Share

Chapter 6

"I can't believe it, Lucio! Who was that man? Why are you associating yourself with that kind of person?!" hindi makapaniwalang sabi ni Emily. Kanina pa siya pabalik-balik sa sala ng mansyon ng mga Cruz. Kanina pa siya nakauwi galing sa munisipyo kung saan ay biglang may dumating na lalake at nanggulo roon. "And why did you just come back now?"

Bumuntonghininga si Lucio at nilapitan ang nobya. Hinawakan niya ito sa braso at hinila papalapit sa kaniya. Napangiti agad si Lucio noong magkatitigan silang dalawa. Sobrang nag-aalala si Emily kanina dahil sa nangyari. Na ikinatutuwa niya dahil ibig sabihin lamang niyon, hindi na talaga nito makilala si Seb.

Sinapo ni Lucio ang mga pisngi ni Ericka at hinalikan ito sa noo. "Don't worry now, okay? Wala na siya."

"Sino ba kasi 'yon? Ano'ng kailangan niya sa 'yo? And... why is he calling me Pamela Salvador?"

Sandaling natigilan si Lucio. Binitawan niya ang nobya at lumapit sa minibar nila. Nagsalin siya ng alak sa maliit na baso at tinungga iyon. "Pam... Pamela was her girlfriend. Fiancee, actually. You know, nakakaawa ang kaibigan kong 'yan. He lost everything on their wedding day." Napailing-iling si Lucio at muling nagsalin ng alak. "His father, brother, and his soon-to-be wife."

Napanganga si Ericka. Naupo siya sa malambot na upuan at napatitig sa lamesita na nasa gitna. "W-Why? What happened to them?"

Bumuga ulit ng hangin si Lucio. Dala ang kaniyang baso na kasasalin lang ng alak ay naupo siya sa tabi ni Ericka. Inilapag niya ang baso sa lamesita at kinuha ang kamay ni Ericka saka tinitigan ito sa mga mata. "On their wedding day, his fiancee was shot here." Tinuro niya ang tiyan at kanang dibdib ni Ericka. "Her father and brother are here." Tinuro niya ang ulo ni Emily. "And he was shot here too." Tinuro niya ang kanang dibdib ni Ericka. "Like his fiance, but he manage to survive because someone saved him."

"Oh, my God! That was horrible! I can't imagine how hard that was!"

Tumango-tango si Lucio. "Yes. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit siya umakto nang gano'n kanina. He might lose his mind too because of loneliness."

"Eh ikaw? A-Are you not present that day? Mabuti hindi ka nasaktan?" nag-aalalang sabi ni Ericka.

"No. Na late kami ni Dad. Na abutan na lang namin na halos maglawa na ang buong simbahan dahil sa mga dugo ng mga bisita at ng mga Mercedes. I felt sorry for them. They barely survived."

Binawi ni Ericka ang mga kamay kay Lucio at nag-iwas ng tingin. Bigla kasi siyang nakaramdam nang paninikip ng dibdib habang pinakikinggan ang kwento ng nobyo. Hindi siya makapaniwala na ganoon pala ang pinagdaanan ng binata. Kung alam lang niya ay hindi sana niya ito hinusgahan agad.

"I... I felt sad for him. Ang hirap siguro para sa kaniya ang pinagdaanan niya. But why was he like that? Did you help me? Gave him home? He was your friend after all."

"Yes, love. We did. We tried. Kaso masyado nang nalugmok sa labis na kalungkutan si Seb. Hindi niya makaya ang mga nangyari sa kaniya."

'Seb. Why does it feel familiar?' nagtatakang tanong sa sarili ni Ericka.

"Are you okay?" nagtatakang tanong ni Lucio nang mapansin na nag-iba ang ekspresyon ng nobya. Tumingin sa kaniya ang dalaga at ngumiti.

"Y-Yeah. May na alala lang ako. Where is he now? Kailangan niya ng tulong, Lucio. We should help him. We can enroll him in my mom's rehabilitation center. They can help him."

