Share

5: Katotohanan ng Nakaraan

Author: JV Writes
last update Last Updated: 2025-10-26 22:14:02

Tahimik ang mga araw matapos maaresto si Dominic.

Tahimik, masyadong tahimik.

Ang mga tsismis sa kabisera ay unti-unting kumupas, parang usok na tinangay ng hangin, ngunit alam ni Natalie na ang katahimikan sa bahay na ito ay laging panandalian lamang.

Ramdam niya ito — ang bigat sa hangin, ang paraan ng pag-iwas ni Theodore sa kanyang mga mata, na para bang may tinatago itong lihim sa likod ng kanyang mga tahimik na titig.

ISANG GABI, naisipan ni Natalie na tingnan ang kung ano anong mga gamit sa kaniyang bagay. Kung sabagay, kailangan talaga niyang maging komportable at pamilyar sa naging buhay niya noon para na rin makasabay. Kailangan niyang mabago ang kaniyang sarili.

Sa sobrang busy, hindi nito napansin na matagal nang nakatayo si Theodore sa may pintuan.

Ngunit hindi lumingon si Natalie. “Kung may sasabihin ka,” aniya, malamig ang tinig, “sabihin mo na.”

Hindi gumalaw si Theodore. "Pwede ko bang malaman kung anong pinagkakaabalahan mo diyan?"

Napatingin si Natalie sa asawa at nakita ang maamo nitong mukha. Ngumiti ito at saka itinuro ang upuan sa tabi ng kaniyang kama para paupusin si Theodore. "Sinusubukan kong alalahanin kung sino ako nitong mga nakaraang taon."

Dahil nabanggit na rin ni Natalie, biglang may pumasok sa isip ni Theodore. May naaalala ka ba sa nangyari sayo anim na taon na ang nakalilipas?

Nang marinig iyon ni Natalie, agad siyang natigilan sa pag-aayos ng kaniyang mga papeles. Anim na taon ang nakalilipas kung saan naalala niyang hinahabol siya ng isang serial killer, may isang nagligtas sa kaniya na ang nasa isip niya ay si Dominic. Pero wala na itong maalala bukod don."

Mariin itong umiling sa asawa.

“Yung lalaking nagtangkang iligtas ka anim na taon na ang nakalipas," huminga nang malalim si Theodore bago muling nagsalita, "hindi si Dominic iyon.”

Tumigil ang paghinga ni Natalie. “Ano ang sabi mo?”

Lumapit si Theodore, mababa ngunit matatag ang boses. “Naalala mo ang gabing iyon. Yung pag-atake ng serial killer. Ang dugo, ang kaguluhan. Sinabi ni Dominic na siya ang sumalo ng saksak para sa’yo.”

Huminto siya saglit. “Hindi siya iyon.”

Humarap na si Natalie, unti-unting bumibilis ang tibok ng kanyang puso. “Kung hindi siya, sino?”

Nanginginig ang panga ni Theodore bago siya tumugon. “Ako.”

Parang biglang tumigil ang oras.

Halos natawa si Natalie, hindi makapaniwala. “Inaakala mong maniniwala ako sa’yo?”

“Wala akong pakialam kung maniwala ka o hindi,” sagot niya. “Pero dapat mong malaman, ang lalaking inakala mong tagapagligtas ay isa lang sinungaling.”

Parang kulog ang dating ng mga salita. “S-Seryoso ka? Theo, alam kong galit ka sakin pero hindi tamang magsabi ka sa akin ng kung ano-ano. Wala akong maalala, huwag mo namang samantalahin--!”

“Lili,"

Sa isang tawag lang ni Theodore gamit ang palayaw nito sa kaniyang asawa, agad na natigilan si Natalie. Mula sa pangalang 'Natalie', matagal nang Lili ang tawag ni Theodore sa kaniya. Samantalang 'Theo' naman ang tawag ni Natalie sa asawa.

"S-Sana nga nagsisinungaling ako.” habol ni Theodore.

May kinuha si Theodore na mga gamit na nakatago mismo sa kwarto ni Natalie. Inilapag niya ito sa mesa. Isang makapal na folder, mga lumang ulat ng pulis, litrato, at mga medikal na rekord na may selyo pa. May mga marka ng dugo, oras ng insidente, at isang pangalang pamilyar: Theodore Vergara.

