Share

CHAPTER 2-LEFT WITH CRUMBS

Author: Sweet_Spice
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-05 10:50:27

SERENA'S POV

Makalipas ang dalawang oras na paglalakad ay nakarating na ako sa labas ng bahay namin. Nanginginig ang katawan ko sa lamig dahil basang-basa ako sa ulan.

I pressed my purse against my chest, silently praying that everything would be alright.

Ngunit nang makita ko ang tanawin sa harap ng bahay namin, para akong nawalan ng hangin.

Sunod-sunod na sasakyan ng pulis ang nakaparada sa labas. Kumukutitap ang pula at bughaw na ilaw sa basang kalsada habang nagkukumpulan ang mga kapitbahay na tila may pinapanood na palabas.

Sa gitna ng lahat ay si Papa, nakaposas at binabantayan ng dalawang pulis papunta sa sasakyan.

"Pa!" sigaw ko habang tumatakbo palapit sa kanila. "Pakiusap, kunin n'yo na lang ang lahat, huwag lang ang Papa ko!"

"Ma'am, we have a warrant of arrest for your father regarding ten years of embezzlement. Ang bahay at mga ari-arian ninyo ay hindi sapat upang mabayaran ang halagang ninakaw ni Mr. Dela Cruz."

Iniangat niya ang isang dokumento sa harap ko.

Ngunit hindi ko man lang mabasa ang laman nito. Parang nagsasayawan ang mga letra sa paningin ko.

"Malakas ang ebidensiya laban sa kaniya. Mas mabuting kumuha na lamang kayo ng abogado."

Napakagat ako sa labi.

Saan ako kukuha ng pera para sa abogado?

Kahit makahanap kami ng isa, hindi pa rin kami mananalo. Ang kalaban namin ay ang mga Lancaster.

Ang pamilyang nagmamay-ari ng L-Electronics.

Isang Chief Financial Officer si Papa sa kompanyang iyon. Kilala ang mga Lancaster bilang pinakamakapangyarihang pamilya sa buong kontinente. Kahit hindi hulaan, alam ng lahat kung sino ang matatalo sa kasong ito.

"Pa, ano ito? Bakit nauwi sa ganito?" desperado kong tanong.

Ngunit yumuko lamang siya. At sa katahimikang iyon, nakuha ko ang sagot. Unti-unting bumigat ang sikmura ko.

"Kung ganoon... totoo?"

Hindi siya sumagot.

I almost lost consciousness trying to process everything.

Paano nagawa ni Papa ito?

Hindi man lang ba niya naisip kung ano ang mararamdaman ko kapag nalaman kong nagnanakaw siya?

Nakaramdam ako ng hiya. Hindi dahil bumagsak kami, kundi dahil sa loob ng sampung taon ay nabuhay pala kami sa perang hindi sa amin.

Ang mga luho, komportableng buhay at ang bawat sentimong ginastos namin. Lahat pala ay may bahid ng kasalanan.

Sa huli ay bumagsak ang pamilyang buong buhay kong ipinagmamalaki.

Maya-maya pa ay dumating ang mga reporter.

Sunod-sunod ang pag-flash ng kanilang mga kamera at pag-ulan ng mga tanong.

Wala na ang lahat sa amin. Pati ang bahay namin ay kukunin. Ibig sabihin, wala na rin akong maipambabayad sa pagpapagamot ni Mama.

I felt like the world was conspiring with fate against me.

"Patawarin mo ako, anak..."

Iyon ang huling sinabi ni Papa bago siya isinakay sa sasakyan ng mga pulis.

Tumulo ang mga luha ko habang pinapanood ang mga taong naghahakot ng mga gamit mula sa bahay namin.

Our maids, including Manang, had packed their things and left.

"Ba... bakit nangyayari sa amin ito?"

Hindi ko na alintana ang ulan o ang mga matang nakatingin sa amin.

"Ms. Dela Cruz, maaari ba namin kayong ma-interview?"

Napalingon ako sa reporter na lumapit.

"Ano ang masasabi ninyo sa pagkakakumpiska ng mga ari-arian ng inyong pamilya dahil sa embezzlement ng inyong ama?"

