SERENA'S POV
"Ahh!!!"
I screamed my lungs out nang makita ko ang sarili kong hubad at nakahiga sa isang malaking kama. Ang mas malala pa, may katabi akong hindi kilalang lalaki na n*******d at nakatalikod habang natutulog.
I covered my mouth as my eyes widened in shock. Lumingon-lingon ako sa paligid at napagtanto kong nasa isang hotel room ako.
Lumabas na ang araw, at ang tanging tunog lamang na naririnig ko ay ang mahinang ugong ng aircon.
Wala akong masyadong maalala kagabi.
What I only remembered was that my best friend, Celine, and I were inside a club drinking. She even gave me a sleeveless dress to wear last night.
Hindi ako makahindi dahil matagal din kaming hindi nagkita sa loob ng limang taon, and I just wanted her to have a good time.
Pero paano ako napunta sa kama at may kasamang lalaki?
"Ugh..." napangiwi ako habang hinahawakan ang sentido ko dahil sa matinding sakit ng ulo.
I still had a hangover from last night. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sigurado akong may nangyari sa amin ng lalaking ito. Hindi ko siya kilala, nor did he look familiar.
Malabo ang alaala ko mula kagabi, at ang huli kong naaalala ay nakapatong siya sa akin habang hilo ako sa alak.
"Hindi pwede..." I whispered to myself, barely audible.
A stranger just took my virginity instead of my boyfriend, Eric.
Halos mawalan ako ng kaluluwa nang mapagtanto kong niloko ko si Eric. He became my boyfriend three years ago, at kailanman ay hindi sumagi sa isip kong magtataksil ako sa kaniya.
And now, I just cheated on him with a complete stranger.
Tumingin ako sa lalaking nasa tabi ko na nakatalikod. His back was covered with fresh scratch marks. Sigurado akong ako ang may gawa niyon kagabi.
Dahan-dahan akong bumaba sa kama at nakita ko ang suot ko kagabi kasama ang heels ko sa sahig. Habang nagbibihis ay paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko ang kasalanang nagawa ko.
Umalis ako ng hotel matapos magbihis habang parang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin kay Eric. Isa itong malaking pagtataksil kahit hindi ko sinasadya. Kahit wala akong maalala. Kahit lasing ako.
Alam kong kailangan kong panagutan ang kasalanan ko sa boyfriend ko.
Pinipilit kong alalahanin ang mga nangyari pero wala talaga. Hindi ko rin alam kung sinubukan akong gahasain ng taong iyon o sadyang may nangyari lang dahil pareho kaming wala sa wisyo.
My hands trembled as I grabbed my phone inside my purse.
Tumingin ako sa oras at alas-onse na pala ng umaga. Babalikan ko na lang ang lalaking nakatabi ko kanina at ipapapulis, but right now, I have to speak to Eric first. Kahit alam kong magdudulot ito ng malaking away.
Pero kilala ko ang boyfriend ko. Alam kong pakikinggan niya ako at hindi niya ako iiwan. Lalo na't nangako siyang mananatili sa tabi ko kahit anong mangyari dahil niligtas ko ang negosyo ng pamilya nila.
Ginamit ko ang perang sana'y pambayad para sa operasyon ni Mama na nagkakahalaga ng seven million pesos para lang i-invest sa palugi nilang kompanya.
Nilunok ko ang bawat masasakit na salita ni Papa nang ibigay ko ang perang iyon, pero naniwala akong maibabalik iyon ni Eric kapag bumalik na sa dati ang kompanya nila. At naniwala rin akong hindi niya ako iiwan dahil mahal na mahal niya ako.
Pero paano kung magbago ang lahat kapag nalaman niyang may nakasama akong ibang lalaki sa kama? Papatawarin niya pa kaya ako?
I dialed Eric's number to ask him to meet me, pero walang sumagot.
Tut.
Tut.
Tut.
Huminga ako nang malalim at nagpasyang puntahan na lang siya sa bahay nila. Patuloy pa rin ang malakas na pagtibok ng puso ko habang pilit kong pinatatag ang sarili ko.