Nanginginig ang mga kamay ni Natalie habang binubuksan ang folder. Ang mga alaala ng gabing iyon — ang mga sigaw, ang sakit, ang takot — ay tila nagbago ng hugis, nagkabit-kabit hanggang sa isa na lang ang katotohanang natira.

“Ikaw…” mahina niyang bulong, nanginginig ang boses. “Ikaw pala iyon.”

Hindi siya sinagot ni Theodore. Hindi na kailangan.

Sa unang pagkakataon matapos ang anim na taon, napagtanto ni Natalie ang lahat. Ang kasal, ang galit, ang pagkawasak niya — lahat ay itinayo sa kasinungalingang niluto ni Dominic.

At ang lalaking halos mamatay para sa kanya, siya mismo ang sinaktan at winasak.

Pumuno ng luha ang kanyang mga mata ngunit agad niyang itinalikod ang mukha bago pa siya mapansin ni Theodore. “Bakit hindi mo sinabi?”

Tiningnan siya ng lalaki, mababa ang tinig. “Magbabago ba ang lahat kung sinabi ko? Galit ka na noon, Natalie. Galit na galit. Wala akong pagkakataong ipaliwanag ang kahit ano.”

Tahimik. Mabigat. Walang katapusan.

Lumabas si Theodore ng silid, marahan ang pagkalapat ng pinto, halos mas mahina pa sa tibok ng puso ni Natalie.

Kinagabihan, hindi siya nakatulog. Nakaupo lamang siya sa gilid ng kama, nakatitig sa folder na tila ngayon lang niya napagtanto ang tunay na bigat. Bawat larawan ay parang punyal na tumatama sa puso.

Naalala niya kung paano hindi sumagot si Theodore kahit ilang beses niya itong pinagsigawan. Naalala niya kung paano pa rin siya nito inuwi mula ospital, kung paano nito tiniis ang katahimikan sa pagitan nila nang walang kapalit.

Hindi na ito simpleng guilt. Isa itong bagay na mas malalim, mas masakit — pagsisisi.

KINABUKASAN, tila mas malamig ang araw kaysa dati.

Tahimik na pumasok si Lia sa kusina, hawak ang isang papel. “Mommy, tingnan mo! Gumuhit ako ng ikaw at si Daddy, magkahawak kamay!”

Nanikip ang dibdib ni Natalie. “Ang ganda niyan, anak.”

“Ang sabi ni Daddy, kapag magkahawak kamay daw ang mga tao, ibig sabihin hindi na sila nag-aaway,” inosente niyang wika. “Maghahawak kamay din ba kayo ulit ni Daddy?”

Napilitan siyang ngumiti, kahit nanginginig ang boses. “Siguro balang araw.”

Kinagabihan rin ng araw na iyon, nadatnan niya si Theodore sa hardin. Nakaupo ito, may sigarilyong nakasindi, habang ang langit ay naglalaro sa pagitan ng ginto at abo.

Tahimik siyang lumapit, inabot ang sigarilyo at inalis ito sa kamay ng lalaki.

“Hindi ka dapat naninigarilyo,” mahinahon niyang sabi. “Masama sa 'yan sa baga.”

Mahina itong natawa. “Huli na yata para diyan.”

Matagal silang parehong tahimik, nakatingin lang sa paglubog ng araw na unti-unting nilalamon ng gabi.

“Naalala ko na,” bulong ni Natalie. “May tumawag sa pangalan ko noong gabing iyon. Hindi iyon boses ni Dominic.”

Dahan-dahang tumingin si Theodore sa kanya.

“Hindi ko na mababawi ang mga pagkakamali ko,” dagdag niya. “Pero kung may paraan pa… gusto kong magsimulang muli. Kung papayagan mo.”

Walang salitang lumabas sa bibig ni Theodore. Sa halip, dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ni Natalie — ang parehong kamay na minsang nanginginig sa takot at galit. Ngayon, iyon ay marahang pinisil, parang takot siyang mawala muli ito.

Dumaan ang malamig na hangin, may dalang amoy ng ulan at bulaklak ng hasmin.

At sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, tila tumigil ang mundo.

Kinagabihan, muling bumalik si Natalie sa kanyang kwarto. Marahan niyang isinilid ang folder sa isang drawer at nilaklock ito.

Lumitaw na ang katotohanan.