Ngumisi si Lucio at tinitigan sa mga mata si Ericka. "It's okay now. H'wag mo na siyang isipin. I already talked with him. Medyo na liwanagan na rin siya. Turns out, wala na pala siyang pera kaya gano'n. I gave him money and then he lived."

"Really? Gano'n lang?"

"Yes."

Nag-iwas ng mga tingin si Ericka. Natatakot siya kay Seb dahil kitang-kita niya ang mga galit sa mga mata nito. Namumula iyon at para silang biglang nagpalit ng anyo. Para siyang naging demonyo noong sinabi niyang hindi siya si Pamela. Huminga siya nang malalim at marahang umiling. Pero bakit parang narinig na niya sa kung saan ang pangalan nito?

~~~

Napaungol si Seb noong unti-unti nang bumabalik ang kaniyang malay. Masakit ang kaniyang ulo. Partikular ang kaniyang batok dahil sa matigas na bagay na tumama sa kaniya bago siya mawalan ng malay. Biglang napaungol si Seb at sinubukang gumalaw noong maalala niya si Pam.

'Pamela!'

Sinubukan niyang sumigaw ngunit walang lumalabas sa kaniyang bibig. Tanging ungol lamang ang kaniyang nagawa dahil mayroong nakatakip sa kaniyang bibig. Kahit ang kaniyang mga mata ay hindi niya maimulat dahil mayroon ding takip. Sinubukan niyang gumalaw ngunit nakaramdam lang siya ng hapdi sa palapulsuhan niya dahil humigpit ang kaniyang pagkakatali.

'Fuck! Lucio! I will kill you!'

Isang taon. Isang taon na wala siyang direksyon sa buhay dahil pakiramdam niya ay nawala na ang lahat para sa kaniya. Makailang beses na niyang sinubukan na tapusin ang buhay niya dahil wala na siyang magagawa pa rito. Ito ba? Kaya ba siya nabuhay dahil buhay pa pala si Pamela? Pero bakit hindi manlang sinabi sa kaniya ni Lucio? Ayaw niyang pag-isipan ang mga ito ngunit unti-unti na siyang sinasampal ng katotohanan.

"Andyan na ata si Gov. Gising na 'to eh."

Napatigil sa paggalaw si Seb noong may marinig siyang mga boses. Ilang sandali pa ay may bumukas na kung ano at nakarinig siya ng mga yabag na papalapit sa kaniya. Nanatiling hindi kumilos si Seb at nakiramdam.

"Gising na Gov. Ano gagawin namin sa kaniya?"

"Sandali. Kakausapin ko lang."

Naikuyom ni Seb ang kaniyang mga palad noong marinig ang boses ni Lucio. 'Traydor ka, Lucio! Hayop ka!' sigaw niya sa kaniyang isipan. Ilang sandali pa ay may nagtanggal ng kaniyang piring. Bumungad sa kaniya si Lucio na nakaupo sa kaniyang harapan. Nakadekwatro pa ito habang nagsisigarilyo at pinagmamasdan siya. Pinanlisikan niya ito ng mga mata at sinubukang sugurin ngunit nakatali pa rin siya.

Tumawa si Lucio. "You never learn, Seb. Bakit ka pa bumalik ng Mercedes? This province is nor soaring without you Mercedes' in position!"

Tumigil sa paggalaw si Seb. Kung nakamamatay lang mga titig ay kanina pa durog ang mukha ni Lucio.

"Ah. Hindi ka pala makakasagot. Tanggalin niyo nga 'yan!" utos ni Lucio habang kumakamot pa sa ulo. Agad na mayroong lumapit kay Seb at tinanggal ang takip sa bibig nito. "Now–"

"Hayop ka! Ano'ng ginawa mo kay Pamela?! Bakit hindi niya ako maalala?! Kayo ba ang gumawa niyon sa pamilya ko?!" sunod-sunod na tanong ni Seb.

"Pwede ba? Isa-isa lang ang tanong kung ayaw mong takpan na naman ang bibig mo!"

"Putangina mo, Lucio! Fuck you!"

