تسجيل الدخولSERENA'S POVTahimik lang kaming naglakad papunta sa hagdanan. Walang nagsasalita. Ang tanging maririnig lang ay ang mahinang yabag ng mga paa namin habang isa-isang inaakyat ang bawat baitang.Hindi ko alam kung bakit parang mas mabigat ang bawat hakbang habang papalapit kami sa rooftop.Marahil dahil alam kong hindi lang simpleng pag-uusap ang naghihintay sa itaas.O baka dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tuluyang nakakawala sa panaginip na gumising sa akin.Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay may bagay na unti-unting sumisikip sa dibdib ko.Nakaabot na kami sa rooftop ng mansion nila.Humampas agad sa akin ang malamig na hangin.Mula rito ay kitang-kita ang buong paligid. Sa isang banda ay ang makakapal na puno na halos yumayakap sa buong lupain ng mansyon. Bahagyang gumagalaw ang mga dahon sa bawat ihip ng hangin, tila ba may sarili silang awiting kinakanta sa gitna ng katahimikan.Sa kabilang banda naman ay ang lungsod.Nagniningning ang daan-daang ilaw ng m
SERENA'S POVNakita ko ang sarili ko sa isang malawak na bukirin. Malinis ang paligid, maaliwalas ang hangin, at may naririnig akong mga tawanan ng bata. Umaalingawngaw ang kanilang mga boses sa bawat sulok na tila ba walang bahid ng lungkot ang mundong iyon.Naglakad ako papalapit sa isang bangin. Tinanaw ko ang napakagandang tanawin. Napangiti ako nang makita ang mga anak kong masayang naghahabulan habang humahalakhak nang malakas.Nakatayo lang ako at tahimik silang pinanood na magsaya at maglaro.Si Ina naman ay nakaupo sa gilid kasama si Papa. Abala silang nag-iihaw ng barbecue habang paminsan-minsan ay nagtatawanan. Sinasalubong ng sinag ng araw ang kanilang mga balat, ngunit hindi iyon nakakasilaw o nakapapaso. Ang mga ibon ay malayang lumilipad sa himpapawid, walang takot na dumadapo sa malalapit na puno.Napakaganda ng panahon.Parang napakaayos ng takbo ng buhay kapag mula rito mo ito tinitingnan.Tinaas ko ang kamay ko upang kawayan sila, ngunit natigilan ako nang makita an
SEBASTIAN'S POVI walked into my room, my skin still covered in goosebumps.The moments Serena and I shared earlier at the theme park were unexpected.EARLIERI looked up at the Viking ship. It smelled like childhood, clinging to me once more. The childhood I had lost. The scars were still buried within me, silently craving for some air.I looked at Serena, and she seemed excited even though she was trying not to show it. Even though she already had children, she still looked like a child searching for fun.And just being with her kept reminding me of someone. It must be Hazel, or the woman who took my virginity.Every time I saw Hazel, my past traumas came rushing back, and I didn't even want to remember them, even if we once had a good relationship.We walked toward the seats, and I could already sense that this wasn't going to end well."Madali lang ito," she said calmly."Sigurado ka?" I asked."Obviously."She shrugged her shoulders as if everything was normal, but my heart was r
SERENA'S POVNakarating na kami sa hallway sa third floor ng mansyon. Kasama ko ang mga anak ko at si Sebastian. Nasa likod rin namin ang butler. Tahimik lang kaming naglalakad habang siya ay kalmadong nakataas ang baba, tila sanay na sanay sa engrandeng paligid ng bahay.Mukhang pupunta yata kami sa pinagawa niyang library para sa anak ko. Hindi ko alam kung matutuwa pa ba ako o mangangamba dahil dito.Mukhang mas magiging mapamahal pa nga talaga ang mga anak ko sa kaniya.Pumasok kami sa isang pintuan na hindi kalayuan."Chloe, Caleb... this is for you," sabi ni Sebastian.Dahan-dahang binuksan ng butler ang pinto.Ang una naming nakita ay ang madilim na silid na halos wala pang maaninag."Are you ready?" tanong ni Sebastian.Tumango naman ang mga anak ko habang kumikislap ang pananabik sa kanilang mga mata.Binuksan ni Sebastian ang ilaw at bumungad sa amin ang isang napakalawak at napakagandang library.Mula sahig hanggang kisame ay napapalibutan ito ng matataas na bookshelf na pu
