LOGIN
Chapter 1
Kakapunas lang ni Ara sa noo niya dahil sa pawis. Kumukulo na rin ang tiyan niya sa gutom. Hindi pa siya nakakapagreaktime dahil maraming hugasin sa karinderia. "Ara!" Napatigil siya sa paghuhugas para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya. Si Alice pala kasamahan niya at cashier sa karinderyang kanilang pinapasukan. "Nasa labas ang kapatid mo at hinahanap ka." pagpapatuloy ni Alice Bakit daw?" tanong niya habang pinupunas ang kamay sa suot na apron. "Di naman sinabi. Puntahan mo na lang." Nauna na itong lumbas ng kitchen pagkatapos. Sumunod na rin siya para puntahan ang kapatid. Baka kako hihingi lang ng pambaon. Napailing siya, grabe nakakapagod maging breadwinner. Kulang na lang ibinta niya pati kaluluwa niya. Naglaho ang mga naisip niya kanina pagkatapos makita ang kapatid. Aligaga ito at pawis na pawis tulad niya dahil sa init ng panahon sa labas. At higit sa lahat, umiiyak. "Tonton, anong nangyari?" tanong niya dahil parang hindi na ito magkandaugaga. "Ate, si tatay!" Hindi pa natapos sabihin ay humagulgol ito. "Umayos ka nga muna! Anong nangyari kay tatay?" "Nasa ospital si tatay ate, nabangga ang tricycle niya ng isang wing van." Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Dinumbol ng kaba ang puso niya bago pa niya malaman au umiiyak siya, nag-uunahan na sa pagpatak ang kanyang luha. Hinila niya ang kapatid at mabilis na pinuntahan ang ospital kung nasaan ang tatay niya. Hindi na siya nakapagpaalam sa kanyang amo na aalis. Naabutan niya sa waiting room ang nanay niya na katulad nila ay umiiyak, magulo ang buhok at wala sa ayos na hitsura. Nakahawak sa noo. "Nay, si tatay kumusta?" tanong niya pero sa halip na sumagot ay niyakap siya nito at umiiyak ito sa mga balikat niya. Hinaplos niyaang likod nito para pakalmahin. Maya-maya ay bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanya "Nasa ICU ..ang tatay niyo. Anak, ano ang gagawin natin? Malubha ang kalagayan ng tatay niyo. Sabi ng doktor, may blood clot daw sa utak niya at kailangan siyang obserbahan. Sabi ng doktor, baka matagalan siya magising o d naman kaya ay ooperahan ng utak niya. Malaki ang magagastos natin." Parang tumigil saglit sa pag-ikot ang mundo ni Ara. Hirap na nga sila sa araw-araw na gastusin at ngayon ang pagpapagamot naman. 'Magkano daw ba ang tantiya na gastos nay?" Nakagat ng nanay niya ang labi bago sumagot. Napayuko ito. "Mga lagpas kalahating milyon daw." pabulong nitong sabi. "Diyos ko po, saan tayo kukuha ng ganyan kalaki, Inay." Nagpaalam si Ara na umalis para maghanap ng pera kahit alam niyang suntok sa buwan. Mabuti sana kung sampung libo lang at baka may pag-asa pa. Pero kalahating milyon, napakalaki. Tinawagan niya ang mga kaibigan para sana makahiram pero lahat sila tumanggi. Wala siyang napala kahit isang kusing. Hanggang sa naisip niya ang isang kakilala na matagal na siyang inaalok ng trabaho. Pinuntahan niya ito sa kanyang apartment. "Ara, anong maitutulong ko sa'yo?" Bungad nito ng makita siya. "Poor, Arabella. Sabi ko naman sa'yo noon pa na kung ginamit mo yang alindog mo edi sana buhay reyna ka na ngayon." "Sandra, kailangan ko ng malaking halaga, nasa ospital si tatay, walang malay at under observation. Walang-wala ako, kahit pamasahe papunta dito. Pagod na pagod ako." Napaiyak siya sa harap ng kaibigan sakto namang kumulo ang tiyan niya dahil sa gutom. "Ara, halika kumain ka muna habang pag-uusapan natin kung ano ang gagawin natin." Inakay siya nito papunta sa kitchen at hinainan ng pagkain. Nakakahiya man pero laking pasasalamat niya na naibsan ang kanyang kumukulong tiyan. 'So handa ka ng gamitin ang ganda mong yan? Marami akong cliyente na naghahanap ng alam mo na.....mmm... mistress." kalmadong sabi nito na animoy ang mga bagay na yon ay mga tinda lang sa palengke. Napabuga siya ng hangin. Kaya ba niyang magpakababa ng ganoon? Puwede naman siguro kung para sa kaligtasan ng ama. -puwede ring mag dancer ka sa club at least doon wala kang personal connection sa mga customer mo. Marami akong kaibigang may-ari ng club, tsaka magaling kang sumayaw." dugtong nito ng hindi pa rin siya kumikibo. Wala lahat yon sa bokabularyo niya noon. Ang gusto lang niya mga disenteng trabaho pero medyo mailap din pala sa mga katulad niyang hindi nakapagtapos. "Parang hindi ko yata kaya, Sandra." "Girl ha, akala ko ba kailangan mo ng pera. Ito lang ang maitutulong ko sa'yo. Pag-isipan mong mabuti." Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Tanging ang mahinang tunog lang ng TV ni Sandra ang maririnig sa paligid kung saan pinapalabas ang "Etiquette of Mistresses." Puwede pala yon, na gawing parang isang normal na bagay ang isang bagay na alam ng lahat na kasalanan sa mata ng Diyos. Napailing siya. Di bale ng magpakababa masydo pero hindi niya kaya ang manira ng pamilya. Pero? Paano ang tatay niya? Hahayaan na lang ba niya ito sa ospital? Baka pagsisihan niya kung wala siyang magawa. "Sandra!" "Yes!" Nasa Tv lang ang atensiyon nito. Hindi niya alam kung ano ang tawag sa trabaho ni Sandra. Pero ni minsan hindi siya nanghusga. "Wala bang ibang choice, like pang one time booking lang." Nanginginig ang kanyang kalamnan. Papasukin ba talaga niya ang ganitong mundo? "Wait, titingnan ko sa organizer." Tumayo ito at pumasok sa kuwarto paglabas dala na nito ang kanyang tablet. "Booked na ang iba. Wait," anitong parang nakakita ng shooting star. "Ito puwede sa'yo to. Isang grupo ng mga bachelors ang naghahanap ng sasayaw sa birthday ng kaibigan nila." Nabuhayan ng loob si Ara. Kayang-kaya niyang magsayaw. Kahit anong sayaw pa yan at least wala siyang aapakang tao. "Sayaw lang?" tanong niya. "Well depende rin yan sa takbo ng party. Puwede mong akitin ang customer para dagdag talent f*e, 100 thousand ang offer nila dito." Nanlumo si Ara, Malaki na sana kaso kulang na kulang pa rin. Saan niya hahanapin ang kulang? "Sino ba ang celebrant?" "Walang nakalagay, eh. Basta pag okay sa'yo ako na ang bahalang kumontak sa kanila." "Sige," sabi niyang nakapikit. It's now or never. Sasayaw lang naman siya at pagkatapos noon ay uuwi. "Hindi maipjnta ang kasiyahan sa mukha ni Celine. For the first time in forever ay tmawag si Calvin para makipagkita sa kanya. Take note sa isang private room sa isang bar. Baka natauhan na rin si Calvin at finally na-realize nito na gusto rin siya. This is the moment, kailangang may maganap talaga sa kanila. Hindi na siya papayag ma delay ang kanilang kasal na siya lang naman ang nagpupumilit.Dali-daling nagshower at nagbihis si Celine. She chose the most sexy yet comfortable dress. Kailangan magandahan si Calvin sa kanya. Minsan lang niya masolo ang lalaki sa mga ganitong pa dgkakataon.Halos iligo na rin niya ang kanyang mamahaling pabango na galing sa isang pinakasikat na brand abroad. She needs to smell good para nakuha na ang loob ni Calvin. She's been hunting him for all these years. Pero ibang klase si Calvin, hindi talaga tinatablan sa pang seseduce niya.Mag-isa niyang tinatahak ang lugar kung saan nila napag-usapang magkita. Pagdating niya ay naghanap siya ng parking. Sin
Napatungaga saglit si Calvin sa sinabi ni Ara. Akala niya sapat na may pera at mayaman na siya para manatili ito sa tabi niya. Pero hindi pa pala. Ara wanted to explore the world on her own. Hindi rin niya alam kung matutuwa o magagalit siya but deep inside him, there is fear. Fear of losing her again the second the time around. Paano pag nalaman ni Ara na kaya naman pala niyang wala siya? At the same time, he could not stop her. Oras na madiskobre at sumikat si Ara magiging marami ang karibal niya. Kasama na doon ang oras at trabaho. "Are you sure about that?" kalmadong niyang tanong. Nagpakawala din siya ng napakalalim na buntung-hininga. "Yes ,Calvz. I want to try something for myself. Gusto kong patunayan na hindi lang ako pang maid habang-buhay." tugon nito. Umupo na ito sa gilid ng kama at hinarap siya. "That maid thing is just because I was mad. But now you are not my maid anymore. Okay, okay! Kung talgang gusto mong subukan, sige." Lumapit ito at yumakap sa kanya." Sal
