Share

4: Pagsisimula

Author: JV Writes
last update Last Updated: 2025-10-26 21:54:57

ISANG LINGGO MAKALIPAS ANG PAGKABUWAG NG KUMPANYA NI DOMINIC

Muling nagkaroon ng buhay ang mansyon ng mga Vergara.

Ang dating malamig at tahimik na bahay ay muling umalingawngaw sa halakhakan. Ang tinig ni Lia, mataas at masigla, ay humahalo sa mahinahong tawa ng kanyang kapatid habang tumatakbo silang magkapatid sa sala. Ang hangin na dati ay amoy galit at tensyon, ngayo’y amoy jasmin at mainit na lugaw, gawa ni Natalie, siyempre.

Mula sa pintuan, tahimik na pinagmamasdan ni Theodore ang kanyang pamilya. Ang dating matigas na ekspresyon sa kanyang mukha ay bahagyang lumambot. Sa unang pagkakataon matapos ang anim na taon, muling naramdaman niyang may buhay ang tahanan nila.

Napatingin si Natalie mula sa sofa at nahuli ang titig ng asawa.

“Wag ka lang d’yan nakatayo, Mr. Vergara,” biro niya. “Akala ng mga bata, estatwa ka na.”

Bahagyang natawa si Theodore. “Baka nga mas tumagal sa gulong ‘tong estatwa kaysa sa akin.”

Tumakbo si Lia at hinila ang manggas ng ama. “Daddy, halika na! Sabi ni Mommy, kung sino ang manalo, makakakuha ng chocolate cake!”

Tinaasan ni Theodore ng kilay ang asawa. “Ganun ba? Panunuhol?”

Ngumiti si Natalie. “Hindi panunuhol, tawag d’yan, motibasyon.”

Isang simpleng sandali lang iyon — puno ng tawanan at init ng pamilya — ngunit para kay Theodore, parang panaginip. Matagal na niyang nakalimutan kung ano ang pakiramdam ng makita ang kanyang mga anak na masayang naglalaro kasama ang dalawang magulang.

***

TATLONG ARAW MAKALIPAS, NABASAG ANG KATAHIMIKANG IYON.

Isang pilak na sports car ang huminto sa tarangkahan ng mansyon. Mula rito’y bumaba ang isang babaeng naka-disenyong takong, pulang-pula ang labi, at may ngiting parang punyal.

“Matagal din tayong ‘di nagkita, Theodore,” aniya.

Si Mika Lim — matagal nang kaibigan ng pamilya, magalang sa labas ngunit lason sa loob. Siya ang kapatid ni Paolo Lim, kaibigan ni Theodore, na inutusan nitong maghanap ng nutritionist para kay Nathan. Mukhang si Mika mismo ang ipinadala dahil isa itong nutritionist mula sa ibang bansa.

Mula sa itaas ng hagdanan, lumitaw si Natalie. Kalma ang kanyang tindig, malamig ang mga mata. “Ikaw siguro ‘yung Mika na palaging nagpapadala ng liham sa asawa ko taon-taon,” sabi niya. “Welcome. Nasa kanan ang basurahan.”

Natigilan ang mga katulong, pigil ang tawa. Napatigas ang ngiti ni Mika. “Gaya pa rin ng dati, bastos ka pa rin.”

Ngumiti si Natalie ng malamig. “Bastos lang ako sa mga ahas na hindi marunong lumugar.”

“Dumating ako para kamustahin ang mga bata,” ani Mika, pilit nananatiling kalmado. “Kailangan nila ng tamang kalinga, lalo na mula sa isang propesyonal na kagaya ko.”

Lumalim ang tinig ni Natalie. “Mabuti na lang at buhay pa ang ina nila. Dahil walang sinuman ang kayang pumalit sa isang ina.”

Bago pa man makasagot si Mika, tumakbo si Lia at niyakap ang binti ni Natalie. “Mommy, sino po siya? Ang weird magsalita!”

Tahimik ngunit mahirap itago ang halakhakan ng mga kasambahay. Pula ang mukha ni Mika.

Lumapit siya kay Theodore, umaasang kakampihan siya nito. Ngunit malamig lang ang sagot ng lalaki. “Umalis ka na, Mika. Abala kami.”

