LOGINThree Days. Tatlong araw na lang ang ibinigay ng kalaban bago masira ang mundo ni Gabriel.
Sa ilalim ng matinding seguridad ng kanyang penthouse, nakaupo siya sa isang leather couch habang titig na titig sa lumang larawan na natanggap niya kagabi. Si China… at ang lalaking iyon. May lungkot sa mga mata ng dalaga. May galit. May takot. At ang lalaking kausap niya—may pamilyar na tapik sa balikat ni Gabriel. Matagal na itong patay, ngunit ang implikasyon ng litrato ay buhay na buhay. “Ano ‘to, China?” bulong niya habang nilalaro ang singsing sa kanyang daliri. Samantala, nasa silid ni China...Hindi mapakali sa di maunawaang dahilan.Hindi siya makatulog. Kanina pa siya balisa, yakap-yakap ang sarili habang nakatanaw sa city lights mula sa floor-to-ceiling window ng penthouse. Napaka-ganda ng tanawin. Pero hindi iyon sapat para itago ang kaba sa kanyang dibdib. "They found me again," bulong niya. "Hindi pa rin ako ligtas." Tumunog ang pinto at iniluwa niyon si Gabriel. "Can we talk?" tanong ng lalaki, malamig ang tono ngunit mabigat sa intensyon. Tumango lang siya. Naupo siya sa gilid ng kama, habang siya nama’y tumayo sa harap niya. Itinapon ni Damien sa kama ang envelope. “Tignan mo.” Bumukas ang sobre. Isa… dalawang larawan. Luma, grainy, pero malinaw. Siya. At si— Bigla siyang napasinghap. Namilog ang mga mata. “P-paanong nakuha nila ‘to?” “‘Yan din ang gusto kong malaman,” aniya. “Sino siya, China?” Nagkagulo ang kanyang dibdib. Nanginginig ang kamay niya. “Hindi ko alam kung paano ko ikukuwento ‘to…” Hindi niya akalain na darating ang panahong ito,na babalikan niya ang isang yugto ng buhay niyang ibinaon na niya sa limot at ayaw nang balikan. “Then start from the beginning.” Tumulo ang luha ni China. “Hindi lang ‘to tungkol sa nakaraan, Gabriel This man… he ruined everything I believed about love.” Flashback - Anim na taon ang nakalipas Eighteen si China noon. Freshman. Scholar sa isang kilalang unibersidad. Isang gabing walang ulan pero may unos sa puso niya. Nakilala niya si Brice Dela Vega—isang guro sa isa sa kaniyang minor subjects. Matinik magsalita. Magaling makinig. At higit sa lahat, mabait sa kanya—kakaibang bait na hindi inaasahan. Naakit siya. Napaniwala. Hanggang sa isang gabi sa isang convention sa Baguio… “Trust me,” sabi nito. “Walang makakaalam.” Pero nagsinungaling si Brice.. Hindi ito simpleng pagkakamali. Pinagsamantalahan siya nito. At pagkatapos, iniwan siyang luhaan sa labas ng hotel, sinisigawan na siya raw ay isang manipulative liar. Ilang linggo siyang hindi nakatulog. Walang nagsalita para sa kanya. Wala siyang pruweba. At ngayon, pagkatapos ng anim na taon, bumalik ang multo. Balik sa kasalukuyan... Tahimik si Gabriel. Nakita niya ang panginginig ng kamay ni China.. Ang totoo sa kanyang mga mata. Ang trauma. “Hindi ko sinabi sa'yo kasi... akala ko tapos na 'to,” bulong ni China. He gently took her hand. “I believe you.” Lumambot ang kanyang puso. Hindi siya sanay marinig iyon—lalo mula sa isang tulad ni Gabriel. Pero sinundan niya ito ng malamig na salita. “But believing you isn’t enough. Kung gusto mong mabuhay, we need to fight back.” Kinabukasan… Bumaba si Gabriel sa private command center ng Buenavista Corp. Pinalibutan siya ng mga eksperto: cybersecurity heads, former agents, legal teams. Nasa gitna ng digital board ang larawan ni Brice at Paulina. “Find out how they’re connected,” utos niya. “Yes, Mr. Buenavista.” Sa kabilang dako… Sa isang private villa ni Paulina sa Antipolo, isang pulong ang nagaganap. Si Brice—ngayon ay consultant ng Chiu Group—ay nakaupo sa harap ng wine cabinet. “She remembers me,” aniya, walang takot. “You should’ve finished the job,” sagot ni Paulina, malamig. “She was just a girl. How was I supposed to know she’d end up his wife?” Paulina’s eyes glinted. “Because Buenavista men always fall for the broken ones. Nakaka-awa raw. Kaya madaling paikutin. But not this time. I’m taking her down.” Anito na may pagkasarkastiko at paninigurado sa tono. Sa penthouse… Nagising si China