Pagkarating nila Pilar sa hacienda kung saan magtatrabaho sila ay hindi muna sila pinapasok sa pinakaloob dahil kailangan pa mainterveiw ang dalawa at iniwan muna nila si Sofia sa may guard pati na rin ang kanilang mga gamit .
''ineng magulang mo ba talaga ang mga iyon ?" hindi muna tumingin si Sofia sa isang guwardya na nagtanong sa kanya . Kailangan pa niyang mag isip ng isasagot at baka makahalata ang mga ito .Pumikit siya at bumalik ang ala ala niya sa kubo kung saan nakatira ang mag asawa .Inisip niyang maayos ang kanyang mga narinig na usapan ng mga ito tungkol sa kanilang anak na namatay na mukha daw itong pinaglihi sa santo niño. '' oo naman po anak nila ako .Naiba lang ang itsura ko na gaya ng sinasabi ng karamihan dahil pinaglihi ako ni nanay sa isang artista '' agad naman naniwala ang gwardya dahil may ganung tao ang pinaglihi sa mga atista o di kaya sa mga santo kaya naiiba ang mga itsura sa kanilang magulang o kapatid . '' gusto mo ba mag meryenda ?" tinignan ni Sofia ang isang pagkain na may dahon ng saging na nakabalot . '' masarap po ba iyan ?" bigla siyang natakam dahil sa amoy . Nagtaka ulit ang mga guwardya dahil alam naman nila na pagkain ng mga taga probinsya ang kakanin na may balot ng saging . ''bakit ineng hindi mo pa natitikman ang ganitong pagkain ?" ini abot sa kanya ng lalaki ang isang balot ng kakanin sa kanya .Tinitigan niya lang ito pagkakuha at inamoy .Ngayon lang siya makakatikim ng ganitong pagkain dahil nung nasa poder siya ng totoo niyang magulang ,cake o di kaya mga prutas ang bukod tanging meryenda nila .Masasabi niyang isa sila sa may kaya sa kanilang lugar dahil may position ang kanyang ama sa kompanya at malaki ang bahay nila iyon nga lang wala silang pera sa banko at hindi niya maintindihan kung bakit at saan dinala ng kanyang ama ang kanilang pera na ayon sa kanyang ina madami silang ipon para sa kanila dahil lima na silang magkakapatid at silang tatlo ay nag aaral sa private at sa sahod ng ama niya sila umaasa .Hindi niya maituturing na mayaman iyon dahil parang below A parin sila in short nasa huli parin sila sa buhay .Bigla niyang namiss ang mga kapatid niya at naawa siya sa mga nasawi dahil tulad niya biktima lang sila sa masalimoot na nagawa ng kanilang ama. ''masarap naman po nito ?" nauunawaan nalang ng mga guwardya at baka pati kakanin ay hindi makagawa ang mag asawa dahil sa hirap kaya nagiging ignorante ang dalagita na nasa harapan nila ngayon .Binigyan pa siya ng juice at kinuha naman niya ito .Parang gutom na gutom ang dalagita habang kumakain dahil hindi man lang ito ngumuya kinain lahat at sabay inom . Pagkatapos nagmeryenda ni Sofia nagpasalamat naman siya sa mga guwardya na nagbigay sa kanya ng pagkain . Tinuro ng kanyang ina na lagi siyang magsalamat kahit sa maliit na bagay . Nakatitig lang sa kanya ang isang guwardya na babae dahil sa pagtataka .Parang anak mayaman ang anak ni Pilar .Alam naman niyang nagkaroon ng anak na babae ang mag asawa at hindi niya inaasahan na ganun kaganda .Nakapakagandang dalagita at maputing kutis parang anak mayaman . Nasa isip niya baka alagang maayos ang dalagita dahil nag iisa lang ito at mahal na mahal siguro ng mag asawa kaya ni peklat wala ito at parang puting kulob ang meron sa kutis ni Sofia . Napansin naman ni Sofia na parang may nakatingin sa kanya habang nakatalikod ,pero hindi nalang siya lumingon pa at umupo nalang siya sa may bag kung saan naroon ang kanilang gamit .Dumami ang kanilang dala dahil dumaan sila kanina sa palengke para bumili ng mga damit na ukay na para sa kanya . Magaganda naman ang mga napili ng mag asawang kumupkop sa kanya dahil excited ang mga ito bumili .Lalabhan lang muna daw nila at ibabad sa mainit na tubig para mawala ang mga bakterya .Natuwa siya dahil maraming alam ang mga ito samantala siya umaasa lang noon sa mga magulang niya . Puro