MasukTo my amazing readers, you are my inspiration. Thank you for giving life to the world I created.
Bago tuluyang lumabas ng coffee shop si Stella, bumalik ito sa counter at kinausap si Liana.“Ah, sandali,” sabi nito, sabay dukot sa loob ng handbag. May inilabas itong maliit na card.Inabot iyon kay Liana.“Just in case,” mahinahon nitong sabi, halos parang bulong. “Recommended psychiatrist. Siya ang tumulong kay Stacey noon… bago pa siya tuluyang nawala sa sarili.”Nanlamig ang palad ni Liana habang tinatanggap ang card.“Hindi ko sinasabing kailangan mo,” dagdag agad ni Stella, may pilit na ngiti. “Pero minsan, mas mabuti nang maagapan kaysa magsisi sa huli.”Tumango si Liana, hindi makapagsalita.At bago pa siya makapag-react, tumalikod na si Stella at tuluyang lumabas ng coffee shop, iniwan si Liana na nakatitig sa maliit na card.Kinagabihan, tahimik ang condo.Nasa kama si Liana, nakatagilid, hawak-hawak ang phone pero hindi talaga nagbabasa. Paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang mga sinabi ni Stella. Ang card. Ang pangalan ni Stacey. Ang salitang nabaliw.Baka stress lang.
Tahimik ang umaga sa condo. Nakatanggap ng message si Liana mula kay Sofia.“Bes, nakita mo na ba ang kumakalat na engagement party ng Ninong mo at ni Ms. Stacey?”Nanlamig siya sa balita at agad na binuksan ang link na ipinadala ng kaibigan.Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakatitig sa screen. Hindi siya umiiyak. Parang manhid ang kanyang pakiramdam.Engagement party? Coming soon?Biglang nag-vibrate ang cellphone niyang hawak.Rafael calling…Saglit siyang nagdalawang-isip. Pero sinagot din niya.“Babe?” agad na bungad ni Rafael, may halong pagod. “Nasaan ka?”“Sa condo,” sagot niya, pilit pinapantay ang boses. “Rafael… nakita mo na ba ‘yung kumakalat online?”“Anong kumakalat?” tanong nito.Lalong kumirot ang dibdib niya.“‘Yung… engagement announcement,” mahina niyang sabi. “Ikaw at si Stacey.”Biglang bumigat ang hinga ni Rafael. “What?” marahang sabi nito, halatang nagulat. “Wala akong alam diyan.”Tumayo si Liana, lumapit sa bintana. Kita niya ang sariling repleksyo
Pagbalik nila Liana at Rafael sa city, ramdam agad ni Liana ang bigat ng realidad na unti-unting sumisingit sa saya ng birthday trip nila. Hindi na amoy dagat, hindi na hangin ang sumasalubong, ingay na ng siyudad, ilaw ng kalsada, at ang pakiramdam na may mga mata ulit na nakamasid.Huminto ang sasakyan sa harap ng condo niya.“Babe,” sabi ni Rafael habang pinapatay ang makina. May kakaibang lambot sa boses niya, parang ayaw pang bumitaw. “May aasikasuhin lang ako saglit. Babalik din ako agad.”Tumango si Liana, kahit may konting kirot sa dibdib. “Okay lang. Ingat ka.”Bumaba si Rafael at sinamahan siya hanggang sa pinto ng building. Bago pa siya tuluyang makapasok, bigla siyang hinila ng binata palapit. Mula sa likod, niyakap siya nang mahigpit, ‘yung yakap na parang gustong ipaalala na nandiyan lang ito kahit magulo ang mundo.“Babe,” bulong ni Rafael sa tenga niya, “Kung pwede lang hindi umalis sa tabi mo, ginawa ko na.”Hinalikan siya nito sa noo, saka sa labi. marahan, pero puno
Parang pinipili ni Rafael ang tamang salita.“May mga bagay lang na kailangan kong ayusin,” sagot nitong mailap ang mga mata.Sa unang pagkakataon matapos ang masayang birthday, bumalik ang pangamba.“Don’t worry, everything will be alright. Atty. Karl Manalo is my friend.”Tumayo ito, lumabas ng room at sinagot ang tawag.“Hello.”Hindi sinasadyang bukas pa rin ang pinto ng balkonahe. Hindi niya balak makinig. Pero may isang pangalang tumagos sa katahimikan.Hindi niya masyadong nauulinigan ngunit malinaw ang pagbannggit ni Rafael sa pangalan ni Stacey.Nanlaki ang mga mata niya.Hindi malinaw ang kasunod na mga salita. Pabulong ang mga salita ni Rafael. Narinig lang niya ang putol-putol na linya, documents, not now, I told you I’ll handle it.Pero sapat na ang isang pangalan.Stacey.Ang kamay ni Liana ay kusang napunta sa singsing sa daliri niya. Ang simpleng ginto na kanina lang ay nagpapagaan ng puso niya, ngayon, parang biglang naging mabigat. Mahigpit niyang hinawakan iyon, par
Napaawang ang labi ni Liana nang banggitin ni Rafael ang salitang kasal. Hindi niya maarok ng utak niya na niyayaya siya nitong magpakasal.Parang nayanig ang kanyang buong pagkatao. Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita. Ang kaya lang niyang gawin ay tumango. Sunod-sunod. Parang takot siyang magsalita at baka maglaho ang sandali.“Rafael…” mahina niyang tawag, pero nalunod ang boses niya sa paraan ng paglapit ng binata.Hindi na naghintay si Rafael ng sagot na salita. Muling sinakop nito ang labi niya, mas mabagal, mas sigurado, mas puno ng pangako. Isang halik na hindi nagmamadali. Puno ng pagsuyo. Naramdaman niya ang muling paggalaw ni Rafael sa kanyang ibabaw.Hindi na niya alam kung anong oras sila nakatulog o kung natulog pa ba sila. Ang alam lang niya, magkayap sila, walang takot at handang harapin ang bukas.Isang hindi malilimutang karanasan, isa na siyang ganap na babae.***Nagising si Liana sa init ng araw at sa mas pamilyar na init ng mga braso ni Rafael sa tabi niya.
“Sandali lang,” hingal na sabi ni Liana. “Maliligo muna ako.”Hindi na niya hinintay ang sagot. Tumakbo siya papunta sa banyo, isinara ang pinto, saka sumandal. Mabilis ang tibok ng puso niya. Huminga siya nang malalim, binuksan ang shower, hinayaang dumaloy ang tubig sa balat. Parang gusto niyang alisin ang kaba.Lumipas ang ilang minuto. Tapos na siyang maligo pero naninigas ang katawan niya.Hanggang may marahang katok.“Babe?” boses ni Rafael. “Okay ka lang?”Huminga si Liana, kinuha ang tuwalya, at naglakad palabas. Nakatapis siya, basa pa ang buhok, ang pisngi namumula.Nadatnan niyang nakatayo si Rafael sa may bintana, may hawak na baso ng wine. Sa mesa, may isa pang baso, para sa kanya. Lumapit siya at kinuha ang baso.“Relax, babe,” sabi nito, may ngiting hindi nanunukso kundi umaalo. “Nervous?”Umiling si Liana, kahit nanginginig ang kamay na humawak sa baso. Tinungga niya ang laman na parang tubig, walang natira.“Medyo kabado lang,” amin niya, pilit na tumatawa.Napangiti