Tinitigan ko lamang sila.

Parang wala nang natitirang salita sa loob ko.

"Wala akong sasagutin sa mga tanong ninyo. Maaari na kayong umalis."

Tumalikod ako ngunit hindi pa rin sila tumigil.

"Ano ang pakiramdam na malaman na ang inyong ama ay nagnakaw mula sa—"

"I said enough!"

Napaatras silang lahat.

Maging ako ay nagulat sa lakas ng sigaw na lumabas sa akin.

"Hindi ba ninyo nakikita? Wala na ang lahat sa akin! So why bother asking when you already know the answer?"

Natahimik ang paligid.

"Ma'am, kumukuha lamang kami ng impormasyon mula sa mismong mga taong sangkot sa pangyayari."

Humugot ako ng mabigat na hininga.

"Hindi ko na problema iyon." Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. "Wala na akong sasabihin."

Tuluyan akong lumayo. Sa bawat hakbang ay mas malinaw kong naririnig ang mga bulungan sa likuran.

Ngunit hindi na ako lumingon. May mas mabigat pa akong problemang haharapin.

Biglang tumunog ang cellphone sa loob ng basang purse ko.

Nang makita ko ang pangalan ng ospital sa screen, parang may malamig na kamay na humawak sa puso ko.

"H-Hello?" pautal kong sagot habang pilit na pinapakalma ang sarili.

”This is the hospital calling. Miss, anak po ba kayo ni Mrs. Joanne Dela Cruz?”

"Ah... oo."

”Ma'am, kailangan nang maoperahan ang inyong ina within this week. Hindi na kayang suportahan ng life support ang kaniyang katawan nang matagal dahil patuloy na lumalala ang kondisyon niya.”

Nanigas ako. Biglang bumigat ang mga balikat ko. Hindi ordinaryong bigat. Parang may mga tanikalang humihila sa akin pababa.

"Maayos lang ba si Mama?" mahinang tanong ko.

”Opo. Ngunit patuloy siyang humihina araw-araw. Kapag hindi ito naagapan agad—” Hindi ko na siya pinatapos.

"Maghahanap ako ng pera." Mabilis ang paglabas ng mga salita sa bibig ko. "Huwag n'yo lang tanggalin ang life support. Pakiusap."

”We'll continue monitoring her, ma'am. Pero kailangan na talaga siyang maoperahan this week.”

Pinikit ko ang mga mata ko umaasang mababawasan ang bigat na nararamdaman.

"Maghahanap ako ng paraan. Huwag n'yo lang pabayaan si Mama. Siya na lang ang meron ako."

”We'll do our best, ma'am.”

"Sa-salamat."

Pagkababa ko ng tawag ay matagal akong nakatitig sa cellphone.

Unti-unting bumibigat ang katawan at paghinga ko. Nakikita ko na lamang ang sarili ko na isang basang sisiw na kumakapit sa kahit anong pag-asa na makikita niya.

Pero kung susuko ako ngayon, tuluyan nang mawawala sa'kin ang lahat.

Wala na akong maisip na ibang lapitan. Maliban sa Jam Gang. Ang organisasyong iniiwasan ng lahat.

At marahil, ang tanging natitira kong pag-asa.

Base sa mga naririnig ko, isa itong lihim na organisasyong sangkot sa iba't ibang ilegal na transaksiyon. Nagpapautang sila ng malalaking halaga sa mga taong wala nang mapuntahan kapalit ng napakataas na interes.

"Hindi ko hahayaan na mawala pa si Mama sa akin," bulong ko sa sarili. "Gagawin ko ang lahat para mailigtas siya."

Napayuko ako tinitingnan ang sapatos kong basang-basa.

Kung hindi ko lang ibinigay ang seven million sa pamilya ni Eric, marahil ay hindi umabot sa ganito ang lahat. Marahil ay hindi nagtagal nang ganoon si Mama sa ospital.

Marahil ay hindi ako naghahanap ngayon ng tulong sa mga taong kahit pangalan ay kinatatakutan ng karamihan.

Ngunit huli na ang lahat para sa pagsisisi. Ang mahalaga ngayon ay mailigtas si Mama. Kahit ano pa ang maging kapalit.