Nanlaki ang mata ni Mika. “Pero Theodore, iniwan ko ang pag-aaral ko sa abroad para tulungan ka! Para alagaan si Nathan! Kailangan mo ng nutritionist, ‘di ba?”

Nanatiling kalmado si Theodore. “Pag-uusapan natin ‘yan sa ibang araw. Sa ngayon, umalis ka muna.”

Namula si Mika sa inis at nagbanta, “Pagsisisihan mo ‘to, Natalie.” Pagkatapos ay naglakad palabas, galit na galit.

Pinanood lang ni Natalie ang pag-alis ng kotse, walang pagbabago sa mukha. “May mga taong ayaw pa ring tanggapin na tapos na ang laban.”

KINAGABIHAN, MULING UMULAN.

Tahimik na nakatayo si Natalie sa tabi ng bintana, pinagmamasdan ang kidlat na humahati sa langit. Dapat ay masaya siya — natalo na si Dominic, napahiya si Mika, ligtas ang mga bata. Ngunit may kakaibang kirot sa dibdib niya, tila may kulang.

Narinig niya ang mga yabag sa likod. Paglingon niya, nandoon si Theodore, may hawak na dalawang tasa ng tsaa. “Di ka pa rin makatulog?”

“Maingay ang ulan,” sagot niya. “O baka ako lang ang maingay sa isip ko.”

Tahimik silang dalawa sa loob ng ilang sandali. Hindi na malamig ang katahimikan sa pagitan nila, ngunit mabigat — puno ng mga salitang hindi masabi.

“Nabanggit ni Lia na tinuruan mo siyang muli magdrawing,” sabi ni Theodore. “Ipinakita niya sa akin ang ginawa niya. Tayong apat daw ‘yun, pamilya.”

Ngumiti si Natalie. “Mas matapang pa siya kaysa sa atin.”

Tinitigan siya ni Theodore. “Natalie… may gusto ka bang sabihin sa akin?”

“Sabihin? Tungkol saan?”

“Tungkol sa’yo. Alam kong anak ka ng pamilya Flores, pero bakit nito ko lang nalaman na isa kang doktor?”

Bahagyang napayuko si Natalie. “Siguro sa sobrang galit mo noon, hindi mo na napansin kung sino talaga ako.”

Pinanood lang siya ng lalaki, mabigat ang titig. “Ang kumpanya ng pamilya mo, matagal nang nawala. May kinalaman ka ba sa bagong Flores Enterprises na lumitaw para pabagsakin si Dominic?”

Tumitig siya pabalik. “Kung sasabihin kong meron, maniniwala ka ba?”

Hindi ito sumagot. Pareho nilang alam ang sagot. Hindi naniniwala si Theodore dahil sa anim na taong pagsasama nila ni Natalie, tanging si Dominic lang ang bukambibig nito. Ang pabagsakin si Dominic ay wala sa bukabularyo ni Natalie.

Lumakas ang ulan sa labas, tila sumasabay sa tibok ng kanilang dibdib.

“Minsan tinanong mo kung sino talaga ako,” bulong ni Natalie. “Hanggang ngayon, hinahanap ko pa rin ang sagot. Pero kung ang tanong mo ay kung mahal ko ba ang mga anak natin, kung mahal ko ba ang tahanang ito…” Tumigil siya, kumislap ang luha sa kanyang mga mata. “Oo, mahal ko.”

Kumilos ang kamay ni Theodore, parang gusto niyang abutin ang mukha niya, pero umatras din. “Matulog ka na,” mahinahon niyang sabi.

KINABUKSAN, BANDANG HAPON, matapos matulog ang mga bata kalalaro, tumayo si Natalie sa harap ng silid-aklatan ni Theodore. Sandaling nag-alinlangan bago kumatok.

“Pasok ka,” sabi ni Theodore na busy sa pagbabasa ng mga papeles.

Nakita niyang abala ito, nakataas ang mga manggas at bahagyang nakangiti nang makita siya. “Hindi ka pa rin makatulog?”

“Hindi,” mahinahon niyang sagot. “May gusto lang akong sabihin.”

Lumapit siya, halos nanginginig ang kamay ngunit matatag ang tingin.

“Kung nagkamali ako noon,” sabi niya, mababa ang boses, “kung naging bulag, masama, o hangal man ako, hayaan mong gugulin ko ang natitirang buhay ko para itama lahat ng ‘yon.”