branded ang kanilang suot na magkakapatid dahil mahilig bumili ang kanilang ina tuwing pumupunta ito sa mall laging may pasalubong silang damit .Hindi niya masasabing sila ay mayaman sa mayaman dahil hindi naman sila kasing hirap ng daga .Malaki ang sahod ng kanyang ama sa kompanya kaya lahat ng gusto nila ay naibibigay ng kanyang magulang .Alam niya lahat ito dahil kinikwento sa kanya ng kanyang ina .Pero nagbago ang lahat ng biglang nailipat ng lugar ang kanyang ama .Biglang nagbago lahat dahil parang naging matumal ang kota ng kanyang ama at parang doon nagsimula ang kanilang paghihirap .Pero kahit ganun kung ano ang kinasanayan nila binibigay parin sa kanila dahil ayaw nilang mabigla sila sa kahirapan . Pagkarating ng mag asawa sa guard house kung saan iniwan nila si Sofia ay nakita nilang nakaupo sa bag na malaki malalim ang innisp . '' salamat sa pagtingin sa anak ko '' ''walang anuman iyon nay Pilar .Ingatan ang anak niyo lalo't dalagita na ito , sa ganda ng anak niyo baka ligawan ito ng mga anak ng mga kapwa niyo tenant '' tumingin si Pilar kay Sofia .Napailing siya dahil alam niyang hindi maniniwala ang mga tao na anak nila ang dalagita dahil sa ganda ng kutis nito at mukha na malayo sa kanilang mag asawa . Walang nakakaalam na namatayan sila ng anak noon kaya ang mga nakakakita na nakakakilala sa kanila ay malaki na pala ang kanyang pinabubuntis noong bumaba sila sa bayan at buntis pa siya noon. Nagpaalam na sila para pumunta sa libreng tirahan nila para sa kanilang trabahador ng haceinda .Ito ang dahilan kung bakit mas gusto nalang nila tumira at magtrabaho sa hacienda dahil libre lahat at hindi sila magrereklamo sa kanilang sahod na tatlong daan dahil libre naman lahat . Kasali siya sa magtatrabaho sa mansion ng mga Morgan ang kanyang asawa naman ay magtatrabaho sa manggahan .Papaaralin nila si Sofia at may alok naman ang mga Morgan na may libreng sakay papunta sa skwelahan para sa mga anak ng mga trabahante ng hacienda .Pero hanggang highschool lang ang mga ito at kung tutungtong na sila ng kolehiyo ay kailangan ng umalis ang anak nila sa loob ng hacienda dahil hindi na sila kasali sa budget at naiintindihan naman nila iyon . Pagdating nila sa maliit na konkretong bahay na nakalaan sa kanila ay tuwang tuwa si Pilar dahil ngayon lang siya magkakaroon ng bahay na konkreto . Lumapit siya kay Sofia na tahimik at nakatingin lang sa bintana .Tumabi siya at hinawakan ang balikat nito . '' Sofia kung may magtatanong kung bakit naiiba itsura mo sa amin dapat ang isagot mo '' '' pinaglihi ako sa artista .Salamat nay Pilar dahil kinupkop niyo ako '' hindi na niya pinatapos pa magsalita si Pilar dahil naunahan na niya ito .Sinabi din niya sa na nagtanong ang mga guard kanina sa kanya tungkol sa itsura niya at sila . '' wala iyon .Basta yung bilin ko huwag mo nalang patulan ang sino man magsabi na ampon ka a'' tumango siya at yumakap sa matanda .Alam na nila ang totoong nangyari sa kanya kaya sila na mismo ang nag alok na lalayo sila sa lugar kung saan nangyari ang masalimoot na aksidente ng pamilya ni Sofia .Sinabi din ni Sofia na nanganganib ang kanyang buhay kaya gusto niyang lumayo at sumama sa kanina kaya walang nagawa ang dalawa kundi sinama siya at tulungan makahaon para makapag higanti ito .Hindi sa tinuturuan nilang maging masama si Sofia kundi gusto lang nilang makatulong sa hangarin ng bata . '' oo nay huwag kayong mag aalala '' tumugon na din si Pilar at nang matapos silang magyakapan ay masaya nilang inayos ang kanilang gamit sa kabinet na nasa bawat kwarto .Wala pa siyang mailalagay na damit dahil lalabhan pa ni Pilar . Nakarating din ulit si Asyong na bumalik sa guward house para kunin ang iba nilang gamit na hindi nila mahawakan kanina dahil may binigay sa kanilang mga gamit galing sa management ng mga Morgan kaya iniwan muna nila ang ibang nilang bag