Share

Chapter 214

Author: Kaswal
Pagmulat ni Harmony, ang maitim niyang mga mata ay may malabong kislap ng luha, bahagyang namumula ang gilid. Kahit sa maputing leeg niya, kitang-kita ang mga pulang marka.

Mga bakas na iniwan ng halik niya.

Nabagabag si Darien sa sarili niya, naisip na hindi siya nakapagpigil. Sa huli, paos ang boses niya nang magsalita. “Sorry, I….”

Biglang may kamay na humawak sa mga daliri niya. Malambot ang haplos, dahilan para maputol ang sasabihin niya.

Ang munting babae sa bisig niya ay bahagyang kum
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (11)
goodnovel comment avatar
Krissel Marquez Panit
True. Andaming flaws. Halatang bata ang ngsulat. D man lang chineck
goodnovel comment avatar
reychelle francisc
nagtataka lang ako bkait panglaawang new year na nila?
goodnovel comment avatar
Lissa Yanto
thanks author ...️ sa update.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   Chapter 524

    “Go, Ninong!” sigaw ni Daria mula sa malayo, puno ng excitement.Nang handa na ang lahat at magsisimula na siya, napatingala si Xander at napansin niyang mula sa apat na taong nandoon kanina, tatlo na lang ang natira.Nasaan si Zenaida?Kinabahan siya bigla at dali-daling tumingin sa paligid.Yung ganitong ka-cool na eksena, siyempre gusto niyang si Zey mismo ang makakita. Kung wala ang babae, anong point ng lahat ng ‘to?“Sige na, start na,” pagmamadali ng coach.Napakagat-labi si Xander at wala nang choice kundi apakan ang silinyador.Umugong ang makina. Humarurot ang kart niya sa track na parang kidlat, mabilis at diretso, parang palasong pinakawalan.“Wow!”Tinangay ng hangin ang buhok ni Daria habang sinusundan ng tingin ang dumadaang kart ni Xander.Pero si Xander mismo, parang wala sa mood.Ilang araw siyang nagpraktis, lahat ‘yon para lang ipakita kay Zenaida ang best niya. Gusto niyang magpakitang-gilas, yung tipong mapapa-wow ang babae. Pero hindi man lang siya tin

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   Chapter 523

    “Eh ano ba dapat kitang itawag? Ang low-key mo kasi. Ganyan kalakas ang background mo pero wala kang sinabi kahit isang beses. Samantalang si Leign, araw-araw binabanggit yung tiyuhin niyang vice,” sabi ni Zenaida.Ngumiti lang si Harmony, bahagyang nakapikit ang mga mata. “Ako ay ako. Sila ay sila. Kung gusto mong makuha ang totoong respeto ng mga tao, dapat sa sarili mong kakayahan nanggagaling, hindi dahil may inaasahan kang iba.”Tumango si Zenaida bilang pagsang-ayon.“Sa totoo lang, simula nang umalis si Leign, ang pinaka-masaya diyan si DoctorAlexis.”Napatawa si Harmony.*Dumating ang araw ng karting. Halos sabay dumating sa venue ang pamilya ni Harmony at si Zenaida.Pagkakita pa lang ni Daria kay Zenaida, matamis na siyang tumawag, “Pretty auntie!”Kinuha ni Zenaida mula sa sasakyan ang isang maliit na figurine na hindi pa bukas at inabot kay Daria. Masayang niyakap iyon ng bata at agad na nagsabi, “Thank you, pretty auntie!”“Ang sweet talaga magsalita ng anak mo,”

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   Chapter 522

    “Ha? Magka-karting? Iyong parang racing?” gulat na gulat na tumingala si Harmony mula sa plato at tumingin kay Darien.Kalmado ang mukha ni Darien habang tumango. “Oo. Nag-aaral siya niyan lately.”Ang “siya” na tinutukoy ay wala nang iba kundi si Xander.Medyo alanganing ngumiti si Harmony. “Hindi kaya dahil na-stimulate siya kay Doctor Zey last time?”“It's possible,” sagot ni Darien.Simula nung huling beses na parang “na-disappoint” si Xander kay Zenaida, sinumpa na niya sa sarili na aaralin nang seryoso ang racing. Pero dahil sobrang intense ng actual racing, nagdesisyon muna siyang magsimula sa karting.“Feeling niya may progress na siya lately, kaya in-invite niya tayo na manood,” sabi ni Darien sabay sulyap kay Harmony na may meaning. “Mas ok kung kasama mo rin yung colleague mo.”Hindi pala simpleng aya lang ’to.Ngumiti si Harmony. “Alam ko na ang gagawin.”***Habang nasa trabaho, hindi nakalimutan ni Harmony ang “mission” niya. Pagkababa ni Zenaida mula sa operati