Makalipas ang halos isang oras na paglalakad ay narating ko ang eskinitang minsang itinuro sa akin ng kaklase ko.

Kumikislap ang ilang sirang ilaw sa gilid ng mga gusali. Ang mga dingding ay puno ng kupas na graffiti at bakas ng kalawang.

Nagkalat ang mga basag na bote, lumang kahon, at mga sirang gamit na tila matagal nang pinabayaan.

Kumapit sa ilong ko ang amoy ng sigarilyo, alak, usok, at basang kahoy.

Sa bawat hakbang ko ay may naririnig akong lagutok ng bubog sa ilalim ng sapatos ko.

Lumapit ako sa dalawang lalaking nagbabantay sa pintuan.

Pareho silang malalaki ang pangangatawan. Kahit wala silang ipinapakitang armas, sapat na ang nakaumbok sa kanilang sinturon upang ipaalalang hindi nila kailangang ipakita ang mga iyon.

"Hoy, saan ka pupunta, magandang babae?"

Ngumisi ang isa habang dahan-dahang sinusuri ang katawan ko.

Pinilit kong huwag umatras kahit kakaiba ang tingin niya.

"Gusto kong makita ang boss ninyo." I barely managed.

"At anong kailangan mo sa boss namin?" Bahagyang nagtaas ng kilay ang lalaki nang magsalita ito

"Nandito ako para mangutang."

Nagkatinginan ang dalawa.

"Mangutang?" Tumawa ang isa. "Mukha ka namang estudyante."

"Pinaghihirapan ang pera," sagot ko habang pilit na itinataas ang baba ko. "Kaya kailangan kong mangutang. Pakiusap, dalhin ninyo ako sa boss ninyo."

Muli silang nagkatinginan na parang nakakaintindi sila sa isa't isa sa iisang tingin lang. Pagkatapos ay ngumisi bago ako sinamahan papasok.

Tinahak namin ang isang makitid na pasilyo hanggang sa makarating sa isang silid sa pinakadulo.

Mas makapal ang usok sa loob.

May ilang lalaking naglalaro ng baraha habang ang iba naman ay abalang nagbibilang ng pera. Unti-unting huminto ang kanilang mga usapan nang makita nila ako.

Biglang naging malinaw ang bawat tunog sa paligid.

Ang paglangitngit ng upuan,  pagpitik ng sigarilyo, at mabagal na pagbuga ng usok.

Sa gitna ng lahat ng iyon ay isang lalaking nakaupo sa likod ng malaking mesa. Mas matanda siya kaysa sa inaasahan ko.

May takip ang isa niyang mata at nakasandal siya sa kaniyang upuan habang tahimik akong pinag-aaralan.

"Ah..." mahinahon niyang sabi.

"Alam kong darating ang araw na lalapitan ako ng anak ni George."

Nanlaki ang mga mata ko. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa likod ko.

"Pa-paano mo nalaman ang pangalan ng Papa ko?"

"Dahil matagal ko siyang nakilala." Dahan-dahan niyang inilapit ang vape sa kaniyang labi. Lalong bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung dahil kilala niya si Papa o dahil sa paraan ng pagsabi niya nito. Parang marami pa akong hindi alam.

"At isa pa..." Bahagya siyang ngumiti.

"Alam ko ang ginawa niyang pagnanakaw sa pamilya ng mga Lancaster."

Tumigas ang katawan ko na parang nakakita ng multo. Pero pinipilit ko ang sarili na kumalma. Isa lang ang dahilan kung bakit ako narito

"Pareho naman naming ginagawa iyon. Magkaiba lang kami ng pinagnanakawan."

Pakiramdam ko ay may nalaman akong hindi ko dapat malaman.

"Bakit hindi ka nakakulong kasama ni Papa?" tanong ko. "Kung pareho kayong sangkot, bakit siya lang?"

"Dahil hindi ako tanga." Bahagya siyang natawa.

Sapat iyon upang ipaalala kung gaano kadelikado ang taong nasa harapan ko. Kumuha siya ng ilang papeles mula sa drawer at inilapag sa mesa.

