Home / Romance / Second Chance With The CEO / Chapter 5- Job Offer

Share

Chapter 5- Job Offer

Author: Lady A
last update publish date: 2026-07-30 12:29:39

Si Ara ang nagbabantay sa tatay niya sa ospital. Pinagpahinga muna niya ang nanay niya. Ilang araw na kasi itong walang tulog.

Dahil sa perang binigay ni Calvin, natuloy ang operasyon ng tatay niya pero hindi pa rin ito gumigising. Pero sabi naman ng doktor ay medyo okay na ang tatay niya.

Hinihintay na lang nila na magising ito. Napakalupit maningil ng tadhana. Sino ang mag-aakala na ng taong minaliit ng tatay niya noon dahil isa lang pipitsugin ay ang magsaasalba pala ng buhay niya.

Napalabi si Ara. Imposible man ang naging pagyaman ni Calvin pero mabuti pa ito mayaman na. Siya, lugmok pa rin sa kahirapan.

Ni minsan siyang nireto ng tatay niya sa kumpare nitong maykaya sa buhay at biyudo pero hindi talaga siya pumayag.

Bukod sa ang laki ng agwat ng edad nito sa kanya ay amoy tabako pa ito. Hindi niya talaga bet ang mga smoker na lalaki.

Naisipan ni Ara na lumabas muna saglit para bumili ng nakakain ng makasalubong niya ang babaeng nakauniporme sa bahay ni Calvin.

Napaisip siya kung ano ang ginagawa ng mga ito doon sa ospital. Ngumiti ito ng makita siya at ngumiti.

"Miss Fuentes. Ako po yong nag-assist sa inyo nung nakaraang birthday ni Mr. Alvarez?" sabi nito.

Napatango lang siya. Oo nga. Siya nga yon. Tapos?

"Ano pa po ang kailangan niyo sa akin?"

tanong niya.

Ang alam niya ay tapos na ang obligasyon niya ng gabing yon.

"Mr. Alvarez wanted to talk to you in person. Kung puwede ka raw bang bumalik sa mansiyon. May sasabihin lang siya."

Ano? Kung ganoon alam na ni Calvin na siya ang nagsayaw nung birthday niya.

"Ha! Ayoko! Wala na akong business doon. Ano pang gagawin ko sa bahay niya?"

There's no way na sasama siya at magpapakita sa lalaki.

"Miss, please. May nakalimutan ka rawng gamit doon."

Gamit? Ipatapon na lang niya. Di Naman yon mamahalin kung anumang gamit niya. Tsaka, ano bang

nakalimutan niya.?

Hindi pa rin umalis ang babae at nakaabang lang sa kanya. Kanina pa siya nagugutom.

Para siyang criminal na binabantayan ang kilos. Kung saan siya magpunta ay sinusundan siya nito.

"Sige na. Sasama na ako pero sandali lang ako doon."

Ito na ang oras na magkikita sila ni Calvin na wala ng maskara o anumang takip sa mukha.

Nakapikit na lang siya sa sobrang kaba lalo na ng pumasok na ang kotseng sinasakyan nila sa loob ng

mansiyon.

Gaya ng dati ay nakasunod lang siya sa babae. Pero sa araw na ito ay hindi na siya nakagayak. Nakasuot lang siya ng lumang pantalon at t-shirt, wala na ang make up, walang pabango. Nangangamoy ospital pa.

Pumasok sila sa isng silid, ah, hindi pala. opisina pala ito.

Nakatalikod si Calvin pagpasok nila. Nakaharap ang bintana nito sa malawak na hardin sa labas ng mansiyon.

"Sir, nandito na po si Miss Fuentes," sabi nung babae.

"Sige, ewan mo muna kami." kalmado nitong sabi na nakatingin pa rin sa labas.

Nang tuluyan ng nakalabas ng p***o ang secretary ni Calvin ay saka ito humarap sa kanya.

Nagkatinginan lang sila na para wala silang pinagsamahan. Hindi man lang siya binati o kinumusta?

Ano ba ang inaasahan niya? Sasalubungin siya ng halik at yakap ni Calvin.

"Maupo ka," si Calvin.

"Hindi na kailangan. Di ako magtatagal. Diretsahin niyo na po kung anong kailangan niyo sa akin."

"Ikaw!" nakangiting sabi nito.

"Ha? Anong Ako?"

"Ikaw ang may kailangan sa akin. Di ba nagsayaw ka sa birthday ko para sa pera."

Napabuga ng hangin si Ara. "Tapos na yon."

"I can offer more than that sa isang kondisyon."

Napatingin siya kay Calvin mukhang ipnamumukha nito sa kanya na may pera na ito at siya ay wala pa rin.

"Salamat pero tama na yon." Pagtanggi niya.

