Share

Chapter 3

Chapter 3

Ang hinala.

"Ano ba 'yan ang aga-aga pa e'!" Pagdadabog ko habang tinatakpan ng unan ang tainga, may kung ano kasing maingay ang kanina pang tumutunog kaya pati ako nagigising. Sa lahat lahat ay ayokong ginigising ako ng maaga or na i-interrupt ang pag tulog ko.

Maganda nanga 'yong panaginip ko, naka meet and greet ko daw si Urassaya spernbund tapos naudlot pa dahil sa tunog ng tunog sa kung saan man. Mga five minutes ay masiyadong naging peaceful pero naudlot nanaman iyon nang marinig ko ang tunog na nadinig ko kanina.

"Ano ba? Sino ba kasing nil-" Halos manlaki ang mata ko nang tumambad saakin ang seryosong mukha ni Range, Hindi ko manlang naisip na baka siya nga ang kumakatok.

"A-Anong---What are you doing here, Love?" Tanong ko, nakita ko ang pag kuno't ng noo niya. Mali ka ata ng call sign ang natawag mo Crizza. "Babe?" Ulit ko pero ramdam ko ang tensyong bumabalot saakin ngayon. Mukhang ito ang bagay na nakalimutang sabihin saakin ni ate Hannah. "H-Hubby?" Panghuhula ko yet hindi parin siya nagsasalita. Napa buntong hinininga ako at saka ngumiti.

"What are you doing here Range?" 

Duon ko nasilayan ang ngiti niya, bigla nalang niya hinawakan ang kamay ko at saka hinila papasok ng kuwarto. "Ang tagal mo atang mag bukas ng pinto ngayon?" Tanong niya, napatingin ako sakanya bago siya sagutin.

"Ahh ano kasi... ano.." Pinipiltik ko na ang dalawa kong kamay para makapag isip ng idadahilan. "I feel exhausted last night, medyo napasarap ata 'yong tulog ko." Pag rarason ko, he just glared at me and then smile. Naglabas siya ng parang mga dahong kinuha sa kung saan at dinesenyuhan lang.

"I just wanna say sorry 'bout last night. I know mali ako because of that-yeah! asking you for a baby. " Sabi niya at saka sinserong hinalikan ang palad ko. "Matagal ko naman ng dini-discuss sa'yo that I want a baby, a family and home. I just can't stand still anymore." Paliwanag niya pa, hindi ko man siya maintindihan pero nararamdaman kong sinsero siya sa bawat salita.

I took a deep breath before smiling at him, wala rin akong kasiguraduhan kung ganito ba ang gagawin ng kapatid ko but I'm sure she will understand her guy. "Actually naiintindihan ko naman Range e', Like what've you said, we planned this for almost two years but I'm asking for you to wait the right time." Sabi ko. Bakas sa mukha niya ang pagka bigla, kaya heto ako recalling my words dahil baka may mali akong nasabi, but as I've checked ay wala naman.

"Seriously? What is this a show? hahaha." 

"Anong show? baliw kaba- I mean, are you crazy, do you think I'm fooling around?" 

"You just didn't end the conversation like that. You always tell me 'you're annoying, I told you that it's not the time' or 'I don't wanna see you.' Biglaan naman atang pagbabago 'yan."

Duon ko nalang na realize na mali ako ng paraan para gayahin ang kapatid ko, hindi kasama sa prinactice to as a matter of fact ay mas kinakabahan pa ako. Namuo ang katahimikan sa pagitan namin ni Range.

"I-I'm not saying that's a bad thing okay?" Aniya niya pambasag sa katahimikan, he hugged me as if I was Hannah, kung alam mo lang Range, kung alam mo lang kung gaano ka naloloko. I'm sure you won't think me as her.

"Okay?" Pag uulit niya, tumingin lang ako sa mga mata niya at saka tumango, nakita ko nanaman ang ngiti na sumilaw sa mga labi niya, he's handsome and I can't deny that.

"I bought all of the food you want. Like what I've said, I'm here to sincerely apologize." Sabi niya at saka nilagay sa isang tray ang mga pagkain, pinanood ko lang siya habang hinahanda ang mga pagkain.

Napansin niya kaya? Hayst... sa susunod kasi prenuhan mo 'yang bibig mo Crizza, sige ka game over na agad... Pangungumbinsi ko sa sarili ko.

"Kung hindi ka lang na stress e' baka napaghinalaan na kita. Iisipin kong may twin sister ka." Halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya. Did he just said that out of the blue or may alam na siya? Anong gagawin ko?

"Is that some kind of joke? Ako? Magkaka twin sister? No one will be exact as me got it?" Pag iinarte ko, narinig ko ang mahinang tawa niya bago bumaling sakanya.