"Pero hindi naman bato ang damdamin ko." Itinulak niya ang kontrata palapit sa akin.

"Papautangin kita ng sampung milyon."

Nanlaki ang mga mata ko.

Sa mga oras na iyon, ang halagang iyon ay tila isang himala. Ang ganun kalaking pera ay ang magliligtas sa buhay ni mama.

"Papatungan ito ng limang porsiyentong interes."

Kinuha niya ang isang ballpen at inilapag sa ibabaw ng kontrata. "Mayroon kang anim na taon para bayaran ang utang."

Dahan-dahan niyang itinaas ang tingin. Sa unang pagkakataon, nakita ko ang tunay na lamig sa kaniyang mga mata.

"Kapag hindi mo nabayaran sa loob ng anim na taon..." Mabagal na gumuhit ang tingin niya mula mukha ko pababa. "Katawan mo ang magiging kapalit."

Biglang tumahimik ang buong silid. Natuyo ang lalamunan ko. Randam ko ang lamig ng hangin na humahaplos sa balat ko na siyang nagpatayo ng mga balahibo ko.

Kahit inaasahan kong may kapalit ang perang ito, hindi pa rin ako handa sa narinig ko. Maging ang mga lalaking nasa paligid ay tila naghihintay sa magiging sagot ko.

Napatingin ako sa kontrata. Alam kong hindi sapat ang anim na taon para mabayaran ang ganoong kalaking halaga. Alam kong kailangan kong magtrabaho araw at gabi.

Ngunit sa likod ng lahat ng takot na iyon, mukha ni Mama ang nakikita ko. Pumunta ako rito para iligtas siya. Para sa kaniya kaya kong lunukin ang anong klaseng paghihirap at pangamba.

Kakayanin kong pasanin ang utang at pipilitin kong kayanin na harapin kahit ang mga taong tulad nila.

Dahan-dahan kong kinuha ang ballpen. Bahagyang nanginginig ang kamay ko habang pumipirma. At sa sandaling iyon, pakiramdam ko ay ipinagbili ko ang kaluluwa ko sa isang demonyo.

"Magaling." Napangiti ang lalaki. "May utak naman pala ang anak ni George."

Kinuha niya ang kontrata at sinuri ito sandali bago magsalita muli.

"Tingnan natin kung hanggang saan ka aabot."

Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko. Hindi ko alam kung anong klaseng problema ang naghihintay sa akin sa hinaharap.

Ngunit isang bagay ang sigurado. Habang nasa tabi ko si Mama, kakayanin ko. Kahit gaano pa kabigat ang kapalit.

TWO MONTHS LATER

Naging matagumpay ang operasyon ni Mama.

Sa tuwing nakikita ko siyang nakaupo sa kama at nakakapagsalita nang hindi hirap huminga, pakiramdam ko ay nababawasan ang bigat na matagal kong pinasan.

Hindi pa man siya ganap na nakakabawi, malayo na ang kalagayan niya kumpara noon na tanging tunog ng mga makina sa ospital ang nagpapatunay na lumalaban pa siya.

Ngunit hindi libre ang milagro.

Kailangan kong magtrabaho sa dalawang part-time jobs habang pinagsasabay ang pag-aaral sa kolehiyo.

Pinili kong tapusin ang pag-aaral para makahanap ng mas magandang trabaho balang araw at mabayaran ang utang ko sa Jam Gang bago matapos ang anim na taon.

Nakatira na kami ngayon sa isang maliit na apartment. Malayo ito sa bahay na kinalakihan ko.

Malayo sa malalawak na silid, mamahaling kasangkapan, at marangyang buhay na minsan kong inakalang hindi mawawala.

Ngayon, sapat na sa amin ang apat na pader, maliit na kusina, at bubong na hindi tumutulo kapag umuulan.

Hindi na ako. maghahanap pa ng subra dito, para saakin higit na ito sa kailangan ko.  Basta kasama ko si Mama, sapat na iyon. Hindi ko na hahayaang ang mga pagkakamali ko noon ang magdikta kung sino ako ngayon.

Ngunit habang unti-unting gumagaling si Mama, tila kabaligtaran naman ang nangyayari sa akin.

