nito ng mapansin ang bahagyang pagsasalubong ng kilay ko. Hindi ko siya sinagot at naunang naglakad ramdam ko namang nakasunod lang siya sa akin. "What did you do to your mother you little monster? Did you bite her again? " Rinig kong pabulong na sikmat nito sa anak, rinig kong umungol lang si Anuj. Nung makarating kami sa table namin ay nandoon na yung order niya, ang dami di ko nga alam kung paano namin mauubos yun, buntong hiningang umupo nalang ako habang

  • Saved   Chapter 13

    Nung makabalik si Cassius sa kwarto ay binibihisan na ni Ziya ang mga bata, agad na lumapit ang binata doon para siya na ang mag-asikaso sa kambal binigay niya din ang dokumento na binigay sa kanya ng ama. "Ano 'to?" Tanong ni Ziya. "Titulo para sa katabing bahay, bigay ni Dad. We can go there tomorrow to see if you like it. I'm planning to look for a house anyway. Hindi na sapat yung condo" Imporma nito habang abala sa pagpapaligo sa mga bata. "Bakit mo ito binibigay sa akin?" Takang tanong ng dalaga. "I want to ask for your opinion, tayo ang titira sa bahay na yun, you can decide where you want to live" "Paano pagsabihin ko sayong gusto ko pa rin doon sa tirahan namin sa Cavite?" "Then, be it ipapatayo nalang natin yun. But just to inform you doon din ako titira" "Edi Ikaw na bahala tatanong-tanong ka pa ikaw din naman masusunod" Inis na ani nito saka nauna sa sala kinuhaan ng mga damit ang kambal. Nung natapos na si Cassius na linisan ang dalawa ay as usual pati i

  • Saved   Chapter 12

    Nasa kalagitnaan ng pagbabasa si Ziya ng librong nakita niya sa kwarto ni Cassius nung dumating ang binata. Lumapit agad ito sa kambal at agad na hinalikan ang dalawa. "Ang bilis mo namang nakarating, nagmadali ka ba?" Tanong ni Ziya sa binata habang nakatingin dito. "Hindi naman pauwi na talaga ako nun nakatulog lang ako" Simpleng sagot lang nito habang tinatanggal ang relo niya. "Tumabi ka nalang sa mga anak mo sa sofa nalang ako" Akmang aalis na siya nung magsalita si Cassius. "Wag ka ng umalis sa may gilid nalang ako ni Anuj" Ani nito saka humiga sa may gilid ni Anuj siya kasi ay nasa pwesto ni Tanuj. Komportable na sana si Cassius na nakahiga nung magsalita naramdaman niyang tumayo si Ziya, bigla siyang napamulat ng mata at tinignan si Ziya na nagtsitsinelas na habang nakayuko sa librong binabasa "Saan ka pupunta?" Usisa niya doon na napaangat ang tingin sa kanya ni Ziya. "Kukuhaan lang kita ng mas komportableng damit" Simpleng sabi lang nito saka naglakad sa walk

  • Saved   Chapter 11

    Nung makarating sa ospital ay nakita niyang tulog na si Ziya habang ang ama ay nakatingin sa phone habang tumatawa. "Dad" Hinawakan na nito ang ama para mabaling sa kanya ang atensyon. "Oh, you're here already. Have you seen this? My grandkids are so adorable" "Where did you get that?" "Kay Ziya, she has it uploaded to her G****e drive, she shared this with me. I also have their old photos. " Pinagmalaki pa nito ang wallpaper niya sa cellphone kung saan nakaupo lang yung dalawa cute na cute na nakangiti at mapapansin na ilang buwan palang sila nun. Tumapang ang tingin ni Cassius sa ama, tumayo na ito at nginisihan ang anak "We've talked about a lot of things. You know what so, I like her" Mahinang bulong nito saka tinapik ang balikat ni Cassius para mag-aral. "Wait Dad can you also send that to me?" "Ask her yourself, goodnight" Nangaasar na ani nang ama at dali-daling lumabas. ••• Pagkagising nung ni Ziya at Tanuj ay agad na tinawag ni Cassius ang Doktor para i-check ang si

  • Saved   Chapter 10

    Pagkapasok ni Cassius sa kwarto ni Tanuj ay nakita niya si Ziya na nakayuko habang hawak ang kamay ni Tanuj, kita niyang yumuyog-yog ang balikat nito, agad niya itong nilapitan at kita niyang basang-basa ang mukha nito ng luha. "Hey stop crying Tanuj is okay" Alo ni Cassius sa dalaga. "Kasalanan ko 'to dahil sakin---" Pinutol agad ni Cassius ang sinasabi ni Ziya "It's not your fault okay, he's your son kanino pa ba yan magmamana. It's not your fault, that's just how things are. Stop crying you'll wake Tanuj up" Hinawakan niya ang ulo nito at marahang hinimas gaya ng pagpapatahan niya kay Tanuj sa tuwing umiiyak ito. "I didn't know that you're more of a crybaby than our kids" Nakangising pang-aasar nito na ikinasimangot ng dalaga. "Nakakainis ka" Asar na himpas nito ang binata sa braso na mas lalong ikinangisi nito. "Magpahinga ka muna ako na ang bahala kay Tanuj. Sige na" Pilit niyang sinubsob ang mukha ng dalaga sa kama ng anak para di na ito makapagsalita kaya nakatikim

  • Saved   Chapter 2

    "One of the most eligible bachelor in the country is now taking the whole world. Cassius De Silva is on the lastest issue of Forbes Magazine, he post on the cover on this year's latest edition. At the age of 28 he is now one of the business magnate of multiple bussinesses and a side from that he's a

  • Saved   Chapter 1

    "Napakawalang hiya mo! How dare you! Pagkatapos ka naming kupkupin, bihisan, alagaan at pakainin ito pa ang igaganti mo sa amin! Ang kapal kapal ng mukha mo!" Nanggagalaiting sigaw ni Minerva kasabay ang sunod-sunod na malalakas na sampal sa dalaga. Tahimik na umiiyak lang si Ziya habang tinatangg

  • Saved   Chapter 8

    Pagkapasok palang ng bahay ni Cassius ay palahaw agad ng mga bata ang narinig nito. Iyak ng iyak si Anuj habang si Tanuj ay nakikipagsukatan ng tingin sa ina at umiiyak din. Kita niya ang seryosong tingin ng babae habang pinapangaralan si Tanuj na kakatapos lang mapalo sa kamay. "Anong nangyayari di

  • Saved   Chapter 9

    Aligaga na si Ziya sa pagaasikaso sa mga gamit na dadalhin dahil ngayon ang punta nila sa bahay nila Cassius hanggang lunes sila doon kaya marami-rami ang iniempake niya mostly para sa mga bata at kakaunti lang yung sa kanya, may nabili kasi siyang mga ukay-ukay na damit nung namalengke para sa kany

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status