SERENA'S POVTahimik lang kami sa biyahe. Nasa front seat ako katabi si Sebastian na ngayon ay nagmamaneho.Bandang alas-siyete na ng gabi. Nababalot na ng mga ilaw ang buong siyudad. Kumukutitap ang matataas na gusali habang nagliliwanagan ang mga billboard at karatula ng mga tindahan. Sunod-sunod ang mga sasakyan sa kalsada, bumubuo ng mahabang hanay ng mga pulang brake lights at mapuputing headlights. Sa bawat traffic light ay may mga taong nagmamadaling tumawid, may mga naglalakad pauwi na may bitbit na mga paper bag, at may mga pamilyang magkakasamang naghahanap ng makakainan. Buhay na buhay ang gabi, ngunit kakaibang katahimikan ang bumabalot sa loob ng sasakyan namin.Parang isang pikit lang ay tapos na ang araw.Aaminin ko, nag-enjoy ako kanina. Ang tipong ginawa namin para lang matuwa ang lolo't lola niya ay ikinasaya ko pala.Napunta ang mga mata ko kay Sebastian. Ang isa niyang siko ay nakasandal sa bintana habang bahagyang nakapatong ang pisngi niya sa kamao niya. Ang isa
SERENA'S POVMatapos ang roller coaster ay hindi pa doon nagtapos ang kalokohan ni Sebastian.Sa halip na umuwi ay pinilit niya akong sumakay pa sa iba pang rides.Ang una ay ang Viking ship.Malaki itong barko na nakasabit sa napakalaking bakal. Sa una ay mabagal lamang ang paggalaw nito habang pataas at pababa.Tahimik lang si Sebastian habang magkatabi kaming nakaupo."Madali lang ito," sabi niya."Sigurado ka?""Obviously."Ngunit makalipas lamang ang ilang minuto ay mas mataas na nang mas mataas ang pag-indayog ng barko.Napahigpit ang hawak ko sa bakal habang tumatawa at sumisigaw ang ibang tao."Woooo!"Pakiramdam ko ay lumulutang ang sikmura ko sa tuwing bumabagsak kami.Nang lingunin ko si Sebastian ay agad siyang umiwas ng tingin.Bahagyang namumutla na naman ang mukha niya."Okay ka lang?""Of course."Ngunit halatang hindi.Lalo na nang mapansin kong mas mahigpit pa ang hawak niya sa safety bar kaysa sa akin.Pagkababa namin ay agad siyang dumiretso sa isang gilid.Huminga
SERENA'S POVKinabukasan, nagising ako sa malambot at malawak na kama ng hotel suite. Ang mamahaling puting kumot ay nakabalot pa rin sa aming tatlo habang ang mahinang sikat ng araw ay dahan-dahang sumisilip mula sa malalawak na bintana. Ang ginintuang liwanag nito ay tila marahang humahaplos sa m
SERENA'S POVMatapos kong pirmahan ang kontrata, I noticed Sebastian's satisfied face. Hindi ko akalain na siya ang CEO ng L-Electronics. Kung tutuusin, medyo bata pa siya para pangunahan ang ganoon kalaking kompanya.Maraming clause na inilagay si Sebastian sa kontrata, kabilang ang: Clause 2, act
SERENA'S POV Bumalik ako sa katinuan nang marinig ko ang tawag ni Chloe mula sa baba habang nasa mga kamay ni Sebastian. "Mama!" Ang malambot niyang sigaw ay umalingawngaw hanggang sa ikalawang palapag. Abot-tenga ang ngiti niya habang nakapikit ang mga mata at masiglang kumakaway sa akin. "Mam
SERENA'S POVSumakay na kami sa kotse papunta ng mansion.Tahimik lang ang biyahe.Sa labas ng bintana ay kumikislap ang mga ilaw ng lungsod. Ang matataas na gusali ay nababalutan ng makukulay na ilaw na tila mga bituing bumaba mula sa langit. Dumaraan kami sa malalawak na kalsada habang ang mga he







