Share

Chapter 2

Tiningnan ni Seb ang sarili mula sa malaking salamin na nasa kaniyang harapan. Napangiti siya. Nakasuot na siya ng puting tuxedo na kaniyang damit para sa kanilang kasal si Pamela ngayong araw. Bahagya niyang inayos ang bulaklak na nakasa kaliwang dibdib niya. Hinaplos niya ang buhok niyang hinayaan niyang nakalugay lamang.

“I’m ready. I’m fine.” Muli siyang ngumiti at nagpakawala nang malalim na paghinga. Dapat ay maging masaya siya ngayong araw. Ngunit hindi niya mawari kung bakit tila ba ay kinakabahan siya. “It will be fine.”

Biglang bumukas ang pinto ng kaniyang silid. Pumasok ang kanyang ama na nakasuot na rin nang tuxedo. “Wow!” natutuwang sabi nito. “My son look amazing!”

Napangiti nang malapad si Seb. “And you look amazing too, Dad. Parang hindi ata ako ang ikakasal ngayong araw,” biro niya.

Tumawa ang matanda. Tinapik ni Alfonso ang balikat ng anak. “I’m happy for you, son. I know you’ll be a great father and husband. You are my son, remember?”

“Of course. Kanino pa ba ako magmamana?”

Bumuntonghininga si Alfonso. Pinagmasdan niya ang anak. Naghahalo ang emosyon niya para rito. Si Seb ang bunsong anak niya at ang pinaka malapit na anak niya sa kaniya. Ang kaniya kasing panganay ay hindi sumunod sa pulitika at mas gustong manirahan sa ibang bansa. Ngunit narito ang mga ito ngayong araw at nasa simbahan na para sa kasal ni Seb.

“You’ve grown up, my son. I am proud of you. Always remember that.”

“Are you crying?” hindi makapaniwalang sabi ni Seb.

Agad na suminghot si Alfonso at pinahid ang mga mata. Tumawa ito. “I’m sorry.”

Hinawakan ni Seb ang balikat ni Alfonso at tinapik din ito. “Dad. Tumatanda ka na talagam,” pabirong sabi niya. “It’s not like we’re leaving you. Dito naman kami magi-stay ni Pamela.”

“Yes. I know. Siguro dala na nga ito nang katandaan.”

Inakbayan ni Seb si Alfonso. “Come on. Naghihintay na sila kuya sa simbahan.”

Tumango si Alfonso at hindi na nagsalita pa. Magkasabay silang lumabas ng bahay at sumakay sa kaniyang sasakyan.

Sa pinaka malaking simbahan sa probinsya ng Mercedes sila ikakasal ni Pamela. Hindi na mapakali si Seb sa pagkasabik na kaniyang nararamdaman dahil ito ang pinaka hihintay niya. Ang maging isa sila ni Pamela. Wala siyang ibang minahal kundi ang dalaga kaya ito ang pinaka importanteng pangyayari sa kaniyang buhay.

“Nervous?” tanong ni Alfonso sa anak noong mapansin na pinagpapawisan ito sa loob ng sasakyan.

“A bit. I’m not sure. I feel tense.”

“We all go through that. Alam mo ba noong kami ng mommy mo ang ikakasal ay muntik pa akong hikain noon? If it’s not your grandfather who calms me down, siguro na himatay pa ako,” natatawang sabi ni Alfonso.

Matipid na napangiti si Seb. “You really love mom, huh?”

“Of course. She is the best thing that happened in my life. Kaya ni minsan ay hindi ko naisip na tumingin sa ibang babae. You know, a lot of women tried. But your mother is the only one for me. And I am hoping that you will be like that. You and your brother.”

“Of course, Dad. Pamela is the love of my life. Aside from politics, she is my top priority.”

“That’s right. Treat her like a queen, and she will give you a kingdom. You know what I mean.”

Natawa na lamang si Seb. “Yes, dad.”

Hindi nagtagal ay narating na nila ang simbahan. May mga bisita sa labas ng simbahan na agad silang sinalubong. Simple lang ang kanilang kasal ngunit alam ng lahat. Hindi na rin nila ginusto pang may mag-cover na media kahit na may iilang mga nagri-request sa kanila. Hiniling iyon ni Pamela.

“My little brother!” masayang salubong ni Sachary kay Seb. Ang nakatatanda at nag-iisang kapatid nito. Agad nitong niyakap si Seb at tinapik-tapik ang likod. “How are you?”

“I’m good, kuya. Mabuti at nakapunta kayo.” Tiningnan ni Seb si Kylie na asawa ni Sach. Nakipagbeso ito sa kaniya. “You look great, ate.”

“Of course. Nasa dugo niyo na ata talaga ang magaling mag-alaga ng asawa,” biro ni Kylie na malapad ang ngiti. “Dad!” Lumapit ito kay Alfonso at humalik sa pisngi. Sumunod sa kaniya si Sach na yumakap naman sa ama.

“I’m happy that you both are here. Where’s my apo?” tanong ni Alfonso.

“We can’t bring him here, dad. May pasok siya,” tugon ni Sach.

“Well, we have more time.”

“And besides, we are here for my little brother. It’s his time!”

Tumawa si Seb. “Stop calling me little, kuya!”

“But you are!” pabirong sabi ni Sach.

“Naku! Kayong dalawa talaga. Pumasok na nga tayo,” ani Kylie.

