LOGINKanina pa nakatunganga si Ara sa gilid ng kanyang lumang kama. Sa kanyang tabi ay ang damit na isusuot niya sa pagsasayaw. Isang bodycon dress na above the knee ang haba, isang boots shoes at isang maskara.
Nang minsang isukat niya ito ay hapit na hapit sa kanyang makurba na katawan. Bagay na bagay sa kanya. Kaya lang ay isusuot niya sa maling sitwasyon. Mamahalin din ang damit, mayamang negosyante ba naman ang magbibirthday. Mga damit na kailanman ay hindi pa niya mabibili para sa sarili. Kanina pa siya tapos maligo. Binigyan siya ni Sandra ng mga mamahaling body wash at pabango para sa okasyon ngayong araw. Maya-maya pa ay nagbihis na rin siya at naglagay ng light make up. Hindi naman kailangang kapalan kasi may maskara naman siyang gagamitin. Nasa ganoong ayos siya ng dumating si Sandra para sunduin siya. Oras na! Oras na para harapin ang hamon ng buhay. Na di minsan sumagi sa isip niya na gagawin niya pala. Napangiti ito ng makita siya at sinuri siya mula ulo hanggang paa. "Girl, napakaganda mo! Napakaperfect. Pero sayang lang di mo masyadong maipapakita ang mukha mo," sabi ni Sandra. "Okay na tong ganito. Para naman may kaunting hiya pa na maibibigay ko sa sarili ko." Paglabas nila ng bahay ay pinatungan niya ng jacket ang kanyang suot. Nakikiusyuso Kasi ang kanyang mga kapit-bahay. Pero mabuti na lang at may taxi ng nakaabang sa kanila. "Balita ko binata naman daw yong magbibirthday. Sobrang pogi at mayaman. Ito na yong pagkakataon. Mamingwit ka ng malaking isda." Biro ni Sandra "Imposible yan. Alam naman natin na ang mga mayayaman ay ganoon din ang gusto nila. Hindi sila papatol sa ating mahihirap. Saka ano. Sasayaw lang ako para sa birthday niya." Inihinto sila ng taxi sa isang napakalaking mansiyon na may matayog na gate. Para silang nakatunghay sa isang napakalawak na palasyo sa labas pa lang. "Ara, girl. Hindi na kita puwedeng samahan sa loob. Mag-iingat ka at kung ano man, tawagan mo lang ako." Napahigpit ang hawak niya sa kamay ng kanyang kaibigan. Kinabahan tuloy siya at parang gusto na niyang umatras. Kaya ba niyang gawin to? "Sandra, ano kaya kung-" "Ara, alam ko kung anong nasa isip mo. Hindi na puwede Kasi nandito na tayo. Sige na. Nariyan na ang sundo mo." Isang nakauniform na babae at isang guwardiya ang sumundo kay Ara papasok ng mansiyon. Mukhang inaasahan na ng mga ito na darating siya. Bago siya tuluyang pumasok sa gate nilingon pa niya si Sandra. Kumaway ito at pilit na ngumiti sa kanya. Sumenyas din na aalis na. Napakaganda ng looban ng mansiyon. Nagkikintabang mga sahig, gamit, muwebles, mga painting na nakasabit at mga naglalakihang chandelier. "This way, Ma'am." anang babaeng sumundo sa kanya. Pumasok sila sa isang napakalaking kuwarto na mukhang wala namang gumagamit. "Miss, bakit dito? Di ba may birthday" aniyang napalinga-linga sa paligid. Pormal na ngiti ang binigay ng babae. "Yes,maam. Nasa function hall po ang celebration. Naghihintay lang po tayo ng go signal ng mga kaibigan ni Sir. "tugon nito. Function hall? Sa loob ng mansiyon? Aba, masyadong hitech. Mayaman nga sila samantalang sila kurtina lang ang dibisyon ng kanilang bahay. Naupo siya sa kama habang umalis ang babae. Nangangatog ang tuhod niya sa sobrang kaba. Di niya alam kung katulong yon o ano. Iba naman kasi ang uniform nito. Gusto niyang umiyak pero pinigilan niya baka maisra ang make up niya. Paano kung hawak-hawakan siya ng mga lalaki? Hipuin o baka naman pagsamantalahan? Nakagat niya ang labi sa mga naisip. Isang lalaki pa lang ang nakahawak at nakahalik sa kanya. Pero lubos siya nitong iniingatan at kailanman ay hindi ito nag-take advantage sa kanya. Calvin." Bulong ng isip niya.. Tapos ngayon ihahain niya ang sarili sa mga taong hindi niya kilala. Para sa pera. Napakalupit ng tadhana na humagupit sa kanya. Siguro karma na ito. "Ma'am!" Napatigil ang pagmuni-muni niya ng tinawag siya ng babae. -It's time. Let's go. Puwede mo nang isuot ang iyong mask." dugtong nito. Sumunod na lang siya dito at hindi na nagtanong. Sinalubong sila ng isang lalaki pagpasok sa function room. Matipuno, guwapo at mukha namang