Sumakay ako ng taxi papunta sa kanila. Ang pamasahe ko roon ang huli kong perang natira mula kagabi.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa bahay nila. Pinindot ko ang doorbell ng gate nila habang pilit na pinapakalma ang sarili ko.
"Ayusin mo ang sarili mo, Serena," I mumbled, trying to calm myself. "Just explain to him that what happened with that stranger was a complete accident."
Tumingin ako sa langit, umaasang sana'y tulungan ako ng Diyos. Napansin kong kumukulimlim na at parang anumang oras ay bubuhos na ang ulan.
Kailangan kong makita agad si Eric bago pa lumala ang sitwasyon.
Dahan-dahang bumukas ang pedestrian gate at bumungad sa akin ang nag-iisa nilang katulong.
"Ma... Ma'am Serena?" gulat na tanong ni Aling Rosa nang makita ako. Halatang hindi siya mapakali.
"Magandang araw po, Aling Rosa," bati ko. "Nandiyan po ba si Eric?"
"Ma'am... kasi... ano..." nauutal niyang sabi habang iniiwas ang tingin sa akin.
"Aling Rosa, papasukin n'yo ako. Kailangan kong makausap ngayon ang amo n'yo."
"Ma'am—"
Hindi ko na siya pinatapos at dumiretso na ako sa loob. Ayokong magsayang ng oras. Kailangan kong harapin si Eric ngayon kahit nag-aalangan ako.
Naglakad ako papunta sa pintuan nila at bubuksan ko na sana ang doorknob nang makarinig ako ng tawanan mula sa loob.
Boses iyon ni Tiffany, ang nakakabatang kapatid ni Eric na disi-otso anyos pa lamang. Narinig ko rin ang boses nina Tita Gwen at Tito Leo, ang mga magulang ni Eric at may-ari ng Santos Tech Company.
Ang kompanyang gumagawa ng mga relo na mabibili sa murang halaga ngunit ilang buwan nang palugi. Kaya ko ibinigay ang perang para sana sa operasyon ni Mama.
Napatigil ako sa pag-ikot ng doorknob nang marinig ko ang pangalan ko.
"Kapag lumaki ang seven million na binigay ni Serena, yayaman tayo! Hindi na tayo magtitiis sa isang katulong lang!" masayang sabi ni Tita Gwen.
Para akong binagsakan ng malaking bato na dahan-dahang pinipisil ako sa ilalim ng lupa.
"Serena is not like other girls. Napaka-simple at boring niya. I don't get why my brother is dating her in the first place," dagdag ni Tiffany habang natatawa.
Parang may mabigat na kamay na pumiga sa puso ko nang marinig ko iyon.
"Pinili siya ni Eric dahil walang babaeng may mataas na estado ang magbibigay ng seven million sa maliit nating kompanya. Tanga siya, pero mabuti na rin iyon dahil yayaman tayo dahil sa kaniya," ani ni Tito Leo.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko unti-unting nadudurog ang pagkatao ko habang pinapakinggan sila.
Lahat ba ng ipinakita nila sa akin ay palabas lang? Ginamit lang ba nila ako?
Ginawa ko ang lahat ng iyon dahil mahal ko si Eric. Dahil naniwala akong mabubuting tao sila. Pero hindi ko alam na sa likod ng lahat ng matatamis nilang ngiti ay puro kasakiman pala ang nakatago.
Binuksan ko ang pinto nang mas malakas kaysa sa inaasahan ko dahilan para mapatingin silang lahat sa akin. Ang mga ngiti nila ay biglang naglaho.
"Saan si Eric?!" galit kong sigaw.
Nagkatinginan lamang sila ngunit walang sumagot.
Pagkatapos ay may narinig akong tawa mula sa itaas.
Tawa ng babae.
Hindi na ako nagdalawang-isip at mabilis na umakyat ng hagdan.
"Hoy! Saan ka pupunta?!" sigaw ni Tiffany mula sa likod ko. Pero hindi ako lumingon.
Habang papalapit ako sa kwarto ni Eric ay mas lalo kong naririnig ang mahihinang tawanan mula sa loob.
Pamilyar ang boses ng babae.
