Share

Chapter 85 The Port

last update Last Updated: 2025-09-17 01:22:58

POV: Gabriel

Hingal na hingal ako habang tinutulak ang lumang gate papalabas sa bakuran. Sa likod namin, mga yabag at sigaw ang lumalakas.

“Dito, Gabriel!” bulong ni Ernesto, sabay turo sa masikip na eskinita na puno ng sirang kahon at kalawangin na bakal.

Sumalampak ang mga paang halos madulas sa putik. Minsan ko nang naranasan ang ganitong klase ng panganib, pero ngayong may pamilya na akong dapat protektahan, iba ang bigat ng bawat hakbang.

“Kung mahuli tayo…” hindi ko natapos ang sasabihin.

“Hindi tayo mahuhuli,” matigas niyang tugon. “Hindi pa ngayon.”

BANG!

Isang bala ang tumama sa dingding na ilang pulgada lang mula sa ulo ko. Mabilis kong hinila si Ernesto sa gilid.

“Sh*t! They’re aiming to kill!” bulalas ko, halos pabulong.

“Hindi sila papalag kung hindi sila sigurado na walang makakakita,” sagot niya, kalmado
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Secret Vow of the Ruthless Billionaire   Chapter 98

    POV: ChinaTahimik ang paligid ng opisina habang nakaupo ako sa harap ng malapad na mesa. Nakapatong sa harap ko ang isang bundle ng confidential documents—mga kontrata, bank transfers, at ilang internal memos na pinasa sa akin ng isang whistleblower mula sa loob ng Villareal Corporation. Ang bawat pahina ay tila mabigat, parang bawat tinta’y nagpapatunay ng kanilang kasakiman.Huminga ako nang malalim at sinilip ang oras. 2:37 a.m. Nasa kabilang side ng mesa si Gabriel, hawak ang isang tasa ng kape at nakatitig sa laptop. Malalim ang kunot ng kanyang noo. Parang ang bawat click ng kanyang daliri sa keyboard ay may bigat ng sampung desisyon.“Chin,” tawag niya, boses niyang mababa pero ramdam ang pagod. “Are you sure about this? Once we push these files sa media, hindi na puwedeng umatras. Hindi na lang ito laban nila at natin—magiging giyera ito sa harap ng publiko.”Napakurap ako. Totoo. Pero naalala ko ang lahat ng pinagdaan

  • Secret Vow of the Ruthless Billionaire   Chapter 97 No Backing Out

    Gabriel's POV “Sir, diretso po ba tayo sa warehouse o dadaan muna sa main office?” tanong ng driver.“Warehouse,” sagot ko, malamig ang boses. “Mas kailangan kong makita kung totoo ngang may sabotahe sa shipment.”Pero sa loob-loob ko, ramdam kong hindi ito ordinaryong gabi. May tension sa hangin, para bang may matang nakabantay mula sa dilim.Habang binabaybay namin ang isang madilim na kalye, biglang nag-flicker ang mga streetlights. Napakunot ang noo ko. Too precise. Hindi aksidente.“Slow down,” utos ko sa driver. “Stay alert.”Bigla—BLAG! May tumama sa harapan ng kotse. Ang windshield, nag-crack. Isang bala.“Sir! Dapa!!! ” sigaw ng bodyguard sa tabi ko. Sabay hatak niya sa akin pababa. Umalingawngaw ang sunod-sunod na putok, parang fireworks na nakakatulig.“Ambush!”Ang puso ko, kumakabog nang parang mababali ang tadyang ko. Ngunit hindi ako pwedeng matigok dito. Hindi ngayon.“Drive through! Bilisan mo!” utos ko.Nilingon ko mula sa bintana—tatlong motorsiklo, naka-helmet, ma

  • Secret Vow of the Ruthless Billionaire   Chapter 96 loyalty

    POV: China“Mommy, bakit parang sad ka?”Napatigil ako sa pag-aayos ng kuwelyo ni Gideon bago siya ihatid ni Yaya Minda sa daycare. Ang inosente niyang tanong ay tumama nang diretso sa dibdib ko. Ngumiti ako kahit ramdam ko ang bigat na parang may nakaipit na bato sa lalamunan ko.“Hindi ako sad, baby. Medyo pagod lang si Mommy.” Pinisil ko ang pisngi niya, pilit na masigla ang tono ko.Pero ang totoo? Hindi lang pagod. Ang buong mundo namin ngayon ay parang chessboard na bawat galaw ay may kapalit na buhay. At ang role ko ngayong araw—magpanggap na hindi ko kakampi si Gabriel.“Love you, Mommy,” ani Gideon bago siya dinala ni Yaya palabas. Tumingin siya ulit sa akin, parang may kutob. Pero mabilis siyang nawala sa hallway.Naiwan akong nakatingin sa salamin. Nakangiti ang mukha ko, pero sa likod ng ngiting iyon, ramdam kong unti-unti akong nauupos.Kagabi, habang ma