Matagal na natahimik si Theodore bago marahang lumapit. “Sana nga'y totoo ang mga sinasabi mo, Natalie. Dahil gusto ko... gustong-gusto kong magbago ka hindi lang para sa akin, kundi para sa mga anak natin. Gusto kong makasama muli ang babaeng minahal ko anim na taon na ang nakalilipas.” bulong niya.

Sa labas, unti-unting humina ang kulog, hanggang sa tuluyang maglaho sa tahimik na gabi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Second Chance With Her Billionaire Husband (SPG)   151: Mawawala Ulit Si Lia?

    Ang halaga ng ransom na hinihingi ng mga kidnappers ay labis, halos hindi kapani-paniwala—isang daang milyon para lamang sa isang bata. Ang ganitong halaga ay nakakaalarma, at tila ba imposibleng mabayaran ng isang pamilya nang walang kahirapan. Ngunit sa huli, ang tanging nakatanggap ng tinakdang ransom ay ang pamilya Flores. Pinunan nila ang hinihingi, ipinapakita ang kanilang kapangyarihan at dedikasyon sa kaligtasan ng kanilang mahal sa buhay.Si Aubrey, habang nakaupo sa tabi ng mga datos na naiwan, ay nagbahagi ng isang nakagugulat na pangyayari. “Noong malapit nang ipatupad ang parusang kamatayan sa batang iyon, hindi tumakas ang boss. Siya mismo ang lumaban, nagpunta nang mag-isa upang iligtas ang bata, wala siyang kasama, at nasugatan. Halos mamatay siya,” kuwento niya, na tila ba bumabalik sa kanya ang takot at pangamba ng nakaraan.Ang insidenteng iyon ay naganap maraming taon na ang nakalilipas, ngunit kahit ngayon, kapag ikinukwento ni Damian Flores, napapalitan ang kulay

  • Second Chance With Her Billionaire Husband (SPG)   150: Mainit na Gabi

    Nang maglapat ang kanilang mga labi, parang may pader sa pagitan nila na tuluyang nabasag. Naghalo ang init ng gabi at ang pananabik na matagal nang kumikirot sa ilalim ng balat, ngunit hindi sumobra, hindi lumampas sa dapat. Malalim, masidhi, pero kontrolado ang bawat galaw ni Theodore, na para bang pinipili nitong huwag lumampas sa hangganang ikasasaktan niya.Sa gitna ng halik na iyon, naramdaman ni Natalie ang unti unting pagdulas ng tela mula sa katawan nila, hindi brusko, hindi marahas, kundi mabagal na parang sinasadyang ipadama ang bigat ng sandaling iyon. Bago pa siya makapigil, binuhat siya ni Theodore, marahan, parang natatakot siyang mabasag.Pagharap niya, tumama agad ang tingin niya sa mga mata nitong puno ng tensyon at damdamin. Mga matang hindi niya maipaliwanag kung pag aalala ba, pagnanasa, o isang bagay na higit pa roon.Hinagkan ni Theodore ang kanyang leeg, malalim at banayad, bago siya inilapag nang dahan dahan sa gilid ng sink. Sa posisyong iyon, napatingin siya

  • Second Chance With Her Billionaire Husband (SPG)   149: Lihim na Pagpihit

    Natalie ay agad na nakahalata ng kakaibang tono sa mga salita ni Theodore. Kahit banayad ang pagkakabitaw nito, may laman, may bigat, may lihim na ayaw sabihin.“Theodore… yung babae na binanggit mo, yung sinasabi mong puting buwan… may kilala ba akong ganoon?”Sandali siyang tinitigan ng binata, walang anumang ekspresyon, ngunit may bahagyang paggalaw sa mga mata nito na hindi nakaligtas sa kanya. Sa halip na sumagot, nanahimik lamang si Theodore.At doon, tumama ang hinala ni Natalie.Ang katahimikan niya ang sagot.“Siya ba ay… kilala ko?” tanong niya muli, mas mariin, mas kinakabahan.“Importante ba talaga?” malamig, ngunit hindi ganap na walang pakiramdam ang tinig ni Theodore.“Syempre importante,” balik ni Natalie, nanunuyot ang bibig habang bigla niyang inalala ang bawat babae na pumasok sa buhay niya. Mabilis tumakbo ang isip niya, pero masyadong malawak, masyadong magulo. Hindi niya mahagilap.“How old? Ano trabaho niya? Maganda ba siya?” sunod niya pa, halos sunod sunod, pa