Sabay-sabay silang pumasok sa loob ng simbahan. May ilang na lumapit kay Seb at bumati sa kaniya na masaya niyang tinutugon. Naglakad sila papunta sa unahan ng simbahan.

“Seb!”

Napatigil sa paglalakad si Seb noong may marinig siyang boses. Paglingon niya sa likuran nila ay nakita nila si Keith Azarcon. Ang abogado nila. “Hey! Mabuti at nakarating ka! I thought you’re not in the country?”

“Nah. Hindi rin ako magtatagal. I just want to see my old friend again.”

“Thank you for coming.” Tinapik ni Seb ang balikat ni Kit.

“I’ll go sit now, okay?”

“Sure.”

Sumunod na si Seb sa daddy at kapatid niya. Nilapitan muna ni Seb ang mga magulang ni Pamela at bumati sa mga ito bago naglakad na sa unahan. Napakunot pa ang noo niya noong may bisita pa silang hindi niya napapansin sa loob.

“Where are Tito Jose and Lucio?” nagtatakang tanong ni Seb.

Inilibot ni Alfonso ang paningin sa paligid. “Yeah. They should be here already. Did you see them, Sach?”

Umiling si Sach. “No, Dad. I’ve seen old faces already but not them.”

Biglang napaisip si Alfonso. Sa lahat ng mga okasyon nila ay palaging naroon ang mga Cruz. “Don’t worry. I will ask them later.”

“Hindi kaya masama pa rin ang loob ni Tito?” pabulong na tanong ni Seb.

“Why? What happened?” si Lucio.

“Nothing. That’s impossible. We already talk,” ani Alfonso. “Let’s not mind them for now. Mag-uumpisa na ang kasal.”

Tumango si Seb kahit na bigla siyang kinabahan dahil wala ang mga ito. Pero pilit na kinalma ni Seb ang sarili at pinasaya ang sarili. Pumwesto na siya sa unahan katabi ang kapatid na kaniyang best man. Nakita niya ang ilang mga kaibigan ni Pamela sa side nito at mga kamag-anak. Ilang sandali pa ay nagsalita na ang wedding organizer at isinara ang pinto ng simbahan. Tumayo ang mga magulang ni Pamela at pumwesto sa gitnang parte ng simbahan upang hintayin si Pamela roon mamaya. Naupo na ang mga bisita nila at dumating na ang pari na magbabasbas ng kanilang kasal. Ilang sandali pa ay may nagsabi na dumating na si Pamela. Napabuga ng hangin si Seb at dumalahit bigla ang malakas na pagkabog ng kaniyang dibdib. Tumunog na ang kampana hudyat nang pagpasok si Pamela.

Tinapik ni Sach ang balikat ng kapatid. “Congrats, Seb. You’ll do great for sure.”

Ngumiti si Seb. “I hope so, kuya.”

Ilang sandali pa ay unti-unti nang bumukas ang pinto ng simbahan. Hindi nga nagtagal ay halos lumukso na ang kaniyang puso noong makita ang pigura ni Pamela na bumababa mula sa puting sasakyan. Dahan-dahan itong naglakad papasok kasabay ng pagtugtog ng wedding song. Hindi mawari ni Seb ang kaniyang mararamdaman at agad na nanubig ang mga mata. Napaka gandang pagmasdan ni Pamela sa suot itong puting wedding gown. Sleeveless iyon at palobo ang pang-ibaba. May nakatakip sa ulo nito na manipis na tela at mayroon siyang hawak na bulaklak. Lavander, ang paboritong bulaklak ng dalaga. Nagmukha itong prinsesa na papalapit na sa kaniya. Noong makapasok na ito ay isinara na rin ang pinto ng simbahan.

I love you, Pamela, bulong ni Seb sa kaniyang isipan. Mahal na mahal niya ang dalaga at pinapangako niyang mamahalin niya ito buong buhay. Hinding-hindi niya ito sasaktan kahit na ano ang mangyari.

“She’s beautiful,” puri ni Sach sa nobya ng kapatid. “You are lucky.”

“Yeah. So much.”

Habang papalapit ay mas lalong lumilinaw ang mukha nito sa kaniya. Malapad ang mga ngiti ni Pamela at halata ang labis na kasiyahan sa mga mata nito. Gusto na niya itong lapitan ngunit pinipigilan niya ang sarili. Napatingin sa kaniya si Pamela at mas lalong nagningning ang mga mata nito. Bumuka ang bibig nito at umusal ng I love you kaya tumugon si Seb.

Ngunit hindi pa man nakalalapit si Pamela sa mga magulang nito ay muling bumukas ang pinto ng simbahan. Lahat sila ay nagulat dahil nag-uumpisa na ang kasal. Tumigil si Pamela sa paglalakad at lumingon din sa kaniyang likuran. Biglang binundol nang matinding kaba at takot si Seb at akmang tatakbo na papunta kay Pamela. Lumingon sa kaniya ang dalaga pero hindi na ito nakagalaw pa.

Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril sa loob ng simbahan. Napuno ng sigawan at mga putukan ng baril. Kitang-kita ni Seb na nagkulay dugo ang parte ng tiyan ni Pamela. Umubo rin ito ng dugo at unti-unting bumagsak sa sahig.

“Pamela!” sigaw ni Seb. Tatakbo sana siya roon ngunit bigla siyang hinatak ng kaniyang kapatid at pinadapa. “H-Hindi! P-Pamela!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status