Kinakabahan man si China ay nilakasan niya ang kanyang loob.Buo ang kanyang loob na ito na ang panahon upang harapin niya ang masamang pangyayari na tila bangungot sa kanyang nakaraan.Hawak niya sa kanyang puso ang mataimtim na panalangin sa Diyos na sana magwagi ang katotohanan at pagbauaran ni Brice Dela Vega ang kawalang hiyaan niya.
"All rise." Tumayo ang lahat habang pumasok ang huwes sa maliit ngunit mahigpit na siniguradong courtroom sa loob ng Makati Hall of Justice. Nakatutok ang mga mata ng media, legal teams, at private security sa gitna ng mga bangko kung saan nakaupo sina Gabriel at China. Mahigpit ang pagkakahawak ni Gabriel sa kamay ni China. Ang higpit nito ay sapat upang iparamdam niya at ipaalala kay China na sa labang ito ay magkasama sila. Ramdam niya ang panginginig nito, ang lamig ng kanyang palad, at ang kalmadong pinilit niyang panatilihin sa harap ng publiko. “Walang kahit anong mangyayari ngayon ang makakasira sa’yo,” bulong ni Gabriel. “Hindi mo ‘ko kayang protektahan mula sa mga alaala,” mahina niyang tugon. “But I can protect you from the world.” Sa pagpapatuloy ng hearing ay tinawag na sa witness stand ang unang saksi upang tumestigo. Si Brice Dela Vega, presentable, smug, at may suot pang dark grey na suit na parang siya pa ang biktima. "Mr. Dela Vega, please state your relationship with the complainant," sabii ng prosecutor. “I was her former professor,” sagot nito, nakangiti. “And… we were romantically involved. Voluntarily.” Tumindig si Gabriel.. “Objection, Your Honor—he is twisting facts—” “Sit down, Mr. Buenavista,” sabat ng judge. “This is a hearing, not a boxing ring.” Napahawak si China sa braso ni Gabriel. “Please, calm down,” bulong niya. Tumango si Gabriel ngunit nagngingitngit ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang kasinungalingan ni Brice. Nagpatuloy pa ang mga salaysay sa hearing. Ilang oras ang lumipas. Sunod-sunod ang tanungan. Paulit-ulit ang panglalait sa kredibilidad ni China “Were you financially struggling during your time at university?” “Yes,” sagot niya. “Would it be fair to say you could’ve seduced someone for help?” “That’s not true,” aniya, nanginginig ang boses. Tumulo ang luha ni China. Nanginginig ang labi. Napapikit siya habang hinihintay ang sunod na tanong—pero may biglang kumatok sa pinto ng courtroom. “Your Honor, we request an emergency witness entry. The defense just located a new testimony.” Napatingin si Gabriel sa abogado niya. “Yes. It’s her.” Pumasok ang isang matandang babae. Nakasuot ito ng simpleng blouse, may bitbit na bag na parang ang laman ay hindi lang dokumento kundi katotohanan. “Pakilala po kayo, Ma’am,” ani ng judge. “Ako po si Editha Delmendo. Dating janitress sa hotel na pinanggalingan ni Ms. China at Mr. Brice anim na taon na ang nakaraan.” “Anong alam mo sa gabing iyon?” tanong ng abogado ni Gabriel. Kinapa ng babae ang maliit na recorder mula sa bag. “Narinig ko po sila. Sa hallway. Umiiyak si China, sinasabi niyang hindi siya pumayag. Nirecord ko po kasi natakot ako noon pa man.” Tumahimik ang buong silid. Tumayo ang abogado, “Your Honor, may I play the audio?” “Proceed.” pagpapahintulot ng judge. Kaya naman nabuo ang katahimikan sa court room at tanging ang ingay o tunog recorder na nakatutok sa microphone ang bumasag sa katahimikan at curiosity ng lahat ng naroon. [Audio Recording - Year 2019] China (umiiyak): “No… I said stop—please… wag—” Brice: “You wanted this. Don’t act like you didn’t.” China: “Hindi ko ito ginusto…” static Brice (galit): “You lie to me again, and I’ll ruin you. Nobody will believe you.” end of recording Halos huminto ang mundo ni China sa pag-play ng recording. Ilang taon siyang namuhay sa katahimikan. Sa hiya. Sa takot. Pero ngayong narinig ng buong mundo ang totoo, para siyang muling huminga. Napaluha ang ilang audience. Maging ang judge ay napatigil. “Court is adjourned until tomorrow. We’ll review the audio’s admissibility and issue an immediate response.” Pagkalabas ng courtroom, Tinakpan ni China ang mukha niya habang inulan sila ng camera flashes at tanong ng media. Hinawakan siya ni Damien at agad siyang