"Talaga? Miss Fuentes ang alam ko ang perang ibinigay ko sa'yo ay pinagamot mo lang sa tatay mo. Hindi pa kasali doon ang mga bills sa ospital, panggastos niyo sa araw-araw. pangkain ng pamilya mo na nakaasa sa"yo etc."

Nanlumo sa narinig si Ara. Pinaiimbestigahan siya ni Calvin. Alam na alam nito ang bawat detalye ng buhay niya. Bawat paghihirap niya habang ang lalaki ay nakaupo sa kanyang mansiyon.

"Magtatrabaho naman Ako." Pagmamatigas niya.

"Sa kakarampot na sweldo? I'm offering you a big salary. Ang gagawin mo lang pagsisilbihan ako kaysa naman kung kani-kanino kang lalaki sumasama at nagsasayaw."

Nagpanting ang kanyang tainga so iniisip ni Calvin na regular ang trabaho niyang iyon. Medyo nasaktan ng kaunti ang kanyang pride.

"Mali ka ng iniisip Cal...Mr. Alvarez, Hindi ako bayarang babae."

Napangiti si Calvin. Ngiting nanunuya.

"I am not interested to hear the backstory of your job. Who knows kung anong kayang gawin ng mga babaeng tulad mo na mukhang pera!"

Nakuyom niya ang palad. Ito na! Mukhang magsusumbatan na silang dalawa. Baka ito na ang tamang panahon para humingi siya ng tawad sa lalaki. Kahit lumuhod pa siya sa harapan nito.

"Calvin, I'm sorry sa mga nagawa ko noon."

"I am not interested to hear any drama, either! That will not bring money to our pocket. I am offering you a job with a good compensation. That's all. All you have to do is to say yes or no."

Huminto ito saglit. Baka ito na rin ang pagkakataong mapatawad siya ni Calvin.

Nagbago na nga si Calvin. Wala na ang lalaking kulang na lang sungkitin ang mga bituin para sa kanya. Wala na ang lalaking baliw na baliw sa kanya.

Napalitan na ng lalaki na puro pera ang nasa isip. Cold, aloof and arrogant. Masakit man isipin pero isa siya sa mga naging dahilan ng pagbabago nito.

"Paano mo ako mapapatawad, Calvin?bulong niya habang nangigilid ang luha.

"I'm asking you again for the last time, Miss Arabella Fuentes. Do you want to work as my personal maid?" pormal na tanong nito

Hindi man lang ito natinag na umiiyak siya. Pinunasan niya ang mga luha.

"Yes...yes Sir."

Napangisi si Calvin. "Papayag ka naman pala magpapakipot pa! Hindi ka pa rin nagbabago, Ara. Mukha ka pa ring pera."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Second Chance With The CEO   Chapter 27

    Nakangiti si Ara sa pagpasok pa lang niya sa building ng House of Goddesses. Ito ang unang araw ng kanyang exclusive training para maging professional model. Nagpunta siya sa front desk at ibinigay ang maliit na papel na binigay ni Iven noong huli nilang pagkikita. Ang laman ng papel ay ang kanyang official admission sa agency. Iginiya siya ng isa sa mga staff doon at binigyan ng sariling locker para sa kanyang mga gamit. Binigyan din siya ng list of schedules niya araw-araw sa loob ng isang buwan.At ang unang nakatuka sa kanyang unang araw ay ang personality development training. Ang training na ito ay naglalayon na ma boost ang kanilang self confidence lalo na sa harap ng camera at sa harap ng maraming tao. Sinunod na lang niya ang mga room assignment na nakalagay doon. Tamang tama lang ang dating niya at may 20 minuto pa siya para ihanda ang sarili. Napabuga ng hangin si Ara bago pumasok sa room ng kanyang unang training. May ilan na ring mga naghihintay doon pagpasok niya. Lit

  • Second Chance With The CEO   Chapter 26

    Nakaalis na si Ara ng lumabas si Calvin sa kuwarto niya. Sinadya niyang huwag lumabas doon at magpakita sa babae. Ilang linggo pa lang niyang nakasama ulit ang babae at parang di pa niya to kayang makitang umalis muli.Pero hindi isang bilanggo si Ara para ikulong niya at pigilang mangarap. Habang wala si Ara kailangan niyang maayos ang gusot sa pagitan nila ni Celine.Napakalaki ng problema niya kapag nakarating sa daddy ni Celine ang video. Pero hindi puwedeng kainin siya ng takot habambuhay. Magiging tuta na lang siya ng mga ito habambuhay.Kailangan niyang harapin ang takot at makaisip ng back-up plan para hindi bumagsak ang negosyo niya pag nagalit ang daddy ni Celine. Ang daddy ni Celine ang isa sa pinakamalaking investors niya sa Alvarez holdings at tiyak na kapag nag-pull out ito ng investment ay malaking problema ang haharapin niya.Pati ang ibang business partners nila ay baka umatras din kapag umatras ang daddy ni Celine. So paano niya ito lulusutan kung magkataon?Pero de