"You always used to say that." Sabi niya bago ilapag ang tray sa hita ko, this time nakaluwag ako ng maigi. May itinatama din naman pala ako. Nanahimik ako habang nakain.

Iba't-ibang putahe pero hindi 'yon marami, alam kong hindi ako mabubusog sa simpleng dahon at mga veggies sa harapan ko. Sa laki ng subo ko halatang hindi 'to sapat saakin.

"Hey chill down, baka mabilaukan ka niyan." Sabi niya habang pinapat ang kamay ko para bumaba. Inabutan niya ako ng bottled water.

"Ilang linggo ka ba nagpaka gutom at gutom na gutom ka?" Tanong niya habang pinapanood akong uminom ng tubig, binaba ko 'yon habang nakatingin sakanya.

"Hindi ko kayang hindi kumain ng sa isang buong linggo 'no. Prok ribs nga ulam ko ka-" Napahinto ako nang mapansing hindi nanaman ma preno ang bibig. 

"I-I just tried pork r-ribs, masarap naman pala." Sabi ko bago umiwas ng tingin at saka sumubo uli ng pagkain, nagulat nalang ako nang dumampi ang palad niya sa leeg ko habang natawa. 

"Are you really not sick or someone else today Hannah? Kanina ko pa napapansin ang bungisngis na side na 'yan." 

Nahinto ko ang pag nguya 'cause now, I'm really stucked between telling the truth or lie. Paano kung alam niyang meron na talaga akong tinatago, na hindi ako si Hannah Mae kundi si Crizza Marie. 

"You're spacing out." Maikling sabi niya, nagpunas ako ng bibig at saka tumingin sakanya.

"I just watched cute couple last night, I thought gagana din ang cuteness overload if I tried it." Sabi ko bago muling sumubo, he burst into a laugh bago muling makapagsalita.

"Really? Nag e-effort kana ba ngayon? I know maraming kalaban susunggaban nanga e' bat chill out ahaha! No one can replace my queen." Sabi nito bago ako yakapin, napairap ako.

Hindi mo naman sinabi saakin ate na may kahanginang taglay din pala itong boyfriend mo. Sana manlang na aware ako.

Katahimikan ang sumapo sa pagitan namin, hindi ko siya pinuna sa mga bagay na ginagawa niya, dahil baka ayun narin ang nakasanayan niya habang ang kapatid ko pa ang kasama niya. Hindi rin naman ako ang tipo ng taong gustong pinakikielaman kaya hindi ko siya pinuna.

Pinag aaralan ko panga siya e' 'cause base on my experience ay hindi basta-basta ang pag kukumpara niya saamin. Detailed by detailed ay kabisado niya. I really have to be more careful this time.

"Don't tell me you forgot?" Biglang sabi niya, tumingin ako sakanya bago bumaling ulit sa cellphone.

"Hmm forgot what?" 

"About the launch today, signing mo ngayon. Aren't you going?" Napaigtad ako sa sinabi niya, hindi ko alam na may launch signing pala ako este ang kapatid ko, napahilamukos ako ng mukha.

"Tinatamad kasi ako. Kaya naman siguro nila Will 'yan." 

"So hindi ka pupunta? You promised me to be there while I'm the speaker tapos tatamarin kalang?" 

Na stunned ako. Ba't ka ba kasi pangako ng pangako Hannah Mae Verdin.

"You know? We should go. Wait me here." Sabi ko bago kuhanin ang tuwalya ko at maglakad papalapit sakanya, he's just starring me na parang binabasa ang bawat kilos ko. Agad kong sinarado ang pinto ng C.R at duon mahinang humihinga.

"Muntikan kana Crizza, bakit hindi kasi sinabi ng ate mo ang mga schedules niya." Aniya ko bago magbukas ng shower, mas kumplikado pa ata ang paliligo dito keysa sa bahay, dito kasi maraming pindutan, nagiging hot, cold or minsan maligamgam ang mix ang peg ng shower na'to.

Kinuha ko ang shampoo, halos mabuga ko ang minumumog kong tubig nang makita ang tatak. "Infairness sa'yo ate ah... consistent ang pangalan mo. Ayan Hannah Shampoo." Sabi ko at saka tumawa, nagpaikot-ikot pa ako sa loob ng C.R bago tuluyang matapos.

Lalabas na sana ako nang maalala kong andiyan nga pala si Range, paano ako magbibihis. Despite of this fear ay lumabas akong nakangiti, but I sudden hear him talking to his phone.