Ilang oras lamang ang tulog ko bawat araw.

Pagkatapos ng klase ay diretso ako sa trabaho bilang dishwasher at barista. May mga pagkakataong hindi ko na maalala kung kailan ako huling nakakain nang maayos.

Sa mga nakaraang araw ay madalas akong nahihilo.

Ngunit hindi ko ito binabanggit  kay Mama.

Ayokong dagdagan pa ang mga alalahanin niya.

Sa tuwing tinatanong niya ako tungkol dito, nginingitian ko lamang siya.

Ayokong maramdaman niyang isa na naman akong problemang kailangan niyang pasanin.

"Ma, aalis na po ako."

Isinuot ko ang bag ko habang inaayos ang mga gamit na dadalhin ko sa klase at trabaho.

Bigla na naman akong nakaramdam ng pagkahilo.

Napalingon ako nang marinig ang boses ni Mama.

"Ayos ka lang ba, anak?"

"Opo." Mahina kong sagot at bahagyang ngumiti.

Ang mga mata niya ay hindi nagpakita  siya ay kumbinsido.

"Nitong mga nakaraang araw ka pa ganiyan. Madalas ka ring—" Hindi niya natapos ang sasabihin.

Biglang nanghina ang katawan ko. Akala ko noong una ay simpleng pagod lamang.

Ngunit nang muling luminaw ang paningin ko, ilang segundo lang ang lumipas bago ito muling lumabo.

Parang may manipis na ulap na unti-unting tumatakip sa paligid.

Napahawak ako sa gilid ng mesa. Iyon ang unang bagay na malinaw kong naramdaman.

"Serena?" Mas malakas ang boses ni Mama ngayon at puno ng pag-aalala.

"Ayos lang po ako..." Sinubukan kong ngumiti at ituwid ang sarili.

Ngunit kahit ako ay hindi naniwala sa sarili kong sinabi. Parang may mabigat na bagay na nakadagan sa buong katawan ko.

Maging ang simpleng pagtayo ay tila nangangailangan ng mas malaking lakas kaysa dati.

Huminga ako nang malalim. Ngunit hindi nawala ang panlalabo ng aking paningin. Sa halip ay lalo pa itong kumapal.

Ang mga tunog sa paligid ay tila papalayo nang papalayo. Parang may makapal na pader na namamagitan sa akin at sa mundo. Napakapit ako nang mahigpit sa mesa na parang buhay ko ay nakataya dito.

Ngunit unti-unting nawalan ng lakas ang mga daliri ko. Narandaman kong dumulas ang pagkakahawak ko.

Bahagyang umikot ang paligid. Naghalo ang kisame at mga dingding sa paningin ko. At....

"Serena!" Malakas na sigaw ni mama at iyun ang huli kong narinig.

Sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang bumigay ang mga tuhod ko. At ang tanging nakikita ko lang ay binalot ako ng kadiliman hanggang  sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Secret Contract:The CEO is my Twins' unknown father   CHAPTER 81-THE FOUR OF THEM

    SERENA'S POVMatapos kaming kumain ay pumunta na kami sa library ng mga anak ko. Pagdating namin doon ay agad kaming napatingin sa munting silid na tila ginawa para sa kanila. Ang bawat estante ay puno ng iba't ibang librong pambata, mula sa makukulay na fairy tales hanggang sa educational books. Sa isang sulok ay may malaking kama na pinalagay ni Sebastian. Pambata ang disenyo nito, may malalambot na unan na hugis ulap, mga stuffed animals na maayos na nakahilera, at ang kisame sa itaas ay may mga nakaukit na bituin na nagbibigay ng banayad na liwanag.Hindi na kami nag-aksaya ng oras ni Chloe. Sabay kaming napahiga sa malambot na kama habang si Sebastian at Caleb naman ay dahan-dahang naglalakad sa pagitan ng mga estante, seryosong naghahanap ng librong babasahin. Paminsan-minsan ay may itinuturo si Caleb habang yumuyuko si Sebastian upang tingnan ang pabalat ng librong hawak nito. Maya-maya ay ngumiti si Sebastian bago kumuha ng isang manipis na libro na mukhang sapat lang basahin