Hindi agad nakapagsalita si Calvin pagkatapos niyang tanungin kung may iuutos ba ito sa kanya. Nakahiga siya sa kama at nakatalikod dito."I'm sorry sa mga nangyari kanina. Hindi ko naman alam na pupunta si Celine dito at mag-eeskandalo." Hindi siya kumibo. Wala siyang ganang makipag-usap. Ang tanging gusto niya ay makaalis sa poder ng lalaki. Kung paano ay hindi niya alam. Mahal niya ang lalaki pero sa nakita niya kanina parang hindi pa siya nito kayang panindigan."Wala ka man lang sinabi para ipagtanggol ako. Para mo na ring sinabi na totoo ang lahat ng sinabi niya. Nahihiya ka bang ipakilala ako sa kanila na girlfriend mo ako. Ehz di sana di mo na lang pinasok ang bagay na to." kalmadong sabi ni Ara pero durog na durog siya.Lumapit si Calvin sa kinaroroonan niya."Ara, I was just protecting you. Kapag sinabi ko Kay Celine ang katotohanan mas lalo ka niyang pag-iinitan.""Ang duwag mo naman pala! Takot ka sa babae o baka naman takot kang mawalan ng koneksyon sa pagnenegosyo. Kin
Nagising si Ara dahil sa mabigat na bagay na dumantay sa kanyang katawan. Pagod na pagod siya at parang walang lakas. The moment she opened her eyes, realization hit her. Her naked body covered by the blanket and the man beside her justifies the realization. Bagama't wala siyang nakalap na pagsisissi sa nangyari. She loves Calvin and she owes a lot to him including what happened in the past.Tulog pa rin si Calvin sa tabi niya with his arm on his forehead, exposing his half naked body. Hinawakan niya ang pisngi ng lalaki subalit nabigla siya ng hawakan ng lalaki ang kamay niya. Gising na pala ito.He even winked his eyes. "Guwapo ba ako?" anitong nagpapacute. Napangiti si Ara at kinurot ito sa tagiliran. "Good morning." dugtong ni Calvin at kinintalan siya ng halik sa labi.Dali-dali Naman siyang nagtakip ng bibig." Ano ba? Hindi pa qko nagtoohbrush." "Tss! No problem. Mabango ka pa rin naman." ani Calvin na dumidikit na naman sa kanya."Tama na kasi." ani Ara na napahagikgik, kinik
Natatawa si Calvin sa reaksiyon ni Ara. Akala siguro nito ay tulog na siya. "Ginulat mo naman ako? Dito ka uit matutulog?" tanong ni Ara."Depende kung gusto mo." tugon ni Calvin at hinila si Ara kaya napadagan ito sa kanya. Kanina pa siya nagpipigil sa sarili pero siyempre hindi niya puwedeng madaliin ang babae kasi marami pa siyang pangarap para dito. Gusto niyang pag-aralin ulit si Ara para matapos nito ang kurso noon sa kolehiyo at pagtatrabahuin niya ito sa kanyang kompanya."Humihirit ka na naman, eh."reklamo nito.Hinila niya ang babae sa palapit sa kanya at niyakap ito ng mahigpit."Gusto lang kitang yakapin o baka gusto mong ituloy natin ang mga nangyari kanina. Lagi na lang Kasi iyong mauudlot." bulong niya sa babae. Kinurot na naman siya nito sa tagiliran kaya napaigtad siya.-Ara, may usapan na tayo tungkol sa mga kurot-kurot, ha. Di mo naman siguro nakakalimutan."Ang usapan kasi bawat kurot ay katumbas ng tatlong minutong halikan. Napangiti ang babae at pilit na nagpu
Kinabahan si Ara sa sinabi ni Calvin na ipapakilala siya sa mga magulang nito. Kahit noong nag-aaral pa sila ay wala itong nabanggit tungkol sa mga magulang at hindi rin naman siya nakapunta ni minsan sa bahay ng lalaki noon.Paano kung nabanggit ni Calvin sa parents niya ang mga nangyari noon. Eh di, wala na siyang mukhang maihaharap sa mga ito.Subalit iba ang pinuntahan nilang lugar at huminto si Calvin sa labasan ng isang private cemetery. Doon lang pumasok sa isip ni Ara na baka wala na itong mga magulang. Gaya ng nakasanayan, maunang bumaba si Calvin para pagbuksan siya ng pinto. Duman sila sa nagtitinda ng mga kandila at bulaklak "Tara puntahan na natin sila," sabi ni Calvin. Inilahad nito ang kamay kaya't magkahawak kamay silang pumunta sa puntod ng mga magulang nito. Hindi maiwasang mapangiti ni Ara. Ang sarap kasi ng pakiramdam habang hawak niya ang kamay ng lalaki. Mainit ang mga palad nito at nagbibigay ng seguridad sa kanya. Nakarating sila sa magkatabing puntod pero n