mabait. "There you are, young Miss. Ako na Ang bahala sa kanya." sabi nito sa babaeng naghatid sa kanya. -Miss, don't worry. Hindi ka namin sasaktan. Mabuti kaming tao. Gusto lang namin paligayahin ang kaibigan naming ubod ng manhid." nakangiting sabi nito. Nagpalakpakan ang higit kumulang limang lalaki pagpasok nila. Tama siya, mukha namang mababait at mga disente. Napako sa kinatatayuan si Ara. Napatingin siya sa isa sa mga lalaki na nandoon. Nakasuot ito ng kulay asul na polo pero bukas ang butones sa harapan. Iba na itong pumorma. Iba na ring ang awra. Wala na ang fresh and warm vibe. Napalitan ng coldness. Si Calvin. Ang naisip niya kanina. Ang lalaking tanging minahal pa lamang niya. Napatingin siya sa likod at baka sakaling puwede pang tumakbo. Hindi puwede. Pero baka naman hindi ito ang celebrant. "Bro, what's happening? At bakit may babae?" Napasinghap si Ara. Si Calvin nga. Siya yong nagtanong. Nagmature na pati ang bosses niya. Mas bumagay sa kanyang bagong personalidad. Tiningnan siya nito at mukhang di naman siya nakilala. "Bro, regalo namin sa'yo. Nandito siya para i-entertain ka." sagot nung lalaking sumundo sa kanya. Siyanga? Si Calvin nga ang may birthday. Tama. Tama naalala na niya ang petsa ngayon. Napahawak siya sa braso ng lalaking sumundo sa kanya at napatingin naman ito sa kanya. Gusto niyang humingi ng saklolo. Hindi puwede ang mga nangyayari. Nagkantiyawan ang mga kaibigan nito. "Dude, mukhang ikaw ang natipuhan niya," sabi ng isa sa mga lalaki. Bumitaw si Ara sa pagkakawak sa lalaki. "What? Are you fucking serious?" Si Calvin ulit. Akma na itong lalabas pero pinigilan ng mga kaibigan. "Dude, wag kang ganyan. We just want to celebrate your birthday." sabi nung isa. "Sasayawan ka lang Naman niya." Nagpatugtog na nga ang mga kaibigan nito. Hindi alam ni Ara kung paano sisimulan ang sayaw. "Exclusive si Miss sa'yo Calvin. Kaya maiiwan na namin kayo. Just enjoy the night." Nagsilabasan na nga ang mga kaibigan ni Calvin at naiwan silang dalawa. Siya na parang posteng nakatayo at si Calvin na nakatingin lang sa kanya at waring pinag-aaralan siya.Si Ara ang nagbabantay sa tatay niya sa ospital. Pinagpahinga muna niya ang nanay niya. Ilang araw na kasi itong walang tulog. Dahil sa perang binigay ni Calvin, natuloy ang operasyon ng tatay niya pero hindi pa rin ito gumigising. Pero sabi naman ng doktor ay medyo okay na ang tatay niya. Hinihintay na lang nila na magising ito. Napakalupit maningil ng tadhana. Sino ang mag-aakala na ng taong minaliit ng tatay niya noon dahil isa lang pipitsugin ay ang magsaasalba pala ng buhay niya.Napalabi si Ara. Imposible man ang naging pagyaman ni Calvin pero mabuti pa ito mayaman na. Siya, lugmok pa rin sa kahirapan.Ni minsan siyang nireto ng tatay niya sa kumpare nitong maykaya sa buhay at biyudo pero hindi talaga siya pumayag.Bukod sa ang laki ng agwat ng edad nito sa kanya ay amoy tabako pa ito. Hindi niya talaga bet ang mga smoker na lalaki.Naisipan ni Ara na lumabas muna saglit para bumili ng nakakain ng makasalubong niya ang babaeng nakauniporme sa bahay ni Calvin.Napaisip siya kun
Natampal ni Calvin ang noo pagkapasok niya sa kuwarto niya. Kailan pa? Kailan pa siya naging hayok na hayok sa laman na kahit sino na na lang papatusin niya? Walong taon. Walong taong hindi siya nagkasiyota. Ginugol niya ang mga panahong iyon para palawakin ang negosyo ng kanyang Tito na pinamana sa kanya. Yong babaeng nagsayaw kanina, parang kilalang-kilala niya? Ang amoy ng kanyang buhok at kanyang katawan, pamilyar sa kanya. Damn! Nababaliw na siya? Kahit ang pag tawag nito sa pangalan niya ay parang musika sa kanyang pandinig. Hindi puwede at imposible na si Ara ang babaeng yon. Pinindot niya ang intercom para tawagin ang kanyang secretary. Pumasok naman ito maya-maya. "Jana, nasaan na yong babaeng dinala nina Arkin kanina?" tanong niya sa kanyang secretary. "Sir, umuwi na po. Pinara ko po ng taxi kasi ayaw po niyang magpahatid." "Sige, salamat. Did you give her the amount that I told you?" "Yes, sir. Binigyan ko po siya ng cheque amounting to 500,000. Naiyak nga po eh.