isinakay sa sasakyan. Sa loob, hindi pa rin siya makapagsalita. Gabriel reached out and gently wiped the tears from her cheek. “You were brave,” bulong nito. “I’m proud of you.” Pero sa halip na ngumiti, napahigpit ng yakap si China sa kanya na para bang siya ang kapayapaan, sandigan nito at lakas. “Now the world knows. But that doesn’t erase the pain.” Mapait na realidad na sambit ni China. “I know. But we’re just getting started.” Buong tapang at tatag na sagot ni Gabriel. Kinagabihan…Tumanggap ng isang anonymous message si Gabriel. “Meet me alone. Midnight. Harbor 17. If you want this over.” Walang pangalan. Pero alam niyang si Brice iyon. May banta man ng panganib ay walang inhibition na pumunta su Gabriel. 12:04 AM – Harbor 17 Tahimik ang lugar. Malamig ang hangin. May amoy gasolina at kalawang. Ngunit si Gabriel ay nakatayo sa harap ng dating warehouse, suot ang itim na coat, at may bitbit na baril sa ilalim. Pumasok siya. Sa loob ay nandoon si Brice, may hawak na martilyo, parang hinamon siya ng huling laban. “Ibinulgar mo ‘ko. Gago ka,” ani Brice. “You destroyed her life. I’m just returning the favor.” “Do you think people like us really go to prison, Gabriel? No. We buy our way out. But you? You fell for the pawn. And pawns are easy to eliminate.” Nakuyom ni Gabriel ang kamao sa narinig. Nilingon ni Gabriel ang paligid. May mga aninong gumagalaw. “Trap.” Alam niyang hindi siya pinuntahan ni Brice para lang mag-usap. At sa isang iglap ay dumagundong ang isang ingay.... Bang! Biglang may pumutok na baril mula sa isang sulok. Ngunit agad na lumusot ang dalawang lalaki—security ng Buenavista Corp. Nagpalit ng putukan. Nagkagulo. Si Gabriel ay mabilis na nakalapit kay Brice, hinampas ito sa panga, at dinurog sa pader. “This is for her !" Sunod-sunod ang suntok niya hanggang mawalan ng malay si Brice. Sugatan, duguan, ngunit buhay. Bumuntong-hininga si Gabriel. “Send him to hell—or court. Either way, he’ll rot.” Utos ni Gabriel sa kanyang tauhan. Samantala, Sa ospital, kinabukasan... “Wala na siyang laban,” ani ng abogado. “Kahit ang padrino niya sa gobyerno umatras na.” Umiling si China. “Walang nanalo sa laban na ‘to. Lahat tayo may sugat.” “Pero ‘yung sugat mo,” ani Gabriel habang hawak ang kamay niya, “I’ll be the one to help it heal.” Tumulo ang luha niya. Hindi dahil sa sakit—kundi sa kalayaang matagal na niyang iniyakan. For the first time in years, she felt safe. But just when they thought the worst was over… A mysterious call came in. “Mr. Buenavista, this is Interpol. You need to hear this—Brice wasn’t working alone.”POV: ChinaTahimik ang paligid ng opisina habang nakaupo ako sa harap ng malapad na mesa. Nakapatong sa harap ko ang isang bundle ng confidential documents—mga kontrata, bank transfers, at ilang internal memos na pinasa sa akin ng isang whistleblower mula sa loob ng Villareal Corporation. Ang bawat pahina ay tila mabigat, parang bawat tinta’y nagpapatunay ng kanilang kasakiman.Huminga ako nang malalim at sinilip ang oras. 2:37 a.m. Nasa kabilang side ng mesa si Gabriel, hawak ang isang tasa ng kape at nakatitig sa laptop. Malalim ang kunot ng kanyang noo. Parang ang bawat click ng kanyang daliri sa keyboard ay may bigat ng sampung desisyon.“Chin,” tawag niya, boses niyang mababa pero ramdam ang pagod. “Are you sure about this? Once we push these files sa media, hindi na puwedeng umatras. Hindi na lang ito laban nila at natin—magiging giyera ito sa harap ng publiko.”Napakurap ako. Totoo. Pero naalala ko ang lahat ng pinagdaan
Gabriel's POV “Sir, diretso po ba tayo sa warehouse o dadaan muna sa main office?” tanong ng driver.“Warehouse,” sagot ko, malamig ang boses. “Mas kailangan kong makita kung totoo ngang may sabotahe sa shipment.”Pero sa loob-loob ko, ramdam kong hindi ito ordinaryong gabi. May tension sa hangin, para bang may matang nakabantay mula sa dilim.Habang binabaybay namin ang isang madilim na kalye, biglang nag-flicker ang mga streetlights. Napakunot ang noo ko. Too precise. Hindi aksidente.“Slow down,” utos ko sa driver. “Stay alert.”Bigla—BLAG! May tumama sa harapan ng kotse. Ang windshield, nag-crack. Isang bala.“Sir! Dapa!!! ” sigaw ng bodyguard sa tabi ko. Sabay hatak niya sa akin pababa. Umalingawngaw ang sunod-sunod na putok, parang fireworks na nakakatulig.“Ambush!”Ang puso ko, kumakabog nang parang mababali ang tadyang ko. Ngunit hindi ako pwedeng matigok dito. Hindi ngayon.“Drive through! Bilisan mo!” utos ko.Nilingon ko mula sa bintana—tatlong motorsiklo, naka-helmet, ma
