ログインThank you so much po sa pagsubabay, comments, gifts, at gems! I appreciate your support!
Napaawang ang labi ni Liana nang banggitin ni Rafael ang salitang kasal. Hindi niya maarok ng utak niya na niyayaya siya nitong magpakasal.Parang nayanig ang kanyang buong pagkatao. Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita. Ang kaya lang niyang gawin ay tumango. Sunod-sunod. Parang takot siyang magsalita at baka maglaho ang sandali.“Rafael…” mahina niyang tawag, pero nalunod ang boses niya sa paraan ng paglapit ng binata.Hindi na naghintay si Rafael ng sagot na salita. Muling sinakop nito ang labi niya, mas mabagal, mas sigurado, mas puno ng pangako. Isang halik na hindi nagmamadali. Puno ng pagsuyo. Naramdaman niya ang muling paggalaw ni Rafael sa kanyang ibabaw.Hindi na niya alam kung anong oras sila nakatulog o kung natulog pa ba sila. Ang alam lang niya, magkayap sila, walang takot at handang harapin ang bukas.Isang hindi malilimutang karanasan, isa na siyang ganap na babae.***Nagising si Liana sa init ng araw at sa mas pamilyar na init ng mga braso ni Rafael sa tabi niya.
“Sandali lang,” hingal na sabi ni Liana. “Maliligo muna ako.”Hindi na niya hinintay ang sagot. Tumakbo siya papunta sa banyo, isinara ang pinto, saka sumandal. Mabilis ang tibok ng puso niya. Huminga siya nang malalim, binuksan ang shower, hinayaang dumaloy ang tubig sa balat. Parang gusto niyang alisin ang kaba.Lumipas ang ilang minuto. Tapos na siyang maligo pero naninigas ang katawan niya.Hanggang may marahang katok.“Babe?” boses ni Rafael. “Okay ka lang?”Huminga si Liana, kinuha ang tuwalya, at naglakad palabas. Nakatapis siya, basa pa ang buhok, ang pisngi namumula.Nadatnan niyang nakatayo si Rafael sa may bintana, may hawak na baso ng wine. Sa mesa, may isa pang baso, para sa kanya. Lumapit siya at kinuha ang baso.“Relax, babe,” sabi nito, may ngiting hindi nanunukso kundi umaalo. “Nervous?”Umiling si Liana, kahit nanginginig ang kamay na humawak sa baso. Tinungga niya ang laman na parang tubig, walang natira.“Medyo kabado lang,” amin niya, pilit na tumatawa.Napangiti
“Lifetime contract,” bulong ni Rafael. “Ikaw at ako, habangbuhay.”Parang huminto ang mundo.“Napakabolero mo talaga. Huwag mo akong biruin ng ganyan, baka maniwala ako,” mahina niyang sabi, pero nangingiti na ang labi niya.“Hindi,” sagot ni Rafael, seryoso na. “Masaya lang talaga ako… kasi ikaw ang kasama ko. “Ikaw lang ang may kakayahang mapasaya ako ng ganito.”“Ikaw lang din ang nakakapagpasaya at gaan sa lahat ng bigat na nararamdaman ko.”“Mas palagay ang loob ko ngayon na twenty ka na. Hindi na teen.”“Bakit masaya ka na hindi na ako teen?” aniyang nakalabi.“Babe, sa totoo lang nakukunsensya ako na nasa teen years ka pa. Feeling ko dapat akong kasuhan.”“Sus, nasa tamang edad na ako. Kaya huwag kang mag-alala. Tsaka sabi nila mas mabilis tumanda ang babae kaysa sa lalaki. Tsaka halos ten years lang ang pagitan natin.”Dahan-dahan nitong hinawakan ang kamay niya. Ramdam sa init ng palad, sa lalim ng tingin.At habang tuluyang lumulubog ang araw, isang bagay lang ang malinaw sa
Nagising si Liana sa amoy ng pagkain.Dahan-dahan siyang bumangon, medyo naguguluhan pa, at lumabas ng kwarto. Pagdating niya sa sala, doon niya nakita ang mesa at si Rafael.Kompleto, may pandesal, scrambled eggs, cheese, longganisang hindi masyadong matamis, at fresh fruit slices. Isang maliit na cake sa gilid na may kandilang hugis dalawampu. May nakasabit na simpleng banner sa pader.Happy 20th Birthday, Liana.Naka-apron ulit si Rafael. Medyo gusot ang buhok. May hawak na sandok sa isang kamay at plato sa kabila. Parang eksenang galing sa panaginip na ayaw niyang gisingan.“Good morning, birthday girl,” sabi nito, ngumiti habang inilalapag ang plato sa mesa. “Twenty looks good on you. Teen no more!”Umupo ito sa harap ni Liana at isinubo mismo sa kanya ang unang kagat ng itlog.Napatawa siya. “Grabe ka. Hindi pa nga ako nagto-toothbrush.”“First bite of twenty, dapat galing sa’kin.”Ngumiti si Liana habang ngumunguya, pero biglang kumirot ang dibdib niya. Hindi dahil sa lungkot,
Tahimik ang biyahe pauwi. Hindi awkward. Ang kamay ni Rafael ay nasa manibela, ang isa ay paminsan-minsang humahaplos sa kamay ni Liana na nakapatong sa gitna ng hita niya. Parang pareho nilang ayaw pang matapos ang araw.Pagdating sa condo, bumaba si Rafael at agad binuksan ang pinto para kay Liana.“Babe,” sabi niya, may ngiting may lihim, “may surprise ako sa’yo.”“Ha? Ano?” nagtatakang tanong ni Liana.Ngumiti si Rafael at binuksan ang likod ng sasakyan. May hawak siyang dalawang paper bag, puno ng baking ingredients.“Tomorrow na birthday mo,” sabi niya. “Pero gusto kong mauna ang cake.”Nanlaki ang mata ni Liana. “Ikaw… magbe-bake?”“Anong tingin mo sa’kin, hindi marunong?” biro ni Rafael. “Madali naman, gayahin lang natin ang video.”Hindi niya napigilang matawa.Pagpasok nila sa kusina, agad isinuot ni Rafael ang apron na nakasabit sa likod ng pinto. Plain lang, pero nang isuot niya, parang biglang naging… domestic fantasy.“Rafael…” natatawang bulong ni Liana. “Bagay sa’yo.”
Tahimik ang loob ng sasakyan habang nagmamaneho si Rafael palayo sa campus.“Okay ka lang?” tanong nito, mababa ang boses.Huminga nang malalim si Liana. Ilang segundo siyang nag-isip kung itatago ba niya o sasabihin. Pero pagharap niya kay Rafael, wala siyang nakitang paghusga. Handa itong makinig.“Tungkol kay Jasper,” mahina niyang simula. “Nag-confess siya kanina. Sinabi niyang may gusto siya sa akin… matagal na.”Nanatiling tahimik si Rafael. Hindi nagbago ang hawak sa kamay niya.“Sinabi ko sa kanya ang totoo,” dugtong ni Liana. “Na kaibigan lang ang kaya kong ibigay. At oo… sinabi ko rin na dahil sa’yo.”Tumango si Rafael. Hindi nagtanong ng follow-up. Hindi nagtanong ng detalye. Sa halip, inangat niya ang kamay ni Liana at marahang hinalikan ito, isang halik na hindi nagmamadali, puno ng respeto.“Salamat sa pagiging honest,” sabi niya. “Sa kanya. At sa akin. Malaking bagay sa akin ang sinabi mo.”May gumuhit na ngiti sa labi ni Liana. Parang nabawasan ang bigat sa dibdib niya