Sinipa ko ang pinto nang buong lakas.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Celine, my best friend for almost fifteen years, na nakaupo sa kandungan ni Eric habang magkaharap sila sa kama.
Pareho silang halos walang saplot.
Sa sandaling iyon ay may kung anong naputol na ugat sa katawan ko. Ramdam ko ang pagkulo ng dugo ko na parang isang bulkan na sasabog na.
Because not only was my boyfriend betraying me, but also my trusted best friend.
At parang kandilang biglang pinatay ng hangin, nawala agad ang pagmamahal ko kay Eric sa mismong sandaling iyon.
Nakita nila ako pero wala man lang bakas ng pagsisisi o konsensya sa mga mukha nila.
Tumayo si Celine at inayos ang damit niya habang si Eric naman ay kalmadong itinaas ang zipper ng pantalon niya.
"Anong kahibangan ito?!" sigaw ko.
Tumayo si Eric habang diretso akong tinitingnan.
"Serena." His voice was sharp as a knife. Hindi siya ganiyan tumawag sa akin noon. "Kung prangkahan lang, hindi kita nagustuhan simula pa lang. I like Celine now. We've been trying to hide this for weeks, pero ngayong alam mo na, wala na siguro kaming dapat itago."
Pakiramdam ko ay may matalim na kutsilyong paulit-ulit na tumutusok sa dibdib ko. Nararamdaman ko ang pagguho ng mundo—mundo ko.
"And what you did right now is the most disgusting thing a man could ever do! I trusted all of you and yet you still betrayed me!" sigaw ko habang nanginginig ang boses.
Bigla akong hinila sa braso ni Tiffany dahilan para mapalingon ako sa kaniya. At bago pa ako makapagsalita ay malakas niya akong sinampal.
Napaatras ako dahil sa lakas ng tama.
Ang pamilyang dati kong tinitingala at minamahal ay parang mga hayop na unti-unting ipinapakita ang tunay nilang anyo.
"Ang kapal ng mukha mong pagsalitaan nang ganiyan ang kuya ko!" sigaw ni Tiffany habang galit na nakaturo sa akin.
"Nasaan ang respeto mo?" dagdag ni Tita Gwen.
Napatawa ako nang mapait habang nakatingin sa kanila.
"Respeto? Meron ako noon. Pero kayo? Wala. Kaya naman pala ganiyan si Eric dahil napapalibutan siya ng mga taong kagaya ninyo. Such a hypocritical family starving for wealth and power."
Tumawa sila. Isang tawang puno ng panghahamak at panginginsulto. Na hindi lang sinira ang kalooban ko kundi pati narin ang kaluluwa ko.
Pagkatapos ay inilabas ni Tiffany ang cellphone niya at ipinakita sa akin ang litrato. Nanlamig ang buong katawan ko nang makita iyon.
Ako iyon na hubad. Katabi ang lalaking nasa hotel kanina.
"Now you're talking about decency? Ikaw nga itong nakipagtalik sa ibang lalaki!" sigaw ni Tiffany.
"Ikaw ang unang nagtaksil kaya tama lang na mangyari ito! Hindi na kami makokonsensya sa perang binigay mo. Think of it as compensation for what you did," dagdag ni Tito Leo.
Hindi ako agad nakapagsalita.
What would I even say?
They had proof. Even if it was an accident, everyone would see it as strong evidence.
"Lasing ako niyan... Hindi ko sinasadya..." nanginginig kong paliwanag. Ngunit agad akong pinutol ni Eric.
"Sa tingin mo maniniwala ako?! Serena, I thought you were a decent girl."
"Pasensya na, Serena, but I don't think Eric deserves someone like you. Buti na lang nakuhanan kita ng litrato." Celine intervened. Her innocent face was now gone and replaced with a hidden smirk.
"Ano?" bulalas ko.
Doon ko tuluyang naintindihan ang lahat.
Si Celine, ang matalik kong kaibigan, ang may pakana ng lahat.
Kaya pala niya ako niyaya sa club. Kaya pala todo siya sa pagpapa-inom sa akin kagabi. She set me up.
Pakiramdam ko ay unti-unting dinudurog ang puso ko habang nakatayo roon.
