Share

SWNBR KABANATA 3

Author: Yenoh Smile
last update publish date: 2026-08-19 23:45:58

Tinakasan yata ng dugo si Vivienne sa kaba. Baka mawasak siya nito mamayang gabi.

Kinabahan siya lalo sa naisip. Marahan niyang binawi ang kamay sa hawak ni Rowan. Napasulyap ito sa kanya ngunit wala namang sinabi.

Pilit lang siyang ngumiti noong makapasok sila sa study room.

Naroon na ang Daddy ni Rowan at ang Attorney na magkakasal sa kanila.

"Dad, pwede niyo pang bawiin ang utos niyong pakasalan ko itong baliw na ito," mahinahong pakiusap niya sa ama.

Pumirmi ang mga labi ni Crisanto, "She's the perfect candidate, Rowan. Wala siyang alam, inosente, at mukhang masunurin. Hahayaan mo bang mawala ang tiwala sa'yo ng mga kasosyo natin dahil lang hindi mo kayang lumagay sa tahimik?" mahina ngunit madiing bigkas ng ama niya.

Nakaramdam agad ng panlalamig sa kwarto si Vivienne. Kahit nakangiti si Crisanto Montesor, ang mata naman nito ay may banta. Si Rowan naman ay nagngangalit ang panga at matalim ang titig.

"Fine," matigas nitong sagot at agad na kumuha ng signpen at pumirma agad sa dokumento.

Napahabol pa ng tingin si Vivienne kay Rowan noong galit itong lumabas sa study room at malakas na isara ang p***o.

Napailing si Crisanto, "Don't mind him and just sign the papers, Vivienne."

Giniya nito ang kamay niya, pinahawak ang signpen sa kanya at tinulungan siyang magpirma.

Sinulyapan niya agad ang dokumento. Napataas ang kilay niya. Paano nakakuha ng dokumento ang mga ito tungkol sa kanya?

"The marriage is real, Hija. Kung iniisip mo ang mga dokumento mo, lahat 'yan totoo, Vivienne Natividad," may bahid ng ngisi sa labi ni Crisanto.

"Iyon po ang apelyido ko? How?" simpleng tanong ni Vivienne.

"Face recognition, biometrics, Dear," makahulugang sagot nito.

Doon pa lang, alam niyang mapanganib na tao rin si Crisanto Montesor. Maraming connections.

"Walang sikretong nakakalusot sa'kin, Hija. Be good and....act good," paalala nito sa kanya.

Napalunok na lang si Vivienne at hindi nagpahalatang kinabahan kahit pa nanlalamig na ang pawis niya.

Anong klaseng tao ba ang mga Montesor? Pakiramdam niya ay hindi lang simpleng mga negosyante.

"Hindi ko po maintindihan ang ibig niyong sabihin. Wala po akong sikreto," maang-maangan niya.

Tumawa ito. Tawa na nakakapanindig balahibo.

Tumalikod na siya at aalis na sana ngunit nagsalita pa ito.

"Nathaniel Natividad. Hilda Diumano. Pamilyar ba sa'yo ang mga pangalan, Hija?" mapaglarong tanong nito.

Agad na natigilan si Vivienne matapos marinig ang pangalan ng bunsong kapatid at ang mayordoma nila.

Humigpit ang hawak niya sa metal stick.

"Nasa ICU si Nathaniel, ang bantay ay si Hilda. My men are everywhere, Vivienne. Pwede namang ipag-reunion na natin ang pamilya mo sa langit—" 

"Don't touch my brother!" galit niyang sigaw pagharap dito.

Nanginginig na siya sa galit. Tama siya. Hindi simpleng tao si Crisanto Montesor.

Ngumiti ito nang malaki, "Oo naman. Para sa'yo daughter-in-law ko, hindi ko gagalawin ang kapatid mo....kung masunurin ka."

Nagpupuyos na siya sa galit, "What do you want, Mr. Montesor?" walang ngiting tanong niya sa matandang lalaki.

Naglaho ang ngiti nito. Sumeryoso at naging mapanganib ang mga mata.