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   Chapter 521

    Umiikot ang tingin ni Darien, mababa at paos ang boses niya. “Maganda.”Hindi napigilan ni Harmony ang pag-angat ng gilid ng labi niya.“Kung maganda pala, huwag ko na kayang hubarin tonight?”“Hindi puwede.”Biglang pumalupot ang braso ni Darien sa baywang niya, idinikit siya sa katawan nito. Sa manipis na tela, ramdam na ramdam ni Harmony ang hugis ng katawan nito at ang init na halos nakakapaso.Lumapit ang labi ni Darien sa tainga niya.“Kung paano kita tinulungan isuot ’yan, gano’n din kita tutulungan na hubarin.”Pagkabigkas pa lang niya noon, napasigaw na si Harmony.Binuhat siya ni Darien nang pahalang at ilang hakbang lang ay nasa tabi na sila ng kama.Ibinaba siya sa kama, at sa suot niyang purple na pantulog, para siyang lotus na bagong bukadkad.Hindi maitago ni Darien ang paghanga at init sa mga mata niya.Buong katawan niyang pinatungan si Harmony.“My wife, you’re so beautiful.”Mula sa boses niyang puno ng magnetism, ang simpleng papuring iyon ay parang mat

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   Chapter 520

    Samantala, si Daria na inosente at walang kamuwang-muwang ay hindi man lang alam na nahulog na pala siya sa plano ng sarili niyang Papa.Hanggang sa isang araw, nang sabihan ni Harmony si Daria na pumasok na sa kwarto para matulog, biglang huminto si Daria sa may pintuan ng kwarto nila at umiling.“Mama, sabi sa book, adult na raw ako ngayon. Hindi na pwedeng matulog kasama si Mama at Papa. Kailangan mag-isa na akong matulog.”Pagkarinig noon, bahagyang kumislap ang mga mata ni Harmony, at sa gilid ng paningin niya ay sinulyapan niya si Darien.Kitang-kita niya kung paano bahagyang ngumiti si Darien habang kunwari’y nag-aayos ng damit.Tuso talaga ito. Tahimik na binawi ni Harmony ang tingin, saka exaggerated ang tono niyang sinabi, “Talaga? Oh my gosh, sobrang brave naman ni Daria. Proud na proud kami ni Papa sa 'yo.”Agad na nagningning ang mukha ni Daria sa papuri, taas-noo na parang isang mayabang na peacock.Tipikal na klase ng batang naibenta na, pero siya pa ang masayan

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   Chapter 519

    Sa loob ng kwarto, nakahiga si Daria sa gitna. Marahang tinatapik ni Darien ang likod niya, habang si Harmony naman ay nagkukuwento ng bedtime story sa tabi.Paminsan-minsan, nagkakatinginan sina Harmony at Darien, tapos agad ding umiiwas ng tingin.May kakaibang kiliti ang pakiramdam na iyon, parang tahimik na tensyon na nagpapabilis ng tibok ng puso.Nang makita ni Harmony na humikab si Daria, napangiti siya sa isip. Ayos na ’to.At tama nga ang hinala niya. Unti-unting naging malabo ang tingin ni Daria, dahan-dahang pumikit ang mga mata.Maingat na nagmasid ang mag-asawa. Hindi tumigil ang mahinang tapik sa likod, hindi rin tumigil ang kuwento.Mayamaya, sinubukan ni Darien na tawagin siya. “Daria.”Walang reaksyon.Biglang bumangon si Darien sa kama, parang sobrang nagmamadali. Binuhat niya si Daria, at bago lumabas ng kwarto, tumingin siya kay Harmony, isang tingin lang, pero sapat na para uminit ang mukha ni Harmony. Pagkaalis ni Darien, bumaba rin si Harmony sa kama at

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   Chapter 333

    “Professor Penelope, kamusta yung business trip mo nitong mga nakaraang araw?”Bumalik sa ulirat si Penelope dahil sa boses ni Professor Lukas. Saglit siyang natigilan bago sumagot, “Okay lang naman, same as before. Nakipag-exchange lang ng teaching experience sa mga professor ng ibang school, tapo

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   Chapter 331

    Muli na namang binuhat ni Darien si Harmony. Ang mga binti ng babae ay nakapulupot sa bewang ni Darien habang naglalakad ito, at ramdam na ramdam ni Harmony ang paggalaw ng mga muscle nito sa bawat hakbang.Dahil sa dikit na dikit nilang mga katawan, pakiramdam nila ay para silang nilalagablab sa s

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   Chapter 343

    Bahagyang kumislap ang mga mata ni Darien.Nakatayo si Harmony sa hindi kalayuan, may malambing na ngiti sa labi. May bahid pa ng light brown na kulay ang kanyang mga labi, bakas ng milk tea na ininom niya.Sa totoo lang, wala naman talagang nalasahan si Darien. Ang buong atensyon niya ay nasa mal

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   Chapter 335

    Paunti-unti natapos ni Harmony ang mga trabahong ini-assign ni Lyle, at nang matapos siya, hapon na. Dumaan muna siya para silipin ang kalagayan ng pasyente sa bed 25 na kakagaling lang sa operasyon. Hindi niya inaasahan na makikita niyang pumasok si Xander sa isang kuwarto ng pasyente.Huminto siy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status