  • Second Chance With The CEO   Chapter 25

    Maaga pa lang ay naggising na si Ara. Ngayon ang unang araw sa training niya sa House of Goddesses. Pero kahapon pa lang ay handa na ang kanyang mga gamit.Ipagdarasal niya na ito na ang magbabago ng buhay niya. Gusto niyang gawin ito para may maibigay siyang karangalan sa sarili niya.Pero napansin niyang balisa si Calvin at mukhang hindi ito nakatulog. Baka may problema sa negosyo o kaya ay iniisip lang ng pag-alis niya sa bahay nito. Dito pa rin naman siya uuwi pagkatapos ng isang buwang exclusive training.Nagsimulang maging ganito si Calvin kagabi ng may nag message guro sa cellphone nito. Akala ng lalaki nakatulog na siya noon pero nakikiramdam lang siya dito.Napansin rin niyang nag-iba ang amoy nito pag-uwi. Parang amoy ng pabango ng babae. Pero ayaw niyang mag-isip ng masama. Imposibleng may babae si Calvin. Kung gusto nitong mambabae di sana ginawa na ito ng lalaki noong hindi pa sila nito nagkita.Tahimik lang itong nakamasid sa lahat ng pinagagawa niya. Minsan nahuli niya

  • Second Chance With The CEO   Chapter 24

    Nanlamig si Calvin sa sinabi ni Celine. Mali sa inaalok nito pero napakahirap naman gawin ng bagay na yon? She wanted to sleep with him for one night? That is so absurd! Pero pagkatapos nun, wala ng problema. MagIging malaya na siyang mahalin at pakasalan si Ara. Subalit pag nalaman ni Ara ang lahat ay tiyak na kamumuhian siya ng dalaga. O baka nga iiwan pa siya ulit nito. "Ano, Calvin? Bakit natahimik ka? Don't tell me nag-isip ka kung papayag ka o hindi. Pag ginawa mo yon, ako mismo ang magpapaliwanag kay daddy sa lahat. " sabi ni Celine na hinahaplos pa ang kanyang braso."Hindi ko kayang gawin sa nobya ko yang bagay na yan." tugon ni Calvin.Natawa ng mahina si Celine. "Hindi mo gagawin yon para pagtaksilan siya. Gagawin mo yon para isalba ang buhay niyo dahil kung hindi patuloy ko kayong guguluhin." Pangbablackmail nito sa kanya."Bakit mo naman ako guguluhin, Celine. Wala akong kasalanan sa'yo. Kaya stop ruining my life." reklamo ni Calvin.Napalatak si Celine. "Now that you c

  • Second Chance With The CEO   Chapter 23

    Hindi maipjnta ang kasiyahan sa mukha ni Celine. For the first time in forever ay tmawag si Calvin para makipagkita sa kanya. Take note sa isang private room sa isang bar. Baka natauhan na rin si Calvin at finally na-realize nito na gusto rin siya. This is the moment, kailangang may maganap talaga sa kanila. Hindi na siya papayag ma delay ang kanilang kasal na siya lang naman ang nagpupumilit.Dali-daling nagshower at nagbihis si Celine. She chose the most sexy yet comfortable dress. Kailangan magandahan si Calvin sa kanya. Minsan lang niya masolo ang lalaki sa mga ganitong pa dgkakataon.Halos iligo na rin niya ang kanyang mamahaling pabango na galing sa isang pinakasikat na brand abroad. She needs to smell good para nakuha na ang loob ni Calvin. She's been hunting him for all these years. Pero ibang klase si Calvin, hindi talaga tinatablan sa pang seseduce niya.Mag-isa niyang tinatahak ang lugar kung saan nila napag-usapang magkita. Pagdating niya ay naghanap siya ng parking. Sin

  • Second Chance With The CEO   Chapter 22

    Napatungaga saglit si Calvin sa sinabi ni Ara. Akala niya sapat na may pera at mayaman na siya para manatili ito sa tabi niya. Pero hindi pa pala. Ara wanted to explore the world on her own. Hindi rin niya alam kung matutuwa o magagalit siya but deep inside him, there is fear. Fear of losing her again the second the time around. Paano pag nalaman ni Ara na kaya naman pala niyang wala siya? At the same time, he could not stop her. Oras na madiskobre at sumikat si Ara magiging marami ang karibal niya. Kasama na doon ang oras at trabaho. "Are you sure about that?" kalmadong niyang tanong. Nagpakawala din siya ng napakalalim na buntung-hininga. "Yes ,Calvz. I want to try something for myself. Gusto kong patunayan na hindi lang ako pang maid habang-buhay." tugon nito. Umupo na ito sa gilid ng kama at hinarap siya. "That maid thing is just because I was mad. But now you are not my maid anymore. Okay, okay! Kung talgang gusto mong subukan, sige." Lumapit ito at yumakap sa kanya." Sal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status