"Ligtas ang kapatid mo kung mapapaamo mo si Rowan. Siguraduhin mong mapapasunod mo ang anak ko sa'yo. Isa pa, bigyan mo ko ng apo, tagapagmana ni Rowan. Pagkatapos no'n, wala na akong pakialam kahit umalis ka pa sa puder ni Rowan," madiing bigkas nito.

Kumuyom ang kamao ni Vivienne. Tuso ang matanda. Hindi nito mapaamo ang anak kaya siya ang gagamitin nito.

"At kapag hindi ako pumayag?" lakas loob niyang tanong.

Ginawa nitong baril ang mga daliri at tinapat sa sentido nito.

"Shoot," tipid na sagot nito pero nakangisi.

Nanlamig si Vivienne. Si Nathaniel na lang ang natira sa kanya. Hindi pwedeng pati kapatid niya ay mamatay!

"Fine. Payag na ako pero sabihin mo sa'kin kung saang ospital naroon ang kapatid ko at..... layuan mo siya. Alisin mo ang mga tauhan mo roon," hamon niya rin dito.

Lalo itong ngumisi, "Clever. Sure. Your secret is safe with me. Nasa Saint Marry Hospital ang kapatid mo. Hindi ko lang alam kung...... tatagal pa," pang-uuyam nito.

Tiningnan niya ito nang masama at hindi na umimik.

"Don't worry, haharangin ko ang private investigator ng anak ko kapag naghalungkat siya ng tungkol sa'yo. I'm sure, kahit simpleng detalye, aalamin niya," pangako nito sa kanya.

"Thanks, Father-in-law," labas sa ilong na bigkas niya.

Matapos iyon ay pinahatid siya sa guestroom. Buti na lang at hindi sa kwarto ni Rowan!

Napaiyak na lang siya pero hindi siya pwedeng maging mahina. Gagamitin niya rin ang mga ito para sa mga plano niya!

Kaya pala pabor sa kanya ang doktor. Malamang, binayaran ito ni Crisanto!

"Ma'am, kailangan niyo po ba ng tulong para maligo? Mamaya po kasi ay ihahatid ko kayo sa kwarto ni Sir Rowan," alok ng katulong sa kanya.

Napakurap siya at mabilis na pinunasan ang mga luha niya.

Pilit siyang ngumiti, "Kaya ko na po. Ako na ang bahala sa sarili ko," taboy niya rito at agad sinara ang p***o.

Binugso siya ng kaba lalo na noong matapos maligo at magsuot ng roba. Hinigpitan niya ang tali.

Paano ba niya aakitin si Rowan para sumunod ito sa gusto niya?

Nagstretching pa siya ng mga hita at balakang bago lumabas para hanapin ang kwarto ni Rowan.

Kumatok siya sa katabing p***o sa pag-iisip na kwarto iyon ni Rowan.

Pumihit ang doorknob at agad niyang nasamyo ang mabangong amoy ng shower gel. Panlalaking amoy na masarap singhutin.

Bumulaga sa mata niya ang basa pero matipunong katawan ni Rowan. Nakaikot sa bewang nito ang itim na tuwalya.

Napalunok siya noong sundan ng tingin ang tubig na tumulo sa abs nito papunta sa V-line nito papasok sa tuwalya at malamang na papasok sa pagkalalaki—

"What are you doing here?" may inis at may kalamigan ang boses nito. 

Napalunok siya at binawi ang tingin. Jusme! Baka mabuko siyang hindi bulag.

Nahigit niya ang paghinga noong tumaas ang braso nito at tinukod ang palad sa hamba ng pintuan, nag-flex tuloy ang mga muscles nito na nagpalaki sa mga mata niya. Kahit ang buhok nito sa kili-kili, ang lakas ng dating!

Natulala na siya roon. Kaya naman pala pinipilahan ito ng mga babae. Amoy pa lang, nakaka-adik na.

Kinurap niya ang mata noong tumitig sa kanya ang itim na mga mata nito. Para bang hinahalukay ang buong pagkatao niya. Pati yata kaluluwa niya, nababasa nito.

Tumikwas ang kilay nito. Kiniling ang ulo at halatang naiinip.