  • Secret Vow of the Ruthless Billionaire   Chapter 95 Prankster

    (POV: China)Nakaharap ako sa salamin, pinipilit na hindi manginig ang mga kamay habang inaayos ang buhok ko. Sa bawat suklay, paulit-ulit kong inuukit sa isip ko ang papel na kailangan kong gampanan ngayong araw: ang babaeng nagdududa, ang asawang unti-unting nawawalan ng tiwala kay Gabriel.Dapat totoo ang acting. Dapat maniwala sila. Kahit masaktan ako.“Chin.” Bumukas ang pinto, si Gabriel, nakasuot ng dark suit. Lumapit siya sa akin, hawak ang balikat ko. “Sigurado ka bang kaya mo ‘to?”Huminga ako nang malalim. “Kailangan, Gabriel. Kung hindi ako magpapaapekto, hindi kakagat ang mga Villareal. Gusto nilang makita tayong nagkakawatak. Ibibigay natin ang gusto nila—pero sa paraan na tayo ang makikinabang.”Sandaling nagdilim ang mata niya, parang ayaw niyang ituloy. “Masakit ‘to para sa’yo, Chin. Lalo na kay Gideon.”Ngumiti ako nang mapait. “Mas masakit kung mawala siya.”

  • Secret Vow of the Ruthless Billionaire   Chapter 94 Trap Markers

    (POV: Gabriel) Alas-singko pa lang ng umaga pero gising na ako, nakatitig sa monitor kung saan nakabukas ang mga internal security logs ng kumpanya. Ang mga mata ko, namumula na sa puyat, pero hindi ko tumigil. Hindi ako titigil hanggang hindi ko nakikita ang ebidensiya. “Gab,” tawag ni Chin mula sa likod, dala ang tasa ng kape. “Baka naman pwedeng magpahinga ka muna kahit isang oras.” Umiling ako. “Can’t. The traitor is in here somewhere. Kung mahuli ko siya, matatapos na ang gulong ‘to.” Tahimik siyang naupo sa tabi ko, inilapag ang tasa at hinawakan ang braso ko. “Then let me stay with you.” Tumango lang ako, at saglit akong huminga nang malalim. Sa ganitong oras lang ako nakakaramdam ng konting kapayapaan—kapag hawak niya ako. Pero hindi ibig sabihin nito titigil ako. Ilang oras akong nakatutok sa mga logs. Inutusan ko ang team ko na magpakalat ng tatlong iba’t ibang blueprint na may maliliit na “trap markers”—detalyeng wala sa totoong plano. Kapag lumabas iyon sa Villareals,

  • Secret Vow of the Ruthless Billionaire   Chapter 93 Reaction

    (POV: Gabriel) Umaga pa lang, pero parang may bagyong humahampas sa mga dingding ng opisina ko. Ang screen ng phone ko ay nagliliyab sa dami ng notifications—mga alert sa stock market, emails mula sa investors, at messages mula sa board. May mali. At hindi lang basta maliit na mali—may bumagsak. Hawak ko ang tasa ng kape, pero nanginginig ang kamay ko. Nang buksan ko ang unang email mula sa finance team, para akong sinampal ng malamig na tubig: “Sir, the confidential blueprint for the Nueva Vista Project has been leaked. Competitor already announced a suspiciously similar plan.” Tumigil ang mundo ko saglit. Ang proyektong iyon ang magiging pinakamalaking expansion ng kumpanya ngayong taon—at ngayon, nasa kamay na ng kalaban. Villareals. Sino pa nga ba? Pumasok si China sa opisina, may dalang mga folders at may bakas ng puyat sa mukha. “Gab,” bulong niya, “may naririnig akong bulung-bulungan sa board… Parang may kumalat na chismis na hindi mo kaya panghawakan ang kumpanya.” Tinap

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status