  • Second Chance With Her Billionaire Husband (SPG)   148: Gabi ng Paghaharap

    Hatinggabi na sa Vergara residence, at tahimik ang buong bahay. Ang mga ilaw ay dim, at halos lahat ng miyembro ng pamilya ay natutulog na, nakapikit sa kanilang mga kama, ang malamig na hangin ng gabi ay dumadaloy sa bawat sulok. Ngunit biglang nag-igting ang katahimikan nang marinig ang matinis na tunog ng electric drill na pumukaw sa bawat isa. Ang tunog ay parang sumisirit sa katahimikan, sumasabog sa mga dingding, at tila ba ipinag-utos na gisingin ang lahat.Si Lia, mahigpit na yakap ang kanyang paboritong rabbit plushie, naisip na may panaginip siya. Napalingon siya sa kanyang alarmed eyes, nagdadalawang-isip sa kanyang pagkakita, at nakatayo sa pinto ng kanyang kuwarto, palihim na pinagmamasdan ang nangyayari sa labas. Napansin niya ang isang lalaki, locksmith, na abala sa pagtangkang buksan ang lock ng study ng kanyang ama. Sa likod ng locksmith, nakatayo si Natalie, tahimik ngunit matatag, may hawak na ilang kagamitan, tila ba may plano na hindi basta-basta basta maipaliwana

  • Second Chance With Her Billionaire Husband (SPG)   147: Lihim at Damdamin

    Kumatok ang pinto ng tea room. Sa isang iglap, pumasok si Assistant Hazel, hawak ang sopas para sa mga lasing, ang amoy ng mainit na sabaw ay kumalat sa silid. “Gabi na po, Ma'am Bianca. Dapat magpahinga ka na,” tawag niya kay Bianca, may kasamang pamilyar at intimate na tono, at sabay na tumingin kay Natalie. Halata sa paraan ng kanyang pagbati at sa mahinang kilos ng katawan na gusto niyang palihim na ipalabas si Natalie palabas ng silid, na parang sinasabi, “Maari ka nang umalis.”Tumayo si Natalie, dahan-dahan, at nagsalita, “Bianca, aalis na ako muna.” Ang kanyang boses ay kalmado ngunit may bahid ng pagod at determinasyon, at ang mga mata niya ay nakatuon pa rin sa bawat galaw ni Bianca, sinusuri kung may magbabago sa kanya.Agad na umindak si Bianca, instinctively gusto siyang sumunod, ngunit bago pa man siya makalapit, hinawakan ni Assistant Hazel ang braso niya. Ang mga mata ni Bianca ay namumula, bahagyang mamasa-masa, parang sa kanyang pagkakita, may halong takot at galit s

  • Second Chance With Her Billionaire Husband (SPG)   146: Other Woman

    Umalis si Natalie sa Huyue Club na parang walang direksyon sa isipan, ang bawat hakbang ng kanyang kotse ay tila mabigat, ang kanyang isip abala sa paulit-ulit na salita ni Paolo na umalingawngaw sa kanyang ulo. Theodore… isang babae? Puwede bang nangyari iyon? Baka nga ang babaeng tinutukoy ni Paolo ay siya na bumalik sa buhay ni Theodore, nagbabalik mula sa nakaraan, at tila nagtataglay ng lihim na magpapalito sa kanya.Habang humahakbang ang kotse niya sa masalimuot na trapiko, tila bawat ilaw ng lansangan ay sumisilip sa kanya, parang sinusubukang magpahiwatig ng panganib at posibleng pagtataksil. Ang kanyang dibdib ay naglalakbay sa pagitan ng kaba at galit, isang halo ng kuryosidad at pagtatanggol sa sarili, na pinipilit ang sarili na manatiling mahinahon. Ngunit kahit anong pilit, hindi maiwasan ng kanyang isipan ang bumuo ng kwento—kung may babae nga, sino ito? Bakit hindi niya narinig ang pangalan nito noon?Pagdating ng kanyang kotse sa Cortez residence, sinalubong siya ng ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status