"Sagot at baka maubos ang pasensya ko sa'yo," nagtitimping bigkas nito.

Napalunok si Vivienne at kinabahan pero nagsalita rin, "Uh, t-atanong ko lang sana kung magse-s*x na ba tayo ngayon? Nagstretching na kasi ako kanina eheh."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Secret Wife ni Boss Rowan   SWNBR KABANATA 143

    Nakailang silip siya sa garden habang hinahanda na ni Matet ang bigbike niya at susuotin.Noong makita niyang bumagsak na ang ulo ni Fox sa mesa, napangiti na siya.Sumunod na napaubob sa mesa si Reed at ilang minuto lang, si Rowan na ang bumagsak sa mesa.Agad siyang lumapit sa garden. Awang pa ang mga bibig ng tatlo habang si Fox, humihilik na.Tumba na rin ang tatlong tasa at nabasa pa ang ilang dokumento.Tinapat niya ang palad sa ilong ni Rowan para lang masiguradong pantay na ang paghinga nito.Napangisi siya agad. Hindi naman sa pagiging pasaway pero kailangan niya lang talagang malaman kung nasaan na ang kapatid niya.Nagmadali na siyang pumasok sa mansyon at nagbihis. Isang simpleng black short at crisscross spaghetti strap black sando ang sinuot niya. Sinuot niya rin ang knee-length black boots na ni-ready ni Matet, maging ang black eyecat shade.Lumabas siya sa backdoor. Naghihintay na roon si Matet na agad hinagis sa kanya ang susi ng bigbike."Thanks, Matet. Mwuah!"Binig

  • Secret Wife ni Boss Rowan   SWNBR KABANATA 142

    Huminga siya nang malalim at tumango. Nagpatulong na rin siyang magtimpla ng kape at sumama kay Matet noong ihatid na ang mga kape sa garden.Nasa garden table ang tatlo. Malapit sa mga rosas. May mga dokumento sa mesa na binaba rin ni Rowan. Mukhang seryoso rin ang usapan nila base na rin sa hilatsa ng mukha ng mga ito."I'm sure hindi na rin natin ma-access ang Voyage at hindi na makakakuha ng supply kay Brad Malaska," dinig niyang dismayadong bigkas ni Fox."What we're gonna do now?" seryosong tanong naman ni Reed."Like I said, we won't do anyhting. Hayaan niyo ang Daddy kong madapa sa sarili niyang plano," kumpyansang sagot ni Rowan.Napasipol agad si Fox, "Hirap magpalaki ng magulang. Pasaway pa—uy, Vivienne! Kumusta? Di na namumula leeg mo ah. Mukhang effective ang kisspirin ni Rowan—ouch! Joke lang naman, Bebe Rowan!" reklamo agad nito matapos lumipad sa mukha nito ang tangkay ng rosas na halatang sapilitang hinila lang bigla."Mapanakit itong asawa mo, Vivienne. Hiwalayan mo

  • Secret Wife ni Boss Rowan   SWNBR KABANATA 141

    Hinawakan niya ang braso ni Matet at hinuli ang mga mata nito."Madam... ano..." kabadong bigkas nito tapos ay napatingala sa likod niya.Pakiramdam niya, nahalukay na ni Rowan ang buong buhay niya. Sana lang, hindi pa nito alam ang kay Nathaniel at ang pagiging Natividad niya—pero alam nitong bestfriend niya si Kaori!Sumigid ang sakit sa sentido niya. Malamang kasi na alam na nitong Natividad siya kung alam na nito ang koneksyon niya kay Kaori!"Madam, bakit ka ba kasi naglilihim pa? Malay mo, makatulong si Boss sa'yo," imbis ay katwiran ni Matet."Matet—"Napatigil si Vivienne matapos marinig ang malakas na tikhim ni Rowan."Is there something wrong going on here, Wifey?" seryosong tanong ni Rowan.Ayaw pa sanang bitiwan ni Vivienne si Matet pero binawi na nito ang braso at nagkunwaring abala sa lababo.Napabuntong hininga na lang si Vivienne. Nakangusong hinarap si Rowan. Kita niya agad sa sala na nakatunghay sa kanila si Reed at Fox.Noong mapansin ni Rowan na tinitingnan ni Vivi