POV: China“Mommy, bakit parang sad ka?”Napatigil ako sa pag-aayos ng kuwelyo ni Gideon bago siya ihatid ni Yaya Minda sa daycare. Ang inosente niyang tanong ay tumama nang diretso sa dibdib ko. Ngumiti ako kahit ramdam ko ang bigat na parang may nakaipit na bato sa lalamunan ko.“Hindi ako sad, baby. Medyo pagod lang si Mommy.” Pinisil ko ang pisngi niya, pilit na masigla ang tono ko.Pero ang totoo? Hindi lang pagod. Ang buong mundo namin ngayon ay parang chessboard na bawat galaw ay may kapalit na buhay. At ang role ko ngayong araw—magpanggap na hindi ko kakampi si Gabriel.“Love you, Mommy,” ani Gideon bago siya dinala ni Yaya palabas. Tumingin siya ulit sa akin, parang may kutob. Pero mabilis siyang nawala sa hallway.Naiwan akong nakatingin sa salamin. Nakangiti ang mukha ko, pero sa likod ng ngiting iyon, ramdam kong unti-unti akong nauupos.Kagabi, habang ma
(POV: China)Nakaharap ako sa salamin, pinipilit na hindi manginig ang mga kamay habang inaayos ang buhok ko. Sa bawat suklay, paulit-ulit kong inuukit sa isip ko ang papel na kailangan kong gampanan ngayong araw: ang babaeng nagdududa, ang asawang unti-unting nawawalan ng tiwala kay Gabriel.Dapat totoo ang acting. Dapat maniwala sila. Kahit masaktan ako.“Chin.” Bumukas ang pinto, si Gabriel, nakasuot ng dark suit. Lumapit siya sa akin, hawak ang balikat ko. “Sigurado ka bang kaya mo ‘to?”Huminga ako nang malalim. “Kailangan, Gabriel. Kung hindi ako magpapaapekto, hindi kakagat ang mga Villareal. Gusto nilang makita tayong nagkakawatak. Ibibigay natin ang gusto nila—pero sa paraan na tayo ang makikinabang.”Sandaling nagdilim ang mata niya, parang ayaw niyang ituloy. “Masakit ‘to para sa’yo, Chin. Lalo na kay Gideon.”Ngumiti ako nang mapait. “Mas masakit kung mawala siya.”
(POV: Gabriel)Alas-singko pa lang ng umaga pero gising na ako, nakatitig sa monitor kung saan nakabukas ang mga internal security logs ng kumpanya. Ang mga mata ko, namumula na sa puyat, pero hindi ko tumigil. Hindi ako titigil hanggang hindi ko nakikita ang ebidensiya.“Gab,” tawag ni Chin mula sa likod, dala ang tasa ng kape. “Baka naman pwedeng magpahinga ka muna kahit isang oras.”Umiling ako. “Can’t. The traitor is in here somewhere. Kung mahuli ko siya, matatapos na ang gulong ‘to.”Tahimik siyang naupo sa tabi ko, inilapag ang tasa at hinawakan ang braso ko. “Then let me stay with you.”Tumango lang ako, at saglit akong huminga nang malalim. Sa ganitong oras lang ako nakakaramdam ng konting kapayapaan—kapag hawak niya ako. Pero hindi ibig sabihin nito titigil ako.Ilang oras akong nakatutok sa mga logs. Inutusan ko ang team ko na magpakalat ng tatlong iba’t ibang blueprint na may maliliit na “trap markers”—detalyeng wala sa totoong plano. Kapag lumabas iyon sa Villareals, mala
(POV: Gabriel) Umaga pa lang, pero parang may bagyong humahampas sa mga dingding ng opisina ko. Ang screen ng phone ko ay nagliliyab sa dami ng notifications—mga alert sa stock market, emails mula sa investors, at messages mula sa board. May mali. At hindi lang basta maliit na mali—may bumagsak. Hawak ko ang tasa ng kape, pero nanginginig ang kamay ko. Nang buksan ko ang unang email mula sa finance team, para akong sinampal ng malamig na tubig: “Sir, the confidential blueprint for the Nueva Vista Project has been leaked. Competitor already announced a suspiciously similar plan.” Tumigil ang mundo ko saglit. Ang proyektong iyon ang magiging pinakamalaking expansion ng kumpanya ngayong taon—at ngayon, nasa kamay na ng kalaban. Villareals. Sino pa nga ba? Pumasok si China sa opisina, may dalang mga folders at may bakas ng puyat sa mukha. “Gab,” bulong niya, “may naririnig akong bulung-bulungan sa board… Parang may kumalat na chismis na hindi mo kaya panghawakan ang kumpanya.” Tinap