  • Secret Contract:The CEO is my Twins' unknown father   CHAPTER 80-SUSPENSIONS

    SERENA'S POVHindi ko napigilang bahagyang ngumiti.Kasabay noon ay mabilis kong iniwas ang tingin dahil ayokong mahalata nilang namumula na ang pisngi ko.Naputol lamang ang sandaling iyon nang marahang ngumiti ang lolo ni Sebastian."Well then," sabi niya. "Let's eat before everything gets cold."Unti-unting nabuhay muli ang usapan sa hapag. Isa-isang nagsimula ang lahat na kumuha ng pagkain habang ang kambal ay masayang abala sa kani-kanilang plato."Mama, ang sarap!" masayang sabi ni Chloe habang sumusubo ng pasta."I'm glad you like it," sagot ni Sebastian habang nilalagyan pa siya ng kaunting grilled salmon.Si Caleb naman ay tahimik na kumakain. Paminsan-minsan ay inaayos niya ang salamin niya bago muling magpatuloy sa pagkain.Napangiti ang lola ni Sebastian."They're such lovely children.""They really are," pagsang-ayon ng lolo. "The mansion has become livelier because of them."Tahimik akong napangiti. Ngunit ang katahimikang iyon ay hindi nagtagal."Speaking of the childre

  • Secret Contract:The CEO is my Twins' unknown father   CHAPTER 79-COOKING WITH THE WHOLE FAMILY

    SERENA'S POVNung gabing iyon ay nakauwi na kami ni Sebastian. Tahimik ang buong biyahe, ngunit hindi iyon naging mabigat. Sa labas ng bintana ay unti unti nang sumasayaw ang mga ilaw ng siyudad habang binabaybay namin ang daan pauwi sa Lancaster Mansion. Nang huminto ang sasakyan sa harap ng malaking pintuan ay agad itong binuksan ng mga kasambahay.Pagkapasok pa lamang namin sa loob ay sinalubong na kami ng pamilyar na boses."Mama! Papa!" Sigaw ni Chloe habang masayang tumatakbo papunta sa'min.Habang si Caleb naman ay nasa likuran niya, mahigpit na yakap ang isang makapal na libro. Napansin ko rin ang suot niyang salamin. Bagay na bagay iyon sa kaniya. Mas lalo tuloy siyang mukhang seryoso at matalino."Kumusta ang school?" Tanong ko."It's fine," sagot ni Caleb."Mama, hindi na tuluyan ang paglipat ni Caleb sa ikalimang baitang! Hindi niya na ako iiwan!""Talaga? Bakit?" Tanong ko."I figured... hindi ko iiwan si Chloe sa unang baitang. Naisip ko na tsaka na lang ako kukuha ng ad

  • Secret Contract:The CEO is my Twins' unknown father   CHAPTER 78-I'M PROUD OF YOU

    SERENA'S POVNanatili lang siyang nakatingin sa akin.Hindi siya ngumiti.Hindi rin siya nagsalita.Pero kitang-kita ko sa mga mata niyang puno ng kumpiyansa ang pagmamaliit niya sa akin.Para sa kaniya...Isa lang akong babaeng sinuwerte.Katulad din ng tingin sa akin ni Eric noon.Isang taong walang pinag-aralan.Isang taong hindi karapat-dapat sa posisyong hawak ko ngayon."Darling..."Isang malalim at pamilyar na boses ang bumasag sa tensyon.Napalingon ako.Si Sebastian.Naglalakad siya papalapit sa amin habang nakapulupot ang isang kamay sa bulsa ng kaniyang slacks.Mas malambot ang boses niya kaysa karaniwan."Why are you still here?" tanong niya habang huminto sa tabi ko. "Shouldn't you be in your office by now?""I was..."Napatingin ako kay Auntie Louisa na ngayon ay nakangiti na naman nang napakabait."...just talking with your aunt.""Hmm?"Lumingon si Sebastian sa kaniya."I believe your husband is looking for you, Auntie."Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Auntie Louis