"I said, shut up!" sigaw ni Lucio at biglang tumayo saka sinuntok sa mukha si Seb. Hinawakan niya ang buhok nito at marahas na inangat noong tumungo. "I should've killed you when I learned you were still alive!" Muling sinuntok ni Lucio si Seb.

Hindi naman sumagot ang binata. Nanatili siyang blangkong nakatingin kay Lucio na galit na galit na nakatitig sa kaniya. Muling umilit sa kaniyang isipan ang huling sinabi ni Lucio. 'I should've killed you when I learned you were still alive!' Napapikit nang mariin si Seb. Sila... Ang mga taong pinagkatiwalaan nila. Sila ang gumawa nito sa kanila.

"K-Kayo... Kayo ang pumatay sa kanila?" mahinang tanong ni Seb.

Binitawan ni Lucio ang binata at muling naupo. Ngumisi siya noong muling nagmulat ng mga mata si Seb. "Oo."

Biglang nangilid ang mga mata ni Seb at nanliit. "But why?"

"Why? Why? You are really asking me why? Dahil masyado na kayong gahaman! Akala niyo kayo ang may karapatang maghari sa pobinsyang ito? Nagkakamali kayo, Seb! Ngayon tapos na kayo. Wala na ang mga Mercedes. Sa amin na ang Mercedes. Sa akin na si Pamela."

Biglang nagpantig ang mga tainga ni Seb. Namula ang kaniyang mukha at nanlisik ang mga mata. "Hayop ka! Hayop ka! Papatayin kita, Lucio! Papatayin kita!" Nagwala si Seb habang lumuluha. Hindi siya makapaniwala na ang mga taong tinuring nilang pamilya ay ganito ang ginawa sa kanila. Ang kaniyang ama na malaki ang tiwala sa mga Cruz. Ang kapati niya at ang asawa nito na wala namang kinalaman sa mga nangyayari. Ang mga bisita. Ang lahat. Si Pamela. "Hayop ka! Isinusumpa ko! Papatayin kita!"

Tumawa na lamang bigla si Lucio nang malakas habang pumapalakpak. "Sa ating dalawa, Seb." Tumayong muli si Lucio at sinabunutan ang binata paharap sa kaniya. "Sa tingin mo. Sino ang mamamatay ngayon?"

"Hayop ka!" sigaw ni Seb at biglang dinuraan si Lucio sa mukha.

Natigilan naman ang si Lucio at napapikit. Tumama sa kaniyang pisngi ang malagkit at mabahong laway ni Seb na agad na nagbigay ng pandidiri sa kaniya. Gamit ang manggas ng kaniyang damit ay pinunasan niya iyon at muling dumilat. Nanlilisik na rin ang mga mata niya noong salubungin ang mga titig ni Seb. Walang ano-ano ay muli niya itong sinuntok sa mukha. Sunod-sunod hanggang sa dumura na ng dugo si Seb at matumba kasama ang upuan na pinagtatalian nito.

Hiningal agad si Lucio kaya isa-isa niyang tinanggal ang pagkakabutones ng kaniyang polo. "Kalagan niyo."

"Gov. Baka lumaban sa 'yo?"

"Bingi ka ba?!" sigaw ni Lucio. Pinandilatan niya pa ito kaya agad na sumunod sa kaniya.

Umubo-ubo si Seb at pilit na kumilos. Ilang sandali pa ay naramadman niyang hindi na siya nakagapos kaya pinilit niyang tumuyo. Putok na ang kaniyang kaliwang mata pero maayos pa rin niyang nakita si Lucio na wala nang suot na pang itaas. Nakaakto itong pasuntok sa kaniya habang nakangisi.

"Game?" ani Lucio.

Nalito pa noong una si Seb pero noong biglang sumugod sa kaniya si Lucio ay agad siyang umiwas at inundayan ito ng suntok sa tagiliran. Bago mangyari ang pangtatraydor ng mga ito sa pamilya nila, madalas silang mag-sparring ni Lucio. Naging libangan na nila iyon sa tuwing nagwo-workout sila. Pero sa palaging ginagawa nilang iyon ay hindi pa nanalo sa kaniya si Lucio.