sa impit na sigaw sa panaginip. Basang-basa ng pawis ang kanyang likod. Niyakap niya ang sarili habang humihikbi. Pumasok si Gabriel, walang pakialam sa oras. “You dreamt of him again, didn’t you?” Tumango siya. “He told me no one would believe me. And no one did.” Gabriel sat beside her, quiet for a moment. “Kung hindi kita kayang ipagtanggol noon, ngayon babawiin ko.” Umiling si China,nilulukuban siya ng takot at pangamba.. “Gabriel, this isn’t just about me anymore. You’re risking your empire—” “I don’t care about the empire. I care about you.” Makalipas ang ilang araw... Isang anonymous video ang lumabas sa internet. “The Secret Past of China Asuncion—Is the CEO’s Wife Really Innocent?” Mabilis ang pagkalat. May mga edited voice clips, sinadyang tanggalin sa konteksto. Pinalalabas na inakit daw ni China si Brice para umangat sa buhay. May mga interview clips ng hindi kilalang tao, nagsasabing "madiskarte" daw si China. Comment section: brutal. "Gold digger." "Artista lang pala siya ng sariling script." "Puro paawa, pero sanay palang mag-manipulate." Ngunit hindi pa sila tapos. Naglabas ng opisyal na pahayag si Gabriel. “To those spreading false accusations about my wife, be warned: You’re going after the woman I vowed to protect with my life. And I never break my vows.” Ngunit isang sorpresa ang hindi inaasahan… Tumawag ang legal assistant ni Gabriel. “Sir… may bagong testigo.” “Kanino?” “Sa kaso ni Brice. Isang dating janitress sa hotel na pinanggalingan nina China—handa na siyang magsalita.” Gabi bago ang hearing. Tahimik si China habang pinagmamasdan si Gabriel sa dining area. Hindi na siya CEO sa paningin niya ngayon. Isa na siyang sundalong handang mamatay para sa mahal niya. Lumapit si Gabriel sa kanya, at marahang hinawakan ang kanyang pisngi. “Whatever happens tomorrow… I’ll be right beside you.” paalala nito sa kanya na tila karugtong ng vow na binigay nito sa kanilang pag-iisa bilang mag-asawa. “Thank you,” bulong ni China. “For not seeing me as broken.” “No,” he said, “I see you as the woman they never should have touched.”Hindi ko inakalang mararamdaman ko ulit ‘yung ganitong klaseng kabog ng puso — hindi dahil sa takot, kundi dahil sa sobrang pagmamahal.Ang unang kasal namin ni Gabriel ay engrande, puno ng kamera, investor guests, at mga ngiti na pilit.Pero ngayong gabi, habang nakatayo ako sa harap ng salamin sa maliit na villa overlooking the sea sa Batanes, naiiyak ako.Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa totoong kaligayahan.Simple lang ang suot ko — isang satin gown na gawa ng local designer, may bahagyang beadwork sa laylayan.Walang corona, walang malaking veil.Ang tanging suot ko lang ay ang necklace na ibinigay niya sa akin — “not a promise of perfection, but permanence.”Tama siya. Ang tunay na pagmamahal, hindi kailangang perfect. Kailangan lang totoo.“Ma?” boses ni Gideon mula sa pinto.“Yes, baby?” sagot ko, pinapahid ang luha sa mata.“Papa’s so nervous,” bulong niya, ngumiti ng pilyo. “He keeps fixing his tie even if it’s already perfect.”Napangiti ako. “Talaga ba? That means he w
The Proposal Plan POV: GabrielHindi ko alam kung kailan nagsimula ang ganitong tahimik na pagnanais — ‘yung tipong kahit natapos na ang lahat ng laban, may isa pa akong gustong patunayan.Hindi sa mundo.Hindi sa mga shareholders.Kundi sa kanya.Kay China.Matagal ko nang sinabing “I love you.”Pero hindi ko pa nasasabi nang buo kung gaano.Hindi lang bilang asawa, o partner sa negosyo, o ina ng anak ko.Kundi bilang babaeng pinili kong mahalin kahit paulit-ulit akong nasaktan bago ko siya nakuha ulit.“Gab, bakit parang tahimik ka lately?” tanong ni China, habang nagkakape kami sa balcony.Suot niya ‘yung white satin robe na regalo ko noong anniversary namin.Ang ganda niya kahit walang makeup.May ngiti, may grace — at may lakas ng loob na parang walang sinumang makakapagpabagsak sa kanya ulit.Napangiti ako. “Siguro kasi ngayon lang ako nakaramdam ng peace, Chin.”She tilted her head. “Peace? Or fear?”Natawa ako nang mahina. “Both. Kasi minsan, when everything’s quiet, natatakot