Ngunit may isa pa siyang alam — ang pag-atake anim na taon na ang nakalipas, hindi iyon simpleng aksidente.

May isang taong gustong pumatay sa kanya.

At kung ang lalaking nagligtas sa kanya ay muntik nang mamatay dahil doon, ibig sabihin, ang tunay na kalaban ay nasa paligid pa rin.

Tumingin siya sa malayong ilaw ng lungsod, malamig at matalim ang kanyang mga mata.

“Kung sino ka man,” mahina niyang bulong sa dilim, “ngayon, ako naman ang maghahanap sa’yo.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Second Chance With Her Billionaire Husband (SPG)   151: Mawawala Ulit Si Lia?

    Ang halaga ng ransom na hinihingi ng mga kidnappers ay labis, halos hindi kapani-paniwala—isang daang milyon para lamang sa isang bata. Ang ganitong halaga ay nakakaalarma, at tila ba imposibleng mabayaran ng isang pamilya nang walang kahirapan. Ngunit sa huli, ang tanging nakatanggap ng tinakdang ransom ay ang pamilya Flores. Pinunan nila ang hinihingi, ipinapakita ang kanilang kapangyarihan at dedikasyon sa kaligtasan ng kanilang mahal sa buhay.Si Aubrey, habang nakaupo sa tabi ng mga datos na naiwan, ay nagbahagi ng isang nakagugulat na pangyayari. “Noong malapit nang ipatupad ang parusang kamatayan sa batang iyon, hindi tumakas ang boss. Siya mismo ang lumaban, nagpunta nang mag-isa upang iligtas ang bata, wala siyang kasama, at nasugatan. Halos mamatay siya,” kuwento niya, na tila ba bumabalik sa kanya ang takot at pangamba ng nakaraan.Ang insidenteng iyon ay naganap maraming taon na ang nakalilipas, ngunit kahit ngayon, kapag ikinukwento ni Damian Flores, napapalitan ang kulay

  • Second Chance With Her Billionaire Husband (SPG)   150: Mainit na Gabi

    Nang maglapat ang kanilang mga labi, parang may pader sa pagitan nila na tuluyang nabasag. Naghalo ang init ng gabi at ang pananabik na matagal nang kumikirot sa ilalim ng balat, ngunit hindi sumobra, hindi lumampas sa dapat. Malalim, masidhi, pero kontrolado ang bawat galaw ni Theodore, na para bang pinipili nitong huwag lumampas sa hangganang ikasasaktan niya.Sa gitna ng halik na iyon, naramdaman ni Natalie ang unti unting pagdulas ng tela mula sa katawan nila, hindi brusko, hindi marahas, kundi mabagal na parang sinasadyang ipadama ang bigat ng sandaling iyon. Bago pa siya makapigil, binuhat siya ni Theodore, marahan, parang natatakot siyang mabasag.Pagharap niya, tumama agad ang tingin niya sa mga mata nitong puno ng tensyon at damdamin. Mga matang hindi niya maipaliwanag kung pag aalala ba, pagnanasa, o isang bagay na higit pa roon.Hinagkan ni Theodore ang kanyang leeg, malalim at banayad, bago siya inilapag nang dahan dahan sa gilid ng sink. Sa posisyong iyon, napatingin siya

  • Second Chance With Her Billionaire Husband (SPG)   149: Lihim na Pagpihit

    Natalie ay agad na nakahalata ng kakaibang tono sa mga salita ni Theodore. Kahit banayad ang pagkakabitaw nito, may laman, may bigat, may lihim na ayaw sabihin.“Theodore… yung babae na binanggit mo, yung sinasabi mong puting buwan… may kilala ba akong ganoon?”Sandali siyang tinitigan ng binata, walang anumang ekspresyon, ngunit may bahagyang paggalaw sa mga mata nito na hindi nakaligtas sa kanya. Sa halip na sumagot, nanahimik lamang si Theodore.At doon, tumama ang hinala ni Natalie.Ang katahimikan niya ang sagot.“Siya ba ay… kilala ko?” tanong niya muli, mas mariin, mas kinakabahan.“Importante ba talaga?” malamig, ngunit hindi ganap na walang pakiramdam ang tinig ni Theodore.“Syempre importante,” balik ni Natalie, nanunuyot ang bibig habang bigla niyang inalala ang bawat babae na pumasok sa buhay niya. Mabilis tumakbo ang isip niya, pero masyadong malawak, masyadong magulo. Hindi niya mahagilap.“How old? Ano trabaho niya? Maganda ba siya?” sunod niya pa, halos sunod sunod, pa