doon at siya nalang ang bumalik .Nadatnan niya ang dalawa na nag aayos ng mga gamit .Masaya siya dahil pumayag din si Pilar na magtrabaho sila sa hacienda na matagal na niyang plano dahil dito galing ang mga magulang niya noon . - Samantala dumalaw na rin ang mga Morgan sa mga tirahan ng kanilang mga tauhan .Hindi nila nagustuhang ang ibang kadugyotan ng mga ito dahil kung anong sampay ang nasa bintana ng mga bahay na binigay nila sa mga ito . ''pakitanggal nga yan ang pangit tignan '' agad naman tumalima ang isang babae .Kalalgay niya lang naman kanina doon ang supot kung saan may lamang pagkain para baunin sana mamaya sa farm .Hindi nila inaasahan ang pagbisita ng mag asawang Morgan na allergic sa mga mahihirap . '' grabe naman mga iyan yayaman ba sila kung hindi dahil sa atin '' sinuway naman ng babae ang kanyang asawa at baka marinig ng mag asawang Morgan ang mga sinabi nito at mapalayas sila ng wala sa oras .Marami pang sinita ng mag asawa at hindi lang sila . Para sa kanila ang mag asawang ito ang may ugaling kanal ,maitim ang dugo nila kaya mukhang nagmana ang anak nilang lalaki sa sama ng ugali dahil tuwing pumapasyal sa kamalig ang anak nila ay ni hindi man lang pumapansin .Bukog tanging ang Don lang ang mabait sa kanila at ang asawa nitong namayapa na .Pero nung nag ibang bansa ang Don at naiwan sa pamamahala ng anak nitong si Ben Morgan ay nag iba ang takbo ng hacienda.Takot ang mga tao sa mag asawa dahil nagtatanggal ang mga ito pag hindi nila magustuhan ang trabaho ng mg farmers. Mabuti nalang at hindi nila napansin ang bagong dating na sina Asyong malapit sa napagalitang kapitbahay nila . Nagtago naman sina Asyong at hindi muna nagpakita sa mag asawa dahil iyon ang bilin ng ibang tao na kung mapansin nila ang mga matapobreng Morgan magtago sila dahil hindi nakakain ng aso ang mga lumalabas sa bunganga ng mga ito.Hindi mahirap ang pag alis agad nila Sophia sa kanilang bahay .May sumundo sa kanilang itim na sasakyan at nagpakilalang boss nila si Martin .Dahil gusto niya ng kumpirmasyon tinawagan niya si Martin at totoo ang sinasabi ng tatlong lalaki . Nagmadali silang lumabas at binigay ang mga maleta nila . ''angkle Martin salamat sa pagtulong sa amin '' naiiyak na siya.Akala niya hindi sya matutulungan nito pero mukhang tama ang kanyang nilapitan na tao . '' walang anuman Sophia kinagagalak kong makatulong '' sobrang nagagalak siya dahil magkakasama ulit ang mga magkakapatid plus may dumagdag pang isa . Siguradong masaya na ang Don pag nakikita niya ang mga ito . '' pakiusap lang angkle huwag niyong sabihin kay Zimon ''alam niyang magagalit iyon dahil sa iba siya humingi ng tulong pero ano magagawa niya kung si Martin ang bukod tanging makakabigay agad sa kanya ng tulong ngayon . '' don't worry Sophia tayo lang ang nakaakalam nito .Masaya ako na doon mo ilalagay ang anak mo sigurad
Dahil hindi mapakali si Angela tinawagan niya ang ina ni Zimon para tanungin kung ano nga ba ang ginagawa nito sa America at hindi kasama si Zimon . ''what bakit nandyan si Sophia.Akala ko ba assistant ito ng anak ko '' kahapon lang sila meron sa bahay nila at ang buong akala niya mag hohoney moon pa ang mga ito para naman mapadali ang pagkakaroon nila ng anak at makaalis na ang babaeng iyon sa kanilang buhay . '' assistant saan tita ?" ilang minuto na ang nakalipas pero parang ang sinabi ng ina ni Zimon parin ang nasa kanyang isipan . '' ang anak ko ang bagong chairman ng kompanya ni mister Guevara at assistant nito si Sophia kaya nagtataka ako bakit nandyan ang babaeng iyan '' kung si Zimon ang bagong chairman ng kalaban nilang kompanya mas lalo siyang mahihirapan sa paglapit kay Zimon .Bakit ito ang tinalagang bagong chairman gayong taga labas at walang alam sa ganung negosyo si Zimon .'' I don't know tita according to her nabaksyon lang '' sagot nalang niya sa tnong nito .