"She's kinda different today-yeah... Not that, I just feel someone new is in front of me." Sabi niya sa linya, napatakip nalang ako ng bibig. "Yes Amelie---no. gusto ko sanang wala munang makaalam." Sabi niya pa, dahan-dahan kong kinuha ang damit na plantsado na sa drawer bago nagmadali papasok sa C.R.

Dali-dali akong nagbihis habang nadidinig siyang may kausap sa telepono, I should've try harder baka naninibago lang siya. Malamang si Crizza ka e' Napasabunot nalang ako ng ulo nang maisip ko iyon.

Paano na'to? Ah! Agad kong sinuklay ng kamay ang buhok ko. Marahan kong tinapik ang hita ko bago ngumiti sa harapan ng pintuan, nagulat nalang ako ng bumukas iyon.

"Ay petrang kabayo!" Napatakip ako ng bibig nang masabi 'yon, wala akong ni bakas nakita ng pagbabago niya ng reaksiyon, he's still smiling like a hunk.

"Gotcha, first time mo ata magulat sa pakulo ko ah." Biro niya, napangiti nalang ako bago umirap. I wasn't sure pero onting-onti nalang ay maniniwala na ako sa iniisip kong araw-araw siyang nagtataray. "I will just take note of this day, first time mong magulat Hannah." Sabi niya at saka umalis sa pintuan at binigyan ako ng daan, tinitigan ko ang pagtipa niya sa cellphone habang tinitipa sa notes ang tungkol ngayong araw.

"Done." Sabi niya at saka nakangiting ibinulsa ang cellphone.

"That would be a last time Range, that's not funny." Sabi ko at saka nagtaray, tumawa lang siya habang nagkakamot ng noo. Kinuha ko ang bag ko habang tinutuyo ang buhok ko gamit ang tuwalya. 

Umupo ako sa harapan ng malaking salamin at saka nag blower, nakita ko siyang busy nanaman sa pag se-cellphone niya, kaya I take the moment to be comfortable. Napabuntong hininga ako habang kinakabit ang makakapalin at mahahabang exstension na pilik mata niya na nasa drawer. Hindi ko kasi makabit iyon.

Nawala ako sa wisyo nang makita sa reflection ang mapupungay niyang mata habang tinititigan akong naglalagay ng eye lashes, binaba ko ang kamay ko at saka tumingin sakanya.

"'Wag kangang tumingin Range, that's disturbing." Pamemeke ko ng pagtataray, he glare at me.

"What? Palagi naman kitang pinapanood mag make up ah? Isa nalang maghihinala na akong may twin sister ka." Biro nanaman niya, napabuga ako sa ere. Puwede bang sabihin nalang na... 'Oo twin sister niya 'to, yung kapatid ko? Ayun busy sa project illegal nila ni Will, baka nga ipagpalit kana non e.' o' 'di kaya 'Hindi ka naman nagkakamali Range, so stop treating me as her.' pero hindi e'. Kahit gustuhin ko baka ako na ang ma dead on arrival na susunod.

"Kidding aside, ito naman hindi mabiro."  Sabi niya habang hinahawakan ang balikat ko. Hindi nga kasi biro 'yon Range, totoo 'yon. Muli nalang ako napabuntong hininga at saka hinawakan ang kamay niya.

"I won't watch, I promise." Paninigurado niya ng tumingin ako uli sa salamin, tumango lang ako. He stepped backward at bumalik sa pag se-cellphone niya, nakampante naman ako kaya pinagpatuloy ko na ang pagme-make up ko sa gitna ng katahimikan.

Last curl... hmmm...  done.

Ngumiti ako sa salamin at saka pinagmasdan ang itsura ko. This is it, be Hannah act as one.  Tumayo ako bago ibaba ang skirt ko at ngumiti sa harapan niya, he stare at me with amazing eyes.

"Parang naging firm ang cheek mo this time?"  Sabi niya habang hinahawakan ang mukha ko, nakangiti lang ako at umirap.

"Just say it..." Sabi ko habang nakangiti. Bakas sa mukha niya ang pagtataka. "Say it Range..." Aniya ko, he just look into my eyes.

"Say what Mrs. Finx?" 

"I'm beautiful." Bulong ko at saka ngumiti, he smiled. Nanatili kami sa ganoong posisyon bago siya nag salita. Amoy na amoy ko sakanya ang mentol scent.

"You're not." Napasimangot ako sa sinabi niya, hindi ko naman gusto ang reaksiyon ko but in my feels ang KJ niyang tao, marahan ko siyang tinulak at saka tumingin uli sa salamin.

Naramdaman ko ang mga braso niyang pumulupot sa beywang ko. "You're a goddess." bulong niya bago idampi ang malalambot niyang labi sa leeg ko.

Lumayo siya ng nakangiti bago muling bumulong sa hangin. "Confirmed." 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status