  • Secret Wife ni Boss Rowan   SWNBR KABANATA 140

    Sa sobrang kalabog ng puso niya, diniin niya ang pikit ng mga mata niya at hindi na umimik.Baka mamaya, mapahamak pa siya ng bibig niya.Ramdam niyang hinapit ni Rowan ang bewang niya at pinatakan siya ng h*lik sa ulo."Sleep tight, Wifey," bulong nito muli na hindi na niya sinagot.Gawa na rin siguro ng pagod sa buong araw, nakatulog siya nang mahimbing.Nagising siya, tanghali na. Wala na si Rowan sa tabi niya.Magaan na ang katawan niya at hindi na rin namumula ang leeg niya.Naligo lang siya at nag-ayos. Muntik niya pang makalimutang dalhin ang metal stick niya.Sininghot niya pa ang mabangong freshener ng mansyon.Kahit pa naroon kagabi si Crisanto at Kaori, hindi naman nadungisan ng mabahong amoy ang bahay ni Rowan.Paglabas niya ng elevator, narinig niya agad ang boses ni Reed at Fox sa loob ng study room ni Rowan.Tumigil siya sa tapat no'n at dinikit ang tenga sa p*nto."Hindi pa rin ako makapaniwala na nagpapabilog ang Daddy mo sa mga Fabroa!" inis na litanya ni Fox at nang

  • Secret Wife ni Boss Rowan   SWNBR KABANATA 139

    "Sabihin mo na sa'kin kung sino," muling ulit ni Rowan at nauubos na ang pasensya niya.Napalunok si Kaori at nanatiling nakatitig kay Crisanto.Tinitimbang niya kung ilalaglag niya ba ito o hindi. Kapag nagsabi siya ng totoo, ligtas siya kay Rowan pero matatapos ang koneksyon niya kay Crisanto.Wala namang reaksyon si Crisanto at malamig lang din na tumitig. Tinatanya kung kaya bang magsinungaling para sa kanya ni Kaori. After all, sinunod lang naman niya ang gusto nito.Bumaling si Rowan sa ama niya lalo't dito nakatitig si Kaori."Is it you Dad?" simpleng tanong niya pero kumukuyom na ang kamao niya.Humalukipkip naman si Crisanto at parang walang pakialam."Of course not. Tanungin mo ulit ang Mama mo," tukoy nito kay Kaori."She's not my mother," agad na kontra ni Rowan."Fine. Ask your stepmother again, Rowan," madiing utos ni Crisanto.Tumikhim naman si Kaori at pinunasan ng palad niya ang basang mukha."H-indi ko alam. Wala akong alam. Kasama ko si Crisanto magdamag. Isa pa, h-

  • Secret Wife ni Boss Rowan   SWNBR KABANATA 138

    Hinintay naman ni Rowan na mag-react si Vivienne sa sinabi niya pero nananahimik lang ito.Hindi niya tuloy alam kung may puwang ba siya sa puso nito o wala.Parang wala yata."Narinig mo ba ang sinabi ko?" hindi na niya mapigilang tanong sa asawa.Napakurap ito muli at imbis na sagutin siya, kumuha ito ng first aid kit."Gagamutin ko na lang 'yang sugat mo para hindi ka magdeliryo sa sakit," imbis ay bigkas nito.Napatiim bagang tuloy si Rowan. Hinayaan na lang niya na hilahin siya nito pabalik sa kama.Giniya siya nito paupo. Umupo ito sa harapan niya at mas inasikaso pa ang paglalagay ng betadine sa bulak.Marahan nitong dinampihan ang sugat niya.Pinagmasdan itong mabuti ni Rowan. "Rowan," hindi mapigilang tawag ni Vivienne."Hm?"Sinulyapan niya muna ang asawa, "Tingin mo totoong asawa na ng Daddy mo si Kaori?"Bahagyang kumibot ang kilay ni Rowan bago sumagot."I don't care, Wifey—ouch!" d*ing nito matapos niyang diinan ang bulak sa sugat nito."What was that for?" nakangiwing

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status