Being betrayed by someone you trusted your whole life felt worse than death itself.
Napatawa ako nang mahina habang pilit na pinipigilan ang mga luhang gustong bumagsak. Because in this life full of games, ako ang ginawang sugal. At ako rin palagi ang talo.
"Remember this..." nanginginig kong sabi habang nakatingin sa kanila. "Even the most cunning people become stupid someday because life is like a boomerang. Once you throw dirt at someone, it always comes back twice as hard."
Ngunit nanatili lang silang nakangisi.
"Umalis ka sa pamamahay ko!" sigaw ni Tito Leo.
Dahan-dahan akong tumalikod habang mabigat ang bawat hakbang ko.
Ngunit bago ako tuluyang lumabas ay nilingon ko si Celine.
"Tandaan mo ito, Celine. Once a man cheats for his lover, he will eventually cheat on that same lover too." Pagkatapos ay tumingin ako kay Eric.
"Ang bulag ay habang buhay na magiging bulag."
At pagkatapos no'n ay tuluyan na akong umalis nang hindi na lumilingon pa.
Nawala na ang boyfriend ko pati na rin ang best friend ko. Nawala ang perang para sana sa operasyon ni Mama.
At higit sa lahat, pakiramdam ko nawala rin ang dating Serena na marunong magtiwala. Sa larong puno ng kasinungalingan, ako ang talunan dahil naging bulag ako.
Ngayong wala na ang lahat sa'kin, saka ko lang naintindihan na minsan, ang pinakamapanganib na tao ay iyong mga ngumiting parang pamilya habang unti-unti ka nilang nililibing nang buhay.
Nagsimulang umulan, kasabay ng mga luhang hindi ko na kayang pigilan at itago. Marahil ay nagdadalamhati rin ang langit katulad ko.
Pinapangako ko sa sarili ko na hindi ko hahayaan na mabuhay silang masaya gamit ang pera ko na para sana sa operasyon ni Mama. Alam kong darating ang araw na babalik ako at kukunin ang sa akin.
I got distracted for a moment nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Agad akong sumilong sa isang waiting shed sa tabi ng kalsada. Kinuha ko ang cellphone sa bag at nakita kong si Manang ang tumatawag, ang head maid namin.
I wiped my tears and tried to keep myself as calm as possible.
Wala akong karapatang umiyak sa harap ng kahit sino dahil ako ang gumawa ng sarili kong sakit. Nagpakatanga ako at naging bulag, kaya dapat lang na itago ko ito.
Because I was the one who needed to be blamed for my own mistakes.
"Ma... Manang?" tanong ko habang inaayos ang boses ko. "Bakit po kayo napatawag?"
”Ma'am Serena! Pumunta po kayo rito!” sigaw niya at halatang nagpapanik sa kabilang linya.
"Huh? Bakit po?"
”Si Sir George po ay huhulihin na ng mga pulis
dahil sa kasong embezzlement! Ma'am, kukunin na nila ang lahat ng gamit dito pati na rin ang bahay ninyo!” Hindi siya mapakali at parang may mabigat na pasaning dinadala.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Kilala ko si Papa. Hindi siya gagawa ng ganoong bagay. Mapagmahal siya at mabait kahit minsan ay hindi kami nagkakasundo.
Kung ganoon... paano umabot sa ganito?
"Pupunta ako agad diyan, Manang. Just stay calm, okay?" paniniguro ko sa kaniya.
Agad kong ibinaba ang tawag.
Napagpasyahan kong lakarin ang kalsada pauwi kahit umuulan. Wala na akong pera dahil ginamit ko ang huli kong natitirang pera para makapunta sa bahay nina Eric.
Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang unti-unting pagkawala ng pag-asa ko.
Pero kahit ganoon, umaasa pa rin ako na hindi totoo ang mga sinabi ni Manang at inosente talaga ang ama ko.
Sana...
Darating din ang araw na babalik ako rito, hindi bilang si Serena na isang tanga at walang muwang, kundi bilang Serena na matatag at kayang alisin ang lahat ng humahadlang sa landas niya.
Pinapangako ko.
Babalik ako rito.