POV: Gabriel The first thing I noticed nung nagising ako — walang alert sa phone, walang urgent email, wala kahit isang press release na naglalabas ng scandal.Tahimik lang. At kahit ganun, mas malakas ang tibok ng puso ko kaysa sa kahit anong corporate presentation sa boardroom.Nakaidlip si China sa tabi ko, ang buhok niya medyo magulo, pero mukhang nakarelax — para siyang painting na ginawa para sa akin lang.Nahulog ako sa konting katahimikan, nakatingin sa kanya, at napansin ang maliliit na detalye: ang pilik ng mata niya habang humihinga, ang paraan ng pagkurba ng mga labi niya, ang init ng kamay niya na nakalapat sa braso ko.Sa gitna ng lahat ng iyon, naramdaman ko — para sa unang beses, wala na akong dapat ipaglaban.The battles, the betrayals, the enemies… lahat ng iyon, naiwan sa likod.Ngayon, ang labanan ko lang ay mapanatili ang babae sa tabi ko, at ang batang ito — si Gideon, na tahimik pero matalino sa lahat ng nangyayari sa paligid niya.Nag-mulat siya ng mata, tinin
Empire of Hearts(POV: China)The first sound that broke the silence was the soft pop of champagne. The second—Gabriel’s low, sinful chuckle as he leaned closer and whispered, “To us. To everything they tried to destroy… but failed.”Ang lamig ng bote sa kamay ko, pero mas mainit ang titig niya. Ang bawat galaw ni Gabriel ay may halong pangako—hindi lang ng tagumpay, kundi ng pag-ibig na hindi kailanman kayang bilhin o sirain ng kahit sinong kalaban.“Para sa atin,” bulong ko, sabay sabay ng clink ng baso namin.For the first time in years, walang nakabantay na camera, walang sekretong kailangan itago. Just us—two broken souls who built an empire out of ashes.Pero kahit sa gitna ng victory celebration, ramdam ko pa rin ang lamig ng mundo sa labas. The courtroom scenes, the faces of those who betrayed us—lahat ng iyon ay parang mga aninong nakatambay sa likod ng liwanag.“Do you ever think,” tanong ko, habang nakatingin kami sa city lights, “na baka too much na ‘tong fight natin? Na
POV: Gabriel Tahimik ang lungsod sa unang pagkakataon.Walang flashing lights, walang headline scandals, walang boses ng mga reporter na sumisigaw ng “Buenavista lScandal” o “Corporate War.”Tahimik lang. At sa kakaibang katahimikang ‘yon, doon ko lang naramdaman — tapos na talaga ang laban.Pero minsan, mas nakakatakot pala ang katahimikan.Kasi ‘pag wala ka nang pinaglalaban, mas maririnig mo ang boses ng sarili mong puso.I woke up earlier than usual.Beside me, the bed was empty — pero mainit pa ang kumot sa gilid.Typical China. Hindi niya sinasabi, pero lagi siyang bumabangon ng maaga, para maghanda ng gatas ni Gideon o magbasa ng report kahit weekend.Narinig ko ang maliliit na tawanan mula sa kusina.Pagbaba ko, bumungad agad ang eksenang gusto kong makita araw-araw.Si Gideon, nakasabit sa apron ng mommy niya, hawak ang whisk na parang espada.At si China… naka-oversized shirt lang, buhok niya magulo, pero para sa’kin, parang siya ang pinakamagandang bagay na ginawa ng umaga
(China’s POV)Tahimik ang buong opisina.For the first time in a long while, walang tensyon, walang sigawan, walang binabantayang leak o paparazzi sa labas ng pinto.Just silence — peaceful, grounding, almost foreign.Nakaupo ako sa desk na minsang naging battlefield. The same desk where I once slammed my hands out of frustration, where Gabriel and I argued over loyalty, power, and trust.Ngayon, may vase of white tulips sa ibabaw nito — regalo ni Gabriel ngayong umaga. May maliit na note pa sa ilalim:>“To my storm, who became my calm.”– G.B.Napangiti ako, ramdam ko pa rin ang kirot at saya na magkasabay. Kasi minsan, the calm hurts more — dahil doon mo marerealize kung gaano ka napagod.Narinig ko ang tunog ng pinto.Paglingon ko, he was there — Gabriel, nakatanggal ang necktie, naka-roll up ang sleeves, the man who used to wear his pride like armor. Pero ngayon, iba na siya.Mas malambot ang tingin, mas totoo ang ngiti.“Hey,” sabi niya, approaching slowly, para bang ayaw masira