  • Second Chance With Her Billionaire Husband (SPG)   148: Gabi ng Paghaharap

    Hatinggabi na sa Vergara residence, at tahimik ang buong bahay. Ang mga ilaw ay dim, at halos lahat ng miyembro ng pamilya ay natutulog na, nakapikit sa kanilang mga kama, ang malamig na hangin ng gabi ay dumadaloy sa bawat sulok. Ngunit biglang nag-igting ang katahimikan nang marinig ang matinis na tunog ng electric drill na pumukaw sa bawat isa. Ang tunog ay parang sumisirit sa katahimikan, sumasabog sa mga dingding, at tila ba ipinag-utos na gisingin ang lahat.Si Lia, mahigpit na yakap ang kanyang paboritong rabbit plushie, naisip na may panaginip siya. Napalingon siya sa kanyang alarmed eyes, nagdadalawang-isip sa kanyang pagkakita, at nakatayo sa pinto ng kanyang kuwarto, palihim na pinagmamasdan ang nangyayari sa labas. Napansin niya ang isang lalaki, locksmith, na abala sa pagtangkang buksan ang lock ng study ng kanyang ama. Sa likod ng locksmith, nakatayo si Natalie, tahimik ngunit matatag, may hawak na ilang kagamitan, tila ba may plano na hindi basta-basta basta maipaliwana

  • Second Chance With Her Billionaire Husband (SPG)   147: Lihim at Damdamin

    Kumatok ang pinto ng tea room. Sa isang iglap, pumasok si Assistant Hazel, hawak ang sopas para sa mga lasing, ang amoy ng mainit na sabaw ay kumalat sa silid. “Gabi na po, Ma'am Bianca. Dapat magpahinga ka na,” tawag niya kay Bianca, may kasamang pamilyar at intimate na tono, at sabay na tumingin kay Natalie. Halata sa paraan ng kanyang pagbati at sa mahinang kilos ng katawan na gusto niyang palihim na ipalabas si Natalie palabas ng silid, na parang sinasabi, “Maari ka nang umalis.”Tumayo si Natalie, dahan-dahan, at nagsalita, “Bianca, aalis na ako muna.” Ang kanyang boses ay kalmado ngunit may bahid ng pagod at determinasyon, at ang mga mata niya ay nakatuon pa rin sa bawat galaw ni Bianca, sinusuri kung may magbabago sa kanya.Agad na umindak si Bianca, instinctively gusto siyang sumunod, ngunit bago pa man siya makalapit, hinawakan ni Assistant Hazel ang braso niya. Ang mga mata ni Bianca ay namumula, bahagyang mamasa-masa, parang sa kanyang pagkakita, may halong takot at galit s

  • Second Chance With Her Billionaire Husband (SPG)   146: Other Woman

    Umalis si Natalie sa Huyue Club na parang walang direksyon sa isipan, ang bawat hakbang ng kanyang kotse ay tila mabigat, ang kanyang isip abala sa paulit-ulit na salita ni Paolo na umalingawngaw sa kanyang ulo. Theodore… isang babae? Puwede bang nangyari iyon? Baka nga ang babaeng tinutukoy ni Paolo ay siya na bumalik sa buhay ni Theodore, nagbabalik mula sa nakaraan, at tila nagtataglay ng lihim na magpapalito sa kanya.Habang humahakbang ang kotse niya sa masalimuot na trapiko, tila bawat ilaw ng lansangan ay sumisilip sa kanya, parang sinusubukang magpahiwatig ng panganib at posibleng pagtataksil. Ang kanyang dibdib ay naglalakbay sa pagitan ng kaba at galit, isang halo ng kuryosidad at pagtatanggol sa sarili, na pinipilit ang sarili na manatiling mahinahon. Ngunit kahit anong pilit, hindi maiwasan ng kanyang isipan ang bumuo ng kwento—kung may babae nga, sino ito? Bakit hindi niya narinig ang pangalan nito noon?Pagdating ng kanyang kotse sa Cortez residence, sinalubong siya ng ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status