'' mom gusto ko mamasyal sa mall '' minsan lang mag request ang anak niya kaya pagbibigyan niya ito . Gustong gusto nito sa mall dahil nakakagala ito at minsan doon nagagawa niyang pagpawisan dahil sa paglalaro sa arcade. '' sige kasi kailangan mo ng makakapal jacket habang hindi pa gaano malamig '' may pag aalala siya sa kanyang isipan . Isang buwan parang ang iksi na makasama niya ang anak nito . '' yeheyyy '' kitang kita ni Sophia ang tuwa sa kanyang anak .Kaya hinawakan niya ito sa kamay at niyakap ulit .Hindi siya magsasawang yakapin si Zilux . '' sama ka din manang para makapili ka din .Ipapaayos ko pa ang bahay para safe sa lamig '' gusto niya din ito bilhan ng maayos na winter clothes dahil may edad na si Rosenda at lalamigin na ito . Pagkarating nila sa mall nagtungo sila agad sa bilihan ng winter clothes. Habang namimili sina Rosenda at Zilux naging abala din si Sophia sa cellphone nito . ''Sophia is that you ?" napatingin siya sa taong nagsalita mula sa kanyang l
Nagulat si Rosenda habang tinitikman ang niluluto nitong ulam nila ni Zilux sa tatlong beses na nagdoorbell.Pag ganun si Sophia lang ang may ganung pag doorbell pero impossible para sa kanya dahil kausap lang niya ito kanina at kahapon . '' Zilux Look who our guest is before you open the door. I can't leave what I'm cooking behind, it might burn." ''yes lola .'' pumunta naman si Zilux habang hawak nito ang isang kuting na napulot niya lang kahapon mula sa isang creek . Naawa siya kaya inuwi ito at laking pasalamat niya dahil nagustuhan din ng kanyang lola ang kuting kaya kanina galing sila vet . Sinilip niya muna mula butas ng pintuan kung sino ang nagdoorbell at laking gulat niya ng makita ang ina nito .Agad niyang binaba ang kuting sa sahig at nagmadaling binuksan ang pintuan.'' hmmm mommy ?" Nakangiti namang tumango si Sophia.Medyo naluluha na siya dahil finally mayayakap na niya ang uniko iho nito . '' mommy ?" '' I miss you baby '' niyakap niya ito ng mahigpit at hinali
'' ayos ka lang ba namumula ang pisngi mo ''hinaplos nito ang pisngi ni Sophia ngunit umiwas lang ito sa kanya . Halatang galit na galit ang kanyang asawa sa ina niya . Alam niyang nasaktan ng mommy niya si Sophia dahil sa pamumula ng pisngi nito . '' paano sinampal ng mommy mo .Sabi ko sayo hindi na tayo pupunta dito pero matigas ang ulo mo '' kailangan hindi na muli magtagpo ng landas nila ng ina ni Zimon hindi sa ayaw niya ito pero gusto niyang makaiwas sa gulo lalo't narinig nito na may kausap siyang iba . ''ano ba kasi ang dahilan .Hindi ka sasaktan ni mommy kung walang rason ?" hindi naman niya masisisi si Zimon kung kampihan niya ang ina nito . Mas lalo pa siyang sumimangot para halatang naiinis siya . '' paano narinig niyang may kausap ako .Namali siya ng akala .Kausap ko lang naman ang anak ko namiss niya kasi ako kaya ayon naglambing .Bilang ina na malimit lang ang pagtawag ng anak ko syempre sweet akong makipag usap sa anak ko '' totoo na ang luhang lumabas sa kanyang
Maaga silang umalis sa kompanya ng Guevara dahil wala pa naman siyang gagawin doon.Inuwi nalang niya ang mga dapat pag aralan tungkol sa parte ng mga kompanya na dapat niyang matutunan bilang isang chairman.Isa itong hamon para sa kanya at tatanggapin niya ito dahil mas marami pa siyang matutunan pag oras na maging chairman siya ng kompanya . ''saan mo gusto pumunta ?" tanong nito kay Sophia na kanina pa tahimik .Mukhang iniisip nito ang tungkol sa pag aaral niya. '' ikaw kung saan mo gusto .Hindi ako gaano pamilyar dito '' tama naman na hindi siya pamilyar dahil wala siyang alam tungol sa syudad .Mas sanay pa nga siya sa america noon kaysa dito .. '' ganun ba sige dadalaw muna tayo sa hacienda'' bigla siyang natigil sa pag iisip ng marinig ang sinabi nito . Hindi siya pwedeng magpakita sa hacienda at baka makilala siya ng mga tao doon . Isa lang ang wala sa kanyang mukha ang nunal na maliit na nasa gilid ng kanyang labi . Hindi niya ito sinasadyang natalsikan noon ng mantika k