  • Secret Contract:The CEO is my Twins' unknown father   CHAPTER 77-HIS AUNT

    SERENA'S POVMatapos ang meeting ay isa-isa nang lumabas ang mga board members.Natapos rin ni Eric ang presentasyon niya, but I barely listened.Alam kong hindi pa ito ang tamang oras para sirain ang plano niya.Kung hindi lang nangyari ang insidente namin ni Mrs. Villareal kanina, baka nakapag-isip pa ako ng mas maayos na paraan kung paano kontrahin ang presentasyon niya. Hindi sa pamamagitan ng sabotahe, kundi sa pamamagitan ng kritikal na pag-aanalisa sa bawat detalye ng proposal niya hanggang sa makita ng lahat ang mga kahinaan nito.Hindi ko kailangang gumawa ng maruming paraan.I just needed the right questions.And eventually...The wrong answers would reveal themselves.But I know there is still time."Mrs. Lancaster."May tumawag sa akin mula sa likuran.Lumingon ako at nakita ang isang babaeng nakangiti nang magalang. Siya rin ang babaeng ilang beses kong napansing tahimik lang na nagmamasid sa buong meeting.Ngumiti rin ako nang pormal."It was nice to meet you. You're a g

  • Secret Contract:The CEO is my Twins' unknown father   CHAPTER 76- UNEDUCATED WOMAN

    SERENA'S POVTahimik na muling naupo ang lahat matapos ang maikling pagpapakilala.Sebastian folded his hands on top of the conference table."Let's begin."Agad na bumukas ang malaking screen sa harapan ng silid. Lumitaw ang iba't ibang charts, graphs, at financial reports ng L-Electronics. Sunod-sunod na ipinakita ang quarterly revenue, operating expenses, market performance, at projected income para sa susunod na quarter."Our second-quarter revenue increased by twelve percent compared to the previous quarter," sabi ng Finance Director habang pinapalitan ang presentation.Tumango ang ilan sa mga board members."However," dagdag nito, "our operating expenses also increased by nine percent due to our expansion projects and supplier adjustments."Nagkaroon ng maikling katahimikan habang isa-isang sinusuri ng lahat ang report sa kanilang tablets."Our current cash flow remains stable," sabi naman ng isa pang executive. "If everything goes according to plan, we can proceed with the Mind

  • Secret Contract:The CEO is my Twins' unknown father   CHAPTER 6-WE'LL BE SLEEPING TOGETHER, EVERY NIGHT

    SERENA'S POVKinabukasan, nagising ako sa malambot at malawak na kama ng hotel suite. Ang mamahaling puting kumot ay nakabalot pa rin sa aming tatlo habang ang mahinang sikat ng araw ay dahan-dahang sumisilip mula sa malalawak na bintana. Ang ginintuang liwanag nito ay tila marahang humahaplos sa m

  • Secret Contract:The CEO is my Twins' unknown father   CHAPTER 5-PEACE OR REVENGE?

    SERENA'S POVMatapos kong pirmahan ang kontrata, I noticed Sebastian's satisfied face. Hindi ko akalain na siya ang CEO ng L-Electronics. Kung tutuusin, medyo bata pa siya para pangunahan ang ganoon kalaking kompanya.Maraming clause na inilagay si Sebastian sa kontrata, kabilang ang: Clause 2, act

  • Secret Contract:The CEO is my Twins' unknown father   CHAPTER 4-A DEAL WITH THE REAL DEVIL

    SERENA'S POVHis deep voice echoed throughout the hallway.Ma'am Hannah, Daniel, and the two guards behind him visibly stiffened. Kahit ako ay napatuwid ng tayo nang marinig iyon. Hindi ko akalaing may isang estranghero—at isa pang VIP ng hotel na ito—ang sasagip sa akin.Sanay na akong maliitin sa

  • Secret Contract:The CEO is my Twins' unknown father   CHAPTER 1-HER OWN TRUST RUINED HER

    SERENA'S POV"Ahh!!!"I screamed my lungs out nang makita ko ang sarili kong hubad at nakahiga sa isang malaking kama. Ang mas malala pa, may katabi akong hindi kilalang lalaki na nakahubad at nakatalikod habang natutulog.I covered my mouth as my eyes widened in shock. Lumingon-lingon ako sa palig

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status