"Are you going to stand there all night?" tanong ni Calvin. "Ha!" Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ara. Kanina pa pala siya tulala.Hindi pa rin siya makapaniwala na mayaman na si Calvin? Paano nangyari? Ngumiti si Calvin. Ngiti na hindi niya alam kung anong pinapahiwatig. Ang alam niya hindi na ito matatamis na tulad ng dati lalo na pag nakita siya. "Sayang naman ang ibinayad sa'yo kung wala kang gagawin? Ang perang pinaghirapan ay di dapat sayangin." Dahan-dahan itong lumapit sa kanya dala ang isang baso ng wine. Huminto ito sa tapat niya at dahan-dahang ininom ang wine. Nauuhaw siya pero hindi sa wine.Nakita niya ang paggalaw ng adam's apple nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Hindi niya namalayang napalunok pala siya at pati siya ay biglang nauhaw. Napangiti ulit si Calvin. This time ay para itong nanunukso at nanunuya."Thirsty?" tanong ulit nito. "Here."Inabot sa kanya ang wine glass pero umiling siya. Hindi pa siya nakakainom ng mga wine na ganoon. Bak
Kanina pa nakatunganga si Ara sa gilid ng kanyang lumang kama. Sa kanyang tabi ay ang damit na isusuot niya sa pagsasayaw. Isang bodycon dress na above the knee ang haba, isang boots shoes at isang maskara.Nang minsang isukat niya ito ay hapit na hapit sa kanyang makurba na katawan. Bagay na bagay sa kanya. Kaya lang ay isusuot niya sa maling sitwasyon. Mamahalin din ang damit, mayamang negosyante ba naman ang magbibirthday. Mga damit na kailanman ay hindi pa niya mabibili para sa sarili.Kanina pa siya tapos maligo. Binigyan siya ni Sandra ng mga mamahaling body wash at pabango para sa okasyon ngayong araw. Maya-maya pa ay nagbihis na rin siya at naglagay ng light make up. Hindi naman kailangang kapalan kasi may maskara naman siyang gagamitin. Nasa ganoong ayos siya ng dumating si Sandra para sunduin siya. Oras na! Oras na para harapin ang hamon ng buhay. Na di minsan sumagi sa isip niya na gagawin niya pala.Napangiti ito ng makita siya at sinuri siya mula ulo hanggang paa. "Gi
Chapter 1Kakapunas lang ni Ara sa noo niya dahil sa pawis. Kumukulo na rin ang tiyan niya sa gutom. Hindi pa siya nakakapagreaktime dahil maraming hugasin sa karinderia. "Ara!"Napatigil siya sa paghuhugas para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya. Si Alice pala kasamahan niya at cashier sa karinderyang kanilang pinapasukan."Nasa labas ang kapatid mo at hinahanap ka." pagpapatuloy ni Alice Bakit daw?" tanong niya habang pinupunas ang kamay sa suot na apron."Di naman sinabi. Puntahan mo na lang."Nauna na itong lumbas ng kitchen pagkatapos. Sumunod na rin siya para puntahan ang kapatid.Baka kako hihingi lang ng pambaon. Napailing siya, grabe nakakapagod maging breadwinner. Kulang na lang ibinta niya pati kaluluwa niya.Naglaho ang mga naisip niya kanina pagkatapos makita ang kapatid. Aligaga ito at pawis na pawis tulad niya dahil sa init ng panahon sa labas. At higit sa lahat, umiiyak."Tonton, anong nangyari?" tanong niya dahil parang hindi na ito magkandaugaga."Ate, si tat