Malakas na sinipa ni Seb si Lucio sa tiyan kaya tumumba ito sa sahig. Pero bago pa man siya makalapit ay tumayo ito at sinugod siya ng suntok. Halos lahat ng mga iyon ay matagumpay na naiwasan ni Seb. Hanggang sa susuntok sana ito sa kaniya ngunit sinalo niya iyon ng isa niyang kamao. Ang isa rin nitong kamay ay mahigpit niyang hinawakan. Parehas na silang duguan ni Lucio ngunit mas marami ang tama nito.

"Magbabayad kayo, Lucio Cruz. Papatayin ko rin kayo!" gigil na sabi ni Seb. Binitawan niya ang isang kamay nito at ang isa naman ay hinila hanggang sa maibaliktad niya ito padaan sa kaniyang balikat. Patihayang bumagsak si Lucio na d*****g sa sakit na naramdaman. Naikuyom ni Seb ang kaniyang mga palad. Sa pagkakataong iyon ay wala na siyang pakialam. Buhay ang kinuha sa kaniya kaya buhay din ang kaniyang babawiin.

Susugurin sana niya ulit si Lucio ngunit may humawak na sa kaniyang braso. Ang mga tauhan naman ni Lucio ang nakalaban ni Seb ngunit bago pa man niya maubos ang mga ito ay may narinig siyang malakas na putok ng baril. Sunod niyang naramdaman humapdi ang kanang balikat niya. Muli pang may pumutok at sa tiyan naman niya ang sumakit. Agad na nanlabo ang paningin ni Seb at biglang bumagsak sa sahig.

"Tangina!" sigaw ni Lucio na nakaupo na. Itinapon niya ang baril at unti-unting tumayo. Nilapitan niya si Seb at marahang sinipa ang katawan nito. Napailing siya at ngumisi. "Alam niyo na ang gagawin diyan." Tumalikod na si Lucio.

Pakiramdam ni Seb ay unti-unti na siyang nawawalan ng malay. Para siyang hinihila papunta sa kadiliman.

'Seb... My Seb.'

Napangiti si Seb noong marinig niya ang malamyos na tinig ni Pamela sa kaniyang isipan. Buhay si Pamela. Kailangan niyang mabuhay para makasama si Pamela. Ngunit masyado na siyang nanghihina at unti-unti nang nauubusan ng dugo. Naramdaman niyang may humila sa kaniya. Bumuhat at inihagis sa isang malamig at madilim na lagayan. Sandaling nawalan ng malay si Seb pero muling bumalik noong tumama ang kaniyang ulo sa matigas na bagay.

'Seb...'

Napaungol si Seb at pilit na iminulat ang kaniyang mga mata. Labis na ang kirot na kaniyang nararamdaman at tumitindi na ang panlalabo ng kaniyang mga mata. Mahina na ang kaniyang pandinig kaya mga kaluskos na lamang iyon para sa kaniya. Muli niyang ipinikit ang mga mata. Naramdaman niyang parang may bumukas at muli na lamang siyang lumutang.

"Patay na ba?"

"Hindi. Buhay pa."

"Kawawa naman si Boss Seb. Ang bait pa naman nito noon."

"Wala eh. Ano ang magagawa natin? Kaysa naman tayo ang patayin ni Boss Lucio."

Bigla na lamang may tumikhim sa likod ng dalawanag lalake na nag-uusap. "Ako na bahala sa kaniya mga boss."

Agad na tumayo ang mga lalake at bubunot sana ng baril. Ngunit natigilan sila noong makitang may hawak na ito at nakatutok sa kanilang dalawa. Agad na itinaas ng mga ito ang kanilang mga kamay.

"N-Napag-utusan lang po!"

Sinenyasan nito na umalis na kaya agad na kumaripas ang mga ito papunta sa sasakyan. "Alam niyo na ang sasabihin niyo ha?" tanong pa ng lalake. Mabilis na tumango ang mga ito bago sumakay ng sasakyan. Hinintay nitong umalis ang mga ito bago lumapit kay Seb.

Napailing si Kit habang pinagmamasdan ang wala na nang malay na si Seb. "You never learn, Sebastian. At least you are still alive." 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status